You are on page 1of 11

Paaralan Antas Dalawa

GRADE 2 Guro Asignatura ARALING PANLIPUNAN


Detailed Petsa Marso 17, 2021 Markahan: Pangatlong Markahan
Lesson Oras 9:05-9:45 Binigyang pansin ni :
Plan

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing
Pangnilalaman hanapbuhay at pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad.
(Content Standards)
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa
(Performance Standards) komunidad tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad
C. Mga Kasanayan sa Naipaliliwanag ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili ng kalinisan ng sariling komunidad
Pagkatuto (Learning AP2PSK-IIIb-2
Competency)
Isulat ang code ng bawat
kasanayan
II. NILALAMAN Sama-sama sa Pangangalaga sa Likas na Yaman

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Curriculum Guide p.49
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan Module PIVOT 4 A Learning
Pang- Mag-aaral Material Gr. 2
p. 14-17
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan https://www.youtube.com/watch?v=lL51oGkEkT0
mula sa portal ng Learning
Resource
C. Iba pang Kagamitang Power Point Presentation/ Video Presentation/GIF
Panturo
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA BATA ANOTASYON
IV. PAMAMARAAN
I. INTRODUCTION Magandang umaga mga bata! Magandang Umaga po teacher
(PANIMULA) Ang araling ito ay inaasahang maipaliliwanag ang
pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na
yaman at pagpapanatili ng kalinisan ng sariling
komunidad.

Ngayon mga bata tayo ay magbalik aral


A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula ng Tukuyin kung ano ang nasa larawan at anong likas na
bagong aralin yaman ito napapabilang.

dagat - yamang tubig


1.

guro – yamang tao


2.

Banaue Rice Terraces/Hagdang Hagdang


Palayan – yamang lupa
3.

4. magsasaka – yamang tao

Bulkang Mayon – yamang lupa


5.

B. Paghahabi sa layunin ng Awit/ Video tungkol sa Wastong Pagtatapon ng Basura


aralin Tungkol saan ang awit na inyong narinig?
Ang video po ay tungkol sa po sa wastong
Saan natin dapat itapon ang ating mga basura?
pagtatapon ng basura.
Paano natin dapat itapon ang ating mga basura?

Ma’am sa tamang tapunan po

Ma’aam sa pamamagitan po ng
paghihiwalay ng mga basura na nabubulok
sa di nabubulok at sa magagamit pa.

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Ngayon naman pagmasdan ang mga larawan
Ito po ay halimbawa ng mga likas na
yaman.

Ano – ano ang nakita ninyo sa larawan?

Ang mga larawan na inyong nakita ay mga halimbawa ng mga


likas na yaman na ating makikita sa iba’t-ibang panig ng ating
bansa.

Isa sa mayaman at may pinakamagandang likas na yaman ang


Pilipinas sa buong mundo na dapat nating ipagmalaki.

D Development
Nauubos ba ang mga likas na yaman? Opo
(Pagpapaunlad)
Ang mga likas na yaman ay mahalaga sa ating komunidad. Dito
D. Pagtatalakay ng bagong nagmumula ang hanapbuhay ng tao. Ngunit dahil sa araw-araw
nating paggamit sa mga likas na yaman ay unti-unti natin itong
konsepto at paglalahad ng napababayaan at nasisira.
bagong kasanayan #1
Ang pagkasira ng likas na yaman ay dulot ng iba’t-ibang
dahilan.

Pagmasdan ang bawat larawan at sagutin ang mga sumusunod


na tanong:
1. Ano ang magiging epekto ng mga gawaing ito sa
kapaligiran?

2. Paano tayo makakatulong upang mapangalagaan ito?

1. Pagmimina
Magdudulot po ito ng pagguho ng lupa

Magtanim po ng puno.

2. Pagkakaingin ng mga kagubatan upang gawing lupang


sakahan o pagtayuan ng mga subdibisyon at pagtotroso
nang illegal sa mga kabundukan. Magdudulot po ito ng pagguho po ng lupa at
pagbaha.

Magtanim po ng puno.

3. Panghuhuli sa maliliit na isda kaya nawawalan ng


pagkakataon ang mga ito upang muling magparami.

Magdudulot po ito ng pagkaubos ng isda sa dagat.

Huwag gumamit ng pinong lambat, dinamita at


nakakalasong kemikal sa pangingisda.
4. Pagtatapon ng basura kung saan-saan lalo na sa mga
ilog at iba pang daluyan ng tubig.

Ito po ay magdudulot ng pagbaha at pagkalason sa


ating yamang tubig.

Itapon ang basura sa tamang tapunan.

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Maraming masamang maidudulot ang labis nap ag-
bagong kasanayan #2 abuso sa likas na yaman gaya ng pagbaha, at pagguho
ng lupa. Ang basura ang pangunahing dahilan kaya
nagkakaroon ng pagbaha sa ibat’t ibang parte ng
ating bansa.

Kahit ngayong panahon ng pandemya ay maari pa din tayong


makatulong upang mapanatiling napapangalagaan at malinis ang
ating mga likas na yaman.
Paano natin ito magagawa?
Ito po ay sa pamamagitan ng pag sesegregate o
paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at
hindi nabubulok at pagtatanim ng mga puno.

Ano kaya ang maaring gawin sa mga basurang nabubulok?


Pwede po itong gamiting pataba ng lupa

Ano naman ang pwede nating gawin sa mga basurang di-


nabubulok ngunit pwede pang pakinabangan? Pwede po itong ipagbili sa junk shop
upang i-recycle.
Tayong lahat ay may responsibilidad at magagawa upang
mapangalagaan ang ating mga likas na yaman.

E-Engagement Ngayon naman ay gawin ang Gawain sa Pagkatuto


(Pakikipagpalihan) bilang #1
Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang
sumusunod na pahayag ay tama, at MALI naman
kung ito ay mali.
F. Paglinang sa Kabihasnan
______1. Pagtatapon ng basura sa ilog. 1. MALI
(Tungo sa Formative
______2. Pagtatanim ng mga bagong puno sa 2. TAMA
Assessment)
kagubatan. 3. MALI
______3. Paggamit ng dinamita sa pangingisda. 4. TAMA
______4. Paglilinis ng kapaligiran sa komunidad. 5. TAMA
______5. Paggawa ng pataba mula sa nabubulok na
basura.

Mga bata napag-aralan natin sa asignaturang Filipino


A- Assimilation ang sanhi at bunga.
(Paglalapat)
Ano ang sanhi? Ang sanhi po ay tumutukoy sa pinagmulan o
dahilan ng isang kilos, kalagayan o
G. Paglalapat ng aralin sa pangyayari.
pang-araw-araw na buhay
Ano ang bunga? Ang bunga po ang kináuwian o kinalabasan ng
gawain o pangyayari .
May inihanda akong panibagong gawain para sa
inyo.

Piliin sa Hanay B ang magiging bunga ng mga sanhi


sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B

1. A.
1. C
2. E
3. D
4. A
5. B

2. B.

3. C.
4. D.

5. E.

H. Paglalahat ng Aralin Tandaan


Ang likas na yaman sa ating paligid ay nakakatulong
sa ating pamumuhay. Sa mga ito tayo nakakalikha ng
iba’t ibang hanapbuhay at produkto na siyang
nakakatulong upang tayo ay makapamuhay nang
maayos at masagana. Kaya naman, dapat natin itong
pangalagaan.
I. Pagtataya ng Aralin Ngayon naman mga bata ihanda nyo ang mga lapis at
papel at gawin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Surrin at pag-aralan ang mga larawan. Iguhit ang


kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong gawain
at kung hindi.
1. 1.
2.
3.
4.
5.

2.

3.

4.

5.

Sagutan natin ang inyong ginawa.

J. Karagdagang Gawain para Mga bata para sa inyong takdang aralin gumuhit ng
sa takdang- mga likas na yaman na makikita sa inyong
aralin at remediation komunidad.

Paalam na mga bata. Inaasahan ko na malaki ang


naibahagi ng araling ito upang tayoy maging
responsableng tagapag-alaga ng ating mga likas na
yaman. Hanggang sa muli.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitan ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like