You are on page 1of 13

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn B. Baldueza
Editor: Vivien Fajilagutan-Vinluan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph. D., Josephine Z. Macawile
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Ang Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Modyul
para sa araling Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa Ang


Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Naaayon ang mga ginagawang personal na pahayag ng misyon sa buhay na may


pagsasaalang-alang sa tama.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

A. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa buhay ng tao;

B. Napahahalagahan ang misyon sa buhay sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga


paraan ng pagkamit nito; at

C. Naipahahayag ang mga pinahahalagahan at inspirasyon sa buhay na


makakatulong sa pagkamit ng minimithi sa buhay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin at bilugan
ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat patlang sa pangungusap.

1. Ang __________ ang lilikha ng iyong patutunguhan sa buhay.


A. kaibigan C. magulang
B. kapatid D. sarili
2. Ang mabuting ___________ sa buhay ang siyang magiging bunga ng
kahahantungan ng tao.
A. paghahalintulad C. pagsisilbi
B. pagpapasya D. pangarap
3. Ang kabuuan ng hangarin ng tao sa buhay ay tinatawag na ___________.
A. hilig C. misyon
B. kilos D. pamilya
4. Kailangan ng matalinong pagbuo ng ___________ sa pag-abot ng misyon sa buhay.
A. pag-iisp C. paniniwala
B. pangarap D. plano
5. Ang bawat tao ay tinawag ng ___________ upang gampanan ang misyon na
ipinagkaloob sa atin..
A. Diyos C. kapwa
B. guro D. magulang
BALIK-ARAL

Ang pagkakaroon natin ng pag-unawa sa kahalagahan kung bakit tayo


nabuhay sa mundo ay ang dahilan upang bumuo tayo ng plano sa buhay. Dito din
nagsisimula ang pagkakaroon natin ng direksiyon na dapat nating tatahakin.
Upang lubos mong maunawaan ang landas na iyong tatahakin sa buhay, nararapat
lamang na alam mo ang nais mong marating sa hinaharap.

Ilarawan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagguhit. Ano-ano ang nais


mong makamit sa buhay? Paano mo nakikita ang sarili mo sa hinaharap?
Isulat sa loob ng kamera ang iyong sagot.

Minsan, magtatagumpay ka at minsan naman ay mabibigo. Bahagi na ito


ng buhay ng tao. Walang sinoman ang nagtatagumpay na hindi nagpaplano sa
buhay at hindi nangangarap. Kung ito ang nilarawan mo sa iyong sarili at nakikita
mo sa iyong hinaharap, hindi ka titigil hanggang hindi ito nakakamit. Kaya
magpatuloy ka lang sa paglalakbay.
Halika! Alamin mo ang mga gusto mo pang makamit sa iyong sarili.

ARALIN

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo
sa kaganapan. Ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na
ipinagkaloob sa kaniya. Ibig sabihin, tayo ay lilikha ng ating patutunguhan.
Anuman ang iyong hahantungan ay bunga ng iyong mga nagiging papapasya sa
iyong buhay.
Sa paglikha ng personal na pahayag ng misyon sa buhay, makakatulong
na magkaroon ng pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong
kasalukuyang buhay.

1. Suriin ang iyong ugali at katangian.


2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.
3. Tipunin ang mga impormasyon.
4.

Uso ngayon ang hashtag “#” sa social media.


Ito ay isang paraan upang lubos na makilala
ang iyong pahayag at madaling matiyak ang
tema at mensahe.
##
kaya ngayon naman, ilagay dito ang hashtag
para sa iyong sarili. Paano mo gustong
makilala ka sa darating na mga panahon?

Kung iyan ang hashtag mo sa iyong sarili…ano ang misyon mo sa buhay na


maaari mong magamit ang mga katangiang iyong nabanggit? At paano mo ito
maisasakatupan? Kung lubos nating kikilalanin an gating sarili tulad ng: Ano ba
ang aking kakayahan? Anong gawain ang nagpapasaya sa akin? O anong uri ng
buhay ang nais kong tahakin? Mas mabilis nating maihahanda ang atig sarili upang
maging matagumpay tayo sap ag-abot ng ating mga minimithi sa buhay.

Isipin mo ang nais mong gawin sa kasalukuyan at nais mong mangyari sa


iyong buhay sa hinaharap. Mahalaga ito upang magkaroon ng direksiyon ang pang-
araw-araw na plano sa buhay. Halimbawa, ikaw ay isang manlalaro sa basketball,
ang tuon mo ay manalo sa inyong laban. Ang iyong gagawin ay ang paghahanda sa
sarili at nararapat na gawain ng isang manlalaro, tulad ng workouts, trainings at iba
pa. Ang iyong misyon ay makatulong sa ikapapanalo ng inyong team. Ngunit, kung
ikaw ay pupunta lamang upang maglaro at walang hangarin na manalo, wala kang
paghahanda na gagawin. Ganito din ang buhay ng tao na may misyon.

Ang personal na misyon sa buhay ay maaaring magbago o mapalitan


sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
Tandaan, marami ang maaaring pagbatayan ng iyong personal na pahayag
ng misyon sa buhay. Isa sa mahalagang batayan ay ang mga taong nagbibigay
inspirasyon at gumagabay sa araw-araw.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1 Ang dahilan ng pagbuo sa aking misyon

Panuto: Magbigay ng mga pangyayari sa iyong buhay na kung saan nabuo sa iyong
isipan ang mga nais makamit para sa sarili at sa mga mahahalagang tao sa iyong
buhay. Tukuyin ang dahilan at ang nais mo para sa iyong sarili sa darating na
panahon. Hal. Noong magkasakit ang aking lola, pinangarap kong maging isang
doctor upang sa darating na araw, ako ay makakatulong sa mga maysakit.

Pansariling
karanasan

Pangarap Sa buhay

Sa buhay
Misyon na nais
gampanan

gampanan

GAWAIN 2 Pagtukoy sa mga taong kaagapay sa pagtupad ng misyon sa buhay

Panuto: Tukuyin ang mga taong gusto mong makasama sa pagtupad ng iyong
misyon at bakit sila ang dahilan ng iyong misyon sa buhay.

Pamilya: Guro:

Pangalan

Kaklase:
Kaibigan:
GAWAIN 3
Panuto: Isipin mo na ngayon ay ika-50th mong kaarawan o isa na namang
makabuluhang pangyayari sa iyong buhay. Ikaw ay tinanong tungkol sa iyong mga
nakamit sa buhay. Isaalang-alang ang mga sinasabi ng iyong pamilya, mga
kaibigan, kasamahan sa trabaho at iba pang kakilala tungkol sa mga nagawa at
nakamit mo. Ano ang nais mong maalala nila tungkol sa iyo?

Pamilya

Kaibigan Guro
PAGLALAHAT

Ang pagkakaroon ng misyon sa buhay ay hindi lamang para sa sarili kundi


sa mga taong patuloy na naniniwala sa ating kakayahan. Sila din ang mga
nagsisilbing inspirasyon sa pagkamit natin nito. Malaking bahagi ng plano ng ating
buhay ay ang mahahalagang tao na hindi tayo iiwanan tulad ng ating pamilya, mga
tunay na kaibigan, kamag-aral, guro at marami pang iba.

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang OK kung sumasang-ayon at DI-OK kung


hindi sumasang-ayon.

_____1. Kapag tumulong, dapat humingi ng kapalit.

_____2. Gawing inspirasyon ang mga taong may mabubuting kalooban.

_____3. Hindi dapat umasa sa mga kaibigan.

_____4. Ang misyon sa buhay ay dapat na pansarili lamang.

_____5. Mas nararapat ang paghahanda sa pagkamit ng misyon sa buhay.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahing mabuti ang sipi at magbigay ng saloobin at kahalagahan nito.

“Buhay na hiram dapat pahalagahan,

Talinong taglay gamitin sa kaunlaran.

Ibahagi sa kapwa nang pagpalain ng Lumalang”


PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Batay sa konsepto ng aralin ay isulat ang salitang TAMA kung ikaw ay
sumasang-ayon at MALI naman kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa bawat
pangungusap.

_____1. Ang personal na pahayag ng misyon ay pwedeng mabago o mapalitan.

_____2. Mahalaga na may taong gumagabay sa pagkamit ng misyon sa buhay.

_____3. Maaaring ibatay sa pananaw ng iba ang iyong personal na pahayag.

_____4. Ang taong may paghahanda ay may matatanggap na pagpapala.

_____5. Sa iyong paghahanda pa lamang, maaari ka nang makaranas ng


pagsubok.

_____6. Mas maagap na maisasagawa ang iyong misyon kung mamadaliin ang
iyong paghahanda.

_____7. Ang tao ay tinawag ng Diyos upang gampanan ang kanyang misyon.

_____8. May mga taong nagbibigay ng inspirasyon sa ating buhay, subalit hindi sila
dahilan ng pagtatakda ng ating misyon sa buhay.

_____9. Kung hindi maraming kahaharaping pagsubok, huwag ng ipagpatuloy ang


pag-abot sa iyong pangarap sa buhay.

____10. Nauunawaan mo ang landas na iyong tatahakin kung alam mo ang nais
mong marating sa buhay.
SUSI SA PAGWAWASTO

10.MALI 9. MALI 8. MALI 6. MALI 7. TAMA


5. TAMA 4. TAMA 3. MALI 1. TAMA 2. TAMA
Panapos na Pagsusulit

Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.


Pagpapahalaga

5. OK 4. Di-OK 3. Di-OK 2. OK 1.Di-OK


Paglalahat

Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.


Mga Pagsasanay

Naaayon sa mga pansariling pangarap ng mag-aaral sa hinaharap.


Balik-Aral

5. A 4. D 3. C 1. D 2. B
Paunang Pagtataya

SANGGUNIAN
Edusisters. (n.d.). Classroom and Personal Mission Statements. Retrieved from
https://www.teacherspayteachers.com/Product/Classroom-and-Personal-
Mission-Statements-3326495
Gayola, S., Guevara, G., Bontia, M., Rivera, S., Celeste, E., Leano, M.,… & Alagbate,
N. (2015). Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. L.B. Peralta (Ed.).
Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para sa Mag-aaral (pp. 232-250).

Mga Larawan, hinango sa:


https://www.dreamstime.com/adorable-cute-children-childhood-cartoon-black-
white-girl-boy-school-students-wearing-backpack-happy-vector-
image153497950
https://www.dreamstime.com/kids-friends-playing-smiling-cartoons-black-white-
groups-ball-image152901478
https://www.dreamstime.com/stock-illustration-teacher-teaching-class-coloring-
book-page-classroom-pointing-stick-blackboard-black-white-illustration-
image92854635
https://www.vectorstock.com/royalty-f

You might also like