You are on page 1of 17

Mother Tongue-Based

Multilingual Education (MTB-MLE)


Teacher’s Guide
Tagalog (Unit 1 – Week 1)

Department of Education
Republic of the Philippines
This instructional material was collaboratively developed
and reviewed by educators from public and private
schools, colleges, and/or universities. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@deped.gov.ph.
We value your feedback and recommendations.

Department of Education
Republic of the Philippines
Banghay Aralin MTB 1 – Tagalog

Unang Linggo

I. MGA LAYUNIN

Ang mga mag- aaral ay inaasahang:

A. Nagkakaroon ng kaalaman sa pagpapahalaga sa sarili


B. Nagkakaroon ng kaalaman ukol pakikipagkapwa
C. Nakapagpapakita ng paggalang sa sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga kasapi ng maganak
E. Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa
F. Natutukoy ang mga tunog at paano bigkasin ang letra.
G. Nakikisali nang may sigla sa mga pangkatang Gawain
H. Nakakaguhit ng mga bagay na akma sa aralin.
I. Nakakasulat ng mga letra at numero
J. Nagkakaroon ng pagpapahalaga sa kalikasan.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa :
1. Kagandahang Asal
2. Pamilya pagkilala sa sarili bilang kabahagi ng pamilya
3. Paaralan ,Pamayanan at bansa Pagkilala sa sarili bilang kabahagi ng paaralan,
mamayanan at bansa.
4. Pagsulat: Naisusulat ang malaki at maliit na titik gamit ang tamang pagsulat.
5. Pagsulat ng numero

B. Sanggunian : K-12 Curriculum

C. Mga Kagamitan: Tsart na naglalaman ng larawan tungkol sa mgandang asal at nakikita


sa kapaligiran.
D. Pagpapahalaga: Pagiging magalang
E. Tema: Pagkakaroon ng magandang asal sa kapwa
Kuwento: Si Jose, Ang Batang Magalang Ni Arjohn V. Gime
III. PAMAMARAAN

Unang araw

1. Kagandahang Asal

A. Gawain bago bumasa

 Paghahawan ng Balakid

- Sa nabasang kwento, isulat ang mga magagandang asal na nabasa at ibigay ang
kahulugan nito.

 Pagganyak

- Mga bata kilala niyo bas i Santino? Siya’y isang batang may kaibigan diba si bro?
- Ano ang lagging sinasabi ng magulang niyo pagkagaling niyo eskwela at may nakita
kayong matanda?
- Lagi ba kayong naanlaging bago matulog at syempre kumain?
- Lagi ba kayong nagsisimba?

 Pangganyak na tanong

- Pagpapakita ng batang nagmamano sa isang matanda.


- Mga bata tignan ang larawan ano ang makikita mo diot at masasabi? Ang bat aba ay
gumalang sa mas matanda sa kanya?

B. Gawain habang nagkukuwento


Babasahin ng guro ang kwento

Si Jose, Ang Batang Magalang Ni Arjohn V. Gime


Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay sabik ng pumasok sa
pa-aralan. Habang mag-aayos ng gamit si jose para sa kanilyang unang araw sa ikaapat
na baitang, bigla siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit si Jose
sa kaniyang ina. “Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga kakailanganin natin
para sa lulutuin kong adobong manok.” Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan? Tanong
ni Jose. “Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni Nanay Lorna kay Jose
“Sige po Nay! Tugon ni Jose. Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang
Melchor. “Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng masiglang bata sa may-
ari ng tindahan. “Magandang tanghalirin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?” tanong ng tindero
sa bata. “Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong paminta, isang bote ng
mantika, suka at toyo.” “magkano po lahat?”tanong ni Jose. “Limang pisong paminta,
bente pesos ang mantika, sampung piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya
lahat-lahat ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting tindero.”Salamat po, Mang
Melchor,” “Walang anuman, Jose!” Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong
naman niya si aling Helen na kanilang kapitbahay. “Magandang araw po, Aling Helen.
Pupunta pala kayo rito sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo
napagod.”
“Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking lulutuing pananghalian. O di ba may
pasok ka na bukas?” “Opo kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at hindi
muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang makapagpahinga. Maghapon na
naman po kasing titigil sa paaralan at hindi na makatutulong sa tanghali. Sige po mauna
na ako.”
“Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna kayo,”ang kaniyang bati sa kaibigang
abala sa pag- aayos ng kaniyang sirang tricycle, sabay kaway.
“Uy, Ben.Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at mainit na ang sikat ng araw.
Pasukan na natin bukas. Sige ka,ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis , mo ang mga
mangyayari sa unang araw ng pasukan natin,
Ang paalala ni Jose sa kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa kanilang
bahay. At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May ngiti sa labi dahil
nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita niya at nabati ang mga taong malapit sa
kaniyang puso. Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga taong kaniyang
nakita sa pagbili niya sa tindahan ni mang Melchor.

Tanong:
1. Ang batang magalang ba ay gumagamit ng po at opo?
2. Ginagalang ban i jose ang mas nakaaktanda sa kanya?
3. Masunurin bang anak si jose/
4. kung ikaw ay tatanungin tutularan mob a si jose? Oo o hindi? Bakt?
C. Gawain matapos bummasa

Pangkatang Gawain:

PANGKAT I: “Ilista mo”

- Ilista ang magagandang asal ng isang bata at ibahagi ito sa klase.

PANGKAT II: “Aksyon”

- Ipakita ang paggalang sa matanda ibahagi ito sa klase.

PANGKAT III: “ po at opo”

- Gamitin ang po at opo sa salita at ibahagi ito sa klase.

Talakayan

Sabihin ng guro: Ang pagkakaroon ng magandang asal ay nagdududlot ng magandang


pakikitungo sa iba. Ngayon mga bata ibahigi niyo ang inyong mga ginawang Gawain at akong
makikinig maging ay inyong kaklase.

PANGKAT I: “Ilista mo”

- Ilista ang magagandang asal ng isang bata at ibahagi ito sa klase.

PANGKAT II: “Aksyon”

- Ipakita ang paggalang sa matanda ibahagi ito sa klase.

PANGKAT III: “ po at opo”

- Gamitin ang po at opo sa salita at ibahagi ito sa klase.

Sabihin ng guro: Magaling mga bata mahusay. Tama lahat ng inyong ginawa naway gawin niyo
ito sa panh- araw araw niyong pamumuhay.
D. Malayang Pagsasanay

Panuto: tignan ang larawan at piliin sa kahon ang tamang sagot.

A. BATANG NAGAARAL NG MABUTI


B. BATANG NANALANGIN BAGO MATULOG
C. BATANG TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
D. BATANG MATULUNGIN SA MATANDA
E. BATANG NAGMAMANO SA MAS NAKAKTANDA SA KANYA.

_______1. ___________4.

_______2. ________5.

_______3.
Ikalawang araw :

Pamilya pagkilala sa sarili bilang kabahagi ng pamilya

A. Balik –aral
- Sa kantang Batang magalang na pinanood ng bata ay magtatanong muli ang guro.
1. Ang batang magalang ba ay gumagamit ng po at opo?
2. Nagpapsalamat ba ang magalang?
3. Ang batang magalang ay magsalita ng _____?
4. Ang batang magalang dapat ang marunong magsabi ng ______?
5. Tularan ba natin ang batang magalang sa kanta?

B. Paglalahad

Matapos iyan ibigay sa mga bata ang mga salitang ginagamit sa paggalang.

1. Opo at po
2. Magandang tanghali
3. Malalahanin sa ina at kapwa
4. Salamat

C. Pagtatalakay:

- Ngayon magpaapkita ng larawan ang guro at sabihin ng mga bata kung ano ito at ibigay
ang tunog ng unang letra ng salita.
Kapag naibigay ng ng mga bata ang pangalan nito ang guro ay bibigyan sila ng
pagkakataon upang ibagahi ang tunog ng bawat unang letra ng mga salita.

1. Bahay – /ba/- /bi/


2. Sapatos- /sa/- / es/
3. Damit- /da/-/ di/
4. Araw- /a/-/ ey/
5. Plato- /pa/-/pi/

D. Malayang Pagsasanay

Pangkatin ang mga bata sa dalawang grupo para sa isang laro:

Pagsasanay 1: “match me”

Sa isang chart may mga larawan at ang mga bata ay ihanay ang mga larawan sa babangkitin ng
guro na letra, kung anong letra nagsisimula ang larawan na hawak ng isang bata doon niya ito
ihahanay.
Pagsasanay 2:

Gumuhit ang mga bata ng isang larawan na nagsisimula sa letrang B.


Ikatlong na araw

A. Balik –aral
- Balikan ng guro ang kwentong Si Jose, Ang Batang Magalang Ni Arjohn V. Gime
At sabihan ang mga bata na ibigay ang mga tauhan sa kuwento.
1. Jose
2. Nanay lorna
3. Mang Melchor
4. Aling Helen
5. Mang Caloy
6. Ben
B. Paglalahad
- Ang guro ang ibibigay ang mga salitang makasing tunog sa kuwento sa mga bat.

Pasukan – paaralan
Matika-suka
Sabay-kaway
Natin-rin
Ngiti-labi

Ang unang salita ay /an/ ang hulihan kayat magkasing tunog sila
Ang pangalawang salita naman ay/ka/
Ang pangatalong salita namn ay/ay/
Ang pang-apat na salita naman ay /in/
Ang pang- lipa na salita ay /i/

C. Pagtatalakay:

Ngayon ibigay ng mga bata ang tunog ng nasa hulian ng mga salita.

1. Bola- tunog/a/
2. Tinapay- tunog/y/
3. Manok-tunog/k/
4. Tsinelas- tunong/s/
5. Paaralan-tunog/n/
6. Tindero-tunog/o/
7. Watawat-tunon/t/
8. Aklat-tunon/t/
9. Pag-aaral-tunog/l/
10. Tunog- tunog/g/
Mga salitang diptonggo

Bahay
Aliw
Giliw
Dalaw
Kahoy
Daloy
Lumbay
Apoy
Buhay
Gulay

Magbigay ang mga abta ng magkasingtunog na salita.


D. Malayang Pagsasanay
‘Match me’
Itugma ang salitang kasintung ng hanay A sa hanay B.

Hanay A Hanay B
dalaga a. bintana
harana b. halaga
damit – c. kambing
lambing - d. buhay
bangko – e. sakit
bahay - f. parada
matanda – g. singko
gitara - h. kutsara
talong – i. hangin
bangin - j. hangin
sahig – k. katawan
sayawan - l. tubig
kagandahan - m. alipin
ngipin – n. kabutihan

E. Pagtataya

Isulat sa baba ng larawan ang salitang katunog nito sa kahon

Lata tulay Sulat

Tao tinapay

Ikaapat na araw

A. Balik –aral
- Babalikan ng guro ang kuwento at ang mga salitang magkasing tunog. Tatanungin ang
mga bata tungkol dito.

B. Paglalahad
- Matapos iyan ang ilalahad ng guro ang susunod nilang tatalakayin ang pagbibilang ng
numero sa salita 1 to 10.

1. Isa 6. Anim

2. Dalawa 7. Pito

3. Tatlo 8. Walo

4. Apat 9.Siyam

5. Lima 10. Sampo


C. Pagtatalakay
- Ngayon ang mga bata ay isa isang basahin ito at sabay-sabay at isulat sa kanilang
kwaderno ang mga salita. Habang ang mga bata ay nagsusulat ang guro ay, isa isang
titinan ang kanilang sinusulat.
- 1. Isa 6. Anim
- 2. Dalawa 7. Pito
- 3. Tatlo 8. Walo
- 4. Apat 9.Siyam
- 5. Lima 10. Sampo

D. Malayang Pagsasanay
- Isulat ng mga bata ang mga numero sa salita.

1 10 8

E. Pagtataya
7 2
bilangin ng mga bata ang bilog sa loob ng kahon at ilagay sa patlang ang sagot
halimbawa ang unang numero.
1- Isa ___________

_________ ___________

_________ ___________

_________ ___________

_________ ___________

Ikalimang araw

A. Balik –aral
- Ang guro ay magpapakita ng litrato ng numero at sasabihin ng mga bata ito at
babanghayin ito. Ang mga bata ang bibigyan ng guro ng oras para magbilang.

B. Paglalahad
- Ang mga bata ay maglilibot sa paaralan kasama ang guro. At sa may laabs sila
magkwkwentuhan isang paraan ng guro upang mas madama ng mga bata ang halaga ng
kalikasan.
- Uupo ang guro at mga bata. Magpapakita ng larawan ang guro. At ito’y isa isang
ilarawan ng mga bata.
C. Pagtatalakay:
- Babasahin ng guro ang isang sanaysay tungkol sa Kaliksan.
Inang Kalikasan
Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng
bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa pagkain,
tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa
kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng
ating kaalaman.
Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspots na
tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa ating
bansa. Mayaman din tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam
kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.
Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit
nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan
pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan kung bakit
nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng
matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga
mamamayan at lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at
hindi magandang pagbabagong ito.
Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo
kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang
ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at
magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.
Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad. It will make a
difference. Kumilos na tayo habang pwede pa nating isalba at maenjoy ang biyayang
binigay sa atin ng Panginoon

- Ano ang kalikasan mula sa sanaysay?


- Bakit mahalaga ang kalikasan?
- Para sa iyo may naitulong ba ang kalikasan sa pang-araw-araw nabuhay mo?

D. Malayang Pagsasanay

Ngayon ang mga bata ay guguhit ng isang tanawin na gustong gusto nila kulayan nila ito
at ibahagi sa klase.

E. Pagtataya
Ilagay sa patlang ang T kung ito’y tamang Gawain at M naman kung ito’y maling
Gawain.

__________1.
__________2.

__________3.

__________4.

__________5.

You might also like