You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN – IV

Unang Markahan

Petsa: Lunes – Hulyo 15, 2019


Oras: 10:50–11:40

I. Naiisa – isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa.


Nabibigyang halaga ang kahalagahan ng likas na yaman.
Naisasagawa ang mga wastong paraan sa pangangalaga sa mga likas na yaman.

II. Kahalagahan ng mga Likas na Yaman sa bansa.

Konsepto: Ang mga likas na yaman ng bansa ay mahalaga sapagkat ito ang nagbibigay
ng mga pangunahing pangangailangan natin sa araw araw.

Sanggunian: PELC 1.4


Araling Panlipunan 4

Kagamitan: laptop, ppt presentation, larawan

Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga Likas na Yaman

III. Pamamaraan:

1. Balitaan:

Pagpapalitan ng napapanahong balitang narinig sa radyo o napanood sa


telebisyon.

2. Balik-aral:

Itanong sa bata.
Ano ang napag-aralan natin noong nakaraang araw?

3. Pagganyak:
Magpapakita ng iba’t ibang tanawin ang guro.
1. Ano ang mga nasa larawan?
2. Ano ang napapansin ninyo?
3. Alam ninyo ba kung saan ang mga lugar na ito?

IV. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad/Pagtatalakay:

a. Ano ang kahulugan ng likas na yaman?


b. Ipapaliwanag ang Yamang Lupa, Yamang Tubig at Yamang Mineral.
c. Magpapakita ang guro ng mga halimabawa ng yamang lupa, yamang tubig
at yamang mineral.
d. Bakit kailangang gamitin sa wastong pamamaraan ang mga likas na
yaman?

2. Paglalapat:

Gumawa ng isang maikling role play na kung saan ay ipinapakita ang


wastong pangangalaga sa ating mga likas na yaman.
Hahatiin ang klase sa tatlong grupo.

Rubrik para sa Role Play:

KRAYTIRYA PUNTOS
Pagkakaganap ng Tauhan 10
Partisipasyon 10
Iskrip 5
Malikhain 5
KABUUAN 20

3. Paglalahat:

Magtatanong ang guro:


a. Anu-ano ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa?
b. Paano nakakatulong ang mga likas na yaman sa ating araw araw na
pamumuhay?
Ang likas na yaman ng bansa ay sapat upang maibigay ang mahahalagang
pangangailangan ng mamamayan at makapamuhay nang maginhawa. Pagyamanin at alagaan
natin ito. Bilang batang Pilipino, kailangan ang iyong tulong upang mapagyaman at masagip
ang mga likas na yaman ng bansang Pilipinas.

V. Pagtataya:

Isulat ang  kung ito ay Yamang Lupa,  kung ito ay Yamang Tubig at kung ito ay
Yamang Mineral.

1. ginto
2. isda
3. kabibe
4. pinya
5. kamote

VI. Kasunduan:
Gumuhit ng isang halimbawa ng likas na yaman na iyong makikita sa inyong pook at
lagyan ng kulay sa isang short bond paper.

Inihanda ni:

ARLENE Y. HERNANDEZ
Guro I

Iwinasto:

FEBELYN D. BALBUENA
Punungguro IV

You might also like