You are on page 1of 25

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-Tudling
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Char M. Branzuela

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III


Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I

Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

7
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-
Tudling

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 7 ukol
sa Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-Tudling.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

TALAAN NG NILALAMAN
Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 3

Balikan ---------------- 3

Tuklasin ---------------- 4

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 10

Isaisip ---------------- 11

Isagawa ---------------- 12

Tayahin ---------------- 14

Karagdagang Gawain ---------------- 17

Susi sa Pagwawasto ---------------- 18

Sanggunian ---------------- 19
Isa sa mahahalagang bahagi ng pahayagan ay ang editoryal o pangulong

tudling na nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro. Tinatawag ito ng tinig

ng pahayagan dahil dito mababasa ang paninindigan tungkol sa isang

napapanahong isyu.

Itinuturing na malaking hamon sa isang manunulat ang mahikayat ang mga

mambabasa sa iyong paninindigan o pananaw ukol sa napapanahong isyu.

Sa modyul na ito, pagtutuunan mo ng pansin ang mga impormasyon sa

pagsulat ng editoryal, mga bahagi, uri, at tuntuning dapat sundin sa pagsulat nito

upang makasulat ng makabuluhang editoryal na angkop sa paksang

napapanahon.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makasusulat ng isang

editoryal na nanghihikayat.

Layunin

a. Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng paksa

(F7PU-IIe-f-9)

Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, kinakailangang mayroon kang


mahabang pasensiya sa pag-uunawa at pag-aanalisa sa iyong babasahin.
Sundin ang mga panuto o direksyon sa mga gawain. Sagutin nang maayos
ang buong gawain sa itinakdang oras o panahon.

Ngayon, subukin mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng


I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
1. Dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin.
a. Panimula b. Katawan c. Wakas d. Editoryal
2. Bahagi ng editoryal na nagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro ng patnugot.
b. Panimula b. Katawan c. Wakas d. Editoryal
3. Sa bahaging ito ipinapahayag ang bahaging paghihikayat o paglalagom upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.
a. Wakas b. Editoryal c. Panimula d. Gitna
4. Ito ay uri ng editoryal na nagpapaliwanag o naglilinaw ng isang isyu sa
hangaring higit na mauunawaan ang balita o pangyayari.
a. Nagpapabatid c. Namumuna
b. Nagpapakahulugan d. Nanghihikayat
5. Isang uri ng editoryal na binibigyang-kahulugan ang isang pangyayari o
kasalukuyang kalagayang sang-ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.
a. Nagpapabatid c. Namumuna
b. Nagpapakahulugan d. Nanghihikayat

II. Piliin Kahon


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng
tamang panuntunan sa pagsulat ng editoryal at (X) naman kung hindi.
Isulat sa sagutang papel.
1. Bigyang pansin ang panimula at wakas ng editoryal dahil ito ay
mahalagang bahagi nito.
2. Dapat ito ay may kawili-wiling simula upang makaakit ng mga
mambabasa.

8
3. Gumamit ng mga salitang makasasakit sa damdamin ng tinutuligsa
upang matuto sila.
4. Gumamit ng mga paghahambing at pag-iiba-iba ng mga kalagayan sa
pagsulat.
5. Nagsasaad sa pinagmulan ng inilahad na kalagayan.

6. Ibitin ang wakas ng editoryal.

7. Ipahayag ang personal mong galit na nararamdaman sa sitwasyon o


kalagayang isinusulat.
8. Gawing malinaw at magkakaugnay ang mga pahayag.

9. Kailangang ilahad ang mga patunay at katwiran.

10. Mangaral o magsermon sa mga mambabasa upang matuto sila.

Aralin Pagsulat ng Editoryal o


1 Pangulong-Tudling

Magandang araw! Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang


editoryal o pangulong-tudling at ang pagsulat nito. Kayang-kaya mo ito!
Simulan mo na!

Bago ka magpatuloy sa bagong aralin, alamin mo muna kung mayroon ka


bang natutunan sa nakaraang modyul.
Gawain
Panuto: Kilalanin ang mga uring pagpaghahambing na makikita sa loob ng kahon
sa susunod na pahina. Isulat sa unang hanay ang pahambing na patulad
at sa ikalawang hanay naman ang pahambing na pasahol. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.

9
di-gaanong malaki higit na masaya
parehong maganda kapwa masipag
mas maliit simbango ng rosas

Uri ng Paghahambing

PATULAD PALAMANG

Sa yugtong ito, malalaman mo ang editoryal o pangulong-tudling,


kahulugan nito, mga bahagi, mga uri nito, at mga tuntunin sa pagsulat
ng editoryal. Halika’t pag-aralan mo!

Ang editoryal o pangulong-tudling ay bahagi ng pahayagan na


nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuru-kuro ng isang pahayagan hinggil sa
napapanahong isyu. Tinatawag itongtinig ng pahayagan dahil mababasa rito
ang paninindigan nila ukol sa napapanahong isyu. Layunin nito ang magbigay-
kaalaman, magpakahulugan, humikayat, at kung minsa’y lumibang sa
mambabasa.

10
Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong-Tudling
1. Panimula
 Binabanggit dito ang isyu, paksa, o balitang tatalakayin.
2. Katawan
 Dito ipinahahayag ang opinyon o kuru-kuro ng patnugot.
 Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang
‘pagpanig’ o ‘pagsalungat’ sa isyung tinatalakay.
3. Wakas
 Dito ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang
mabuo ang isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng
editoryal.

Mga Uri ng Editoryal o Pangulong-Tudling


1. Nagpapabatid
 Nililinaw rito ang isang isyu sa hangaring higit na maunawaan ang balita
o pangyayari.
2. Nagpapakahulugan
 Binibigyang kahulugan ang isang pangyayari o kasalukuyang kalagayang
sang-ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.
3. Namumuna
 Ito ay hayagang panunuri ngunit di naman pagbatikos tungkol sa isang
mainit na isyu.
 Ang layunin nito ay magmumugkahi sang-ayon sa paninindigan ng
pahayagan.
4. Nanghihikayat
 Mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa
isyung pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan.
5. Nagpaparangal o Nagbibigay-puri
 Nag-uukol ng papuri o karangalan sa isang tao o kapisanang nakagawa
ng kahanga-hanga.

6. Nanlilibang

11
 Nahahawig ito sa sanaysay na impormal.
 Tumatalakay ito sa anomang panig ng buhay, kaya’t madalas na
nakawiwili ang paksa, nakalilibang sa mambabasa o nakakapagbabalik
ng masasaya o maging sentimental na alaala.
7. Nagpapahalaga sa Natatanging Araw
 Tinatalakay nito ang mga pambansang pagdiriwang gaya ng Pasko,
Mahal na Araw, Todos Los Santos, Bagong Taon, at iba pa.

Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsusulat ng Editoryal o Pangulong


Tudling:
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang
atensiyon ng mambabasa.
2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa
paraang maayos at malinaw.
3. Iwasan ag pagbibigay ng pagkalahatang patakaran. Sa halip,
a. gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang
simula;
b. gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba;
c. gumamit ng makakatulad na kalagayan;
d. banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan nang mahusay na pagwawakas.
5. Tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (No Preaching). Ilahad lamang ang mga
patunay at katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling
pagpapasiya.
7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan, linaw,
pagkakaugnay-ugnay, at diin.

Ngayong nabatid mo na ang tungkol sa editoryal o pangulong-tudling,


handa ka nang sagutin ang kasunod na gawain. Isaalang-alang mo ang iyong
natutunan. Masasagot mo iyan. Subukan mo!.

12

Basahin at unawang mabuti ang isang halimbawa ng editoryal na


EDITORYAL – Gawin ang lahat para makaiwas sa COVID-19
(Pilipino Star Ngayon) - Pebrero 28, 2020 - 12:00am

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na pandemic na ang COVID-19.


Ibig sabihin, malaking bahagi na ng daigdig ang kinalatan ng virus. Maging ang
Switzerland at Austria na masyadong mahigpit sa pagbabantay para hindi
makapasok ang virus ay mayroon nang tig-isang kaso. Maski sa Middle East
ay nakapasok na ang COVID-19 makaraang may dapuan sa Iran at mismong
ang de-puty health minister doon ang tinamaan. Marami na rin ang nagkaroon
ng sakit sa Italy. Nangangamba naman ang Japan na maaaring hindi matuloy
ang Tokyo Olympics dahil sa pagkalat ng virus. Pumapangalawa ang South
Korea sa may pinakamaraming tinamaan ng virus na umaabot na sa 1,260 at
12 na ang namamatay.

Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawang Chinese


ang mga biktima na nakauwi na sa kanilang bansa. Isa naman ang naiulat na
namatay. Wala pang Pinoy na direktang nahawahan ng sakit. Ibig sabihin,
naipatutupad ng pamahalaan ang mga pag-iingat at sinisigurong walang
makakapasok na may taglay na virus.

Ang partial travel ban na pinag-utos ng pamahalaan sa South Korea ay isang


magandang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Sa ilalim ng
travel ban, hindi makakapasok sa bansa ang mga turistang nanggaling sa
North Gyeongsang province, South Korea. Sa nasabing lugar nagsimula ang
outbreak makaraang isang Chinese umano ang dumalo roon para sa religious
rites. Halos buong miyembro ng religious sect ay nahawahan umano ng sakit.

13
Lahat nang paraan ay ginagawa ng pamahalaan para maiwasan ang COVID-
19. Maski ang pagpapahid ng abo sa noo na naging tradisyon na kung Ash
Wednesday ay hindi na ginawa at sa halip, sa bumbunan na lamang inilagay
ang abo.

Ipatupad pa ang paghihigpit para hindi makapasok ang virus sa bansa.


Ipagpatuloy ng Department of Health (DOH) ang pagpapaalala na laging
maghugas ng kamay ang lahat para hindi mahawahan ng COVID-19. Gumamit
ng face mask subalit huwag namang mag-panic sa pagbili nito at baka naman
maubusan ang hospital workers. Sa pag-iingat at pagiging malinis at malakas
ang katawan, kusang mamamatay ang virus.

Gawain
Panuto: Suriin ang mga talatang nasa loob ng kahon at kilalanin kung saang
bahagi ito ng editoryal napabilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong papel.

1. Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawang


Chinese ang mga biktima na nakauwi na sa kanilang bansa. Isa
naman ang naiulat na namatay. Wala pang Pinoy na direktang
nahawahan ng sakit. Ibig sabihin, naipatutupad ng pamahalaan ang
mga pag-iingat at sinisigurong walang makakapasok na may taglay na

a. Katawan c. Tuntunin
b. Panimula d. Wakas

2. Lahat nang paraan ay ginagawa ng pamahalaan para maiwasan ang


COVID-19. Maski ang pagpapahid ng abo sa noo na naging tradisyon
na kung Ash Wednesday ay hindi na ginawa at sa halip, sa bumbunan
na lamang inilagay ang abo.
a. Katawan c. Tuntunin
b. Panimula d. Wakas

14
Sinabi ng 3.World Health Organization (WHO) na pandemic na ang
COVID-19. Ibig sabihin, malaking bahagi na ng daigdig ang kinalatan
ng virus. Maging ang Switzerland at Austria na masyadong mahigpit
sa pagbabantay para hindi makapasok ang virus ay mayroon nang tig-
isang kaso

a. Katawan c. Tuntunin
b. Panimula d. Wakas

Maski sa 4.
Middle East ay nakapasok na ang COVID-19 makaraang
may dapuan sa Iran at mismong ang de-puty health minister doon ang
tinamaan. Marami na rin ang nagkaroon ng sakit sa Italy.
Nangangamba naman ang Japan na maaaring hindi matuloy ang
Tokyo Olympics dahil sa pagkalat ng virus. Pumapangalawa ang
South Korea sa may pinakamaraming tinamaan ng virus na umaabot
na sa 1,260 at 12 na ang namamatay.
a. Katawan c. Tuntunin
b. Panimula d. Wakas

5. ang paghihigpit para hindi makapasok ang virus sa bansa.


Ipatupad pa
Ipagpatuloy ng Department of Health (DOH) ang pagpapaalala na
laging maghugas ng kamay ang lahat para hindi mahawahan ng
COVID-19. Gumamit ng face mask subalit huwag namang mag-panic
sa pagbili nito at baka naman maubusan ang hospital workers. Sa pag-
iingat at pagiging malinis at malakas ang katawan, kusang mamamatay
ang virus. a. Katawan c. Tuntunin
b. Panimula d. Wakas

15
Gawain
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na halimbawa kung anong uri ito ng
editoryal. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

Nagpapabatid Nagpapakahulugan
Nanghihikayat Nagpaparangal o Nagbibigay-puri
Nanlilibang Nagpapahalaga sa Natatanging Araw
Namumuna

1. Husay ng Pinay

Ipinakita ni Pia Alonzo Wurtzbach sa mundo na kakaiba ang mga


Pilipino. Mahusay, maganda, kaakit-akit at matalino. Pinatunayan ni Pia
kayang makipagsabayan ang mga Pilipino sa anumang larangan.
Nakita ito ng mundo sa katalinuhang ipinamalas ni Pia nang siya ang
tanghaling Miss Universe 2015. Tinapos ni Pia ang matinding
pagkauhaw ng Pilipinas sa korona ng Miss Universe sa loob ng 42
taon Si Pia ang ikatlong Miss Universe Una ay si Gloria Diaz noong

2. Marami nang umaaray sa mataas na bilihin

Siyam sa 10 Pinoy ang apektado sa pagtaas ng mga pangunahing


bilihin sa loob ng nakalipas na tatlong buwan, ayon sa Pulse Asia
Survey. Ayon sa survey 86 percent ng mga Pilipino ay masyado nang
apektado nang pagtaas ng mga bilihin na nagsimula pa noong Enero.
Unang-una na sa listahan ng mga pangunahing bilihin na tumaas ang
presyo ay ang bigas. Tumaas din ang presyo ng mga de-latang
pagkain at inuming matatamis. Inaangal din ang pagtaas ng singil sa

3. Huwag sirain ang Inang Kalikasan

Mahigpit na ipinagbabawal sa Clean Air Act ang paggamit ng


incinerators, mga lumang motor ng sasakyan, pagsusunog ng basura
at paggamit ng leaded gas. Sa mga ito, ang paggamit ng leaded gas
lamang ang naipahinto. Patuloy ang paggamit ng incinerators,
pagsusunog ng basura at ang pagyaot ng mga sasakyang nagbubunga
ng nakalalasong usok
16
4. Pagkalat ng Basura

Basura ang pangunahing dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila.


Matagal nang problema ito. Ilang dekada na ang nakalilipas subalit
baha pa rin ang problema. At sa kabila na basura ang dahilan, marami
pa rin ang hindi natututo at walang disiplina sa pagtatapon ng basura
sa mga estero, kanal at mga ilog. Wala pa rin silang kadala-dala at
walang malasakit sa kapaligiran. Ang mga basurang itinambak sa mga
ilog ay iluluwa sa dagat at ibabalik naman ito ng dagat mismo sa mga
dalampasigan. Totoo ang kasabihang “kung ano ang itinapon mo,

5. Araw ng Kagitingan

Ngayon ay Araw ng Kagitingan o mas kilala sa tawag na Bataan Day.


Ginugunita ngayon ang kagitingan ng mga sundalong Pilipino na
lumaban sa mga Hapones noong Abril 9, 1942. Nakipagbakbakan sila
kasama ang mga Amerikanong sundalo para maidepensa ang
Corregidor pero hindi pa rin umubra sa puwersa ng mga Hapones na
walang patid ang ginawang pambobomba. Libong Pilipino at
Amerikanong sundalo ang namatay habang ipinagtatanggol ang
Bataan. Maraming nabihag na sundalo at pawang sugatan.

Gawain
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag na nagmula sa mga tuntuning
dapat sundin sa pagsulat ng editoryal at punan ang patlang ng angkop
na salita upang mabuo ang mga ito. Pillin ang sagot sa kahong nasa
susunod na pahina. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

17
panimula maayos at malinaw pangkalahatang patakaran
paghahambing inilalahad mangaral o magsermon
pagtibayin kawili-wiling pagwawakas
magkakatulad

Magkakaroon ng 1.
____________ panimulang maikli lamang upang
maakit ang atensiyon ng mambabasa. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga katibayan sa paraang ____________. Iwasan ang
2.

pagbibigay ng ___________. Sa halip, gumamit ng mga halimbawa at


3.

paglalarawan upang 4.____________ ang simula, gumamit ng 5.___________ at


pag-iiba-iba, gumamit ng 6.
___________ na kalagayan, at banggitin ang
pinagmulan ng mga 7.___________ na kalagayan. Tapusin nang naaangkop.
Bigyan nang mahusay na 8.___________. Tandaang ang pinakamahalagang
bahagi ay ang 9.___________ at ang wakas. Huwag ___________. Ilahad
10.

lamang ang mga patunay at katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng


sariling pagpapasiya.

Sa ibaba, mayroong halimbawa ng isang editoryal na


nanghihikayat. Basahin ito nang maayos at may pag-uunawa.

EDITORYAL – Ipagpatuloy ang mga nakasanayan sa COVID-19


(Pilipino Star Ngayon) – Mayo 16, 2020 - 12:00am

Kung totoo ang sinabi ng WHO na magiging endemic ang COVID-19, nararapat
lamang na ipagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayan nang pag-iingat para
makaiwas sa virus. Huwag nang bumalik sa dating nakasanayan na hindi
nagsusuot ng face mask, kumpul-kumpol sa isang lugar, hindi naghuhugas ng
kamay at kung anu-ano pang hindi magandang gawain na nagdudulot ng
pagkakasakit.

18
Sabi ng mga eksperto, matatagalan pa bago mawala ang coronavirus o ang
COVID-19. Pero ang pahayag ng World Health Organization (WHO) kahapon,
maaaring hindi na umano umalis o mawala sa piling ng mga tao ang sakit na
ito. Mananatili na umano ito na walang pinagkaiba sa sakit na tuberculosis (TB)
at Acquire-Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Ang tanging magagawa para
ito malabanan ay ang makatuklas ng bakuna. Pero kahit na nga may bakuna,
mananatili na ang sakit na ito sa kapaligiran o ang tinatawag na endemic.
Pahihinain lamang ito ng bakuna pero kahalubilo na ng mga tao.

Ipagpatuloy ang mga nakasanayang ginagawa habang nananalasa ang COVID-


19. Ito ang nararapat ngayon at sanayin na ang sarili sa mga gawaing ito.
Bahagi na ng buhay ang pag-iingat upang hindi kumalat ang sakit. Kung
maipagpapatuloy ang nakaugalian, hindi na magugulat o matataranta kapag
may mas matindi pang sakit na manalasa. Nakahanda na ang lahat.

Mula nang manalasa ang COVID-19, natuto ang marami sa tamang kalinisan.
Itinakwil ang hindi magandang nakagawian gaya nang pagdura, pagdumi sa
kung saan-saan at iba pa. Marami ngayon, pag-uwi ng bahay naliligo agad at
nilalabhan ang sinuot na damit. Hindi na rin ipinapasok sa loob ng bahay ang
suot na sapatos para hindi makapagdala ng virus. Ayaw nilang mahawa ang
pamilya.

Subalit dapat din namang apurahin ng mga kinauukulan ang pagtuklas ng


bakuna laban sa COVID-19 para nakasisigurong ligtas ang sangkatauhan.

Gawain
Panuto: Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng pagsulat sa
angkop na bahaging editoryal na makikita sa susunod na pahina.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

19
Paksa:

Panimula:

Wakas:
Katawan:

I. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang titik _T_ kung ang mga pahayag ay tama at _M_ kung ito’y
hindi naaayon sa tuntuning dapat sundin sa pagsulat ng editoryal o
pangulong tudling.
1. Hindi dapat banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
2. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
3. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang
atensiyon ng mambabasa.

20
4. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa
paraang maayos at malinaw.
5. Ilahad lamang ang mga patunay at katuwiran at hayaan ang mambabasang
gumawa ng sariling pagpapasiya.

II. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sagutang papel.
1. Ito ay uri ng editoryal kung saan nililinaw dito ang isang isyu na ang hangarin
ay higit na maunawaan ang balita o pangyayari.
a. Nagpapakahulugan c. Namumuna
b. Nagpapabatid d. Nanghihikayat
2. Ang layunin nito ay magmungkahi sang-ayon sa paninindigan ng pahayagan.
a. Nagpapakahulugan c. Namumuna
b. Nagpapabatid d. Nanghihikayat
3. Binibigyang kahulugan ang isang pangyayari o kasulukuyang kalagayan sang-
ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.
a. Namumuna c. Nagpapabati
b. Nagpapakahulugan d. Editoryal
4. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro
hinggil sa napapanahong isyu.
a. Paksa c. Pahayagan
b. Editoryal d. Balita
5. Pinakamahalagang bahagi ng editoryal.
a. Panimula at Wakas c. Katawan at Wakas
b. Panimula at Katawan d. Wakas at Gitna
6. Ang dapat taglayin sa pagsulat ng editoryal.
a. Sabi-sabi c. May pinapanigan
b. Katibayan d. Walang katotohanan
7. Ano ang tawag sa uri ng editoryal na hawig sa sanaysay na impormal?
a. Nanghihikayat c. Nanlilibang
b. Nagpaparangal d. Nagbibigay-puri

21
8. Ano ang dapat taglayin ng panimulang talata ng isang editoryal?
a. Binabanggit dito ang isyu c. Binabanggit dito ang paksa
b. Binabanggit dito ang paksa d. Binabanggit dito ang opinyon
9. Ibang katawagan sa editoryal.
a. Pangulong-tudling c. Sanaysay
b. Tudling d. Pahayagan
10. Ang editoryal ay makikita at mababasa sa ____________.
a. Aklat c. Pahayagan
b. Pahayagang Pampaaralan d. Lahat nang nabanggit
11. Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng
tao sa isang ____________.
a. Isyu c. Balita
b. Paratang d. Kuro-kuro
12. May mga editoryal naman na ang pagkasulat ay nanlilibang subalit taglay nito
ang mahalagang ____________.
a. Isyu c. Suhestiyon
b. Opinyon d. Haka-haka
13. Ito ay bahagi ng editoryal na kailangang maikli ngunit makatawag pansin.
a. Pangwakas c. Panimula
b. Katawan d. Gitna
14. Dito isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinag-uusapan.
a. Katawan c. Introduksyon
b. Wakas d. Panimula
15. Nagbibigay ito ng konklusyon ng may akda.
a. Katawan c. Panimula
b. Pangwakas d. Editoryal

22
Gawain
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga mensahe sa kartong editoryal na
nasa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

Makalumang panahon Ika-21 siglo na mag-aaral


Makabagong panahon Kagamitang panteknolohiya
Mataas na antas ng teknolohiya Katamaran ng mag-aaral
Pagbaba ng kalidad ng edukasyon
Kabataang Pilipinong sumasabay sa pag-usbong ng teknolohiya

AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7: Wika at Panitikan Ikalawang Edisyon. Phoenix Publishing House Inc, 2014.
o Dillague, Nora M. Sandigan: Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City

WEBSITE
o https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/05/16/2014326/editoryal-ipagpatuloy-ang-mga-nakasanayan-sa-
covid/amp/
o https://www.philstar.com/opinyon/2012/04/09/794810/editoryal-araw-ng-kagitingan
o https://www.philstar.com/opinyon/2006/04/22/332694/editoryal-huwag-sirain-ang-inang-kalikasan
o https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/05/01/1811033/editoryal-marami-nang-umaaray-sa-mataas-na-bilihin
o https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/01/01/1773406/editoryal-magandang-buhay
o https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2015/12/22/1535488/editoryal-husay-ng-pinay

23
24

You might also like