You are on page 1of 4

Pangalan:

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa mitolohiyang “Si Pygmalion at si


Galatea.”

1. Ano ang damdamin ang nabuo sa puso ni Pygmalion kaugnay ng babaeng kaniyang nililok?
Paano niya ipinakita ang labis na pagmamahal sa babaeng ito?

Sagot:

2. Bakit binigyang-buhay ni Aphrodite ang nililok na si Galatea?

Sagot:

3. Paano ipinakita nina Pygmalion at Galatea ang pasasalamat kay Aphrodite?

Sagot:

4. Sa paanong paraan nakapagbibigay-inspirasyon sa mga mambabasa ang pagmamahalan nina


Pygmalion at Galatea? Ipaliwanag.

Sagot:

5. Paano makikilala ang isang tunay at wagas na pag-ibig? Ano-ano ang maaaring gawin ng isang
tao upang mapatunayang malinis at wagas ang kaniyang pag-ibig?

Sagot:

6. Ang tao ba ay maaaring mapamahal sa isang bato? Ipaliwanag nang komprehensibo.

Sagot:

Aralin: Open Web, Gated Web at Hidden Web

Sa pagkuha ng mga impormasyon at datos na kinakailangan sa pananaliksik, mahalagang


sumangguni sa libro sapagkat masasabing paktwal at totoo ang mga nakalimbag dito. Dahil sa
modernong teknolohiya, ay maaari na rin tayong makakuha ng mga impormasyon sa internet. Mayroong
tatlong halimbawa ng mga web na maaaring mapagkuhanan ng datos.

1. Open Web ang tawag sa mga impormasyong agad-agad lumalabas at nakukuha sa search engine
tulad ng Google, Yahoo at iba pa. Ito ang mga impormasyong libre at maaaring mabasa
ninuman. Ito ang mga impormasyong hindi nasala, walang kasiguraduhan kung ito’y tama o
hindi.
2. Gated Web ang tawag sa mga impormasyong makukuha mo lamang kapag ikaw ay miyembro
kung kaya’t kinakailangan ng log-in at password bago makapasok. Karaniwang magbabayad ang
mga taong nais makapagsaliksik sa mga gated web dahil ang mga impormasyong makikita rito ay
naka-copyright at balido.
3. Ang Hidden Web ay tinatawag na Deep Web o Invisible Web na nagtataglay ng mga hindi naka-
html na dokumento tulad ng mga naka-PDF. Kadalasan ang mga impormasyong nakalagay rito
ay mga Medical Records, mga legal na dokumento, mga papeles pampinansyal, dokumento
pangsiyentipiko, atbp. Tulad ng Gated Web, kinakailangan ito ng log-in name at password.

B. Sagutin ang katanungang ibinigay:

1. Bakit kinakailangang maging maingat tayo sa pagkuha ng datos sa internet?

Sagot:

Aralin: Pokus ng Pandiwa

Ang pandiwa ay isang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay


sa lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Narito ang mga
pokus ng pandiwa.

1. Tagatanggap o Aktor ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang
tagatanggap ng kilos ng pandiwa.

Hal. Si Aphrodite ay tumugon sa panalangin ni Pygmalion.


Paliwanag: Ang paksa ng pangungusap ay si Aphrodite na siyang gumanap ng kilos ng
pandiwang tumugon.

2. Layon ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.

Hal. Pinag-uusapan ng mga tao ang estatwang nilikha ni Pygmalion.


Paliwanag: Ang pandiwang Pinag-uusapan ang nakapokus sa layon ng paksang estatwang
nilikha.

3. Ganapan ang pokus ng pandiwa kung ang lugar o pinag-uusapan ng kilos ang paksa ng
pangungusap.

Hal. Ang templo ni Aphrodite ang pinagdasalan ni Pygmalion.


Paliwanag: Ang paksang lugar na templo ang siyang pinagganapan ng pandiwang pinagdasalan.

4. Tagatanggap o Benepaktib ang pokus ng pandiwa kung ang tao o bagay na nakinabang sa
resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.

Hal. Ipinagdala nina Pygmalion at Galatea ng mga alay si Aphrodite.


Paliwanag: Si Aphrodite na siyang paksa ng pangungusap ang naging tagatanggap ng alay na
ipinadala nina Pygmalion at Galatea.

5. Gamit o Instrumental ang pokus ng pandiwa kung ang bagay na ginamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.

Hal. Ginamit ni Pygmalion ang paet at martilyo sa pag-ukit ng estatwa.


Paliwanag: Ang paksang paet at martilyo ang bagay/instrumento upang maisagawa ang kilos na
ginamit (paggamit) sa pag-ukit ng estatwa.

6. Sanhi o Kosatib ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ay ang dahilan o sanhi
ng kilos.

Hal. Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-aalay ng pamilya ni Pygmalion.


Paliwanag: Ang paksang patuloy na pag-aalay ang naging sanhi o dahilan upang mangyari ang
kilos na Ikinatuwa na isinagawa ni Aphrodite.

C. Ang mga salitang naka-bold ay mga pandiwa habang ang naka-italicized naman ay ang paksa sa
mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap.
T kung ito’y Tagatanggap o Aktor, L kung ito’y Layon, G kung ito’y Ganapan, B kung ito’y
Tagatanggap o Benepaktib, I kung ito’y Gamit o Instrumental at S kung ito’y Sanhi o Kosatib.
Ilagay ang titik sa patlang bago ang bilang.

_______1. Ipinang-ukit nila ng bayabas ang patpat.


_______2. Masisiglang naglilinis ang mga tao sa barangay.
_______3. Ang pagtulong ng kabataan ay ikinatuwa ng mga magulang nila.
_______4. Nagdala naman ng mga pananim ang mga kabataan.
_______5. Nililinis nila ang mga bakuran at daanan.
_______6. Ipinagluto ng mga ina ang mga kabataan ng masasarap na pagkain.
_______7. Ginamit ng mga kabataan ang walis at pandakot sa paglilinis.
_______8. Ipinanghukay nila ang dalang piko at asarol.
_______9. Ang mga magulang ay nagtuturo sa mga bata kung paano ang tamang paghugas ng
kamay.
_______10. Pakinggan ang mga payo ni inay sa tamang paghiwa ng gulay.

GALINGAN!
(Ipasa ang nasagutang papel sa link: https://forms.gle/AxNnyKN8LhcvRyvU9 . I-upload ang file at isumite.
Kung mayroong katanungan, ay maaari akong tanungin sa Gmail: jennoperuelo_jhs@ows.edu.ph at
telepono +639164881103)

You might also like