You are on page 1of 34

7

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
Linggo 3 at 4 - Modyul 9
Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
Linggo 3 at 4 - Modyul 9
Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP


Junior High School sa Dibisyon ng Misamis Occidental. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna
at mungkahi sa deped_misocc@yahoo.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternatibong Mode ng Paghahatid
Ikatlong Markahan, Linggo 3 at 4 – Modyul 9: Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales
na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat: Aity B. Cagampang, Joan L. Malagum, Felmar M. Cardanio, Maribel M. Cardanio,
Fedila V. Quiano, Virginia M. Cajan, Jessyl T. Garcia

Mga Tagasuri: Ricardo A. Estrallada at Russel C. Tamina

Ilustrador at Tagadisenyo: Arnello S. Medina Jr.

Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Mga Miyembro Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187, E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 9 ukol sa Hirarkiya Ng Pagpapahalaga. Ang modyul na ito ay
ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o reyalidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Isaalang-alang ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin …………………………………………………………….. 1

Subukin …………………………………………………………… 2

Balikan ……………………………………………………………. 5

Tuklasin …………………………………………………………... 6

Linangin .................................................................................. 8

Suriin ……………………………………………………………… 11

Pagyamanin ……………………………………………………… 15

Isaisip …………………………………………………………….. 17

Isagawa ………………………………………………………….. 18

Buod ....................................................................................... 22

Tayahin …………………………………………………………... 23

Susi sa Pagwawasto …………………………………………... 26

Sanggunian ……………………………………………………... 27
Modyul

9 Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Alamin

Ano-ano ba ang mahalaga sa isang


kabataang katulad mo? Maaaring pagkain,
hangin, buhay, pag-aaral, magulang o
kaibigan, gadgets at marami pang ibang
bagay na para sa sarili mong pananaw ay
mahalaga. Ang tanong, tama ba ang iyong
pinahahalagahan? Isa pang tanong na
magdadala sa iyo sa malalim na pag-iisip:
tama nga bang mas bigyan ng halaga ang
pera kaysa pamilya? ang sarili kaysa kapuwa? ang kapuwa kaysa sa Diyos?
Sa pagsagot sa ganitong mga tanong, mahalagang maunawaan at may
kamalayan ka tungkol dito.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
10.1. Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga
halimbawa nito EsP7PBIIIc-10.1
10.2. Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa Hirarkiya
nga mga Pagpapahalaga ni Max Scheler EsP7PBIIIc-10.2
10.3. Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya
ng mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng
ating pagkatao EsP7PBIIId-10.3
10.4. Naisasagawa ang paglapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas
ang antas ng kaniyang mga pagpapahalaga EsP7PBIIId-10.4

1
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa PagpapakataoBaitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 201.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa


kuwaderno ang pinakaangkop na sagot.
1. Ano ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga na tumutukoy sa pagbibigay-halaga
sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at
mga bagay na maituturing na luho lamang?
A. Pandamdam na pagpapahalaga
B. Ispiritwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalaga
D. Banal na pagpapahalaga
2. Bakit tinatawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng
Pagpapahalaga?
A. Ang puso ng tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling katwiran na
maaaring hindi mauunawaan ng isip.
B. Ang puso ng tao ang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at
hindi kailanman ang isip
C. Ang puso ng tao ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maintindihan
D. Ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian.
3. Si Rey ay maagang nag-asawa at walang trabaho. Pinapadalhan siya ng
pera ng kaniyang mga magulang na naninirahan sa ibang bansa. Wala
siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kaniyang mga kaibigan,
uminom at magsugal. Kung ikaw si Rey ano ang gagawin mo?
A. Suriin ko kung anong antas ng pagpapahalaga ang pagwaldas ko ng
pera para maituwid ko ito.
B. Ipagpatuloy ko ang pagbabarkada dahil lagi namang nagpapadala ng
pera ang mga magulang ko.
C. Iwasan ko na ang pagbabarkada upang ang pamilya ko at ako na lang
ang laging lalabas at mag-enjoy.
D. Mag-isa na lang akong lalabas palagi at gagastos sa mga gusto ko
para hindi agad maubos ang pera.

2
4. Ang sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng pagpapahalaga
maliban sa:
A. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung tumatagal at hindi nababago
ng panahon.
B. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay nagiging batayan ng
iba pang pagpapahalaga.
C. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay personal sa mismong
taong nakararamdam nito.
D. Kahit dumarami pa ang nagtataglay ng pagpapahalaga mahirap pa ring
mabawasan ang kalidad nito.
5. Sino ang may uri ng pamumuhay na halimbawa ng Ispiritwal na Antas ng
Pagpapahalaga?
A. Si Alxen na tinuturuang magbasa ang mga batang kalye.
B. Si Almira na laging top 1 sa kanilang klase
C. Si Nena na mahilig sa paglalaro ng gadgets
D. Si Cristy na miyembro ng isang banda
6. Alin ang wastong pagkasunud-sunod ng mga antas ng pagpapahalaga na
isaalang-alang mo sa iyong pamimili ng kilos?
A. Pandamdam, Pambuhay, Ispiritwal, Banal
B. Banal, Pambuhay, Pandamdam, Ispiritwal
C. Pambuhay, Pandamdam, Banal, Ispiritwal
D. Pambuhay, Pandamdam, Ispiritwal, Banal
7. Ano ang antas ng pagpapahalaga ang pagsikapang abutin mo sa iyong
mga pagkilos bilang tunay na tao?
A. Pambuhay na pagpapahalaga B. Banal na pagpapahalaga
C. Ispiritwal na pagpapahalaga D. Pandamdam na pagpapahalaga
8. Bakit mahalagang maunawaan mo na may mababa at mataas na antas
ang pagpapahalaga ng tao?
A. Upang maiayon sa tamang direksiyon sa buhay bilang tao ang pipiliin mong
kilos.
B. Upang maiayon sa pagtingin sa iyo ng ibang tao ang iyong pagpili ng mga
kilos.
C. Upang maiayon sa kung ano ang magpapasaya sa iyo ang iyong pipiliing

3
kilos.
D. Upang maiayon sa kagustuhan mo lamang ang iyong gagawing kilos.
9. Ang paghubog sa pagkatao ng tao upang makamit ang mas mataas na
pagpapahalaga ay nakasalalay sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
kahandaan na pumili nang tama. Sa alin ito dapat nakababatay?
A. Sa sinasabi ng mga tao B. Sa sariling pananaw
C. Sa pagiging moral na tao D. Sa masarap na pakiramdam
10. Kahit palaging nasa Top 1 ng klase si Cherry, pinili niyang maglaan ng
panahon sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Ini-iskedyul niya ang pag-
aaral sa mga asignatura at ang paggawa ng mga gawaing bahay.
Ibinabahagi niya ang kaniyang pagkain sa kaniyang mga nakababatang
kapatid. Nakahanda siyang laging sundin ang kagustuhan ng Diyos na
maglingkod sa pamilya at sa kapuwa na walang hinihintay na anomang
kapalit. Nasa anong antas ng pagpapahalaga si Cherry?
A. Banal na pagpapahalaga B. Ispiritwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalag D. Pandamdam na pagpapahalaga

Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” September 17, 2018, 1-2.

4
Balikan

Bago magpatuloy sa kasalukuyang modyul, alamin mo muna kung


anong pagkatuto ang baon mo mula sa Modyul 8. Lagyan ng tsek (√) ang
loob ng parisukat bago ang bilang sa tsart sa ibaba kung nakatutulong ang
pag-aaral mo sa Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud sa iyong
pagpapakatao at ekis (Х) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno sa
EsP.

Katangian ng Isang Taong may


Pagpapahalaga at Birtud
□ 1. May karunungang taglay
□ 2. May pagsasabuhay sa mga birtud
□ 3. May pagsang-ayon sa tamang gawain
□ 4. May mapanagutang pagpapasiya
□ 5. May moral na pagpapahalaga

Iyong naunawaan sa pag-aaral mo sa naunang modyul ang


kahalagahan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud. Ito ay
magpauunlad ng iyong buhay bilang isang nagdadalaga/nagbibinata. Sa
modyul na ito, matuklasan mo kung ano ang hirarkiya ng pagpapahalaga na
makatutulong sa iyong patuloy na paghubog sa iyong sarili tungo sa pagiging
moral na tao.
Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong
na: Bakit mahalaga na ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa
hirarkiya ng mga pagpapahalaga?

Handa ka na bang simulan ang Ikatlong Linggo ng iyong pag-aaral sa


Ikatlong Markahan ng EsP Baitang 7? Inaasahan na matutuhan mo sa
Linggong ito ang mga Kasanayang Pampagkatuto 10.1 at 10.2 na nakikita
mo sa ibaba ng bahaging Alamin? Kaya, tayo na!

5
Tuklasin

Gawain 1
Panuto: Nakadepende ang pagtingin mo sa mga bagay sa iyong buhay sa
iba’t ibang antas ng pagpapahalagang ibinibigay mo sa mga ito. Alam
mo na ba ito?
1. Tuklasin mo ang isang halimbawa ng pagpapahalaga sa tulong ng
isang awit sa ibaba.
2. Tukuyin mo kung nasa mababa o nasa mataas na antas ng
pagpapahalaga ang halimbawang ito sa tulong ng mga linya ng awit.
3. Isaalang-alang kung gaano kakailangan ito sa buhay ng tao upang
matukoy kung aling antas ng pagpapahalaga ito nabibilang.
4. Gamitin ang video nito mula sa Youtube:
https://www.youtube.com/watch?v =hSfad 5ky4TA
5. Sumabay sa pagkanta habang pinakikinggan mo ito.

Gugma Ang Gikinahanglan Ta


4th Cebu Popular Music Festival - 1984
Kompositor at umawit: Manuel Q. Lapingcao

Gugma ang gikinahanglan ta, gugma alang sa usag-usa


Wala nay laing panahon, ihatag na karon.

Himua nga mahigala ka sa matag tawo nga makita mo


Ang kalinaw maangkon ra ning kalibutan ta.

Gugma ang gikinahanglan ta, ang pagpangdaot hununga na


Kay managsama kitang tanan, minugna sa Amahan.

Gugma ang gikinahanglan ko, gugma sab ang kinahanglan mo


May kasingkasing kitang duha nga mubati ug gugma

Ang dugo sa atong kaugatan, ang bulok niini managsama man


Ang hangin nga gihanggap mo, mao sab ang gihanggap ko.

6
Busa ihatag na ang gugma mo, ang panagdait ihatag ko
Kay ang gituohan nimong Dios, mao sab ang Ginoo ko.

Gugma ang gikinahanglan ta, ang pagpangdaot hununga na


Kay managsama kitang tanan, minugna sa Amahan.

Gugma ang gikinahanglan ko, gugma sab ang kinahanglan mo


May kasingkasing kitang duha nga mubati ug gugma.

Ayaw kalimot nga ang imong kinabuhi lumalabay sama sa bulak kini malarag
Ayaw kalimti ang sugo ni Bathala, “Magminahalay, maghigugmaay.”

Gugma ang gikinahanglan ko, gugma sab ang kinahanglan mo


May kasingkasing kitang duha nga mubati ug gugma

Mubati ug gugma . . . . . .

1. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Ano ang halimbawa ng pagpapahalaga ang nasa pamagat ng awit?
b. Ano ang mensahe ng awit tungkol sa gugma o pagmamahal para
sa lahat ng tao?
c. Nasa mababa ba o nasa mataas na antas ng pagpapahalaga ang
gugma o pagmamahal? Ipaliwanag.
d. Sa palagay mo, ano-anong linya ng awit ang nagpapakita na nasa
mataas na antas ng pagpapahalaga ang gugma o pagmamahal?
e. Para sa iyo, kailan maituturing na ang pagpapahalga ng tao ay
nasa mababang antas? Kailan naman ito maituturing na nasa
mataas na antas? Ipaliwanag.
f. Bakit kailangang isabuhay ng lahat ng tao ang gugma o
pagmamahal?
g. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, paano mo ito maisabuhay?

7
Linangin
Gawain 2a
Panuto: Nakadepende ang gamit ng isang bagay sa halagang ibinibigay rito
ng tao. Ikaw, ano-anong mga bagay ang pinahahalagahan mo?
1. Suriin kung nasa aling antas ng pagpapahalaga ang mga bagay na
pinahahalagahan mo sa buhay.
2. Iranggo mo ang walong bagay na nasa loob ng kahon ayon sa antas o
lebel ng pagpapahalaga mo sa bawat isa nito.
3. Simulan mo kung alin para sa iyo ang bagay na nasa mas mababang
pagpapahalaga hanggang sa bagay na nasa pinakamataas na
pagpapahalaga.
4. Ilagay mo sa bilang Walo ang bagay na para sa iyo ay pinakamababa ang
pagpapahalaga mo rito at pataas ng pataas hanggang sa maisulat mo sa
bilang Isa ang bagay na pinakamataas ang pagpapahalaga mo.
5. Isulat sa unang kolum sa ibaba ng kahon ang mga bagay na niraranggo mo.
6. Isulat sa ikalawang kolum ang naging dahilan mo sa pagpili kung alin ang
mas mababang pagpapahalaga hanggang sa pinakamataas na
pagpapahalaga. Gawin ito sa kuwaderno.
Pananampalataya, kaibigan, pagtulong sa kapwa, cellphone,
pagmamahal, pera, edukasyon, pamilya

Narito kung paano mo gawin:

Mga Bagay Dahilan ng Pagraranggo

Halimbawa:

1. pananampalataya - Ang pananampalataya ko sa Diyos


ang nagbigay sa akin ng karunungan
paano ilagay sa tamang lugar ang
paggamit ng mga bagay sa buhay ko
kasama na rito ang ugnayan ko sa sarili,
pamilya at kapwa. Kaya, ito ang
pinakamahalaga sa akin at siyang nasa
pinakamataas na ranggo.

2.

8
3.

4.

5.

6.

7.

Halimbawa:
Hindi ito ang pinakakailangan ko sa
buhay kay nasa pinakababa na ranggo
8. cellphone ito

O, kumusta ka sa puntong ito? Ano ang natuklasan mo sa mga bagay


na pinahahalaghan mo sa iyong buhay? Ano ang naramdaman? O sige,
dumako na sa kasunod na gawain.

Gawain 2b

Panuto:

1. Ngayon, mula sa walo na niranggo mo ay pipili ka na lamang ng apat


na iyong ititira.
2. Iranggo uli ang itinitira mong apat.
3. Suriin ang antas o lebel ng pagpapahalaga mo sa apat na ito.
4. Ipaliwanag kung bakit mas mahalaga ang ikatlo kaysa sa ikaapat, mas
mahalaga ang ikalawa kaysa sa ikatlo at pinakamagalaga ang una
kaysa sa ikalawang pagpapahalaga mo.
5. Isulat ang mga ito sa loob ng hagdang parisukat sa ibaba. Gabay mo
ang halimabawa.

9
Halimbawa:
Pananampalataya-
pinakamahalaga ito sa
akin dahil ang Diyos ang
Halimbawa: gabay ko sa aking
Pagmamahal –mas pagmamahal sa sarili,
mahalaga dahil dito pamilya at kapuwa. Siya
galing ang buong ang hinahandugan ko sa
Halimbawa: puso kong paggawa lahat ng ginagawa ko sa
Pamilya-mas ng mga bagay para aking buhay.
mahalaga dahil sila sa pamilya at kapuwa
ang suporta ko sa ko
Halimbawa: aking mga
Pagtulong sa ginagawang
kapuwa pagtulong sa kapuwa

Ngayon, ikaw naman:

5. Pagkatapos, sagutin mo ang sumusunod na tanong:


a. Naging madali o mahirap ba sa iyo ang pagpili at pagranggo gamit ang
hagdan ng sariling pagpapahalaga mo? Ipaliwanag.
b. Ano ang natutuhan mo mula sa ginawa mong hagdan ng iyong sariling
pagpapahalaga batay sa Hirarkiya nga mga Pagpapahalaga ni Max
Scheler? Ipaliwanag.
c. Bakit mahalagang matutuhan ng tao ang mamili ng tamang
pahahalagahan sa buhay?

Ngayon, handa ka na sa Ikaapat na Linggo ng iyong pag-aaral para sa


mga Kasanayang Pampagkatuto 10.3 at 10.4 na nakikita mo sa ibaba ng
bahaging Alamin. O, ano pang hinihintay mo? Simulan mo na!

10
Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin


ang mga tanong sa Pagyamanin.

Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Ayon kay Max Scheler may Limang Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga.
Una, Mas tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga kung
ihahambing sa mababang mga pagpapahalaga. Halimbawa, Ang paggastos
ng pera upang ibili ng aklat ay mas mataas kaysa sa ipambili ito ng pagkain.
Mas tumatagal ang kaalaman na makukuha sa aklat kaysa sa kasiyahan ng
pisikal na katawan dahil sa pagkain. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na
antas kung hindi ito kailanman mababago ng panahon (timelessness or ability
to endure).
Ikalawa, mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga.
Kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito.
Halimbawa, ang pagpapahalaga ng materyal na bagay ay lumiliit habang
nahahati ito, ngunit ang pagpapahalaga sa karunungan ay hindi
nababawasan kahit pa mahati ito o ipamahagi sa napakaraming tao. Ang
pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung sa kabila ng pagpasalin-salin
nito sa napakaraming henerasyon, napananatili ang kalidad nito (indivisibility).
Ikatlo, mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng
iba pang mga pagpapahalaga. Ito ay nagiging batayan ng iba pang mga
pagpapahalaga.Halimbawa, ang isang tao na nagtatrabaho sa ibang bansa
na tinitiis ang lungkot, pangungulila at labis na pagod upang kumita nang
sapat na salapi; ginagawa niya ito upang mapagtapos sa pag-aaral ang
kaniyang anak. Para sa kaniya, mas mataas na pagpapahalaga ang
mapagtapos ang kaniyang anak sa pag-aaral kaysa sa kaniyang
pagsasakripisyo at pagod.

11
Ikaapat, may likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang
lalim ng kasiyahang nadarama sa pagkamit nito. Sa madaling salita, mas
malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng pagpapahalaga, mas
mataas ang antas nito. Halimbawa, mas malalim ang kasiyahan ng pagsali sa
isang prayer meeting kaysa sa paglalaro ng basketball (depth of satisfaction).
Ikalima, ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi
ito nakabatay sa organismong nakararamdam nito. Halimbawa, Si Roselle
Ambubuyog ang kauna-unahang bulag na mag-aaral ng Ateneo University na
nakakuha ng pinakamataas na karangalan bilang Summa Cum Laude sa
kursong BS Mathematics. Hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan
upang siya ay
makatapos ng pag-aaral. Ang kaniyang pagnanais na magtagumpay sa
kaniyang larangan ay higit na mataas kaysa sa kaniyang pisikal na
kapansanan.
Mula sa mga nabanggit na mga prinsipyo, nabuo ni Scheler ang
Hirarkiya ng Pagpapahalaga.Tinawag niya ito na “ordo amoris” o order of the
heart. Sinasabi niyang ang ganitong hirarkiya ng pagpapahalaga ay hindi
ganap na mauunawaan lamang ng isip. Naniniwala siyang ang “puso” ng tao
ay kayang magbigay ng kanyang sariling katuwiran na maaaring hindi
mauunawaan ng isip.

Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler


1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga(Sensory Values). Ito ay
itinuturing na nasa pinakamababang antas
ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang nagdudulot ng
kasiyahan sa pandamdam ng tao.
Kasama dito ang pagbibigay-halaga sa
mga bagay na tumutugon sa pangunahing
pangangailangan ng tao tulad ng pagkain,
tubig, damit, tirahan at iba. Kasama rin sa
mga pagpapahalagang ito yaong mga bagay na maituturing lamang na
rangya o luho ng isang tao, katulad ng mamahaling alahas, magarang

12
sasakyan o mamahaling mga bag at sapatos na labis na hinahangad ng ilang
mga tao.
2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga
pagpapahalagang may kinalaman sa
mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
Halimbawa, mahalaga sa tao ang
makapagpahinga kung siya ay pagod dahil
ito ang makapagpapabuti sa kaniyang
pakiramdam. Ang kumain ng
masustansiyang pagkain upang matiyak na
siya ay malusog at hindi magkakasakit.
Mahalaga sa atin na may makausap na
taong mahalaga sa atin upang mabawasan ang ating kalungkutan. Ang lahat
ng nabanggit ay mga bagay na pinahahalagahan ng tao upang masiguro niya
ang kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.

3. Mga Ispiritwal na
Pagpapahalaga (Spiritual
Values). Maituturing na mas
mataas ang pagpapahalaga nito
kaysa sa dalawang unang
nabanggit. Ang pagpapahalagang
ito ay tumutukoy sa mga
pagpapahalagang para sa
kabutihan, hindi ng sarili kundi ng
mas nakararami. May tatlong uri
ito:
a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values).

b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)


c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala
sa katotohanan (value of full
cognition of truth)
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy

13
Values). Pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga. Tumutukoy
ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang
kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos. Ang pagkilos tungo
sa kabanalan ang katuparan ng kaganapan hindi lamang ng materyal na
kalikasan ng tao kundi maging ng kaniyang ispiritwal na kalikasan.
Sa mga gawaing maituturing ng konsensya bilang mabuti, nakikita na
mas pinipili ang mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababang
pagpapahalaga o positibong pagpapahalaga kaysa negatibong
pagpapahalaga. Sa kabilang banda, maituturing na masama ang isang
gawain kung mas piniling gawin ang mas mababa kaysa sa mataas na
pagpapahalaga o negatibong pagpapahalaga kaysa sa positibong
pagpapahalaga.
Sa kabilang banda, maituturing na masama ang isang gawain kung
mas piniling gawin ang mas mababa kaysa sa mataas na pagpapahalaga o
negatibong pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalaga. Halimbawa:
ang paninigarilyo lalo na sa isang kabataang katulad mo ay maaaring
nagdudulot ng kasiyahan sa pakiramdam at pagtanggap mula sa iba pang
mga kabataan. Ngunit maituturing bang mas mataas na pagpapahalaga ang
kasiya-siyang pakiramdam at pagtanggap kaysa sa pagpapahalaga sa
sariling katawan na itinuturing na templo ng Diyos? Isa pang halimbawa:
Masama ang pandaraya sa pagsusulit (cheating) dahil pinili ang negatibong
pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalagang katapatan. Sa
kabilang dako, may mga taong ibinubuwis ang sariling buhay dahil sa
paglilingkod sa kaniyang kapwa na nangangailangan. Halimbawa nito ay ang
batang si Rhona Mahilum na noon ay pitong taong gulang na sinagip ang
mga kapatid sa nasusunog nilang bahay. Kahit nailagay ang sarili sa
panganib ay nananatili pa ring mabuti ang kaniyang gawain dahil mas mataas
ang pagpapahalaga sa pagtulong sa kapwa kaysa sa sarili.

Ang pananaig ng paggawa ng mabuti, na nangangahulugan ng pagpili


ng mas mataas na mga pagpapahalaga, laban sa masama, ang
nakapagpapataas sa pagkatao ng tao. Ayon kay Manuel Dy, hindi dapat
kalimutan ang pagiging obhektibo ng pagpapahalaga. Maaaring hindi

14
magtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang pagpapahalaga; ngunit
hindi nito mababago ang pagpapahalaga lalo na yaong nasa mas mataas na
antas. Ngunit sa ganitong mga pagkakataon, hindi nasisira ang
pagpapahalaga kundi ang taong hindi tumugon dito. Katulad na lamang ng
halimbawa ng kahalagahan ng kalusugan. Hindi man ito pahalagahan ng
isang kabataang patuloy na naninigarilyo, hindi niya masisira ang
kahalagahan ng kalusugan kundi ang buhay niya ang kanyang sinisira dahil
sa kanyang paninigarilyo.
Sa pagbuo ng pagkatao ng tao at sa pagkamit ng mas mataas na mga
pagpapahalaga, mahalagang malinaw sa iyo na nakasalalay ito sa
pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan na pumili ng tama at batay
sa mga moral na prinsipyo. Ikaw, nakahanda ka na ba?

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin ng Hirakiya ng


Pagpapahalaga.
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim
ng iyong naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong
kuwaderno:
1. Sa ano-anong antas nabibilang ang iyong mga pinahahalagahan?
2. Saan nakasalalay ang pagbuo ng pagkatao ng tao at pagkamit ng mataas
na mga pagpapahalaga? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang ibatay ang isasagawang pamimili ng pahahalagahan sa
Hirarkiya ng Pagpapahalaga?
4. Paano mo masasabing ang isang pagpapahalaga ay mataas kaysa sa isa
pang pagpapahalaga?
5. Sa gagawing kilos ng tao, bakit kailangang piliin ang pagpapahalaga na
nasa mas mataas na antas kaysa nasa mababang antas, piliin ang mabuti
kaysa masama at piliin ang positibo kaysa negatibong pagpapahalaga?

15
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 207-211.

Gawain 3b: Paghinuha ng Batayang Konsepto


Panuto:
1. Buuin ang Batayang Konsepto sa ibaba. Punan ang mga patlang ng
angkop na sagot. Pumili ng sagot mula sa kahon. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.
2. Gamiting gabay ang Mahalagang Tanong na: Bakitmahalaga na ang
piniling uri ng pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng mga pagpapahalaga?

gabay uri hirarkiya pag-unlad pagpapahalaga

Ang piniling ____ ng _____________ batay sa ___________ ng mga


pagpapahalaga ay _______ sa makatotohanang __________ ng ating
pagkatao.

Isaisip

Gawain 4: Pagninilay
Panuto: Nais mo bang mapatatag ang natutuhan mo sa modyul na ito?
Halika na, mag-journal na!

16
1. Isulat sa journal ang iyong pagninilay sa mga natutuhan mo sa aralin.
2. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba.

Ang Aking Pagninilay

Pangalan: Seksiyon: Petsa:

A. Mga mahalagang konsepto o ideya na aking natutuhan tungkol


sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga

1.

2.

B. Mga natuklasan ko sa aking sarili ukol sa aking mga


pinahahalagahan sa buhay

1.

2.

C. Paano ko maisasabuhay ang aking mga natutuhan mula sa


aralin:

D. Ang aking komitment para malinang (develop) ko ang aking


sarili sa pagsasabuhay ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Narito ang Rubriks para sa Pagsusuri ng Pagninilay sa Gawain 5:


5- Malinaw ang ipinarating na mensahe ng pagninilay.
4- Maayos na naisulat ang pagninilay ngunit may isa hanggang dalawang
punto na hindi malinaw na naiparating.
3- Mayroong mahigit na tatlong punto na hindi malinaw ang mensahe at hindi
maayos ang pagkakasulat.
2- Mayroong mahigit sa limang punto na hindi maayos ang pagkakasulat at
hindi malinaw ang mensahe.
1- Walang nagawang pagninilay

17
Isagawa

Gawain 5: Pagganap
Panuto: Hindi ba’t ipinauunawa sa iyong lubos sa bahaging Suriin
kung bakit nararapat na ibatay ang iyong mga pipiliing
pagpapahalaga sa Hirakiya ng Pagpapahalaga? Pinatatatag
mo ang pag-unawang ito sa bahaging Pagyamanin at
pinagninilayan mo ang iyong nauunawaan sa Bahaging
Isaisip. Ngayon, panahon nang gawin mo ang mga gawain sa
pagsasabuhay ng iyong mga pagkatuto. Unahin mo ang
Pagganap nito. Gamitin mo ang iyong kwaderno para rito.

1. Gumawa ka ng sarili mong hagdanan ng pagpapahalaga batay sa


Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler. Tukuyin mo kung
aling antas nabibilang ang mga pagpapahalaga sa buhay mo
ngayon bilang nagdadalaga/nagbibinata.
2. Tukuyin mo ang iyong mga pagpapahalagang nabibilang sa
mababang antas, ang Pandamdam. Isulat ang mga ito sa loob ng
unang baitang sa kaliwa ng paakyat na mga hagdanan sa ibaba.
3. Isunod mo ang iyong mga pagpapahalagang nabibilang sa mataas
na antas, ang Pambuhay. Isulat ang mga ito sa loob ng ikalawang
paakyat na baitang ng mga hagdanan.
4. Isunod mo naman ang iyong mga pagpapahalagang nabibilang sa
mas mataas na antas, ang Ispiritwal. Isulat ang mga ito sa loob ng
ikatlong paakyat na baitang ng mga hagdanan.
5. Isunod mong panghuli, ang ang iyong mga pagpapahalagang
nabibilang sa pinakamataas na antas, ang Banal. Isulat ang mga ito
sa loob ng pinakataas o pinakatuktok na baitang ng mga hagdanan.
6. Gamitin mo ang pormat sa ibaba at gawin mong gabay ang ibinigay
na mga halimbawa.

Halimbawa:

18
Banal

Pagdarasal,
Ispiritwal pagsali sa prayer
meetings,
pagtulong na di
Pambuhay Pagtulong sa naghihintay ng
nangangaila- kapalit
ngan,
Pandamdam Magulang, pagbuboluntaryo
kaibigan, sa paaralan
pag-aaral,
Cellphone, kalusugan
damit, pera,
pagkain,

Ngayon, ikaw naman! Banal

Ispiritwal

Pambuhay

Pandamdam

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 2013.

Narito ang rubriks ng pagtataya ng output sa Gawain 5:


5 - Makatotohanan, tiyak, malinaw at angkop ang mga isinulat na mga
pagpapahalaga sa buhay sa bawat baitang ng hagdanan
4 - May tatlo sa apat na kraytirya na nabanggit mula sa makakuha ng limang
puntos

19
3 - May dalawa sa apat na kraytirya na nabanggit mula sa makakuha ng
limang puntos
2 - May isa sa apat na kraytirya na nabanggit mula sa makakuha ng limang
puntos
1 - Wala sa apat na kraytirya na nabanggit mula sa makakuha ng limang
puntos

Binabati kita! Nakagawa ka na ng hagdan ng sariling pagpapahalaga


batay sa Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ni Max Scheler. Maari ka nang
magpatuloy sa Gawain na Pagsasabuhay.

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto: May isang hakbang pa na gagawin mo upang mapataas ang antas
ng iyong mga pagpapahalaga at mapatatag mo ang iyong sarili sa
pagpili ng mas mataas na antas ng pagpapahalaga kaysa mababang
antas ng pagpapahalaga.
1. Gumawa ng pagtatala sa aktwal na ginagawa mong pagpili mula sa
dalawang pamimiliang pagpapahalaga. Gagawin mo ito araw-araw sa loob
ng dalawang linggo. Layon nitong sanayin ka na maging maingat at
mapagbantay sa pagpili ng mas mataas na pagpapahalaga kaysa
mababang pagpapahalaga.
2. Itala sa unang kolum ang mga petsa at araw ng iyong pagsasanay.
3. Isulat sa ikalawang kolum ang dalawang pamimiliang pagpapahalagang
kinahaharap mo sa araw na nasa unang kolum.
4. Isulat sa ikatlong kolum ang pinili mong mas mataas na pagpapahalaga
kaysa mababang pagpapahalaga. Maging tapat sa iyong sagot.
5. Isulat naman sa ikaapat na kolum ang naging damdamin mo sa iyong
nagawang pagpili ng mas mataas na pagpapahalaga.
6. Isulat din sa ikalimang kolum ang dahilan ng iyong naramdaman sa iyong
napiling mas mataas na pagpapahalaga
7. Gamiting gabay ang pormat at ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa:
Sa Mas Mataas na Pagpapahalaga Ako!

20
Petsa/Araw Mga Pamimiliang Piniling Mas Naging Dahilan ng
Pagpapahalaga Mataas na Damdamin Naramdaman Ko
Pagpapahalaga Ko
Lunes Makipaglaro sa Binantayan ang Nag-enjoy Naka-bonding ko
kaibigan o sanggol na ang sanggol na
bantayan ang kapatid dahil may kapatid ko at
sanggol na pinuntahan ang nakatulong ako sa
kapatid dahil may nanay ko nanay ko.
pupuntahan ang
nanay ko
Martes Mag-aral ng Mag-aral ng Masaya Mas naunawaan
leksyon o leksyon ko ang aming
manood ng leksyon kaya’t
paboritong handa ako sa
teleserye pagsusulit na
maaaring ibigay
ng aming guro
Myerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

Ngayon, ikaw naman!


Sa Mas Mataas na Pagpapahalaga Ako!
Petsa/Araw Mga Pamimiliang Piniling Mas Naging Dahilan ng
Pagpapahalaga Mataas na Damdamin Naramdaman
Pagpapahalaga Ko Ko
Lunes

Martes

Myerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

Narito ang Rubriks ng pagtataya ng Output sa Gawain 6:

21
5 - Makatotohanan, tiyak, malinaw at angkop ang isinulat sa mga kolum para
sa piniling mas mataas na pagpapahalaga kaysa mababang
pagpapahalaga
4 - May tatlo sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat sa mga kolum
3 - May dalawa sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat sa mga kolum
2 - May isa sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat sa mga kolum
1 - Wala sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat sa mga kolum

Buod

Ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga


pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa


kuwaderno ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Sino ang may uri ng pamumuhay na halimbawa ng Ispiritwal na Antas ng


Pagpapahalaga?

22
A. Si Alxen na tinuturuang magbasa ang mga batang kalye.
B. Si Almira na laging top 1 sa kanilang klase
C. Si Nena na mahilig sa paglalaro ng gadgets.
D. Si Cristy na miyembro ng isang banda
2. Ang paghubog sa pagkatao ng tao upang makamit ang mas mataas na
pagpapahalaga ay nakasalalay sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
kahandaan na pumili nang tama. Sa alin ito dapat nakababatay?
A. Sa sinasabi ng mga tao
B. Sa sariling pananaw
C. Sa pagiging moral na tao
D. Sa masarap na pakiramdam
3. Ang sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng pagpapahalaga
maliban sa:
A. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung tumatagal at hindi
nababago ng panahon.
B. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay nagiging batayan ng
iba pang pagpapahalaga.
C. Mataas antas ng pagpapahalaga kung ito ay personal sa mismong
taong nakararamdam nito.
D. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng pagpapahalaga mahirap pa
ring mabawasan ang kalidad nito.

4. Ano ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga na tumutukoy sa pagbibigay-halaga


sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at
mga bagay na maituturing na luho lamang?
A. Pandamdam na pagpapahalaga
B. Ispiritwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalaga
D. Banal na pagpapahalaga

23
5. Kahit palaging nasa Top 1 ng klase si Cherry, pinili niyang maglaan ng
panahon sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Ini-iskedyul niya ang pag-
aaral sa mga asignatura at ang paggawa ng mga gawaing bahay.
Ibinabahagi niya ang kaniyang pagkain sa kaniyang mga nakababatang
kapatid. Nakahanda siyang laging sundin ang kagustuhan ng Diyos na
maglingkod sa pamilya at sa kapuwa na walang hinihintay na anomang
kapalit. Nasa anong antas ng pagpapahalaga si Cherry?

A. Banal na pagpapahalaga
B. Ispiritwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalag
D. Pandamdam na pagpapahalaga

6. Bakit tinatawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng


Pagpapahalaga?
A. Ang puso ng tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling katwiran na
maaaring hindi mauunawaan ng isip.
B. Ang puso ng tao ang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan
at hindi kailanman ang isip
C. Ang puso ng tao ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maintindihan
D. Ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian.

7. Alin ang wastong pagkasunud-sunod ng mga antas ng pagpapahalaga na


isaalang-alang mo sa iyong pamimili ng kilos?
A. Pandamdam, Pambuhay, Ispiritwal, Banal
B. Banal, Pambuhay, Pandamdam, Ispiritwal
C. Pambuhay, Pandamdam, Banal, Ispiritwal
D. Pambuhay, Pandamdam, Ispiritwal, Banal

8. Si Rey ay maagang nag-asawa at walang trabaho. Pinapadalhan siya ng


pera ng kaniyang mga magulang na naninirahan sa ibang bansa. Wala
siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kaniyang mga kaibigan,
uminom at magsugal. Kung ikaw si Rey ano ang gagawin mo?
A. Suriin ko kung anong antas ng pagpapahalaga ang pagwaldas ko ng
pera para maituwid ko ito.

24
B. Ipagpatuloy ko ang pagbabarkada dahil lagi namang nagpapadala ng
pera ang mga magulang ko.
C. Iwasan ko na ang pagbabarkada upang ang pamilya ko at ako na lang
ang laging lalabas at mag-enjoy.
D. Mag-isa na lang akong lalabas palagi at gagastos sa mga gusto ko
para hindi agad maubos ang pera.
9. Bakit mahalagang maunawaan mo na may mababa at mataas na antas
ang pagpapahalaga ng tao?
A. Upang maiayon sa tamang direksiyon sa buhay bilang tao ang pipiliin
mong kilos.
B. Upang maiayon sa pagtingin sa iyo ng ibang tao ang iyong pagpili ng mga
kilos.
C. Upang maiayon sa kung ano ang magpapasaya sa iyo ang iyong pipiliing
kilos.
D. Upang maiayon sa kagustuhan mo lamang ang iyong gagawing kilos.

10. Ano ang antas ng pagpapahalaga ang pagsikapang abutin mo sa iyong


mga pagkilos bilang tunay na tao?
A. Pambuhay na pagpapahalaga
B. Banal na pagpapahalaga
C. Ispiritwal na pagpapahalaga
D. Pandamdam na pagpapahalaga

Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” September 17, 2018, 1-2.

Susi sa Pagwawasto

Subukin

25
Tayahin

Sanggunian

Mula sa Aklat

Bontia, Maria Tita B. “Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Ikatlong Markahang


Pagsusulit.” Pagsusulit presented at the Critiquing, Iligan City,
November 18, 2018.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul


para sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.

26
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa
Pagpapakatao Baitang 1-10.Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,
2016.

Mula sa Internet
Lapingcao, Manuel Q. https://www.youtube.com/watch?v =hSfad 5ky4TA,
hango noong Hulyo, 28, 2020.

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ngEdukasyon – Rehiyon 10


Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region 10@deped.gov.ph

28

You might also like