You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II

I. Layunin:
1. Naipaliliwanag ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili ng kalinisan sa sariling
komunidad.

2. Nakaguguhit ng larawan ng pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman ng komunidad.

3. Nakasasali sa pagsasagawa ng mga gawain sa aralin nang may buong sigla at kasiyahan.

II. Paksang aralin:


Paksa: Pangangalaga sa Kalikasan, Pananagutan Ko
Sanggunian: K to 12 Most Essential Learning Competencies ( MELC )
AP2PSK-IIIa-1p. 31
Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan p. 30
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan p.77-83

Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Inang kalikasan


Integrasyon sa GAD: Pantay na gawain ng mga kababaihan sa kalalakihan sa
pangangalaga ng likas na yaman at pagpapanatili ng kalinisan
sa sariling komunidad.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang gawain.

Magandang araw sa inyong lahat, mahalagaang ang ating pag-aaralan


ngayon at tiyak akong matutuwa at masisiyahan kayo sa ating mga gawain
at higit sa lahat sigurado akong marami kayong matutunan sa araw na ito.
Hanada na ba kayo?
Mayroon akong ipapanood sa inyong isang masayang awitin at sikapin
nating sabayan ito.
1. Pag –awit ng mga mag-aaral gamit ang video ng awitin.

Naibigan ba ninyo ang ating awitin?


Ngayon naman ay mayroon tayong gagawin. Bibigyan ko kayo ng gawain .
Sa loob ng sobre ay mga mga titik na ginupitgupit. Buuin ito at idikit sa
strip ng pink cartolina at paunahang idikit ito sa pisara. Kung sinong unang
natapos at makapagdikit sa pisara ay may gantimpalang makakamit.

2. Pagbubuo ng mga salita tungkol sa kalikasan gamit ang mga letrang ginupitgupit.

Sa pagsasagawa ng ating mga gawain, dapat hindi natin kakalimutan ang


mga panuntunan sa Pagsasagawa ng Gawain Katulad ng ….Paggawa ng
tahimik, pakikipagtulungan sa ka-grupo at iba pa.
3. Pagtalakay sa kalikasan mula sa mga nabuong salita at pag-uugnay nito sa paksang
aralin.

Magaling!
Anu-ano ang mga binuo at idinikit niyong salita sa pisara?
Tama! ito ay mga likas na yaman o ang ating mga kalikasan.
Alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng kalikasan? See Video
Paghahawan ng balakid.
Basahin nga natin ang mga ito
Mayroon ba tayo nito sa ating komunidad?

B. Panlinang na Gawain:

Ngayon ay dadako na tayo sa ating Aralin. Ating panonoorin ang isang


Video na tiyak kong magugustuhan ninyo at kapupulutan ninyo ng
maraming aral.
1. Ilahad at ipanood ang isang video tungkol sa kalikasan .
2. Talakayin at pag-usapan ang videong napanood. Hayaang maghayag ang mga bata ng
kanilang kaisipan tungkol sa kanilang napanood.

Nagustuhan ba ninyo ang vdeo? Tungkol saan ang video?


Alam ba natin ang kahulugan ang salitang pananagutan? See Video
Paghahawan ng balakid.

3. Bigyang diin ang ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman at
pagpapanatili ng kalinisan ng sariling komunidad.

Ipapakita ko rin sa inyo ang ilan sa mga larawan sa ating komunidad na


nagpapakita ng pananagutan sa pangangalaga ng likas na yaman at
pagpapanatili ng kalinisan

4. Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain.

Ngayon, mayron akong inihandang gawain para sa inyo.


Bawat pangkat ay bibigyan ko ng activity sheet na nakaploob dyan ang mga
gagawin at muli ipapaalala ko sa inyo na dapat di natin makakalimutan ang
mga panuntunan sa pagsasagawa ng mga gawain upang maging maayos at
tahimik nating matapos ang ating mga gawain.
-Ang bawat pangkat ay bibigyan ng activity card ng mga gawain.

Mga gawain :
- Paggawa ng Poster na may kaugnayan sa pangangalaga ng likas na yaman
at pagpapanatili ng kalinisan sa sariling komunidad
- Paggawa ng Isang Babala na may kaugnayan sa pangangalaga ng likas na
yaman at pagpapanatili ng kalinisan sa sariling komunidad
- Pagtatala ng mga pangangalaga ng likas na yaman at pagpapanatili ng
kalinisan sa sariling komunidad
-Pagbibigay pansin sa pag-uugnay ng GAD sa aralin.
-Pag-awit ng isang awitin na may kaugnayan sa pangangalaga ng likas na
yaman at pagpapanatili ng kalinisan sa sariling komunidad

5. Pagpapaskil at pagtalakay sa natapos na gawain ng bawat


Pangkat na pangungunahan ng lider ng bawat pangkat.

Ngayon naman atin nang matutunhayan ang natapos na gawain ng bawat


pangkat. kaya inaanyayahan ko ang lider ng bawat grupo upang ipaskil at
talakayin ang natapos na gawain.
C. Paglalahat:

Bilang isang mabuti at responsabling mamamayan, tayo ba ay may


pananagutan sa pangangalaga ng likas na yaman at pagpapanatili ng
kalinisan sa ating sariling komunidad?
Ano-ano ang mga pananagutan natin sa pangangalaga
ng likas na yaman sa ating komunidad?
SEE Power Point GENERALIZATION

D. Paglalapat:
Ngayon naman ay ating sasagutin ang nasa tsart.
Basahing mabuti ang mga pangungusap sa hanay A , at hanapin sa mga
larawan sa hanay B kung saang larawan dapat ito i-ugnay, upang mapangalaagaan
natin ang mga likas na yaman sa kinabibilangan nating komunidad.

IV. Pagtataya:
Para sa ating maikling pagsusulit, sagutin ito nang wasto at maayos.
Ipasagutan sa papel ang pagtatayang inihanda sa coupon.
Iguhit sa sagutang papel ang kung ang gawain ay tumutukoy sa pangangalaga sa likas
na yaman at naman kung nakapipinsala.

V. Takdang-Aralin:
Para sa takdang aralin:
Magplano at magsagawa ng isang “ Clean and Green Campaign” sa inyong purok. Hikayatin
ang pamilya, mga kamag-anak, kapit -bahay at kaibigan upang maisagawa ito kahit sa isang
simpling pamamaraan lamang.

Inihanda ni:

MARICEL B. CABALOZA
Guro sa Ikalawang Baitang

You might also like