You are on page 1of 22

1 Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan –
Modyul 3a:
Pagpapakita ng
Paggalang sa Pamilya at Kapwa
Edukasyon sa Pagpapakato – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan 1 – Modyul 3a: Pagpapakita ng Paggalang sa Pamilya at sa Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Christine Joy C. Cagud


Editors: Alejandro A. Corre, Joene O. Dela Cruz, Lyme S. Arellano,
Bernadette M. Angel
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Rowena P. Alterado,
Sheryl B. Bautista
Tagaguhit: Christine Joy C. Cagud
Tagalapat: Maria Fe C. Linao, Jana Larisa b. Abinsay, Glen D. Napoles
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo B. Bocatera - Division ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 3a:
Pagpapakita ng
Paggalang sa Pamilya at Kapwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikalawang
Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa Ikatlong Aralin: Pagpapakita ng
Paggalang sa Pamilya at sa Kapwa
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang


pampagtutturo na katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at
maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamng kaalman upanag mapalawak at
malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Pagpapakita ng Paggalang sa
Pamilya at sa Kapwa. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-
aaral upang makamit ang ating layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang
tama ang lahat ng mga gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda
para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at
hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at
mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Baitang ng Self-


Learning Module (SLM) ukol sa Aralin 3: Pagpapakita ng Paggalang sa Pamilya at
sa Kapwa
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
reyalidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian - ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga Gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman kung paano natin


maipapakita ang paggalang sa ating sariling pamilya at
sa ating kapwa sa pamamagitan pagmamano/paghalik
sa nakatatanda bilang pagbati at pakikinig habang may
nagsasalita.

Dito matututunan natin ang pagiging magalang sa


nakatatanda sa pamamagitan ng pagmamano/ o
paghalik bilang pagbati. Matututunan din na ang
pakikinig sa nagsasalita ay gawaing nagpapakita ng
paggalang.

Most Essential Learning Competencies

1. Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at


kapwa sa pamamagitan ng pagmamano/paghalik
sa nakatatanda bilang pagbati at pakikinig sa
nagsasalita. (Esp1P-lle-f-4)

1. Naipapakita ang paggalang sa pamilya at kapwa sa


pamamagitan ng pagmamano/paghalik sa
nakakatanda bilang pagbati at pakikinig sa
nagsasalita

1
Subukin

Panuto: Isulat ang tsek (/) kapag ang larawan ay


nagpapakita ng paggalang at ekis (X) naman kapag
hindi. Isulat ang sagot sa kuwadernong panggawain.
Humingi ng gabay sa nakatatanda.

1. 2.

3. 4.

5.

2
Balikan

Panuto: Gumuhit ng hugis puso sa kuwadernong


panggawain kung nagpapakita ng paggalang sa
pamilya at kapwa at iguhit ang kung hindi.

1. Nadatnan ni Lita ang lolo niya sa sala. Nilapitan niya


ito at nagmano.

2. Nag-uusap ang magkaibigang sina Rosa at Lina,


agad-agad na nakisali si Jerry sa usapan.

3. Habang pinapangaralan ng kanyang Ina, umalis ng


bahay si Pedro.

4. Laging humahalik sa pisngi ng kanyang mga


magulang si Crispin bago umalis ng bahay.

5. Hindi nakakalimutan ni Jeric na batiin ang kanyang


lola tuwing umaga.

3
Tuklasin

Panuto: Humingi ng tulong sa nakatatanda upang basahin


niya ang tula. Makinig ka nang mabuti upang masagot mo
nang tama ang mga tanong.

Ang Pagiging Magalang


Isinulat ni: Christine Joy C. Cagud

Ang pagiging magalang


Ay magandang katangian
Na dapat pahalagahan

Batang Pilipino
Sa matatanda laging nagmamano
Tuwing nakikita sina lola at lolo

Masayang pagbati
Tulad ng “Magandang gabi”
Sabay halik sa pisngi

Pakikinig sa nagsasalita
Pagkamagalang naipapakita
Nararapat at tamang gawa.

4
Suriin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa


kuwadernong panggawain.

1. Base sa tulang binasa, anong magandang katangian


ang dapat na pahalagahan?
A. Pagiging mabait
B. Pagiging magalang
C. Pagiging masunurin

2. Ano ang ginagawa ng mga batang Pilipinong tulad


mo, tuwing nakikita sina lola at lolo?
A. Naglalaro
B. Nagmamano
C. Nagtatago

3. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang kung


may nagsasalita?
A. Aalis ng bahay.
B. Makisali sa usapan nila.
C. Tumahimik lang at makinig.

4. Bukod sa masayang pagbati, ano pang pag-uugali


ang ipinapakita ng mga batang Pilipino?
A. Paghalik sa pisngi
B. Paglayo
C. Pagluhod

5
5. Bakit kailangang ipakita ang paggalang sa mga
magulang at nakatatanda?
A. Upang magkaroon nang maayos na ugnayan at
relasyon.
B. Upang makaiwas sa gulo.
C. Upang hindi sila magalit.

Tandaan

Bilang isang Pilipino, maraming kanais-nais na pag-


uugali at katangian ang itinuro sa atin. Nararapat lang na
ito ay gamitin upang upang magkaroon nang maayos at
matiwasay na relasyon at ugnayan sa mga magulang,
nakatatanda at kapwa-tao, maaaring maipakita ang
paggalang sa kanila, tulad ng mga sumusunod:

 Pagmamano
 Paghalik sa mga nakatatanda
 Pagbati
 Pakikinig habang may nagsasalita

Iilan lamang ang mga ito kung paano natin maipapakita


ang paggalang. Marapat na ito ay gawin at taglayin,
upang sila’y maging masaya sa atin.

6
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Iguhit ang bulaklak sa kuwadernong panggawain


at isulat ang mga salitang nagpapakita ng paggalang sa
talutot nito. Gawing gabay ang mga salitang nasa kahon.

pagsigaw paghalik sa pisngi pagbati

pagmamano pang-aaway pakikinig

pagsunod

2.

1.
3.

5. 4.

7
Gawain 2

Panuto: Gumawa ng poster tungkol paggalang sa mga


magulang o nakatatanda. Gawing gabay ang
pamantayang nasa ibaba.

Rubriks
MGA
4 3 2 1
KRAYTERYA
Lubos na
Hindi
nagpapamalas
Naging gaanong Walang ipinamalas na
ng
malikhain sa naging pagkamalikahain sa
Pagkamalikhain pagkamalian
paghahanda malikhain sa paghahanda.
sa
paghahanda
paghahanda
Hindi
Lubhang Naging
gaanong
naging malinaw ang Hindi naging malinaw
malinaw an
malinaw ang pagbigkas ang
pagbigkas
Presentasyon pagbigkas at at pagbigkas/paghahatid
at
paghahatid ng paghahatid ng mensahe
paghahatid
mensahe ng mensahe
ng mensahe
Konsistent,
May may
Buo ang
kaisahan at kaisahan,
kaisipan Hindi ganap ang
may sapat kulang sa
konsistent, pagkakabuo, kulang
Organisasyon na detalye detalye at
kumpleto ang ang detalye at di
at malinaw hindi
detalye at malinaw ang intension
na gaanong
malinaw.
intensiyon. malinaw ang
intensiyon
Hindi
Angkop na
Angkop ang gaanong
angkop ang Hindi angkop ang
Kaangkupan sa mga salita angkop ang
mga salita at mga salita sa paksa.
Paksa sa paksa. mga salita
sa paksa
sa paksa
Kabuuang
puntos

8
Isaisip

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang


pahayag ay nagpapakita ng paggalang at malungkot
na mukha ( ) kung hindi.

1. Humahalik o nagmamano ako sa mga magulang at


nakatatanda.

2. Sumasali ako sa usapan ng matatanda kung hindi


ako kinakausap.

3. Iniiwasan ko ang magsalita kung may nagsasalita na.

4. Binabati ko ang aking mga magulang, guro at mga


nakatatanda tuwing sila ay aking makikita.

5. Lagi akong nakikisali sa usapan kahit hindi naman


ako dapat makisali.

9
Isagawa

Gawain 3

Panuto: Isulat ang Tama kung ang larawan ang


nagpapakita ng paggalang at Mali naman king hindi.
Gawin ito sa kuwadernong panggawain.

1. 2.

3. 4.

5.

10
Gawain 4

Panuto: Gumawa ng isang islogan tungkol sa pagpapakita


ng paggalang sa magulang at nakatatanda. Gawing
gabay ang pamantayng nasa ibaba.

Rubriks
MGA
4 3 2 1
KRAYTERYA
Lubos na
Hindi
nagpapamalas
Naging gaanong Walang ipinamalas na
ng
malikhain sa naging pagkamalikahain sa
Pagkamalikhain pagkamalian
paghahanda malikhain sa paghahanda.
sa
paghahanda
paghahanda
Hindi
Lubhang Naging
gaanong
naging malinaw ang Hindi naging malinaw
malinaw an
malinaw ang pagbigkas ang
pagbigkas
Presentasyon pagbigkas at at pagbigkas/paghahatid
at
paghahatid ng paghahatid ng mensahe
paghahatid
mensahe ng mensahe
ng mensahe
Konsistent,
May may
Buo ang
kaisahan at kaisahan,
kaisipan Hindi ganap ang
may sapat kulang sa
konsistent, pagkakabuo, kulang
Organisasyon na detalye detalye at
kumpleto ang ang detalye at di
at malinaw hindi
detalye at malinaw ang intension
na gaanong
malinaw.
intensiyon. malinaw ang
intensiyon
Hindi
Angkop na
Angkop ang gaanong
angkop ang Hindi angkop ang
Kaangkupan sa mga salita angkop ang
mga salita at mga salita sa paksa.
Paksa sa paksa. mga salita
sa paksa
sa paksa
Kabuuang
puntos

11
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik na tamang sagot at isulat ito sa


kuwadernong panggawain.

1. Pupunta kayo sa bahay ng Tiyuhin at Tiyahin niyo, ano


ang unang gagawin mo pagdating doon?
A. Maglaro agad.
B. Magmamano sa kanila.
C. Maghahanap ng makakain.

2. Isang umaga, dumating ang Lolo mo sa inyong


bahay. Ano ang sasabihin mo?
A. Bakit ang aga mo Lolo?
B. Magandang umaga po, Lolo.
C. Anong ginagawa mo dito Lolo?

3. Narinig mong nag-uusap ang iyong magulang, ano


ang gagawin mo?
A. Makikisali ako sa kanilang usapan.
B. Makikinig at tatahimik lang sa tabi.
C. Magdadabog ako upang matapos ang kanilang
usapan.

4. Bagong dating ka galing paaralan, ano ang unang


sasabihin mo?
A. Nanay, ano ang niluto mong ulam?
B. Nanay, pahingi pambili ng meryenda.
C. Nanay, magandang hapon po, naka-uwi na po
ako.

12
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
nagpapakita ng paggalang?
A. Aalis ng walang paalam.
B. Magmano kay Lola pagkakita sa kanya.
C. Sigawan si ate dahil wala siyang pasalubong na
dala.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong kwadernong panggawain gumuhit ng


isang sitwasyon na nagpapakita kung paano maging
magiliw sa pagtanggap ng mga bisita

Kriteria ng Gawain

Kriteria 5 4 3
1. Galing sa
pagguhit
2. Kaalaman
3. Natapos
ang
gawain
nang
malinis.
Kabuuang
Puntos

13
14
Subukin Balikan Suriin
1. / 1. b
1.
2. x 2. b
3. / 2. 3. c
4. / 3. 4. a
5. x 5. a
4.
5.
Pagyamanin Isaisip
Gawain 1 Gawain 2
1.
Paghalik sa pisngi Aasahan ang magkakaiba-ibang
Pagbati sagot ng bata
Pagmamano 2.
Pakikinig
pagsunog 3.
4.
5.
Isagawa
Gawain 1 Gawain 2 Tayahin
1. Tama Aasahan ang magkakaiba-ibang 1. b
2. Tama sagot ng bata 2. b
3. Tama 3. b
4. Mali 4. c
5. Tama 5. b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
2020. Most Essential Learning Competencies ESP 1.
Teresita M. Anastacio, Gloria M. Cruz, April Ann M.
Curugan, Anna Cristina Nadora, Jennifer Quinto,
Rubie Sajise. 2012. Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Tagalog, Kagamitan ng Mag-aaral .
—. 2012. Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Tagalog,
Patnubay ng Guro.

15
PAHATID LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like