You are on page 1of 6

Hulwarang Organisasyon ng Teksto

1.Depinisyon
Isang paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay
kahulugan sa isang salita.

2.Pag-iisa-isa
Pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbabanggit ng mga
kaugnay at mahahalagang salita.

3.Pagsusunod-sunod
Masasabing ito ang pinakasimpleng paraan ng pagsasaayos ng
teksto. Ang mga ideya nito ay isa-isang inilalahad o tinatalakay sa
teksto.

4.Pagsusuri
Sa paraang ito ay kailangan ng paglilista ngunit ang naitalang
detalye ay susuriin pa. Ang mga sangkap na sinusuri ay pinaghihiwalay
at ipinaliliwanag.

5.Paghahambing
Sa paraang ito, may dalawang bagay, kaisipan o pangyayariang
pinaghahambing. Iba-ibang anyo ang nagagamit sa pamamaraangito.

6.Sanhi at Bunga
May mga akda na ginagamitan ng sanhi at pinagmulan para
mabuo ito. May mga paksang naipaliliwanag o matatalakay kung
babanggitin ang pinanggalingan o sanhing pinagmulan.

7.Suliranin at Solusyon
Sa mga salitang katulad nito, problema ang unang inilalatag.
Matapos malaman ng pangkalahatang suliranin ay magkakaroon nan g
paglalahad sa mga paraan o solusyon na resulta sa pag-aaral.
Mga Uri ng mga Lihis na Pangangatwiran

1.Padalus-dalos na paglalahat (Hasty Generalization).


Isang paglalahat ito na batay lamang sa ilang patunay o
katibayang may kinikilingan.

Halimbawa:
 Tiyak na babae ang drayber ng sasakyan na iyan. Napakabagal ng
takbo.
 Marasarap magluto ang katulong naming Bisaya. Magagaling
talagang magluto ang mga Bisaya.

2.Walang kaugnayan (Non Sequitor).


Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa saligan o
naunang pahayag.

Halimbawa:
 Halatang ayaw mo sakin. Hindi mo ako inimbita sa iyong
pagtitipon.
 Dapat bigyan ako ni Sir ng mataas na grado sa Filipino 2, mataas
yata ang grado ko sa huling pagsusulit sa Filipino 1.
3.Ad Hominem (Against the person).
Lihis na panganagatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan
ang argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang
krebilidad ng taong kausap.

Halimbawa:
 Hindi dapat pakinggan ang apela ni Jalosjos para sa kanyang
paglaya dahil isa siyang manggagahasa.
 Huwag natin siyang iboto. Nambabae ang taong iyan.
4.Circular Reasoning.
Pag-uulit-ulit ng pahayag na walang malinaw na punto.

Halimbawa:
 Tayo ay nagkakasala sapagkat tayo ay makasalanan.
 Hindi ako sinungaling kaya totoo lahat ang sinasabi ko.

5.Post Hoc Ergo Propter Hoc (After this, therefore because of this).
Isang pagmamatuwid na dahil sa magkakasunod-sunod na
pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay pininiwalaang dahilan ng
kasunod na pangyayari.

Halimbawa:
 Tumilaok na ang manok. Salamat naman , umaga na.
 Naglalabas na ang maraming usok ang bulkan. Malapit na itong
pumutok.

6.Ad Misericordiam (Appeal to emotion/pity).


Pagmamatuwid na hindi nakasalig sa katatagan ng argumento
kundi sa awa at simpatya mula sa kausap.

Halimbawa:
 Kailangang tanggapin ninyo ang aking proyekto. Nagkasakit ako dahil
sa paghahanda ng aking ulat.
 Mananalo ang mga batang iyan sa paligsahang ito dahil kailangan nila
ang premyo para sa kanilang pag-aaral.

7.Ad Baculum (Appeal to fear/force).


Pagmamatuwid na gumagamit ng puwersa o pananakot upang
tanggapin lamang ang pangangatwiran.

Halimbawa:
 Isa ka sa pinakamatagal na empleyado ng pahayagang ito na
pagmamay-ari ng mga magulang ko. Kaya huwag mo na sanang isulat
pa ang naganap na insidente ng pambubugbog ko kanina.]
 Kapag ipinagpatuloy ang paglalathala ng iyong scientific findings, tiyak
na tatanggalin ng gobyerno an gating budget.

8.Ad Numram (Appeal to number or popularity).


Pagmamatuwid na naninindigan sa pagiging makatotohanan ng
isang argumento dahil marami ang naniniwala.

Halimbawa:
 GMA Kapuso ang pinakasikat na istasyon ngayon dahil ito ang nauuna
sa survey.
 Mananalo nag kandidatong iyan. Napakarami ang dumalo sa kanyang
miting de avance.

9.Cum Hoc Ergo Propter Hoc (With this, therefore because of this).
Pangangatwiran na dahil sabay naganap ang dalawang bagay o
pangyayari, ang isa ay dapat dahilan ng isa.

Halimbawa:
 Kumakain ako ng mani kaya matalas ang aking memorya.
 Masuwerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging
mataas ang benta ko.

10.Ad Ignorantiam (Appeal to ignorance).


Tinatawag din itong Burden of Proof sa Ingles. Ang proposisyon
o pahayag sa uring ito ay maaaring totoo sapagkat hindi pa
napatutunayan ang pagiging mali nito, o viceversa.

Halimbawa:
 May mga hindi naniniwala sa mga UFO o mga multo sapagkat hindi pa
napatutunayan na mayroon nga nito sa mundo ng mga mortal.
 Kung wala ng tanong ang buong klase, sa palagay ko’ay handa na ang
lahat sa pagsusulit.

MY
SCRAPBOO
K

Proyekto sa
Filipino II
Ipinasa ni:
Jimmy Adanza
BSCS 3A

Ipinasa kay:
Petronilo Adlaon
Instruktor

You might also like