You are on page 1of 3

Group 6:

Balagtas, Blessie
Legazpi, Tyrone
Desiderio, Mico
Andal, Alyana
De Villa, Ireneo
Teodoro, Francis
Manez, Leonard
Dela Cruz, John Paul

Dula: Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” Rodrigo


I. BUOD

-Maaga pa lamang ay nagtatalo na mag-asawa dahil sa paghingi ni Kulas kay Ceiling ng


pera upang ipangtaya sa sabong. Ngunit kahit ganun ay nakataya pa din siya at pinangako
sa asawa na pagnatalo siya ay papatayin na ang mga manok niya. Si Teban naman na
kaibigan niya ay tinuruan na gawing pilay ang manok at tumaya ng doble sa kalaban.
Samantalang si Ceiling din naman ay tumaya din sa kalaban upang makasiguro na babalik
din ang pera pinangtaya nila. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalo ang manok
ni Kulas at kahit ganoon ay wala siyan naiuwing pera. Kaya pagkauwi niya sa bahay ay
magiging tinola na ang manok niya.

II. PAGSUSURI
A. ANO ANG KAHALAGAHAN NG AKDANG BINASA?
1. SARILI
- Para ipakita na hindi maganda ang naidudulot ng pagsusugal, sa huli ay
pagsisisihan mo din dahil hindi laging panalo ang hatid nito
2. LIPUNAN
- Ipinapakita na ang mga Pilipino ay nasanay na sa pag asa sa swerte, pero
hindi tayo dapat umasa dito sapagkat hindi ito laging nakaayon sa atin.
Maaaring maubos ang ating salapi at buong kabuhayan sa pag asang may
pagkakataon tayong manalo.
3. BAYAN
- Ipinapakita ng akda na hindi magandang libangan ang pagsusugal sapagkat
bukod sa nakakaubos ng panahon at salapi, nakakatukso at pwedeng mauwi sa
pandaraya at panggugulang ng kapwa para lang magwagi. Gaya ng ginawa ni
Castor na dinaya si Kulas sa dula. Hindi ito magandang halimbawa para sa
taumbayan.
B. PAANO PA ITO MAS LALONG MAPAPAUNALAD O MAPAPAYABONG?
1. SARILI
- Hindi na susubukan pang magsugal dahil hindi maganda ang dulot nito kapag
ikaw ay nalulong na dito
2. LIPUNAN
- Imbes na magsugal at mag ubos na oras at pera rito ay magsumikap nalang sa
mas makabuluhang gawain. Makikinabang ang bawat tao sa lipunan kung
ganito ang mangayayari
3. BAYAN
- Dahil sa naging halimbawa sa dula, napatunayan na hindi talaga maganda ang
naidudulot ng pagsusugal dahil maaaring matukso ang isa na dayain ang
kanyang kababayan para sa kanyang sariling kapakinabanagan.
C. ANONG MGA PROYEKTO O GAWAIN NA MAS MAPAPAYABONG PA
ITO?
- Pag-iisip muna ng magiging epekto bago gawin ang isang bagay gaya na
lamang ng pagsusugal. Isipin munang maiigi kung ano ang magyayari kapag
nagsugal ka? Sigurado ka ba na mananalo ka? Gaano na kahabang panahon
ang naubos mo sa pagsusugal? Gaano kalaking halaga ang mawawala pag
natalo ka? Tama ba na mandaya para manalo ka? Ilan lamang ito sa mga dapat
itanong sa sarili para maiwasan ang masamang bisyo ng pagsusugal
III.
A. SULIRANING BINIGYANG DIIN SA AKDA
1. PERSONAL
-Karamihan sa atin ay umaasa nalang sa swerte sa ating pang araw araw
na buhay. Nakakalimutan nang gumawa ng paraan upang kumita,
umaasa nalang sa pagsugal gaya ng lotto upang makaangat sa buhay o
guminhawa
2. PANLIPUNAN
-Ang lipunan ay nasasanay nalang sa pag asa sa kanilang taglay na
swerte, Ang mga tao sa lipunan ay natututong mandaya para lang
magwagi o makalamang sa kanilang kapwa
3. BAYAN
-Kahit saan pumunta maraming makikitang uri ng sugal kaya ang mga
tao ay na eengganyo na tumaya. Kahit ang mga bata ay marunong
nang magsugal, halimbawa ay mag-aaya ng pustahan. Kung bata pa
lang ay namulat na sila sa ganitong bagay ay hindi malabong sa
kanilang pagtanda ay lulong pa rin sila rito.
B. SOLUSYON
1. Isipin ang magiging resulta ng laging pag asa sa swerte dahil paniguradong sa huli
ikaw ay magsisisi
2. Magsumikap upang gumanda ang buhay, huwag isipin na sugal ang paraan para
makamit ito
3. Huwag lamangan ang kapwa para sa sariling pakinabang.

You might also like