You are on page 1of 27

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 4: Paghihinuha sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat ng
Kabisayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module

Author/s: Margene P. Caigan

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III


Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I

Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Paghihinuha sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Alamat ng
Kabisayaan
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 4 ukol
sa Paghihinuha sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat ng Kabisayaan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
Balikan
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
Tayahin
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang Gawain
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 5

Balikan ---------------- 5

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 12

Isaisip ---------------- 13

Isagawa ---------------- 14
Tayahin ---------------- 15

Karagdagang Gawain ---------------- 17

Susi sa Pagwawasto ---------------- 18

Sanggunian ---------------- 19
Nakapaloob sa bahaging ito ang pang-apat na modyul sa ikalawang

markahan para sa mag-aaral sa ikapitong baitang. Itinatampok sa modyul na ito

ang piling alamat ng Kabisayaan “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.”

Pagkatapos ng talakayan sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay

makapaghihinuha ng kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng

Kabisayaan.

Layunin

a. Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng

Kabisayaan. (F7PB-IIc-d-8)

1
Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Tukuyin ang angkop na
kaisipang kukumpleto sa diwa nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa \
sagutang papel.
1. Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus.
Mula sa pahayag, ano ang kahulugan ng salitang alamat?
a. upang mabasa c. upang makita
b. upang maipalaganap d. upang mapalawak
2. Ang alamat ay may malaking bahagi sa buhay at pamumuhay ng mga Pilipino.
Inilalahad dito ang mabubuting katangian, uri ng pamumuhay, at paniniwala ng
bawat pamayanan. Mula sa pahayag, ano ang kaisipang masasalamin sa
alamat?
a. kultura b. pamumuhay c. prinsipyo d. damdamin
3. Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay mayaman na sa mga
karunungang bayan na kinabibilangan ng alamat kahit wala pang akdang
isinusulat ngunit malaya itong naipalaganap sa iba’t ibang henerasyon. Mula
sa pahayag, ano ang paraan ng pagpapalaganap ng alamat?
a. pasalimbibig b. pagsasadula c. dokyu-film d. telebisyon
4. Taglay ng alamat ang magagandang katangian tulad ng kalinisan ng kalooban,
katapatan, at katapangan. Mula sa pahayag, ano ang iyong matututunan na
magagamit sa pang-araw-araw na buhay mula sa mga alamat?
a. aral c. kultura

2
b. pag-uugali d. pananampalataya

5. Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol sa ating bansa, naghihigpit sila


sa pagpapalaganap ng mga katutubong karunungang-bayan kasama na ang
alamat. Ipinasunog ng mga prayle ang mga naisulat na panitikan at ang iba ay
ipinaanod sa ilog upang mapagtuunan ng pansin ang pagpapalaganap sa
kanilang pananampalataya. Mula sa pahayag, ano ang iyong mahihinuhang
dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bayan?
a. maipalaganap ang Kristiyanismo c. maipalaganap ang alamat
b. maipalaganap ang kanilang kultura d. maipalaganap ang kapangyarihan

Gawain B
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Punan ng angkop na
ideya ang bawat patlang upang mabuo ang diwa. Piliin at isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang kagandahan ng pitong dalaga ay napabantog hindi lamang sa kanilang
lugar kundi maging sa mga karatig bayan kaya maraming mga binata ang
dumarayo sa kanilang lugar. Mahihinuhang ang mga dalaga ay _________.
a. bantog c. maraming manliligaw
b. kinaiinggitan d. lahat ng nabanggit
2. Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Kaya naging
mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang
estranghero. Mahihinuhang ang mga binatang estranghero ay __________.
a. mahihirap b. mayayaman c. mapagbigay d. mapagmahal
3. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumama ang pitong dalaga
sa mga manliligaw na estranghero sa kabila ng pagpigil ng kanilang ama.
Mahihinuha na ang mga anak ay __________.
a. mabait b. masunurin c. uliran d. suwail
4. Laylay ang balikat ng ama sa matinding pagod at pagdadalamhati nang hindi
niya maabutan ang tumatakas na mga anak kasama ang kani-kanilang
kasintahan.Mahihinuha na ang ama ay nakadarama ng labis na _________.
a. inis b. tuwa c. takot d. lungkot

3
5. Nagdilim ang kalangitan, gumuhit ang matatalim na kidlat at bumuhos ang
malakas na ulan nang halos madurog ang kalooban ng ama sa pagsuway ng
mga anak. Mahihinuha na ang kalangitan ay_____________.
a. may bagyo b. nakidalamhati c. nakisaya d. makulimlim
6. Kinabukasan ay maagang pumalaot ang ama upang hanapin sa karagatan
ang kanyang mga anak ngunit labis ang kanyang panlulumo nang makita niya
ang pira-pirasong bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak at
nagkalat na mga kagamitan ng mga dalaga. Mahihinuha na ang mga dalaga
ay ____________.
a. naligo b. nangisda c. napahamak d. namasyal
7. Habang minamasdan ng ama ang kanyang mga anak na abala sa paggawa
ng mga gawaing bahay nasabi niya sa sarili “Sana kung makahahanap man
ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang
hindi sila mapalayo sa akin”. Mula sa pahayag mahihinuha na ang ama
ay______________.
a. makasarili c. mapagmahal
b. malungkutin d. walang pakialam
8. Hindi mapalagay ang datu nang malaman niyang nagkasakit ang kanyang
anak. “Tanod, may sakit ang anak ko. Humayo ka, papuntahin mo rito ang
manggagamot. Ngayon din!” Utos ng datu. Mula sa pahayag mahihinuha na
ang datu ay _______________.
a. mapagwalang bahala c. mapagmahal
b. walang pakialam d. lapastangan
9. Iniutos ng manggagamot na dalhin ang may sakit sa may puno ng balite at
sinimulan ang ritwal sa panggagamot. Mahihinuha na ang mga tao noong
unang panahon ay ______.
a. magagamot sa balite c. makabago
b. nakatira sa balite d. mapamahiin
10. Ang anak ng datu ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki. Ang isa ay
mabuting anak na gumawa ng mga kapatagan, mga kagubatan, mga ilog at
maraming hayop.Ngunit ang ilan sa mga ito’y sinira ng masamang anak at
lumayas. Mula sa pahayag mahihinuha na ang mga anak ay _______.

4
a. magkaiba ang pag-uugali c. magkaiba ang gustong puntahan
b. magkaiba ang mukha d. magkaiba ang minamahal

Aralin Paghihinuha sa Kaligirang


Pangkasaysayan ng Alamat ng
1 Kabisayaan

Balikan mo ang ilang mahahalagang kaalamang iyong natutunan mula sa


nakaraang aralin tungkol sa iba’t ibang antas ng wika.

Gawain
Panuto: Magbigay ng ibang katawagan ng salitang ama gamit ang iba’t ibang
antas ng wika. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

5
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na


legendus, na nangangahulugang “upang mabasa.”
Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang mga
ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong
nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari.
Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay sa ating katutubong kultura, mga
kaugalian, at kapaligiran. Taglay nito ang magagandang katangiang tulad ng
kalinisan ng kalooban, katapatan, at katapangan. Subalit tinatalakay rin sa mga
alamat ang hindi mabubuting katangian tulad ng kasakiman, katamaran,
kalupitan, paghihiganti, pagsumpa, at iba pa. Karaniwan itong kapupulutan ng
aral at nagpapakitang ang kabutihan ay laging nananaig laban sa kasamaan.
Noon pa mang unang panahon, ang ating mga ninuno ay nagkaroon na ng
mga karunungang-bayang kinabibilangan ng alamat. Ang mga ito’y lumaganap
sa paraang pasalita at nagpasalin-salin sa bibig ng taumbayan.
Sa pagdating naman ng mga lahing nakipag-ugnayan at nakipagkalakalan
sa ating mga ninuno tulad ng mga Tsino, Indian, at Arabe, nagdala ng mga ito ng

6
kani-kanilang kulturang nakapag-ambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat
sa ating kapuluan.
Sa mga panahong ito, higit na umunlad ang wika at paraan ng pagsulat ng
ating mga ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng
mga taumbayan.

Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol sa ating bansa,


pinalaganap nila ang pananampalatayang Katolisismo kaya’t sa panahong ito,
saglit na napigil ang paglaganap ng mga katutubong karunungang-bayan at
panitikang katulad ng alamat. Sinasabing ipinasunog ng mga prayleng Espanyol
ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod sa ilog
sapagkat ayon sa kanila, ang mga iyon daw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang
mga alamat at iba pang panitikang pasalindila o nagpasalin-salin lamang sa bibig
ng mga taumbayan ay hindi nila masira dahil na rin sa tagal ng pamamayani ng
mga ito sa ating kultura. Subalit dahil sa paglaganap nito sa tradisyong
pasalindila, nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon ng mga alamat ang lumabas
depende sa kung saang rehiyon sa bansa ito nagmula. Gayunpaman, ang alamat
sa unang bersiyon nito ay patuloy na tinangkilik at pinalaganap ng mga Pilipino
mula pa noon hanggang sa kasalukuyan.

Ngayong nabatid mo na ang tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng


alamat, palawakin mo ang iyong kaalaman. Gawin ang kasunod na gawain.

Gawain A. Buoin ang hinuha


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong mula sa
binasang teksto. Ibigay ang patunay at ang iyong hinuha. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

7
Ibigay ang Iyong
Tanong
Patunay Hinuha
1. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit
ipinasunog at sinira ng mga Prayle ang mga
akdang pampanitikan ng mga Pilipino
kasama na ang alamat?
2. Paano napigilan ng mga Espanyol ang
paglaganap nang nasulat na akdang
pampanitikan ng ating mga ninuno?
Ibigay ang Iyong
Tanong
Patunay Hinuha
3. Paano nananatili at patuloy na
naipalaganap ang mga akdang pampanikan
sa kabila ng pagsunog at pagsira ng mga
naisulat na akda?

Ang iyong ginawa ay paghihinuha….

8
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan

Araw-araw nakikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng


mga gawaing-bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o
masayang lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang
kay gaganda habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang
bayan kundi maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang
ang kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na
makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan.

Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang ikinatatakot
ay ang makapag-asawa ang sinoman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking
maaaring maglayo sa kanya. “Sana, kung makahahanap man ng
mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang
hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibulong ng ama sa sarili habang
pinagmamasdan ang kanyang mga anak na abala sa mga gawaing-bahay.
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang
mangangalakal ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga
binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon
hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin nila ang mga
dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Naging
mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang
estranghero. Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong
dalaga na agad namang nagsipayag.
Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang
ama. “Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang
kanyang mga anak na sumama sa mga binata.
Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng
isang mapangahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking

9
kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda.
Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na
anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan
nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga
estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga.
Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kanyang
pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kanyang maliit na
bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na
niya nahabol ang mga anak.

Buong pait na lumuha at nagmakaawa ang ama sa kanyang mga anak.


“Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang
katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa
paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang mga anak.
Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na
kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda
kundi lumuha nang buong kapaitan.
Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging ang kalangitan sapagkat ang
maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam at sa halip ay napalitan ng
nagdilim na himpapawid.
Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malakas na
dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang
nagawa ang matanda kundi umuwi na lamang.
Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na
tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha
nang masagana. Wari’y sinasabayan din ng malakas na patak ng ulan sa
bubungan ng kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng

10
kaawa-awang matanda. Labis-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila
sa kanyang mga anak.
Sa kabila nang ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring
kaligtasan ang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang
nasalubong sa paglalakbay.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang
matanda. Inisip niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero
dahil sa sama ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol pa
niya ang kanyang mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y
nasa laot na.
Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa
pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya
nangisda kahapon at alam niyang walang islang tulad nito sa lugar nang
nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay nang mabilis na pagtibok ng
kanyang puso ang mabilis na paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong

laking panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang


sinakyan ng kanyang mga anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang
mumunting isla.
Pito! Pito rin ang kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang
matanda. Parang nahulaan niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga
anak nang ang sinakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na
along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga
korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga
Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at
kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na
ama.
- Halaw

11
Gawain
Panuto: Sagutin ang tanong at patunayan ang iyong sagot. Isulat ito sa sagutang
papel.
1. Ano sa tingin mo ang katangian ng pitong anak sa kuwento?
▪ Patunay
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Bakit kaya hindi nabanggit ang ina sa alamat?


▪ Patunay
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain: Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Maghinuha tungkol sa katangian ng mga pangunahing tauhan sa
kuwento batay sa pag-uugaling ipinakita ng mga ito. Piliin at isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

12
1. Ang pitong dalaga’y madalas makita sa dalampasigan habang masayang
lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Mahihinuha sa pagkalalarawan
na ang mga dalaga ay ____________.
a. malaro b. masayahin c. maibigin d. palakaibigan
2. Araw-araw makikita ang pitong dalagang gumagawa ng mga gawaing-bahay.
Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay ____________.
a. palautos b. masisipag c. masayahin d. magalang
3. Minsan, nagpaalam ang pitong dalaga sa kanilang ama na sila ay sasama sa
kani-kanilang kasintahan. “Hindi niyo pa lubos na kilala ang mga binatang
iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag!” Mariing tugon ng ama. Mula sa
pahayag mahihinuha na ang ama ay ____________.
a. malupit b. maalalahanin c. mapag-aruga d.
matampuhin
4. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni ama,” wika ng
panganay na si Delay. “Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba
pang dalaga. Mahihinuha mula sa nagkaisang pasya ng magkakapatid na sila
ay ____________.
a. masunuring mga anak c. magalang na mga anak
b. suwail na mga anak d. mabait na mga anak

5. Laylay ang balikat sa pagod at kalungkutan nang umuwi ang ama sa kanilang
tahanan. Hindi mapigil ng ama ang muling pagluha nang masagana sa
matinding kalungkutan at pangungulila sa mga anak. Alin sa palagay mo ang
hindi naramdaman ng ama ng sandaling iyon?
a. labis na nasasaktan c. labis na nalulungkot
b. labis na pag-aalala d. labis na nasisiyahan

13
Gawain
Panuto: Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang paghihinuha na nasa
gitna ng graphic organizer. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain

14
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon at ibigay ang
iyong sariling paghihinuha o palagay at ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagbibigay ng patunay. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

SITWASYON 1
“Dumating ang iyong ama mula sa trabaho. Laylay ang balikat at mahinang
naglalakad. Pasalampak na umupo at bumuntong hininga.”
Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng iyong ama?
Sagot: __________________________________________________
Bakit: __________________________________________________

SITWASYON 2
“Pasuray-suray na lumabas ng bahay ang iyong tatay at nadatnan mo ang iyong
nanay na umiiyak at may mga pasa sa katawan at putok ang labi.”
Ano sa palagay mo ang dahilan ng pag-iyak ng iyong nanay?
Sagot: _____________________________________________
Bakit: ______________________________________________

Gawain A
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

15
1. Maging noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nagkaroon na ng mga
karunungang- bayan na kinabibilangan ng alamat.
Mula sa pahayag, masasabi na ang mga ninuno ay _____________.
a. marunong c. maalamat
b. mahilig sa panitikan d. manunulat
2. Sa panahong ito, higit na umunlad ang wika at paraan ng pagsulat. Marami sa
mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
Mula sa pahayag masasabing ang alamat ay bahagi na ng _____________.
a. buhay b. kuwento c. pamumuhay d. kasarinlan
3. Inaanyayahan ng mga binata ang mga dalaga, bagaman pumayag agad ang
mga ito ngunit nagpaalam pa rin sila sa kanilang ama.
Masasabi mula sa pahayag na ang pagpaalam sa mga magulang ay bahagi na
ng ating _____________.
a. kultura b. alamat c. aral d. paniniwala
4. Maagang pumalaot ang nag-aalalang ama upang muling sundan at hanapin
ang kanyang mga anak. Ngunit laking panlulumo niya nang matanaw niya ang
pitong maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla
ng Dumangas at isla ng Guimaras.
Mahihinuha mula sa pahayag na ang mga islang nakikita ay mga ___________.
a. pitong isla c. pitong suwail na anak
b. pitong pulo d. pitong bayan
5. Ang pitong mumunting isla sa Kabisayaan na pinangalanang Isla de los Siete
Picados ay pinaniniwalaang paalaala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng
pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.
Mahihinuha mula sa pahayag na ang mga suwail na anak ay _____________.
a. napahamak b. naging isla c. napabuti d. namatay

Gawain B
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga hinuha at suriin kung ang mga ito
ay totoo o hindi. Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang TAMA kung
ang hinuha ay totoo at salitang MALI kung ito naman ay hindi
makatotohanan batay sa nabasang teksto at mga alamat sa aralin.

16
1. Maipapakita ang pagpapahalaga sa mga alamat sa pamamagitan ng patuloy na
pagtangkilik ng mga akda at pagsabuhay sa mga aral nito. Mahihinuha na ang
alamat ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay.
2. Mahalagang mapag-aralan ang iba’t ibang alamat ng ating bayan dahil ang mga
ito ay sumasalamin sa ating kultura, pag-uugali at paniniwala. Mahihinuha na
ang ating alamat ay salamin ng ating pagkakakilanlan.
3. Ang alamat ay nagtataglay ng mga tagpong hindi kapani-paniwala. Mahihinuha
na ang mga alamat ay hindi totoo at hindi dapat ituro sa kabataan.
4. Inilalarawan sa alamat na ang anak na hindi sumunod sa mga magulang ay
napapahamak. Mahihinuha na ang alamat ay nagpapaalala sa mga anak na
sumunod sa mga magulang nang hindi mapapahamak.
5. Nabanggit sa alamat na dumayo ang makikisig na kalalakihan sa bayan ng
magagandang dalaga. Mahihinuhang ang taglay na kagandahan ng mga
dalaga ay kamangha-mangha.

Gawain C
Panuto: Maghinuha nang magiging kahihinatnan ng alamat ng Kabisayaan batay
sa pangyayaring inilalahad sa organizer sa ibaba. Mamili ng mga sagot
mula sa kahon. Isulat sa sagutang papel ang iyong tugon.
umunlad mawawala
mahusay na manunulat mapangalagaan ang kultura
tamad sa pagbabasa mahaluan ang kultura

A.

B.

17
Gawain
Panuto: Bigyang-diin ang nilalaman ng piling linya ng awit at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Habang May Buhay

Nais kong mabuhay sa habang panahon


Kung ito’y lilipas na ika’y kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa’yo ibibigay

1. Masasabi mo bang tunay ang kaniyang pagmamahal?


______________________________________________________________
Patunayan:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2014.
o Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Innovative Education Materials, INC.

18
19

You might also like