You are on page 1of 44

MODYUL SA ESP 1

IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 9
Layunin:
Nakagagamit ng mga
bagay na patapon ngunit
maaari pang
pakinabangan
Panimula
Ang pagreresiklo ay isang paraan upang
magamit na muli ang isang bagay na maaari
pang mapakinabangan. Isang halimbawa nito
ang mga basura. Hindi na biro ang dami ng
basurang naitatapon sa mga dump site. Isang
problema na ring maituturing kung saan dapat
na ilagak ang mga basurang nakokolekta
mula sa mga tahanan.
Paraan ng Paggamit
Ang modyul na ito ay para sa
isahang paggamit
lamang.Inaasahang matatapos
ito ng mag-aaral sa loob ng isang
(1) oras lamang.
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing


mabuti ang mga katanungan sa
bawat bilang. Bilugan ang letra
ng pinakatamang sagot.
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing


mabuti ang mga katanungan sa
bawat bilang. Bilugan ang letra
ng pinakatamang sagot.
1. Paano mapapanatili na malinis at maayos ang ating paligid?
A. Mag-recycle o gamitin muli ang mga patapong bagay.
B. Huwag nang gamitin ang anumang bagay.
C. Iwasang gumamit ng basurahan.

2. Ang mga sumusunod ay mga lumang bagay na maari pa


nating gamitin o gawin para makabuo ng bagong bagay. Alin ang
hindi na maaaring i-recycle
sa mga ito?
A. Punit na dyaryo B. lumang straw C. basag na
baso
3. Ano ang salita ang mabubuo sa pag-aayos ng mga titik ? A S B U A R
A. BAHAY B. BASAHAN C. BASURA

4. Ang kahong ito ay maraming pakinabang. Maaring paglagyan ng mga laruan, at iba’t ibang gamit sa paaralan o sa
tahanan man. Ano ang patapong bagay ang ginamit upang mabuo ito?
A. Balat ng kendi B. lumang dyaryo C. lumang bote

5. Ito ay ginagamit ko tuwing ako ay nagbabasa ng aklat at hindi ko natapos upang matandaan kung saan ako nahinto.
Alin ito?
A. B. C.
Alam mo ba ang 3R?
Ito ay ang reduce, reuse at
recycle. Ito ay ang mga
paraan upang mabawasan
ang mga basura sa inyong
kapaligiran.
Nakabili kana
ba ng isang
bagay na
maraming
balot?
Ang mga
balot na ito
ay isa sa mga
binabayaran
natin.
Sa kalaunan
makadaragdag
ang mga ito sa
basura sa
kapaligiran.
Iwasang bumili o
gumamit ng mga
bagay na tulad nito.
Ito ang paraan na
tinatawag na
reduce.
May bag ang iyong
nanay na hindi na
niya ginagamit.
Paano mo kaya ito
mapakikinabangan?
Tama! Maaari mo itong
hiramin sa kaniya kapag
marami kang mga gamit
na kailangang dalhin sa
paaralan. Ang paraan
na ito ay tinatawag na
reuse.
Oooooops... Itatapon mo
na ba ang iyan? Huwag!
Maaari pa iyang magamit.
Tahiin lamang ang sira sa
damit at maaari mo na
itong ibigay sa mga bata
na walang maisuot.
Ito kayang basyo ng
garapon ay
puwedeng maging
regalo sa kaniyang
nanay sa kaarawan
nito?
Ang galing, hindi ba? Sino
ang mag-aakalang ang
flower vase na ito ay dating
basyo ng tubig? Ang
ganitong gawain ay
pagreresiklo o
pagrerecycle.
Ano pa kayang mga bagay ang maaaring
magamit muli o puwedeng iresiklo?
Pumili ka ng isa sa mga sumusunod na
sitwasyon at ibahagi ang iyong saloobin sa
klase:
1. May mga damit kang hindi mo na ginagamit.
Nabalitaan mo na may mga pamilyang nasunugan sa
kabilang barangay.
2. Noong huli kayong namalengke ng iyong nanay ay
nalaman mo na hindi na pinapayagan ang paggamit
ng plastik bag.
3. Itatapon ng iyong kapatid ang kaniyang notebook.
Marami pa itong pahinang hindi nasusulatan.
Magdiriwang ng kaarawan
ang iyong pinsan. Kulang ang
iyong perang pambili ng regalo
para sa kaniya. Mayroon kang
puwedeng gawin na hindi mo
na kailangang gumastos pa.
Makagagawa ka ng isang
bagay na yari sa mga bagay
na galing sa kapaligiran.
Subukin mo ito. Maaari kang magpatulong sa nakatatandang kasapi ng iyong pamilya.

Tandaan: Maging maingat at sundin nang tama ang bawat paraan.

Mga Kagamitan:

sinulid puncher o pambutas


gunting krayola plastic cover
matigas na papel mula sa lumang karton
mga tuyong dahon at bulaklak
glue scotch tape
Pamamaraan:
1. Gupitin ang matigas na
papel o karton na may
sukat na anim (6) na
pulgada ang haba at
tatlong (3) pulgada ang
lapad.
2. Idikit dito ang mga
tuyong dahon at mga
bulaklak sa disenyong
nais. Patuyuin. Mag-iwan
ng espasyo para sa
isusulat na mensahe.
3. Isulat ang
iyong
mensahe
gamit ang
krayola.
4. Balutan ng
plastic cover ang
natapos na
gawain.
5. Lagyan ng
butas ang dulo
ng cardboard.
6. Lagyan ng tali.
Ang kapaligiran ay mahalaga.
Ikaw ay bahagi nito. May
magagawa ka upang ito ay
mapangalagaan.
Bumuo ng tatlong pangkat. Pumili ng
lider. Bawat lider ay bubunot ng
sitwasyon na nasa kahon. Isadula ang
mapipiling sitwasyon. Ipakita ang 3Rs
kung paano maiiwasan ang maraming
basura o kalat.
Mga Sitwasyon:
a. Bago ako magtapon ng mga bagay sa aming bahay, pipiliin ko ang mga
bagay na dapat pang mapakinabangan. Maaari ko itong ipamigay o
gamitin sa ibang paraan.
b. Sasabihin ko sa aking nanay na mas mabuting gumamit ng lampin kaysa
disposable diaper para sa nakababata kong kapatid. Puno kasi ng
disposable diapers ang basurahan sa kalye. Ikinakalat pa ito ng mga aso at
pusa.
c. Hindi ko lulukutin ang papel na itatapon sa aming silid-aralan. Ilalagay ko
ito nang maayos sa aming paper tray na inilaan ng guro. Ipagbibili namin
ang mga papel na ito kapag puno na ang lalagyan.
Tandaan:
Kung ang kapaligiran ay iyong kinakalinga, ito ay
magiging maayos at malinis. Kahit na ikaw ay bata pa
lamang, ikaw rin ay maaaring maging tagapangalaga
ng Inang Kalikasan. Gamitin ang 3Rs – Reduce, Reuse,
at Recycle. Ang 3Rs ay isang paraan upang makaiwas
sa pagdami ng kalat.
Ang pagre-reduce ay ang pagbabawas sa
paggamit ng mga bagay na nagiging sanhi
ng maraming basura, tulad ng pag-iwas sa
paggamit ng plastik na supot o ang pagtitipid
sa paggamit ng mga nauubos na bagay na
mula sa likas na yaman tulad ng kuryente at
papel.
Ang pagre-reuse ay ang paggamit muli ng mga
kagamitan na pinaglumaan tulad ng lumang
sapatos o mga paper bags na pinagbalutan ng
mga pinamili sa mga mall at supermarket.
Ang pagre-recycle ay ang paggamit ng mga luma
o patapon nang kagamitan sa ibang paraan
upang mapakinabangan tulad ng garapon na
ginamit bilang plorera.
Pag-aralan ang bawat larawan. Ano
ang dapat gawin sa bawat
sitwasyon?
Panghuling Pagtataya:
Isulat sa iyong kuwaderno ang titik T
kung ang pangungusap ay tama at
titik M kung ito ay mali.
1. Hindi maaaring pakinabangan ang
anumang basura.
2. Ang mga pinagbalatan ng prutas ay
maaaring ibilad at patuyuin sa araw upang
gawing potpourri o pinatuyong maliliit na
bagay na nilagyan ng pabango at
pampalamuti na inilalagay sa garapon upang
idisplay.
3. Ang reuse ay ang muling paggamit ng mga
bagay na luma o pinagsawaan na.
4. Hindi mababawasan ang itatapong basura
kahit gawin ang 3Rs sa mga ito.
5. Ang maliliit na bata ay walang magagawa
upang mabawasan ang mga kalat sa
kapaligiran
MGA KASAGUTAN SA MGA KASAGUTAN SA
PAUNANG PAGTATAYA PANGHULING PAGTATAYA
1. A 1. mali
2. B 2. tama
3. C 3. tama
4. B 4. mali
5. A 5. mali
MGA SANGGUNIAN:
Aklat
EsP T.G.
EsP LM

Website/s
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/happy-girl-blowing-
birthhttps://www.google.com/search?safe=strict&biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=OfX1Xaa2Maf2hwOiubu4Bw&q=bag+hanging+clipart+clipart&
oq=bag+hanging+clipart+clipart&gs_l=img.3...61369.100858..101315...0.0..0.286.2977.0j21j1......0....1..gws-wiz-
img.......0j0i7i30j0i8i7i10i30j0i8i7i30j0i8i30.s9S_fB98aJk&ved=0ahUKEwjmtuWopLfmAhUn-
2EKHaLcDncQ4dUDCAY&uact=5#imgdii=OovLCDijZ8uv6M:&imgrc=EqkUuopxkz0eXM:day-candles-with-her-famil-vector-5140162

https://www.google.com/search?safe=strict&biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=KfT1XcC-Dsfh-
AbYopGgDQ&q=rwecycled+empty+bottle+clipart&oq=rwecycled+empty+bottle+clipart&gs_l=img.3...76669.79311..80383...0.0..0.139.1351.0j11......0
....1..gws-wiz-img.......0i67j0j0i7i30j0i8i30.eHlj0fzcVwY&ved=0ahUKEwiA9-imo7fmAhXHMN4KHVhRBNQQ4dUDCAY&uact=5#imgrc=BMFN-
5kC07oCgM:

https://www.google.com/search?q=empty+bottle+clipart&tbm=isch&source=univ&safe=strict&sa=X&ved=2ahUKEwi-
j5eko7fmAhWQwpQKHaKcBzIQ7Al6BAgKEEU&biw=1366&bih=657#imgrc=-uNOGUPswqU0sM

https://www.google.com/search?safe=strict&biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=oPX1Xf7OLpeHoASM2q3YAg&q=3rs+clipart&oq=3rs+clipart&gs_l=i
mg.1.0.0i67j0i8i30.97509.102005..104765...3.0..0.139.857.0j7......0....1..gws-wiz-
img.......0i7i5i30j0i5i30j0j0i7i30.bgRmFSUSous#imgdii=O9B2N62QDkXvMM:&imgrc=0mlfEZpHdjhgBM:

You might also like