Professional Documents
Culture Documents
Filipino 7 Q2 M5 v2 (Final)
Filipino 7 Q2 M5 v2 (Final)
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 5
Pagbibigay Kahulugan at Sariling
Interpretasyon sa mga Salitang Paulit-
ulit, Iba-iba ang Digri ng Kahulugan,
Di-pamilyar na Salita, at Salitang
Nagpapahayag ng Damdamin
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2
Aralin 1 ---------------- 4
Balikan ---------------- 4
Tuklasin ---------------- 5
Suriin ---------------- 6
Pagyamanin ---------------- 10
Isaisip ---------------- 11
Isagawa ---------------- 12
Tayahin ---------------- 13
Sanggunian ---------------- 18
Ang araling ito ay panlimang modyul sa ikalawang markahan para sa
mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Matutunghayan natin dito kung ano-ano
ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-kahulugan ng salita o pahayag. Sa
katapusan ng aralin na ito, malilinang ang kaisipan sa pagbibigay ng mga
kahulugan.
Layunin
1
Bago natin sisimulan ang modyul na ito ay aalamin natin kung gaano
kalawak ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng kahulugan.
dala nakiramay
naiibigan nangangarap
nagpunta lumangoy sa dagat
tinitingnan umaasang makakuha
matitipuno umiyak nang malakas
napag-alaman namangka papunta sa gitna ng dagat
Gawain A
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bigyang- kahulugan ang
mga salitang nakasalungguhit sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.
1. Ang bawat isa sa kanila’y naghahangad na makuha ang kamay ng isa
sa napupusuang dalaga.
2. Humagulgol nang malakas ang kanilang ama dahil sa pagdaramdam
sa ginawa ng mga suwail na anak.
3. Kinabukasan ay maagang pumalaot ang matanda upang hanapin sa
karagatan ang kanyang mga anak.
4. Pinagmamasdan niya ang kanyang mga anak na abala sa mga
gawaing-bahay.
5. Naghahangad ang mga binata na makuha ang kamay ng isa sa mga
dalagang napupusuan.
6. Tila ang langit ay nakidalamhati sa kanyang pagluluksa.
7. Bitbit ng mga dalaga ang kani-kanilang mga pansariling gamit na
sumakay sa bangka.
8. Nabalitaan ng mga binata ang tungkol sa mga dalaga kaya pumunta
sila sa bayan.
9. Ang mga makikisig na binata ay nagbigay ng mga mamahaling regalo
sa magagandang dalaga.
10. Nagsadya ang mga binata sa bayan para makilala ang mga dalaga.
2
Gawain B
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit. Bilang iyong
gabay ay tumbasan ang bawat bilang ng alpabetong Filipino na may 28 na
titik (Halimbawa: 1-A, 2-B, 3-C, 4-D, 5-E, 6-F, 7-G, 8-H…) na nasa ibaba ng
bawat pangungusap upang mabuo ang salita na siyang kahulugan ng salitang
sinalungguhitan.
Halimbawa: I S L A_
9 21 12 1
1. Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang
bayan kundi maging sa malalayong lugar.
___ ___ ___ ___ ___ ___
22 1 14 27 1 7
2. May isang pangkat ng binata na dumating sa kanilang bayan.
___ ___ ___ ___ ___
7 20 23 18 17
3. Ang mga binata ay dumarating na lulan ng malalaking bangka.
___ ___ ___ ___ ___
21 1 11 1 27
4. Ang pitong dalaga ay tila nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
4 1 9 1 13 18 1 21 9 7 1 14
5. Ang kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binata na
naghahangad sa mga dalaga.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
18 9 14 23 14 22 1 8 1 14
Aralin
Magaling! Pagbibigay Kahulugan at
Binabati kita dahil maayos mong naisagawa ang mga
naunang gawain. Ngayon ay maaari ka nang magpatuloy sa ating aralin .
Sariling Interpretasyon sa
1 mga Salitang Paulit-ulit, Iba-
iba ang Digri ng Kahulugan,
Di-pamilyar na Salita, at
3
Salitang Nagpapahayag ng
Damdamin
ALAMAT
4
Ang pagbibigay ng kahulugan ng salita ay isa sa mga paraan upang
mapalawak ang talasalitaan ng isang mambabasa, tagapanood, o
tagapakinig.
6
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Naging
mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang
estranghero. Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong
dalaga na agad namang nagsipayag.
Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang
ama. “Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit
ang kanyang mga anak na sumama sa mga binata.
Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa
ng isang mapangahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking
kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda.
Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail
na anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan
nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga
estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga.
Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kanyang
pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kanyang maliit na
bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na
niya nahabol ang mga anak.
Buong pait na lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kanyang mga
anak. “Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang
walang katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy
siya sa paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang mga
anak..
Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na
kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda
kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging
ang kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam
at sa halip ay napalitan ng nagdilim na himpapawid. Gumuhit ang matatalim
na kidlat na sinabayan ng malakas na dagundong ng kulog. Biglang pumatak
ang
7
malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang matanda kundi umuwi na
lamang.
Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na
tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha
nang masagana. Wari’y sinasabayan din ng malakas na patak ng ulan sa
bubungan ng kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng
kaawa-awang matanda. Labis-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila
sa kanyang mga anak.
Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring
kaligtasan ang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang
nasalubong sa paglalakbay.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang
matanda. Inisip niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero
dahil sa sama ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya
pa ang kanyang mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y
nasa laot na.
Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa
pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito
siya nangisda kahapon at alam niyang walang islang tulad nito sa lugar nang
nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso
ang mabilis na paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking
panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan
ng kanyang mga anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang mumunting
isla.
Pito! Pito rin ang kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang
matanda. Parang nahulaan niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga
anak nang ang sinakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na
along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga
korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o
Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at
kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na
ama.
8
-
halaw
Gawain B
Panuto: Magbigay ng sariling mong interpretasyon sa mga salitang ito sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga salitang maaaring iugnay sa bawat isa.
Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.
9
Sa yugtong ito ay inaasahang natutunan mo na ang mga kaalamang
dapat mong matamo sa aralin. Ngayon ay pagtibayin natin ang iyong mga
natutuhan.
May ilang salitang may halos magkakaparehong kahulugan subalit
may magkakaibang digri o antas ng kahulugan na tinatawag na “Tindi ng
Kahulugan o Klino.
Gawain
Panuto: Ayusin ang salita ayon sa tindi ng kahulugan. Ang letrang A ay para
sa pinakababaw na kahulugan, B para sa katamtaman, at C para sa
pinakamasidhing kahulugan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. Ang
unang bilang ay ginawa na para sa iyo upang maging gabay sa pagsagot.
1. pangamba
A. kaba
kaba
B. pangamba
takot
C. takot
2. pagkamuhi A.__________________
pagkasuklam B.__________________
pagkagalit C.__________________
____
3. nasiyahan
A.__________________
natuwa
B.__________________
masaya
C.__________________
____
4. suklam
A.__________________
galit
B.__________________
inis
C.__________________
____
10
5. pagmamahal
A.__________________
pagsinta
B.__________________
paghanga
C.__________________
____
1.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______
2.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______
11
Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Handa
kanang gamitin ang iyong kaalaman sa araling ito para sa ibat-ibang
pagsubok.
Gawain
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga di-pamilyar na salita o mga salitang
nagpapahayag ng damdamin na nakasalungguhit sa bawat pangungusap.
Punan ng nawawalang titik ang kahon upang mabuo ang kahulugan ng
salitang may salungguhit.
1. Nanggilalas si Jeson nang masilayan ang napakagandang dilag na si
Ana.
N M G H
12
Gawin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa ibaba. Kilalanin at
bigyang-kahulugan ang salitang nakasalungguhit sa bawat pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel o notbuk.
1. Humagulgol ang ama dahil sa pag-alis ng kanyang anak.
a. umiyak nang tahimik c. umiyak nang malakas
b. tumawa nang malakas d. umawit nang malakas
2. Siya ay nanlulumo nang makita niya ang nagkalat na bahagi ng
bangkang sinakyan ng kanyang mga anak.
a. nagsasaya c. nagtataka
b. nanghihina d. nagagalit
3. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na
tahanan ang kanyang dinatnan.
a. nakita c. naabutan
b. natuklasan d. natanaw
4. Labis ang kalungkutan na nadarama sa paglisan ng kaniyang mga
anak.
a. pagdating c. pag-alis
b. paglipat d. pagpunta
5. Nagmamadali siyang pumalaot dahil nagbabakasakali siyang mahabol
pa niya ang mga anak.
a. umalis papunta sa bayan
b. tumakbo papunta sa bahay
c. umalis papunta sa ibang bansa
d. namangka papunta sa gitna ng dagat
6. Kapirasong tela ang ibinigkis paikot sa tiyan ng sanggol.
a. itinali c. ipinunas
b. inihampas d. inilagay
13
7. Hindi nagbabayad ng matrikula ang mga magulang ni Margene dahil
siya ay iskolar.
a. matalinong bata c. mapagbigay na bata
b. mahirap na bata d. mayaman na bata
8. Masalimuot ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Marlon.
a. makulay c. magulo
b. mapayapa d. masaya
9. Si Dan ay palaging nagbibilang ng poste.
a. mahusay magtrabaho c. naghahanap ng trabaho
b. walang trabaho d. ayaw magtrabaho
10. Si Ariel ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
a. mahirap c. mapanukso
b. mabait d. mayaman
11. Mahirap makisama sa mga taong balat-sibuyas.
a. mayabang c. mayamot
b. mayaman d. maramdamin
12. Lumaki ang ulo ng mga kamag-anak nang sila ay naging mayaman.
a. bumait c. tumaas
b. yumabang d. tumigas
13. Masamang damo lang ang nagtataksil sa bayan.
a. mabait na tao c. mangmang na tao
b. masamang tao d. matalinong tao
14. Nagpuputok ang butse ni Lea ng makita niyang punit ang kanyang
mamahaling bag.
a. masayang-masaya c. galit na galit
b. malungkot na malungkot d. iyak ng iyak
15. Mababaw ang luha ni Emma kaya kaunting pantutukso lang ay
humagulgol na ito.
a. madaling tumawa c. madaling magalit
b. madaling malungkot d. madaling umiyak
14
Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot at pagsagawa sa mga
gawain. Ngayon, tiyak na marami ka ng natutunan sa ating aralin. Pero
kailangan pa nating pagtibayin ang iyong kaalaman, kaya huwag mong
kaligtaang sagutin ang karagdagang gawain. Handa ka na ba? Simulan mo
nang basahin ang karagdagang kaalaman tungkol sa Bohol at gawin ang
kasunod na gawain.
Gawain
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na di-pamilyar o
malalalalim na salita at bumuo ng pangungusap gamit ang mga na ito. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.
Kahulugan Pangungusap
Halimbawa: Si Ana ang kapilas ng
kapilas ng buhay asawa buhay ni Jeson.
1. usad pagong
2. ibaon sa hukay
3. maitim ang budhi
4. ilaw ng tahanan
5. haligi ng tahanan
15
Subukin Subukin
Gawain A Gawain B
1. nangangarap
2. umiyak nang malakas 1. tanyag
5. naiibigan 4. dalampasigan
6. nakikiramay 5. pinuntahan
7. dala
8. napag-alaman
9. matitipuno
10.nagpunta
Pagyamanin Isagawa
1. A. pangamba 4. A. inis 1. namangha
B. kaba B. yamot 2. pagkabigo
C. Takot C. galit 3. nagagalit
4. takot
2. A. pagkamuhi 5. A. paghanga 5. walang sigla
B. pagkasuklam B. pagsinta
C. pagkagalit C. pagmamahal
3. A. natuwa
B. nasiyahan
C. masaya
Tayahin
1. c 11. d
2. b 12. b
16
3. c 13. b
4. c 14. c
17
Aklat
Ailene G. Baisa at Alma M. Dayag, Pluma. Wika at Panitikan.Phoenix
Publishing House,Inc.
Leonora Dela Cruz-Oracion, Gantimpala. Pinagsanib na Wika at Panitikan,
Innovative Education Materials, INC.
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: