You are on page 1of 26

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan –
Modyul 3a:
Tinatamasang Karapatan,
Pinasasalamatan ko!
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 3a: Tinatamasang Karapatan, Pinasasalamatan ko!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Editors: John Clyde A. Cagaanan and Ronnie D. Fernandez Alejandro A. Corre, Rebecca
Sambas, Bernadette M. Angel, Lyme Arellano, Joene O. Dela Cruz
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista, Rowena P.
Alterado, Sheryl B. Bautista, Eloisa R. Agni, Ma. Kristine B. Latris
Tagaguhit: John Clyde A. Cagaanan and Ronnie D. Fernandez
Tagalapat: Maria Fe C. Linao, Jana Larisa B. Abinsay, Jomellah B. Abinsay Jay Sheen A.
Cover Art Designer: Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent Roberto J. Montero -
Assistant Schools Division Superintendent Mario M. Bermudez - Assistant Schools
Division Superintendent Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao Elpidio B. Daquipil - CID
Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS Marcelo B. Bocatera - Division
ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan –
Modyul 3a:
Tinatamasang Karapatan,
Pinasasalamatan ko!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao -


Ikalawang Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa Ikatlong Aralin:
Tinatamasang Karapatan, Pinasasalamatan ko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pampagtutturo na katulad nito. Ito ay
inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamng kaalman upanag
mapalawak at malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Tinatamasang Karapatan, Pinasasalamatan
ko! Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang ating layunin sa
pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang tama ang lahat ng mga gawain
at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para sa ating mga mag-
aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Baitang ng


Self-Learning Module (SLM) ukol sa Aralin 17b: Tinatamasang Karapatan,
Pinasasalamatan ko!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o reyalidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagan Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
g Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian - ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan


sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang bawat batang katulad mo ay may mga


karapatan bilang mga tao dito sa mundo na dapat
pasalamatan at ingatan. Ang mga karapatang ito ay
tinataguyod ng inyong magulang, guro at mga opisyal sa
lipunan upang maibigay sa inyo. Kung kaya sila ay
nararapat lamang na magpasalamatan dahil sa
karapatang kanilang tinatamasa.

Ginawa ang modyul na ito upang inyong maging


gabay sa pagpapaunlad ng inyong kaisipan ukol sa
tamang pagbabahagi ng pasasalamat sa karapatang
inyong natatamasa. Sa tulong ng mga gawain dito ay mas
matatalakay at masusuri mo ang maari mong mga
kilos upang maipakita ang iyong pasasalamat.

Sa dulo ng pag-aaral sa modyul na ito ay


maisasagawa mo nang buong puso at husay ang
nakapaloob na layunin.

Most Essential Learning Competencies


1. Nakapagbabahagi ng pasasalamat sa tinatamasang
Karapatan sa pamamagitan ng kuwento
(EsP2PPP- IIId-9).

1
Subukin

Panuto: Basahin at intindihin ang diyalogo ng mag-ina.


Sagutan ang tanong at isulat ang tugon sa kwadernong
panggawain.

Inay,paanobamapapasalamatanang
karapatang tinatamasa ko bilang isang bata?

Una, sa pagbibigay respeto sa mga taong nagdulot ng iyong


karapatan kagaya ng magulang at mga taong nakapalibot
sa iyo. Pangalawa, ang pagpapaunlad ng angking talento at
kakayahan ay isang regalo ng iyong
pasasalamat.

Iyon lang po ba inay? Wala na po bang iba?

Heto pa anak, sa pamamagitan ng pagsuporta ng


umiiral na batas sa ating bayan at ang pagsunod sa
utos ng gobyerno
upang mamuhay tayo ng mapayapa.

Tanong: Paano makapagbabahagi ng pasasalamat sa


tinatamasang karapatan bilang isang bata?
Balikan

Panuto: Tukuyin kung anong karapatang pantao ang


ipinapahiwatig ng bawat larawan. Isulat ang titik ng iyong
sagot sa kwadernong panggawain.

1. a. Mabigyan ng sapat na edukasyon


b. Maisilang at magkaroon ng pangalan
c. Magkaroon ng sapat na pagkain

a. Maisilang at magkaroon ng pangalan


b. Magkaroon ng tahanan at pamilyang
mag-aaruga
2. c. Magkaroon ng sapat na pagkain at
malusog na katawan

a. Mabigyan ng proteksyon laban sa


3. pang-aabuso
b. Mabigyan ng pagkakataong
makapaglaro
c. Magkaroon ng sapat na pagkain at
malusog na katawan

a. Maisilang at magkaroon ng pangalan


4. b. Magkaroon ng tahanan at pamilya
c. Makapag-aral at mapaunlad ang
kakayahan

5. a. Maisilang at magkaroon ng pangalan


b. Magkaroon ng tahanan at pamilya
c. Magkaroon ng sapat na pagkain at
malusog na katawan
Tuklasin

Panuto: Narito ang isang komik strip. Halina at basahin


ang mga ito! Basahin at unawain ang usapan sa klase
ni Bb. Amor sa ikalawang-baitang.

Isang araw pinagpatuloy na tinalakay ng klase ni Bb. Amor ang iba’t-ibang


Karapatan ng isang bata.

Magandang umaga! Noong nakaraan ay ating napag- usapan ang mga karapatan ng batang
katulad ninyo. Ngayon ay gusto kong marinig ang inyong kuwento kung paano ninyo
pinasasalamatan ang inyong mga karapatan. Simulan natin kay Dara.

Sabi ni Dara,

Karapatan ng bawat bata ang sapat na edukasyon dahil tulay ito sa pagpapaunlad ng aming kakayahan.
Salamat sa aming magulang na kami’y pinag-aaral, maging man sa ating gobyerno na bigay at hatid ay
libreng paaral at serbisyo. Ang pagbibigay respeto sa kanila ay isang paraan upang ipakita ang ating
pasasalamat.

Kwento ni Mike,
Karapatan ng bawat bata ang makapaglaro at makapaglibang. Sa tulong ng laro ay napapaunlad ang
kakayahang pisikal at sosyal. Salamat sa aming magulang at guro sa pagbibigay ng oras na kami
makapaglaro. Sa gobyerno rin na nagbibigay lugar para kami’y maglaro. Ang pagpapa-unlad ng ating
talento ay regalo natin ng pagpapasalamat sa kanila.

Kwento ni Karen,
Karapatan namin na maproteksyon sa pang-aabuso, pang-bubully at karahasan. Kapag kami ay napahamak
ay may batas ang gobyerno ang tutulong sa amin. Salamat sa mga pulis, DSWD at halal na opisyal na
nagpapairal ng aming proteksyon. Bilang ganti, susuporta kami sa lahat ng batas sa ating bayan.
Sabi ni Mar,

Karapatan naming mga bata ang maipagtanggol at matulungan ng


pamahalaan. Salamat sa gobyerno na sinisiguradong may mga batas na
magtatanggol at tutulong sa aming mga bata. Ang aking pagsunod sa kanilang
utos ay tanda ng aking pasasalamat.

Ang galing ng inyong pinahatid na mga kuwento mga bata! Nawa ay


patuloy kayong magpasalamat sa lahat na nagtataguyod ng inyong
Karapatan!

Isaisip

Panuto: Mula sa iyong nabasa, unawain at isulat sa


kwadernong panggawain ang iyong sagot sa mga
sumusunod na mga katanungan.

1.Ano at paano ikinuwento ng bawat mag-aaral ang


kanilang pasasalamat sa bawat karapatan na kanilang
tinatamasa?
2. Sumasang-ayon ka ba sa ipinahayag ng mga bata
ukol sa kanilang pagpapasalamat sa bawat
karapatan? Bakit?
3.Bakit kailangang ipakita at ipadama ang
pagpapasalamat sa lahat ng mga karapatan ng
bawat bata?
4. Ang pagsunod ng utos at batas ng pamahalaan ay
nagpapakita ba ng pasasalamat sa tinatamasang
karapatan? Bakit?

5.Bilang isang mag-aaral, ano ang sariling kuwento ng


pasasalamat mo sa karapatang tinatamasa mo?
Suriin

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba.


Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong panggawin.

1. Nabalitaan mong pag-aaralin ka ng iyong magulang


sa isang ekslusibo at magandang paaralan, ano ang
gagawin mo upang pasalamatan sila?
2. Nakita mong nagkaroon ng bagong programa ang
inyong barangay upang mapabuti ang inyong talento.
Paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat?
3. May bagong palaruan ang inyong paaralan na inyong
mapaglalaruan. Ano ibabahagi mo upang
mapasalamatan ang paaralan?
4. May bagong batas ang pamahalaan na
magpoprotekta sa iyo bilang bata laban sa pang-
aabuso. Paano mo maipakita ang iyong pasasalamat?
5. Bilang paghahanda sa pasukan ay binilhan ka ng
iyong mga magulang ng mga kakailangan mong gamit,
kompyuter at aklat. Paano mo sila mapasasalamatan?

Tandaan:
Ang pagpapasalamat sa bawat karapatang
tinatamasa mo bilang bata ay maipapahayag at
maikukwento sa pamamagitan ng:
1. Pagbibigay respeto sa mga taong nagdulot ng
iyong karapatan kagaya ng magulang
2. Ang pagpapa-unlad ng angking talento at kakayahan
ay regalo ng iyong pasasalamat
3. Pagsuporta sa lahat ng batas ng bayan
4. Pagsunod sa utos ng gobyerno
Pagyamanin

Panuto: Piliin at isulat ang bilang ng kahon na


nagpapahayag ng kuwento ng pasasalamat sa
karapatang tinatamasa.

1. Isang araw nabasa mo ang ginawang ordinansa ng


inyong barangay hinggil sa pagpaparusa sa nanakit
ng mga batang katulad mo. Pagkakita mo sa inyong
kapitan ay nirespeto mo siya at pinasalamatan sa
ginagawang hakbang.

2. Pinag-aaral ka ng iyong mga magulang sa isang


magandang paaralan ngunit hindi mo sineseryoso ang
pag-aaral mo. Hindi mo rin magawang pasalamatan
ang iyong magulang sa pagpapa-aral sa iyo.

3. Nakita mo ang isang pulis na tinutulungan ang kaklase


mo laban sa mga batang nangbubully sa kapwa.
Bilang isang bata ipinagmamalaki at
ipinagpapasalamat mo ang pagprotekta ng pulis sa
kapwa mo bata.
4. May bagong palaruan na ipinapatayo ang inyong
barangay sa inyong plaza para sa mga batang katulad
mo, at malapit na itong matapos. Sa iyong tuwa ay
binigyan mo ng isang sipi ng saging ang mga opisyal
na nagtataguyod ng proyekto.

5.Mas pinalakas pa ng inyong bayan ang kampanya


laban sa pang-aabuso at karahasan laban sa mga
kabataan. Bilang isang bata, walang pagsidlan ang
iyong pasasalamat sa mga hakbang na ito ng iyong
pamahalaan.
Isaisip

Panuto: Sa loob ng puso, kopyahin mo ang talata na


nagsaad ng iyong kuwento ng pagpapasalamat sa
karapatang iyong tinatamasa. Gamitin ang mga salita
sa loob ng kahon bilang gabay na sagot sa mga
puwang.

Ako ay lubos nasa aking mga

na nagtataguyod ng aking mga. Bilang ganti

ako ay susuporta at sa lahat ng kanilang utos


at hangarin.

rerespeto nagpapasalamat
magulang, guro at gobyerno
karapatan reklamo
Isagawa

Panuto: Kumpletuhin ang isang maikling pagpapahayag


ng pasasalamat sa tinatamasang karapatan batay sa
larawan na ipinakikita. Piliin ang titik ng iyong sagot.
Isulat ang tugon sa kwadernong panggawain.

1. Kami ay lubos na
nagpapasalamat dahil kami ay
nabigyan ng pagkakataong
makapag-aral at makapaglibang.
Kaya karapat- dapat lang na
ang aming mga magulang.
a. irespeto
b. ipagyabang
c. isawalang-bahala

2. Ako si Pedro na lubos na


nagpapasalamat sa tinatamasang
karapatan na maisilang at mabigyan
ng pangalan ng aking mga
magulang. Karapat-dapat lang na
sila.
a. ikahiya
b. itakwil
c. mahalin
3. Bilang isang bata kami ay may
karapatan na mabigyan ng sapat
na edukasyon at mapaunlad ang
aming kakayahan sa loob ng
paaralan. Ang pagpapaunlad ng
angking talento
at kakayahan ay na
dapat pasalamatan.
a. isang kakahiyan
b. isang regalo
c. isang sumpa

4. Ako ay nagpapasalamat sa ating


goberno sa pagpapanatili ng kaayusan
at kapayapaan sa aming barangay.
Dahil dito dapat lang na
sa lahat ng batas na ipinapatupad ng
gobyerno.
a. hindi sundin
b. huwag pansinin
c. suportahan

5. Lubos kaming nagpapasalamat sa


mga magulang at mga taong
nakapaligid sa amin dahil sa
pagbibigay ng pagkakataong
makapaglaro at makapaglibang.
Dapat nating
ang karapatang ating
tinatamasa.
a. ipagyabang
b. ipagmalaki
c. pasalamatan
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang kwento. Sagutin ang mga


tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa kwadernong
panggawain.

Dodong, Ang Batang Mapagpasalamat


Ni: John Clyde A. Cagaanan

Pepeppppp…..Sumakay ng dyip pauwi si Dodong


kasama ang kanyang Tatay Artemio galing sa paaralan.
Binalita niya sa kanyang itay na sasali siya sa
patimpalak na “Talentadong Batang Pinoy” sa
pamamagitan ng pagsayaw. “Tatay turuan niyo po ako
ng sayaw pagdating sa bahay”, wika ni Dodong. “Oo
anak”, ang tugon ni Tatay Artemio. Habang tumatakbo
ang jeep ay natanaw niya ang mga batang namamalimos.
Punit-punit ang mga damit at karamihan ay payat na
payat ang katawan. “Tay, Bakit po sila namamalimos sa
daan?”, wika ni Dodong. “Anak namamalimos sila para
may pambili ng pagkain”, tugon ni Tatay Artemio. “Hindi
po ba sila nag- aaral?”, tanong ulit ni Dodong. “Hindi
anak, dahil
karamihan sa kanila ay iniwan ng kanilang mga
magulang, walang bahay na matutulugan at walang
sapat na pagkain na maihahain sa hapag-kainan. Kung
kaya sila ay namamalimos” ang sabi ni Tatay Artemio.
Kawawa naman sila Tatay. Ngayon ay napagtanto
ko na napakaswerte ko dahil nandiyan kayo ni nanay
na nag-aaruga at nagmamahal sa akin. Ipapangako
ko pong mag-aaral ako ng mabuti at rerespituhin ang
inyong mga tagubilin upang matumbansan ko ang
inyong walang sawang pag-aaruga.
Sa may kanto ay may nakasulat sa karatulang
“One Lane Only, Gamitin ang Ibang Daanan”. Tinawag ni
Tatay Artemio ang atensiyon ng Mamang Drayber na
huwag pumasok dahil bawal. Kung kaya sa kabilang ruta
dumaan ang sinasakyan nilang dyip. “Tatay, kailangan
po ba talagang sumunod tayo sa umiiral na batas sa
lansangan?” Ang tanong ni Dodong. “Oo naman upang
mapanatili ang kaayusan at kailangan hindi natin
abusuhin ang tinatamasa nating karapatan bilang tao”.
Ang pagsunod ng utos at batas ng gobyerno ay isang
magandang ehemplo na dapat pamarisan” ang tugon ni
Tatay Artemio. “Salamat tatay sa iyong mga pangaral,
dadalhin ko po ito hanggang sa aking pagtanda”, wika
ni Dodong.
Pagdating sa bahay ay agad na nagpaturo si
Dodong kay Tatay Artemio ng sayaw. Tuwang-tuwa
sina Nanay at Tatay sapagkat madaling natuto si Dodong.
“Tay at Nay, Salamat po sa pagsuporta na mapaunlad
ko ang
angking talento ko sa pagsayaw, ito ay isang regalo na
dapat kong ipasalamat”, ang wika ni Dodong.

1. Noong napagtanto ni Dodong na maswerte siya


kumpara sa mga batang namamalimos sa
lansangan. Paano niya ipinahayag ang
pagpapasalamat sa bawat karapatang tinatamasa
niya bilang isang bata?

a. Ipinangako niyang mag-aaral ng mabuti dahil


responsibilidad naman ng kanyang mga magulang
na siya ay paaralin.
b. Ipinangako niyang mag-aaral ng mabuti at
rerespetuhin ang mga tagubilin ng mga magulang.
c. Ipinangako niyang gagawin ang lahat upang
makatapos ng pag-aaral. Gumawa ng ‘di kanais-
nais upang tumaas ang grado at nang matuwa ang
mga magulang.

2. Dumaan sa ibang ruta ang Mamang Drayber dahil


sa karatulang “One Lane Only, Gamitin ang
Ibang Daanan” ay nagpapahiwating ng anong
pagpapasalamat sa tinatamasang karapatan?

a. Hindi pagsuporta ng batas ng gobyerno


b. Hindi pagsunod sa utos ng gobyerno
c. Pagsunod ng batas ng gobyerno
3. Bilang isang bata tulad ni Dodong. Paano mo
maipapakita ang pagpapasalamat sa bawat
karapatang tinatamasa mo?

a. Hindi pagsunod sa mga utos ng gobyerno


b. Hindi pagsuporta sa batas na umiiral sa lipunan
c. Pagbibigay respeto at utang na loob sa taong
nagdulot ng iyong Karapatan

4. Tuwang-tuwa sina Nanay at Tatay sapagkat


madaling natuto si Dodong sa pagsayaw. Ang
naturang pangyayari ay nagpapakita nang anong
pasasalamat sa karapatang tinatamasa?

a. Pagpapaunlad ng angking kakayahan at talento


bilang pasasalamat.
b. Pagpapaunlad ng angking kakayahan at talento
bilang pagmamayabang.
c. Pagpapaunlad ng angking kakayahan at talento
bilang pagdadamot sa kapwa bata.

5. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI


nagpapakita ng pagpapasalamat sa karapatang
tinatamasa bilang isang bata?

a. Pagbibigay respeto sa mga magulang at mga


taong nakapaligid
b. Pagsuporta at pagsunod sa utos at batas ng
gobyerno
c. Pagdadamot ng angking talento at kakayahan sa
ibang tao
Karagdagang Gawain

Sa pagtatapos ng ating aralin mga bata, nawa’y


isaisip at isagawa ninyo lahat ang inyong natutunan.
Upang mapagyaman nang husto ang inyong aralin ay
may pabaon kayong gawain sa bahay.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag.


Lagyan ng tsek (/) ang kaukulang hanay. Gawin ito sa
kuwadernong panggawain sa ESP.

Oo Hindi
1. Alam ko ang paraan upang
pasalamatan ang mga taong
nagtataguyod ng aking karapatan
2. Ginagawa ko nang buong puso
ang pagpapasalamat sa
karapatang aking tinatamasa.
3. Ginagampanan ko nang buong
husay na mabigyan ng
pagpapahalaga ang mga
grupong nagsusulong ng aking
mga karapatan
4. Sinusuportahan ko ang bawat
programa na nagpapahalaga sa
aking karapatan.
5. Sumasali ako sa mga programa ng
paaralan na nagpapakita ng
pagpapasalamat sa kapwa.
.
Susi sa Pagwawasto

5. 5.
Oo-4. / c
4.
Oo-3. / a
3.
Oo-
2. Oo/ 2.
c
1.- Oo
/ 1.
c
-/ b
Karagdagang Tay
gawain ahin

5
.
c 5 reres 4 4
4. . Karapa
peto .3 .
c
3. tan
gobye . 3 b
b
2. Magulang,
rno 2 . at
sago
c
1. guro 1.
at . 1 Depende a.
t ng
a Nagpapasalamat . sa
Isag Is Pagyam S
awa ai anin u
si ri
p i
n

Pagsunod s autos ng 4
gobyerno ba .
Pagsuporta s umiiral na batas ya
sa 3
ating pasasala
n .
5. kakayahan ay isang regalo
matng
b c
4. iyongng angking talent
2. Pagpapaunlad
sagoat 3.
c at magul
a.
t ng
Depende 2.
b nagdulot ng iyong Karapatan
ang
sa 1.
b 1. Pagbibigay
tulad ngrespeto sa mga
Is b taong
ai Bali Sub
sp kan ukin
Sanggunian

2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Tagalog, Patnubay


ng Guro. Unang Edisyon.
n.d. K-12 Gabay Pangkurikulum sa ESP Baitang 2.
n.d. Most Essential Learning Competencies.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabuhay-Caraan,
Rolan Baldonado, Isabel Montezero-Gonzales. 2013.
Edukasyon sa Pagpapakatao 2 Tagalog, Kagamitan
ng Mag-aaral. Unang Edisyon.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabuhay-Caraan,
Rolan Baldonado, Isabel Montezero-Gonzales. 2013.
Edukasyon sa Pagpapakatao Taglog, Patnubay sa
Guro. Unang Edisyon.
PAHATID LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management


System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083)

2288825/ (083) 2281893


Email Address:

You might also like