You are on page 1of 1

Villaroza Mariemar S.

Panuto: Sa inyong sariling pang-unawa, ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag.

1. 2.
“ Ang maghangad ng “ Habang maiksi ang
kagitna sansalop ang kumot matuto kang
mawawala “ mamaluktot “

1." Ang maghangad ng kagitna sansalop ang mawawala “ ibig sabihin, ang sobrang paghangad
na maging mayaman o makuha ang isang bagay ay may hindi magandang dulot. Dahil ang
kasakiman na ang umiiral sa isip kung ikaw ay sobrang mapaghangad. Dapat makuntento ka
sa biyayang nasayo. Kung gusto mong abutin ang isang bagay paghirapan mo. Maghangad ka
pero wag sobra dahil ang sobrang pag hahangad may negatibong epekto ito sa buhay mo.
Tandaan ang buhay ay hindi kakera, hindi masamang maghangad wag lang sobra.
2.“ Habang maiksi ang kumot matuto kang mamaluktot “
Ang kahulugan nito para saakin ay, kahit mahirap ka magtiis ka kung anung meron,
magsumikap ka para sa iyong kinabukasan, kung gusto mong yumaman magsumikap ka
paghirapan mo wag mong ipakita sa lahat na mayaman ka kahit hindi naman, magsumikap ka
wag kang mag panggap. Kapag nagsumikap ka, may sayang mararamdaman at
maipagmamalaki mo sa lahat ang iyong sarili dahil sa pagsusumikap mo naging maganda ang
buhay mo.

You might also like