You are on page 1of 7

GAWAIN 1: TSEKING

Panuto: Mayroong mga sitwasyon/pahayag sa ibaba. Ilagay ang tsek (/) sa patlang bago ang bilang kung
sumasang-ayon ka sa pahayag, ekis (x) naman kung hindi. Ilagay sa patlang sa ibaba ng pahayag ang
pananaw sa iyong isinagot.

______1. Ang tunay na pagkatao ng isang tao ay nakikita sa kaniyang pananamit at pag-aayos sa sarili.

_____________________________________________________________________________________

______2. Ang isang taong mahirap ay maaari pa ring magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

______3. Ang batang inampon ay maaari ding maging mabuti, mahalin, at ituring na tunay na anak ng
mga kumupkop sa kaniya.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

______4. Ang masamang ugali ng isang bata ay hindi na mababago hanggang sa kaniyang pagtanda.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

______5. Ang pagkabigo ay nakapagdudulot din ng kabutihan sa isang tao.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

GAWAIN 2: HANAPARES

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang nakadiin sa pangungusap. Hanapin mula sa mga kahon ang
sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

makipag-usap libingan nakapinid nakatago

alagaan magmasid sumama matanong

__________1. Si Ginang Rachel ay mausisa at nais malaman ang lahat nangyari sa kaniyang mga
kapitbahay.

__________2. Mahilig siyang magmatiyag sa mga hindi pangkaraniwang ikinikilos ng mga tao sa
kaniyang paligid.
__________3. Nais ni Matthew na kupkupin na lang si Anne.

__________4. Sa Bangko ng Abbey nakalagak ang lahat ng kanilang salapi.

__________5. Ang kaniyang naging huling himlayan ay isang lugar na malayo sa minahal niyang lupain.

GAWAIN 3: EKIS KA NA, TRAYDOR

Panuto: Mayroong isa sa lipon ng mga salita ang hindi pareho ang kahulugan sa kasama nito. Ekisan ito
at gamitin sa pangungusap. Ilagay ang pangungusap sa patlang na ibinigay.

Tumangis Lumungkot Lumuha Umiyak

_____________________________________________________________________________________

Gusot Suliranin Problema Kaligayahan

_____________________________________________________________________________________

Pagpanaw Pagkakasakit Pagyao Pagkamatay

_____________________________________________________________________________________

Karibal Kakompetensiya Kaagaw Kapanalig

_____________________________________________________________________________________

Paumanhin Pasensiya Pasayahin Patawad

_____________________________________________________________________________________

Basahin ang kuwentong Si Anne ng Green Gables ni L. M. Montgomery. Pagkatapos basahin ay

sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

Mga Katanungan:

1. Bakit noong una’y ayaw ampunin ni Marilla si Anne? Ano ang dahilan paano nagbago ang isipan
nito at pumayag na ampunin ang bata?
______________________________________________________________________________

2. Kung ikaw si Anne, ano ang gagawin mo kung ikaw ang pinipintasan ni Gng Rachel Lynde base sa
iyong itsura?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bakit mas dinamdam ni Anne ang pagkamatay ng kumupkop sa kaniya kaysa sa tunay niyang
mga magulang?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Paano napatunayan ni Anne na maaaring mapagtagumpayan ng isang tao ang anumang balakid
sa kanyang nakaraan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Masasabi mo bang ang buhay ni Anne ay magiging inspirasyon sa mga kabataan tulad mo?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAWAIN 5: ANONG SEY MO?

Panuto: Basahin ang katanungang nakapaloob sa kahon. Sagutin ang katanungang ito batay sa iyong
sariling pananaw. Ilagay ang kasagutan sa loob ng kahon.

Paano mo mapagtatagumpayan ang anumang hadlang o balakid sa nakaraan mo upang hindi

makaapekto ang mga ito sa iyong hinaharap?

GAWAIN 6: TUNGGATSEK?

Panuto: Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang kahon ng mga tunggaliang nangyari sa mga tauhan sa
kuwentong nabasa. Ekis (x) naman kung hindi ito nangyari sa akda. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang
bilang.

______1. Ang labis na imahinasyon at pangangarap ay nakasama kay Anne kaya madalas ay nakagagawa
siya ng mga bagay na nakapagpapahamak sa kaniya tulad nang muntik na siyang malunod habang
iniaarte ang isang bahagi ng tula.

_____2. Hindi matanggap ni Marilla na isangbatang babae sa halip na batang lalaki ang ipinadala sa
kanila kaya’t nagpasiya siyang ireklamo ang ampunan sa pagkakamali nito.

_____3. Nagmatigas si Anne sa pasiyang huwag kausapin si Gilbert dahil sa ginawa nitong paghatak sa
kaniyang buhok at pagtawag sa kaniya ng “carrots” kahit pa nagpakumbaba at humingi na ito ng tawag
nang maraming beses. Nang magwawakas na ang nobela ay saka lang nagkabati ang dalawa.
_____4. Naging suliranin ni Anne ang nanay ng kaibigan niyang si Diana nang pagbawalan silang
magkasama uli dahil sap ag-aakala niyang sinadyang lasingin ni Anne ang kaniyang anak.

_____5. Hindi na muling nakabawi o nakabangon si Anne mula sa matinding dalamhating nadama nang
mamatay si Matthew, ang taong minahal niyang labis at tumayong ama sa kaniya.

MGA PAGDULOG O PANANAW SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN

Ang panitikan ay sumasalamin sa tunay na buhay. Mababatid ang kalagayan at kasaysayan ng

isang lugar sa isang partikular na era o panahon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga panitikang
nasulat umusbong sa panahong ito. Sa maraming pagkakataon, nakita ang lakas at kapangyarihan ng
panitikan sa pagiging daan nito upang mabago ang lipunan. Nakita natin sa kasaysayan kung paanong
ang panitikan ang naging mitsa upang maghimagsik ang mga karaniwang taong nasikil ang Kalayaan, at
magkaisa sa paglagot ng tanikalang bumihag sa kanila sa mahabang panahon. Kung ganito kalakas ang
impluwensiya ng panitikan sa tao ay nararapat lamang na matuto tayong sumuri o maging mapanuri sa
mga panitikang ating binabasa o sinusundan.

Narito ang mga pananaw o pagdulog upang ating masuri ang mga panitikang ating
matutunghayan:

1. Moralistiko- Sa pananaw na ito sinusuri ang panitikan batay sa pagpapahalagang taglay nito.
Mababatid ng isang manunuri kung taglay ba ng akda ang pagpapahalaga sa disiplina, moralidad,
at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla.
2. Sosyolohikal- Sa pamamagitan ng pananaw na ito mahihinuha ang kalagayan ng lipunan nang
panahong isinulat ang akda. Karamihan sa mga akdang sinusuri gamit ang pananaw na ito ay
dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga taong namayagpag sa panahong ito.
3. Sikolohikal- Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha
sa kaniyang akda ang antas ng kaniyang pamumuhay, ang kaniyang paninindigan, paniniwala, at
pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kaniyang isipan at kamalayan.
4. Formalismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito, binibigyang-pansin ng manunuri ang kaisahan
ng mga bahagi at ang kabuuan ng akda nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o panahon,
at maging sa pagkatao o katangian ng may-akda.
5. Imahismo- Umusbong sa paggamit ng pananaw na ito noong unang dekada ng 1900. Laganap
kasi sa panahong ito ang romantisismo sa panitikan kaya inilunsad ang imahismo na naglalayong
magpahayag nang malinaw gamit ang mgatiyak na larawang biswal. Nagiging mas epektibo ang
pagpapahayag ng mensahe sa kadahilanang nabibigyang-buhay ng may-akda ang mga kaisipang
nais ipahiwatig sa mga mambabasa.
6. Humanismo- Binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang kakayahan o katangian ng tao sa
maraming bagay. Ang pananaw na ito ay nagpapahalaga higit sa tao kaysasa anumang bagay.
7. Marxismo- Ito ay nakabase sa teorya ni Karl Marx patungkol sa pagkakaiba-iba ng kalagayan sa
buhay at ang implikasyon ng sistemang kapitalista sa ating lipunan. Karaniwang ginagamit ang
pananaw Marxismo sa pagbibigay-halaga sa tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at
magkasalungat na puwersa o kapangyarihan tulad ng tunggalian sa pagitan ng mahihirap at
mayayaman, may kapangyarihan at naaapi. Ipinakikita ng Marxismo kung paanong ang
mahihirap at manggagawa ay naaapi hindi lang sa panitikan kundi higit sa lahat ng tunay na
buhay.
8. Feminismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at ang
pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa
panitikan. Layon nitong labanan ang anumang diskriminasyn, eksplotasyon, opresyon, at ang
tradisyonal na pananaw sa kababaihan.
9. Eksistensiyalismo- Ipinapakita sa pananaw na ito na ang tao ay malayang magpasiya para sa
kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi
maikahon sa lipunan. Makikita o mababanaag ito sa uri ng mga tauhang gumaganap sa akda.
10. Klasismo- Sa pananaw na ito ipinapakita ang pagsusuri sa panitikan na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahan. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo,
magkakasunod-sunod at may katapusan ang mga akdang nakapaloob sa pananaw na ito.
11. Romantisismo- Binibigyang-pansin sa dulog na ito ang pagkalutang ng damdamin kaysa sa
isipan. Naging sikat ito sa sa huling bahagi ng 1800 at pagpasok ng 1900.
12. Realismo- Ipinapakita sa dulog na ito ang katotohanan na kung saan ay naglalayong maglahad
ng mga pangyayari na hango sa tunay na buhay ng tao; maaaring ang paksain ay maganda o
hindi.

GAWAIN 7: SURIPANITIK?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Pagkatapos sagutin ang mga ito ay alamin kung
ano ang dulog ng panitikang iyong nabasa base sa iyong mga kasagutan.

1. Bakit kahit lalaki ang inaasahang aampunin ay tinanggap at minahal nina Marilla at Matthew si
Anne na isang babae nang makilala nila ang tunay na pagkatao nito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Mas nangibabaw ba ang impluwensiya ni Matthew bilang isang lalaki sa tahanan ng Green
Gables o ang impluwensiya ni Marilla bilang isang babae? Patunayan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano inilarawan si Anne bilang isang babae sa nobela? Ano ang kaniyang katangiang taglay na
nagpakita na kahit siya’y babae ay mayroon siyang lakas na taglay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Bakit itinuturing na isang modelo si Anne para sa mga kabataang babae saanmang panig ng
mundo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Masasabing ang nobelang ito ay may dulog _____________________ (ilagay ang dulog) dahil:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAWAIN 8: SURIBUO

Panuto: Ilahad ang mga iyong pagsusuri sa nobelang nabasa. Ibigay ang mga hinihingi sa bawat selyo at
punan ito ng mga kasagutan. Gamiting gabay ang iyong mga kasagutan sa ikapitong gawain.

_______________________________________________
Pamagat ng Akda

Manunulat: __________________________________________

Tema ng panitikan:

Mga Tauhan: Tagpuan / Panahon:

Maikling buod ng binasa: Uri ng dulog / pananaw panitikan (Magbigay ng

patunay):
Aral sa nabasa:

You might also like