You are on page 1of 20

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 6: Uri ng Paghahambing
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Charlene A. Jumalon

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III


Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I

Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

7
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Uri ng Paghahambing

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 6 ukol
sa Uri ng Paghahambing
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

TALAAN NG NILALAMAN
Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 4

Balikan ---------------- 4

Tuklasin ---------------- 5

Suriin ---------------- 6

Pagyamanin ---------------- 7

Isaisip ---------------- 9

Isagawa ---------------- 9

Tayahin ---------------- 10

Karagdagang Gawain ---------------- 12

Susi sa Pagwawasto ---------------- 13

Sanggunian ---------------- 14
Ang mga bahagi ng pananalita ay may malaking papel na ginampanan sa

pag-aaral ng wika, lalo na sa mga kabataan ngayon na lugmok sa pamamaraan

ng makabagong teknolohiya. Isa na rito ang pang-uri na bahagi ng pananalitang

ginagamit ng pahayag sa paghahambing.

Sa paglalakbay ng aralin sa modyul na ito, matutukoy mo ang mga

pahayag na naghahambing na siyang isa sa mga tatlong kaantasan ng pang-uri.

Ang mga ito ay binubuo ng lantay, pahambing at pasukdol ngunit nakapokus lang

sa dalawang uri ng pahambing: ang pahambing na pasahol o palamang at

pahambing na patulad.

Sa araling ito, mauunawaan ang wastong paggamit ng pahayag sa

paghahambing gaya ng mas higit, di-gaano, di-gasino, sin/sim, pareho, at iba pa.

Maaaring magamit ang mga salitang ito sa paghahambing ng mga bagay, tao,

lugar at panahon na siyang naglalarawan sa mga pangngalan o panghalip.

Layunin

a. Nagagamit ng wasto ang mga pahayag na naghahambing gaya ng mas

higit, di-gaano, di-gasino, at iba pa. (F7WG-IIc-d-8)

a.1 Natutukoy ang dalawang uri ng pang-uring pahambing.

Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, kinakailangang mayroon kang


mahabang pasensiya sa pag-uunawa at pag-aanalisa sa iyong babasahin.
Sundin ang mga panuto o direksyon sa mga gawain. Sagutin nang maayos
ang buong gawain sa itinakdang oras o panahon.

7
Bago mo lakbayin ang araling ito, kailangan mong sagutin ang
mga tanong sa gawaing nasa ibaba upang lalo mong masukat ang mga
paksa na iyong matutuklas sa susunod na pahina. Simulan mo na!

Gawain A
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na ayon sa pahayag at isulat ito sa
sagutang papel.
1. Bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay turing ng pangngalan o
panghalip.
a. Pang-abay c. Pang-uri
b. Pandiwa d. Pantukoy
2. Nagsasaad ng magkatulad na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip
na paghahambing.
a. Pasahol c. Tayutay
b. Palamang d. Patulad
3. Alin sa mga salitang nasa ibaba ang nagsasaad ng mahigit o nakalalamang
na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na naghahambing?
a. Palamang c. Pahambing
b. Pasukdol d. Pandiwa
4. Tukuyin kung anong uri ng paghahambing ang pangungusap na ito.
Mas malakas ang tugtog ng gitara ni Juan kaysa kay Pedro.
a. Palamang c. Pasukdol
b. Patulad d. Pang-uri
5. Ang mga sumusunod ay mga salitang gagamitin sa paghahambing na patulad
maliban sa isa.
a. Kapwa c. Pareho
b. Magkasing d. Sobra

8
Gawain B
Panuto: Pansininang mga salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap
bilang paghahambing. Tukuyin at isulat ang sagot sa loob ng
talahanayang makikita sa susunod na pahina kung ito ay pahambing na
palamang o pahambing na patulad. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Di-gasinong matapang ang manlalaro sa unang koponan kaysa sa ikalawang
koponang manlalaro.
2. Ang kabataan noon ay di-hamak na masipag mag-aral kaysa sa ngayon.
3. Di-gaanong masikip ang damit na binili ni Ana kaysa kay Amie.
4. Ang mga gamit na pabango ng kambal na sina Mavic at Moric ay
magsimbango.
5. Ang sakit na COVID-19 at SARS ay parehong nakamamatay kung hindi agad
maaagapan ng gamot.
6. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay abala sa paglalaro ng video games
lalo na sa Mobile Legend.
7. Ang pag-aaruga ng mga anak sa kanIyang mga magulang ay kapwa
responsibilidad nilang magkakapatid.
8. Magkasintibay ang paniniwala ng mga anak at magulang sa kanilang
kinakaharap na problema.
9. Ang kapatid na nagmamahal sa kanIyang mga nakababatang kapatid ay higit
na pinagpapala sa lahat ng mga biyaya.
10. Ang respeto ng anak sa isang ina ay mas mahalaga pa kaysa sa pera.

Pahambing na Pasahol Pahambing na Patulad


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

9
Aralin
Uri ng Paghahambing
1

Balikan mo ang nakaraang mga paksa upang lubos mong


maintindihan ang panibagong aralin. Kailangang masusubok muna ang
iyong kaalaman bago dadako sa susunod na mga paksa. Simulan mo
na!

Gawain
Panuto: Hanapin sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Ang aming aklat sa Filipino ay makapal.

2. Pinakamagandang babae sa balat ng lupa ang nanalo ng Ms. Universe.

3. Di-gaanong napansin ni Loli ang kaniyang kaibigan kaya ito nagtampo.

4. Sa magkakapatid, mas higit na maraming trabaho ang panganay kaysa sa

bunsong kapatid pagdating sa gawaing bahay.

5. Nakakuha ng atensiyon ang magkasingkulay na damit ng mga mananayaw sa

mga manonood.

10
Sa yugtong ito, malalaman mo ang mahahalagang kaisipan
tungkol sa araling ito. Simulan mo nang basahin!
o Pang-uri
 Bahagi ito ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa
pangngalan o panghalip. Maaari rin itong maglalarawan sa hugis, sukat,
at kulay ng bagay.

Tatlong Kaantasan ng Pang-uri:


1. Lantay 2. Pahambing 3. Pasukdol
*Ang bibigyang pokus na pag-aaralan ay ang pang-uring pahambing.

o Pahambing
 Ito ang pang-uri na naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan
o panghalip.

Mga Uri ng Pang-uring Pahambing:


a. Pahambing na Pasahol o Palamang
 Nagsasaad ito ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa
dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
 Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalo, di-gaano, di-gasino, at
iba pa.
Halimbawa:
1. Mas mabuti ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbababad sa social
media.
2. Di-gasinong kilala ang telepono noon kaysa ngayon.

b. Pahambing na Patulad
 Nagsasaad ito ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang
pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
 Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim,
magsing/magsin/magsim, kasing/kasin/kasim o mga salitang kapwa,
pareho, at iba pa.
Halimbawa:
1. Simbango ng rosas ang amoy ng mga damit na bagong laba ni inay.
2. Ang telebisyon at social media ay parehong masama kapag
nasobrahan.

11
Sa wakas, napag-aralan mo na ang mga salitang naghahambing
at ang wastong paggamit nito sa mga pahayag. Kailangan mong sagutin
ang mga tanong sa gawain. Importanteng makuha mo ito upang maging
batayan sa iyong kaalaman. Simulan mo na!

Gawain A
Panuto: Basahin nang mabuti ang sanaysay sa susunod na pahina. Punan ang
patlang ng angkop na pang-uri na makikita sa loob ng kahon upang
mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa sagutang papel.

mas iniisip sintibay


parehong inuunawa simbango
higit na mapagmahal higit na ipagmalaki

Ang Isang Ina

Siya ay (1)__________ sa lahat ng kaniyang mga anak. (2)________


niya ang kapakanan ng pamilya kaysa sa kaniyang sariling buhay. Itinuturing
siyang ilaw ng tahanan, tagapag-aruga at tagapagbantay. Handa niyang ibuwis
ang buhay at (3)________ ang pag-uugali at katangiang taglay ng mga anak.
Walang pag-aalinlangan siyang sumusubaybay, (4)________ ng bakal ang
dibdib lalo na kung magkakasakit ang pamilyang kaniyang inaalay. Mahal na
mahal niya ang mga anak na siyang bunga ng kaniyang pagbubunyi sa hirap at
ginhawa. Kaya siya ay (5)________ sa lahat ng oras at panahon. Ang ina ay
biyaya ng pamilyang (6)________ ng halimuyak sa halamang namumulaklak.

12
Gawain B
Panuto: Kilalanin kung ang paghahambing na sinalungguhitan sa bawat
pangungusap ay palamang o patulad. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang pagiging mabait ay di-hamak na ipinagmamalaki kaysa sa isang
masungit.
2. Ang guro at magulang ay parehong tagasubaybay para sa
mabuting buhay ng mga mag-aaral.
3. Mas mainam mag-aral sa isang tahimik na lugar kaysa sa maingay.
4. Kasinliwanag ng buwan ang buhay ng anak na laging nakikinig sa payo ng
magulang kaysa sa isang batang nagbibingihan.
5. Higit na sariwa ang simoy ng hangin sa probinsiya kaysa sa siyudad.

Sa yugtong ito ay inaasahang natutunan mo na ang mga


kaalamang dapat mong matamo sa aralin. Ngayon ay pagtibayin mo
ang iyong mga natutunan. Basahin at unawain ang isang talata sa
ibaba.

Isang ugaling higit na pagkaganda-ganda


ang paghalik ng kamay o pagmamano sa
mga nakatatanda at magulang. Ito ay
parehong napakalaking pagkilala ng
kabutihang-asal at respeto ng mga anak o
kabataan. Mula noon hanggang ngayon
ay iginagalang ng mga kabataan ang
karapatan ng kanilang mga magulang. Mas masarap pakinggan ang
pagbubunyi ng ibang mga lahi sa kaugalian at kultura nating mga Pilipino.
Ang pagiging magalang ay hindi matutumbasan ng dangal kahit ano pang
yaman sa mundo. Higit na matamis ang pag-ibig at gamundong pagkakandili
ng anak sa magulang at mga kabataan sa nakatatanda. Ang mga ugaling ito
ay kapwa ipinagmalaki nating mga Pilipino.

13
Gawain A
Panuto: Itala ang mga sinalungguhitang salita sa talahanayan sa ibaba. Kilalanin
kung anong uri ng paghahambing ito napabilang. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

Salita Uri ng Paghahambing

1.
2.
3.
4.
5.

Gawain B
Panuto: Suriin kung anong antas ng pang-uri ang sinalungguhitang salita. Iguhit
ang ______ kung ito ay pahambing na patulad, at ______ naman
kung ito ay pahambing na palamang. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Mas banayad ang haplos ng isang ina sa anak na nagdurusa sa sakit na


nakamamatay kaysa sa gamot.
2. Magkasinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.
3. Parehong nakapanlulumo ang pangyayari sa sakit na COVID-19 at Spanish
Flu na pandemya.
4. Higit na nahihirapan ang mga magulang sa pagdidisiplina ng anak dahil sa
paggamit ng internet.
5. Sintamis ng tsokolate ang pagmamahalan ng mag-asawang Dela Cruz sa
kanilang mga anak.

14
Pagkatapos mong masagutan ang mga gawain ay marapat
lamang na iyong matutunan ang mahahalagang kaisipan sa araling ito.
Buksan ang isipan at tanggapin ang katotohanan.

Gawain
Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ano ang pagkakaiba ng dalawang uri ng paghahambing?


2. Paano magagamit ang mga ito sa wastong pagpapahayag?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Ngayon, lalo mo pang talasin ang iyong isipan sa isa pang


gawain upang makita kung ano ang iyong mga nakuhang kaalaman
sa paksa. Kaya, gawin mo na ito.

Gawain
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga pahayag sa paghahambing.
Gawing paksa sa mga bubuoing pangungusap ang pagiging mabuting
anak, pamilya, o mamamayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
*Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

15
1. Higit na mabuti
o Ang pagiging isang ulirang anak ay higit na mabuti para sa kapakanan ng
buong pamilya.________________________________________________

2. Di-gaanong malakas
o

____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Mas masipag
o

____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Lalong mahirap
o

____________________________________________________________
____________________________________________________________

5. Di-gasinong masaya
o

____________________________________________________________
____________________________________________________________

I. Piliin sa Panaklong
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng
panaklong ang angkop na pahambing na gagamitin sa pagbuo nito at
isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

16
(Di-gasinong, sobra) 1. ____________ magalang ang mga batang laki sa layaw
kaysa sa laking simbahan.
(Mas, Sing) 2. ____________ maginhawa ang buhay kung ang bawat
isa ay magtutulungan kaysa magsisiraan.
(sobra, di-gaanong) 3. Si Nancy ay tumanggap ng ____________ maraming
gantimpalang salapi kaysa kay Nene.
(lalong, sing) 4. ____________ tumaas ang marka niya sa pasulit dahil sa
pagbabalik-aral.
(Pinaka, Mas) 5. ____________ malaki ang tungkulin ng pangulo sa
panahon ng pandemya kaysa sa mga kalihim.
(Parehong, Lalong) 6. ____________ mahirap ang buhay ngayon ng mga
manggagawa kaysa mga negosyante dahil sa COVID-19.
(Lubos, Parehong) 7. ____________ nagtutulungan ang mga doktor at nars sa
panggagamot ng mga taong nahawaan ng virus.
(kapwa, pinaka) 8. Ang magkakapatid na babae ay ____________
magagaling sa pagtatahi ng damit.
(Di-gasinong, Lalong) 9. ____________ malawak ang kaalaman ng mga
kabataang naninirahan sa malayong probinsiya sa
paggamit ng Internet.
(Kasing, Haring) 10. ____________ ganda ng bahaghari ang buhay ng
dalawang magkaibigan sa ibang bansa.

II. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Naglalarawan o nagbibigay turing ito ng pangngalan o panghalip.
a. Pang-abay b. Pandiwa c. Pang-uri d. Pantukoy
2. Pinaghahambing pareho o timbang ang uri na katangian ng dalawang
pangngalan o panghalip.
a. Patulad b. Palamang c. Pahambing d. Pasukdol
3. Ito ang salitang gagamitin kung nagsasaad ng mahigit o nakalalamang na
katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na naghahambing.
a. Pinaka b. Pareho c. Kapwa d. Kasing
4. Alamin kung anong uri ng paghahambing ang pangungusap na ito.

17
Mas masaya ang magulang kung makikita ang anak na nagpupursige sa buhay.
a. Palamang b. Patulad c. Pasukdol d. Pang-uri
5. Ang mga sumusunod ay mga salitang gagamitin sa paghahambing na
palamang maliban sa isa.
a. Higit b. Sobra c. Ubod d. Pareho

Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot at pagsagawa sa mga


gawain. Ngayon, tiyak na marami ka nang natutunan sa aralin. Pero
kailangan mo pang pagtibayin ang iyong kaalaman. Kaya huwag mong
kaligtaang sagutin ang karagdagang gawain. Simulan mo na.

Gawain
Panuto: Paghambingin ang panahon noon at ngayon batay sa kinalabasan ng
pandemya sa ating bansa. Gamitin ang mga salitang naghahambing sa
paglalarawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Noon Ngayon

Magaling! Binabati kita dahil napagtagumpayan mong sagutin ang


lahat na mga gawain. Maaari ka nang magsimula sa kasunod na modyul.

AKLAT

18
o Baisa, Ailene G. et al. Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7: Wika at Panitikan. Phoenix Publishing House Inc,
2014.
o Dillague, Nora M. et. al. Sandigan: Sining ng Komunikasyon Para sa Mataas na Paaralan. Phoenix Publishing
House Inc. Quezon City.

19

You might also like