You are on page 1of 3

ARALIN 2-GAWAIN 5-6 POKUS NG PANDIWA

Gawain 5: Pagkilala sa mahahalagang kaisipan

Upang mapagtibay ang pang-unawa sa aralin, sagutin at ipaliwanag ang mahalagang tanong na ito.

• Ano-ano ang kaya mong gawin upang maabot mo ang ambisyon mo?
- Upang maabot ko ang aking ambisyon katulad ng pagiging isang Nurse sa aking paglaki, kaya
kong magsakripisyo, magtiyaga, tumanggap ng pagkabigo, at maghirap sapagkat alam kong sa
malinis na paraan ko lamang matatawag na ‘worth it’ at karapat-dapat ako sa aking narating.
• Kakayanin mo bang tumapak ng iba, makamit mo lamang ang mga pinapangarap mo?
- Hindi po, mas pipiliin ko na lamang na mabigo at sumubok pang muli kaysa matapakan o
masaktan ko ang ibang tao sapagkat naniniwala akong kung para sa akin ang isang bagay ay
para sa akin talaga ito at kaya kong maghintay ng tamang panahon para sa pagkakataong ito.
• Ayon kay Balagtas, “Ang haring may hangad sa yaman at kapangyarihan ay mariing hampas ng
langit sa bayan.” Ipaliwanag ang iyong saloobin.
- Ipinahihiwatig dito na isang malupit na parusa ng Diyos sa isang bayan kung ang namumuno
rito ay gahaman sa pera ng bayan at sa kapangyarihan. Ito’y sapagkat gagamitin lamang ng
sinasabing hari o namumuno sa isang bayan ang kaniyang posisyon o kapangyarihan upang
kawawain at tapakan ang mga mamamayan nito hangga’t hindi pa siya nakukuntento sa kung
anon ng mayroon siya. Ngunit sa kaso ng Macbeth, inosente ang mga taong nadawit sa
kasamaan at kasakiman ng Haring Macbeth sa kapangyarihan kung kaya naman ay masasabi
kong hindi lahat ng mamamayan sa isang bayan ay nakagawa ng malaking kasalanan upang
parusahan ng hindi magandang pamumuno sa kanilang bayan. Minsan ay maaari ring isa itong
malaking pagsubok sa ibinigay ng Panginoon upang tingnan ang kayang gawin ng mga
mamamayan sa bayang ito upang mapatalsik o mapatigil ang kasamaan ng mga namumuno
rito.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang dula? Bakit sinasabing sinasalamin nito ang totoong buhay?
- Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
iIto ay sinasabing sumasalamin sa realidad ng buhay sapagkat ipinapakita dito ang mga iniisip ng
tao, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay naglalayong magbigay aliw, makapagturo, o makapagbigay ng
mensahe.
2. Ano-anong bagay ang umaakit sa inyo para sa panonood ng isang dula?
- Sa galing ng mga aktor, pagkadetalyado ng pagpapakilala sa mga karakter, at malinaw na daloy
ng kwento ako naaakit upang panoorin ang isang dula sapagkat dito mo masasabi na ang isang
dula ay nakakaaliw.
3. Bakit mahalaga ang maayos na daloy ng mga pangyayari sad ula gayundin ang mahusay na
pagkakahabi ng mga tauhan?
- Mahalaga ang maayos na daloy ng mga pangyayari at mahusay na pagkakahabi ng mga tauhan
upang maunawaang maigi at makuha ang interes ng mga manonood. Kung hindi maganda ang
daloy ng mga pangyayari sa dula ay mababagot ang mga manonood at hindi nila makukuha ang
nais iparating ng dula o kwento.

Gawain 6: Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan)

Madali Lang ‘Yan

Natutukoy ang pokus ng pandiwang ginamit sa pangungusap. Sa halip na maging masamang


impluwensiya tulad ni Lady Macbeth, ang babae at lalaki naman ay dapat lagging magkatuwang sa mga
gawaing makabubuti sa kanilang pamilya. Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang paksa o
simuno at ikahon ang pandiwa. Pagkatapos ay isulat sa linya kung ang pandiwa ay may pokus sa
pinaglalaanan o kagamitan. pinaglalaanan

pinaglalaanan 1. Iginawa ng magandang plano ng mabuting babae ang asawa.

kagamitan 2. Ang naipong pera ay ipinambayad niya sa training nito sa TESDA.

pinaglalaanan 3. Ipinaghanda niya ng mga kagamitan ang kabiyak.

pinaglalaanan 4. Ipinagluluto rin siya lagi ng baon.

kagamitan 5. Ipinambibili niya ng baon ang perang kita mula sa kanilang munting tindahan.

SUBUKIN PA NATIN

Nagagamit nang wasto ang iba’t-ibang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan, at
kagamitan) Paano mo maabot ang ambisyon mon ang wala kang natatapakang tao? Gamitin ang mga
napag-aralan mong pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan, at kagamitan) sa pagbuo ng
pangungusap kaugnay ng mga paksang ito.

1. nagsisikap (tagaganap)

Nagsisikap ang magkapatid na Najerah at Nairah upang maabot ang parehas nilang pangarap na
maging doktor.

2. ipinagdarasal (pinaglalaanan)

Ipinagdarasal ko parati sa Diyos na gabayan niya ako sa pag-abot ng aking mga pangarap.

3. pinakikinggan (layon)

Pinakikinggan ko ang mga payo ni Gng. Santos tungkol sa epektibong pag-aaral sa online class.
4. aklat (kagamitan)

Ipinagbili ko ang sobrang aklat (comic books) na pagmamay-ari ko upang magamit ko ang pera
bilang pandagdag sa pambayad sa aking matrikula.

5. pagtatapos (layon)

Ang pagtatapos ay inaabangan ni ko nang sa gayon ay magawa ko na rin ang mga nais ko sa buhay.

You might also like