You are on page 1of 7

Name of Teacher EVANGELINA A.

LIBANAN Section A
Leaning Area EsP Time
Grade Level II Date
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng kamalayan sa
karapatang pantao ng bata, pagkamasunurin tungo sa kaayusan at
kapayapaan ng kapaligiran at ng bansang kinabibilangan.
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa nang buong pagmamalaki ang pagiging mulat sa karapatan
na maaaring tamasahin.
C .Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasasabi/Nakapagpapakita ng paraan ng pagpapasalamat sa anumang
Isulat ang code ng bawat karapatang tinatamasa. Halimbawa: pag-aaral nang mabuti, pagtitipid sa
kasanayan anumang kagamitan. EsP2PPP-llla-b-6
II. NILALAMAN Pagpapasalamat sa anumang Karapatang tinatamasa
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian MELCs n Module 1, youtube at www.google.com
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina Sa Kagamitang Module 1 p. 1-6
Pang-mag-aaral
B. Iba Pang Kagamitang Panturo PowerPoint,
Integrasyon: AP, Math, Music, Filipino
IV. PAMAMARAAN
Before the Lesson Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Magandang hapon mga bata.. Magandang hapon din
at/ o pagsisimula sa bagong aralin Mga bata, Alam ba ninyo na bawat bata ay may po..
KARAPATAN?
Balikan Natin:
Itatanong ng guro sa mga bata kung alin sa mga
sumusunod na larawan ang nagpapakita ng Sasagutin ang mga
pagmamalasakit sa kapwa. Tatawag ng piling tanong.
mag-aaral upang i-mukha ang kasagutan gamit

ang masaya at malungkot

na mukha.kung hindi.

1.

2.

3.

4.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sabihin/Tukuyin ang bawat larawan at piliin ang Sasagutin ng mga bata
titik ng karapatang binabanggit. ang mga tanong.
1. Karapatan na mabigyan ng sapat na edukasyon

A. B.
C.
2. Karapatan na makapaglaro / makapaglibang.

C.
B.
A.
3. Karapatan na maging malaya at magkaroon ngIntegrasyon sa AP
pamilyang mag-aaruga

A.
C.
B.
4. Karapatan na manirahan sa isang payapa at
tahimik na pamayanan.

A.
C.
B.
5. Karapatan na magkaroon ng sapat na pagkain at
tirahan, malusog at aktibong katawan.

A.
C.
B.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ipaawit sa mga bata sa tulong ng kanilang mga Papanoorin ng mga
sa layunin ng bagong aralin magulang ang “Ang Bawat Bata” na inawit ng bata ang video.
Apo Hiking Society. Sagutin ang mga
Ang Bawat Bata tanong.

I Ang bawat bata sa ating mundo


Ay may pangalan may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawat tao sa ating mundo
Integrasyon sa Music, II Hayaan mong mong maglaro ang bata sa
Math at AP araw
Kapag umulan nama'y nagtatampisaw
Mahirap man o maykaya Maputi, kayumanggi
At kahit anumang uri ka pa Sa 'yo ang mundo
‘pag bata ka
Ang bawat bata sa ating mundo
Ay may pangalan may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawat tao sa ating mundo
III Bawat nilikha sa mundo'y Minamahal ng
Panginoon
Ang bawat bata'y may pangalan
May karapatan sa ating mundo
IV Hayaan mong bigyan na lang ng
pagmamahal
Katulad ng sinadya ng Maykapal
Mahirap man o maykaya Maputi, kayumanggi
At kahit anumang uri ka pa Sa 'yo ang mundo
‘pag bata ka
Hayaan mong mong maglaro ang bata sa araw
Kapag umulan nama'y nagtatampisaw
Mahirap man o maykaya Maputi, kayumanggi
At kahit anumang uri ka pa Sa 'yo ang mundo
‘pag bata ka
Sa 'yo ang mundo ‘pag bata ka
Sa 'yo ang mundo ‘pag bata ka
Sa 'yo ang mundo ‘pag bata ka …

Pagkatapos awitin ng mga bata ang ang awiting


“Ang Bawat Bata”, sabihin, O kay ganda ng
kanta ‘di ba?
Itanong:
● Tungkol saan ang inyong inawit?
● Ano-ano ang karapatan ng bata ayon sa
awit?
● Maari bang magbigay kayo ng
karapatang nabanggit sa awit?
● Ilang karapatan ng bata ang nabanggit sa
awit?Sabihin ito.
● Sino ang magbibigay sa mga bata ng
kanilang karapatan? Bakit?
● Paano mo maipapakita o masasabi ang
iyong pasasalamat sa bawat karapatan na
iyong tinatamasa?

During the Lesson Basahin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang iba’t Susunod ang mga bata
D. Pagtalakay ng bagong ibang paraan ng pasasalamat sa mga karapatang sa ipagagawa ng guro
konsepto at paglalahad ng bagong iyong tinatamasa. Piliin ang sagot sa itaas.
kasanayan #1
Pag-aaral ng mabuti Pagkilos ng may paggalang

Pagpili ng masustansiyang pagkain

Pagmamalaki sa pangalan
Integrasyon sa AP
Pagpapahayag ng damdamin

1. Naaawit ni Bea ang kantang “Leron-Leron Sinta”


nang buong husay at may galak.______________
2. Naisasalaysay ni Ana ang pinagmulan ng kanyang
pangalan sa klase na may kompyansa._________
3.Nakangiting binati ng “magandang araw” ang
nakasalubong.____________
4. Binilin ni Dan sa kanyang nanay na bilhan siya ng
kaniyang paboritong gulay at prutas.__________
5. Nakakuha ng mataas na marka si Mia na
ikinatuwa ng kanyang nanay.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa
at paglalahad ng bagong ibaba. Pagkatapos ay sagutin nang pasalita ang Makinig sa guro at
kasanayan #2 bawat tanong. sagutin ang mga tanong.

Ang Talaarawan ni Ana

Mayo 14, 2021


Ika-8 ng gabi

Mahal kong Dairy,

Isang espesyal na araw ito dahil ngayon ang


aking ikawalong kaarawan. Bukod doon, naging
natatangi ito dahil may bago akong natutuhan.

Kanina habang kami ay papuntang palengke


upang mamili ng ihahanda sa aking kaarawan,
nakakita ako ng mga batang nagtitinda ng
sampaguita, nanlilimos sa kalye at nagpupunas ng
mga salamin ng sasakyan.

Tinatanong ko si daddy kung bakit may mga


batang katulad nila.ang sabi ni Daddy ay dahil hindi
nila natatamasa ang lahat ng karapatan ng isang
bata. Ang sabi pa niya ay masuwerte ako dahil
nararanasan ko ang lahat ng ito kaya dapat ko itong
pahalagahan at ingatan

Naaalala ko na minsan nang tinalakay ng aming


guro sa Araling Panlipunan ang mga karapatan ng
isang batang tulad ko. Binasa ko ulit ito at narito
ang mga karapatan na dapat tinatamasa ng bawat
Batang Pilipino:
 Maisilang at magkaroon ng pangalan at
nasyonalidad.
 Magkaroon ng tirahan at pamilyang mag-
aaruga.
 Manirahan sa isang payapa at tahimik na
pamayanan.
 Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at
aktibong katawan.
 Mabigyan ng sapat na edukasyon at
mapaunlad ang kakayahan.
 Mabigyan ang pagkakataon na makapaglaro
at makapaglibang.
 Mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-
aabuso, panganib at karahasan.
 Mapagtanggol at matulungan ng
pamahalaan at
 Makapagpahayag ng sariling pananaw.

Nalulungkot ako at bigla kong naisip ang sinabi ni


Daddy na hindi pala lahat ng bata ay may magulang
na nagbibigay ng kanilang mga kailangan.

Ilan sa mga ito ang masusustansiyang pagkain,


maayos na tirahan, damit, mga bagong laruan, at
edukasyon. Kaya dapat akong magpasalamat dahil
may magulang akong na nagbibigay ng aking mga
pangangailangan.

Kaya sinabi ko sa aking mga magulang na yung


ihahanda nila sa aking kaarawan ay ipapamahagi ko
na lamang sa mga taong nangangailangan.

Mga Tanong:
1. Bakit naging espesyal ang pagdiriwang ng
kaarawan ni Ana?
2.Ano ang natuklasan ni Ana habang papunta sila sa Integrasyon sa Filipino
palengke?
3. Bakit sinabi ng ama ni Ana na masuwerte siya
kaysa sa ibang bata?
4.Ano-ano ang karapatan ng isang batang tulad mo?
5. Tinatamasa mo bang karapatan ng isang bata?
Magbigay ng mga halimbawa?

F. Paglinang sa Kabihasaan Paano natin maipapakita ang pagpapasalamat na


(Tungo sa Formative Test) nararanasan o nakakamtan natin?
Lagyan ng ang nagpapakita ng Pasasalamat
sa karapatang tinatamasa at X ang hindi.
_______1. Si Ana ay nangunguha ng gamit ng
iba.
_______2. Nakikilahok sa paligsahan sa Gagawin ng mga bata
paaralan si Bea dahil siya ay magaling ang bawat Gawain na
sumayaw. ibinigay ng guro.
_______3. Nag-aaral ng mabuti si Mia.
_______4. Si Anton ay mapili sa pagkain ayaw
niya ng gulay at prutas.
_______5. Ang mga anak ni Aling Mia ay
sumusunod sa patakarang “curfew Hour” na
ipinatutupad ngayong panahon ng pandemic.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Dapat tayong ___________________ para sa Makinig sa guro at


araw-araw na buhay mga karapatang ating tinatamasa. Maipakikita sagutin ang mga tanong.
natin ito sa pamamagitan ng
___________________ sa kanilang mga
payo.
After the Lesson Naipagpapasalamat mo na ba iyong karapatang Babasahin ng mga bata
H. Paglalahat ng Aralin tinatamasa?Paano maipapakita ang paraan ng
pagpapasalamat sa karapatang tinatamasa mo
katulad ng pag-aaral nang mabuti at pagtitipid sa
anumang kagamitan. Mahalaga sa lahat ng bagay na
iyong tinatanggap ay ipinagpapasalamat mo sa
Diyos. Tulad ng mga binibigay ng iyong mga
magulang, pagmamahal, tahanan, damit suporta sa
pag-aaral, kakayahan at pag-aalaga na bahagi ng
iyong mga karapatan.
Narito ang mga paraan ng Pasasalamat sa karapatan.
1. Iwasang gumawa ng mali na ikasisira ng iyong
pangalan upang mapangalagaan ito.
2. Mahalin at igalang ang mga magulang at iba pang
kasapi ng pamilya.

3. Pagbutihin ang pag-aaral.

4. Sumali sa mga paligsahan at programa upang


maipakita at lalong mapaunlad ang kakayahan.

5. Kumain ng masustansiyang pagkain at


panatilihing malinis ang tirahan.

6.Manatili sa loob ng bahay kung napansing may


nag-aaway o nagkakagulo sa labas at sumunod sa
“curfew hour”.

7.Iwasan ang pagpapatugtog ng malakas na musika


at pakikipagsigawan sa labas ng bahay.

8.Kung magbibigay ng pananaw sa mga tao, tiyakin


na may paggalang ka pa rin.

 Ginagawa mo na ba ang mga ito?


 Mahalaga na maiparamdam mo sa iyong
pamilya at mga kaibigan ang iyong
pagpapasalamat sa mabuting paraan.

I. Pagtataya ng Aralin Lagyan ng tsek (/) ang guhit kung ang bawat Sasagutan ng mga
gawain ay nagpapakita ng pasasalamat sa bata.
karapatang tinatamasa at ekis (X) kung hindi.

__________1. Nag-aaral nang mabuti si Carlo


upang makakuha ng mataas na marka at upang
matuwa ang kanyang mga magulang.

__________2. Hindi kinakain ni Tes ang gulay


na inihahain ng kanyang nanay. Itinatapon niya
ito.

__________3. Hindi nagkakalat ang mga bata


sa parke kapag sila ay namamasyal. Sinusunod
nila ang mga babalang nababasa.

__________4. Hindi nakikinig sa pari ang mga


batang nagsisimba. Sila ay paikot-ikot lamang
sa loob ng simbahan.

__________5. Iniinom ni Tin sa tamang oras


ang gamot na binigay ng doktor para sa
kanyang sakit.
J. Karagdagang gawain para sa Ngayon na tayo ay nahaharap sa isang
takdang-aralin at remediation pandemya, nararanasan natin ang hirap na dulot
nito sa ating pamilya lalo na sa ating mga
magulang na naghahanapbuhay. Paano mo
ipakikita sa kanila ang pasasalamat na
nararanasan mo bilang isang bata? Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial Bilang
ng mga mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan


na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
naidibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like