You are on page 1of 11

GAWAIN 1: ANYARE?

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungang ibinigay.

Kapag sinabi nating DIGMAAN, ano kayang bagay ang magsisilbing simbolo para rito? Iguhit
ang naisip na simbolo sa loob ng kahon sa ibaba.

Mga Katanungan:

1. Bakit ito ang napili mong iguhit bilang simbolo ng salitang digmaan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa tingin mo ba’y mayroong nangyayaring digmaan dito sa ating bansa? Maaari mo bang
ibahagi?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pag-aawayan ng magkabilang kampo, sa bahay man
o sa bansa? Ano ang dapat na pahalagahan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

ALAM MO BA?

Si Nathaniel Hawthorne ay isinilang noong Hulyo 4, 1804, sa Salem, Massachusetts, US. Noong
siya’y nasa dalawampung taong gulang ay nagdagdag siya ng titik w sa kaniyang apelyido upang ang
orihinal na Hathorne ay maging Hawthorne. Ginawa niya ito para hindi siya maiugnay sa mga kamag-
anak na naging bahagi ng tinatawag na Salem witch trials kung saan dalawampung tao ang naparusahan
ng kamatayan dahil napagbintangang mga mangkukulam.
Apat na taong gulang pa lang si Hawthorne nang mamatay ang kaniyang ama kaya’t naiwan siya
sa pangangalaga ng kaniyang inang labis na nagkanlong sa kaniya. Naging dahilan ito upang lumaking
mahiyain, mapag-isa, at palabasa si Hawthorne, mga katangiang humubog sa kaniyang pagiging
manunulat.
Marami siyang naisulat na maikling kuwento, tula, nobela, at sanaysay subalit ang itinuturing na
pinakamahusay ay ang maikling kuwentong “Young Goodman Brown” at ang nobelang The Scarlet
Letter.
Sa kaniyang paglalakbay ay nakita niya ang mukha ng digmaan sa mga giyerang sibil na
nangyayari sa iba’t ibang estado sa Amerika at ito ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng artikulong
“Chiefly About War Matters” at ng tulang mababasa mo, “Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan” o “My
Low and Humble Home.”
Namatay siya noong Mayo 19, 1864 pagkatapos ng mahabang panahon ng pagkakasakit.
Marami sa knaiyang mga hindi natapos na akda tulad ng nobelang The Dolliver Romance ang nalathala
pagkamatay niya.
Bagama’t sa buong buhay niya’y hindi ganap na nasiyahan si Hawthorne sa kaniyang mga akda,
itinuturing pa rin siyang isa sa mga pinakadakilang Amerikanong manunulat.

GAWAIN 2: SALIHANAP
Panuto: Basahin ang bawat lipon ng mga salita sa mga kahon. Pagkatapos ay bilugan ang naiibang salita.
Gamitin ang naiibang salita sa pangungusap. Ilagay ang nabuong pangungusap sa patlang na ibinigay.

Puntod Nitso Patay Libingan

_____________________________________________________________________________________

Halina Bighani Paglayo Pang-akit

_____________________________________________________________________________________

Aba Hamak Marangya Munti

_____________________________________________________________________________________

Nagdarahop Mahirap Hampas lupa Nagmadali

_____________________________________________________________________________________

Tirahan Silid Bahay Tahanan

_____________________________________________________________________________________

Basahin ang tulang Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan ni Nathaniel Hawthorne. Pagkatapos
ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan

Ni Nathaniel Hawthorne

Iniwan ko’ng aba’t hamak na tahanan

Malayo sa bukid ni Ama’t naglakbay.
Payapa kong katre’y wala nang halina,
Hudyat ng Digmaan ang aking ligaya.

Tungo sa larangan ako’y nagsumagsag

Ang natatanaw ko’y immortal na sinag.
Puntod ng bayani na masisikatan,
Bunying alaala ng mga pumanaw.

Sa mithii’y kita’ng malayong bituin

Dulot na liwanag di-maabot mandin;
At turo ang landas tungo sa buntunan
Ng naghihingalo’t ng mga namatay

Nagpalit din ako’t paa’y nananabik,

Lagim na dagundong ng Digma’y sumaltik
Sa gasong tenga ko. Pagyapak saanman,
Kita ko ang berde, luntiang damuhan.

Pumula sa dugo ng kalabang puksa,

Naglambong sa usok, Bangis ay umamba;
Narating ko’ng rurok ng mithiin; hayun,
Kinasabikan ko’ng tanging bahay, doon-

Buhay sa maghapo’y lumilipad lamang

Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan
Huli na, batid kong rurok ng Tagumpay,
Hindi magdudulot ng masayang araw.

-malayang salin ni Rogelio Mangahas

GAWAIN 3: ANONG SEY?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa tulang binasa.

Mga Katanungan:

1. Ano ang nagpabago sa normal na pamumuhay ng binata? Sa tingin mo ba’y nawala sa kaniya
ang pang-araw-araw niyang buhay bilang isang binata? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano makakamit ng binata ang kasiyahan sa digmaan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Kung ang ating bansa ay nagkaroon ng isang digmaan, at kinakailangang magkaroon pa ng mga
sundalong sasabak sa giyera, sasali ka ba rito? Ibigay ang dahilan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAWAIN 4: PAANO NGA BA?

Panuto: Basahin ang katanungan sa ibaba. Sagutin ito nang may pagpapaliwanag at ilagay ang sagot sa
kahong ibinigay.

Bakit kinakailangang iwasan ang pakikipag-away na nagiging sanhi ng digmaan? Ano-ano ang mga
maidudulot ng digmaan sa atin at sa ating bansa?

GAWAIN 5: PARA SA INYO ITO

Panuto: Basahin ang sumusunod. Pagkatapos ay ibigay ang hinihingi sa bahaging ito.

Ang digmaan ay walang maidudulot nang mabuti. Maliban sa mga sundalo o kawal sa
magkabilang puwersang namamatay sa pakikipaglaban ay nadadamay rin ang mga inosenteng sibilyng
wala namang kaalaman sa anumang ipinaglalaban ng magkabilang panig. Ang mga ito’y nagiging dahilan
upang magkaroon ng sugat ang dalawang kampo. Ngunit ang mga sugat na ito’y hindi gumagaling,
bagkus ay mas lumalalim ang mga sugat na ito at nagpaparamdamn ng makirot na damdamin sa tao.
Kahit na natapos na ang digmaan ay maaari pa ring sumiklab ang kanilang galit sa isa’t isa at lumalim pa
ang kani-kanilang mga sugat. Ang mga sugat ng naunang digmaan ay magiging dahilan upang magkaroon
muli ng mga susunod na digmaan.
Kahit sa ating bansa ay hindi pa rin tumitigil ang digmaan. Nakaraan lamang ay nangyari ang
digmaan sa Marawi nitong 2017. Maraming sibilyan ang namatay at nasira ang kanilang mga ari-arian at
mga gusali sa lungsod. Ang pag-aawayang ito ay namagitan sa mga lumabang may kaugnayan sa
grupong IS na pinupuntirya ang mga Kristiyano, na nagkaroon ng mass hostage, mga pagpatay, at
pagkamkam ng mga ari-arian.
Kahit na pinuksa ito ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) ay mayroon pa ring bilang ng
mga walang malay na Pilipino ang namatay sa kanilang mga kamay. Ang kanilang pagbomba sa Marawi,
lalo na sa mga kalaban ay naging dahilan rin upang masama sa pagkamatay ang mga sibilyan.
Mahalaga ang komunikasyon. Kung walang komunikasyon sa dalawang panig, ay magkakaroon
ng kaguluhan sa bawat isa. Kahit na lamang sa loob ng tahanan ay kinakailangang may komunikasyon
upang hindi magdulot ng maganda. Ikaw, bilang isang kabataan, paano mo mahihikayat ang mga
gumagawa ng kasamaan na itigil ang paglahok sa digmaan? Isulat ito sa tulong ng isang liham. Maaari
mo silang bigyan ng pag-asa sa kanilang buhay. Maaari mo ring itanong kung ano-ano ang mga
maaaring maging resulta nito sa kanilang buhay? Itala ito sa ibinigay na patlang.

ANG TULA AT MGA ELEMENTO NITO

Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,

pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw. Ito ay
nagtataglay ng mahahalagan element o sangkap upang higit na maging masining ang paglalahad. Nasa
ibaba ang mga elemento ng isang tula.

1. Tugma- Ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula.

Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig. Ang tugma ay may
dalawang uri.
 Tugmang Patnig- mga salitang nagtatapos sa iisang pantig na may pare-pareho ring
bigkas na maaaring mabilis o malumay (walang impit) at malumi o maragsa (may impit).
Ang mga patinig na puwedeng magkakatugma ay mahahati sa tatlong lipon: a, e-i, at o-
u. Malayang nagpapalitan ang e-i, at o-u.

Basahin nang malakas ang mga salitang magkakatugma sa bawat hanay.

Tugmang pantig ang mga salitang ito na hindi lang nagtatapos sa pare-parehong pantig
kundi pare-pareho ring may impit o walang impit ang bigkas.

Halimbawa ng mga salitang mabilis at Halimbawa ng mga salitang malumi at

malumay na puwedeng maging maragsa na puwedeng maging
magkatugmang patinig (nagtatapos sa magkatugmang patinig (nagtatapos sa
patinig na walang impit) patinig na may impit)
Mabilis Malumay Malumi Maragsa
Sinta Ligaya Luha Tula
Kanta Halina Tala Pasa
Mata Kasama Lupa Wala
Dala Parusa Diwa sawa

 Tulang Katinig- mga salitang nagtatapos sa mga katinig. Ito ay may dalawang uri.
 Ang tugmang malakas ay ginagamitan ng pare-parehong patinig tulad ng a, e-i,
o-u at nagtatapos sa mga katinig na b, k, d, g, p, s, at t.

Halimbawa: Tugmang malakas ang a:

alab, balak, palad, payag, usap, atas, at salat
kalat, pilat, salat, malat, atas, patas, lakas, wagas
 Ang tugmang mahina naman ay ginagamitan din ng pare-parehong patinig tulad
ng a, e-i, o-u at nagtatapos naman sa mga katinig na l, m, n, ng, r, w, at y.

Halimbawa: Tugmang mahina gamit ang a:

Halal, alam, bayan, haling, asar, araw, at away
Banal, kasal, bawal, dangal, bayan, kawan, larawan, laman

2. Sukat- Ito’y isa pang mahalagang element ng tula. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng
saknong. Ang karaniwang sukat na gamitin ay ang labindalawa, labing-anim, at labingwalong
pantig.

Tu – ngo – sa – la – ra – ngan/, a – ko’y - nag – su- mag- sag/

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Ang – na – ta – ta -naw – ko’y/, I – mor – tal – na – si – nag/

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Ang bawat taludtod ng tula ay may sukat na labindalawang (12) pantig. Mapapansin ding
pagkatapos ng ikaanim na pantig o sa kalagitnaan ng taludtod at ay may saglit na tigil sa pagbasa
o pagbigkas at nilalagyan ng panandang /. Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag na sesura.

3. Saknong- Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula. Nakapagdaragdag ito sa ganda at
balance ng tula bukod pa sa nakapagbibigay rin ng pagkakataon para sa makata na magbago ang
tono o paksa sa kanilang tula. Iba’t iba ang bilang ng taludtod sa isang saknong tulad ng mga
nasa ibaba.
2 taludtod sa isang saknong o couplet
3 taludtod sa isang saknong o tercet
4 taludtod sa isang saknong o quatrain
5 taludtod sa isang saknong o quintet
6 taludtod sa isang saknong o sestet
7 taludtod sa isang saknong o septet
8 taludtod sa isang saknong o octave

Ang pinakagamitin sa pagbuo ng tula ay ang mga saknong na may dalawa, (couplet),
tatlo (tercet), at apat (quatrain) na taludtod.

4. Larawang-Diwa (Imagery)- Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at

tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Pumula sa dugo ng kalabang puksa.
Naglambong sa usok, Bangis ay umamba.

Sa mga taludtod na ito malinaw na ipinakikita ang kulay ng dugong dumadanak sa isang
digmaan gayundin ang lambong ng usok ng mga baril at bombing pinasasabog na pagkatapos ay
nag-iiwan ng bakas na bangis na karaniwang mga bangkay na nagkalat sa pinangyarihan at mga
ari-ariang natupok na lamang.

5. Simbolismo (Symbolism)- Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginagamit sa tulang may
kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.

Halimbawa:
Bituin – pangarap
Ilaw – pag-asa
Buwaya – kurap

6. Kariktan- Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin ang isang hanay-hanay ng mga
talatang tugma-tugma ang mga dulo at suka-sukat ang mga bilang ng pantig ngunit hindi pa rin
matatawag na tula kung hindi ito nagtataglay ng kariktan. May mga tulang walang sukat at
gumang sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili ang mga salita, kataga,
parirala, imahen o larawang-diwa, tayutay o talinhaga, at mensaheng taglay na siyang lalong
nagpapatingkad sa katangian nito bilang tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng
mambabasa.

GAWAIN 6: SURIIN NATIN

Panuto: Pagkatapos mabasa ang tulang Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan ni Nathaniel Hawthorne,
ay susuriin ito batay sa naintindihang mga elemento ng isang tula. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang at
ilagay ang kasagutan sa patlang na ibinigay.

1. Anong uri ng tugmaan ang ginamit sa tulang binasa?

______________________________________________________________________________

2. Ano ang sukat nito?

______________________________________________________________________________

3. Ilang taludtod mayroon sa isang saknong ng tulang binasa?

______________________________________________________________________________

4. Magbigay ng dalawang larawang diwa na makikita sa tulang binasa.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ano-ano ang mga simbolismong ginamit sa tulang binasa? Ibigay ang mga kahulugan nito.

Simbolismo Kahulugan
 __________________ = ____________________________________________________
 __________________ = ____________________________________________________
 __________________ = ____________________________________________________

6. Mayroon bang taglay na kariktan ang tulang iyong nabasa? Patunayan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAWAIN 7: YIE
Panuto: Basahin ang malayang salin ng tulang Gaano Kita Kamahal? mula sa tulang How do I love Thee?
ni Elizabeth Browning. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungang ibinigay.

Gaano Kita Kamahal?

Elizabeth Barrett Browning

Gaano kita kamahal? Hayaan mong isa-isahin ko.

Minamahal kita, sa lawak, lalim at lawig.
Na kayang abutin ng aking kaluluwa, kapag ang damdami’y naglaho na.
Para sa pagtatapos ng buhay at huwarang pagpapala.
Minamahal kita kapantay ng pang-araw-araw na
Pangangailangang maging tahimik, sa ilalim ng araw at lamlam ng kandila
Minamahal kita nang malaya, tulad ng paghahangad ng tao sa kaniyang karapatan;
Minamahal kita nang Dalisay, tulad ng pagtalikod sa papuri at pagdakila
Minamahal kitang taglay ang silakbong nadama
Nang malaong kapighatian, at tiwalang taglay ng kabataan.
Minamahal kita ng pagsintang maaaring mawala sa paglalaho ng aking pintakasi –
Minamahal kita sa abot ng aking hininga,
Ngiti, luha, at ng aking buong buhay – at kung itutulot ng Panginoon
Higit pa kitang mamahalin sa kabilang buhay.

- Isang malayang salin

Mga Katanungan
1. Ano ang mensaheng isinasaad ng soneto ni Browning?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang pinaglaanan ng tulang ito? Sa tingin mo ba’y busilak
ang kaniyang pagmamahal na ipinapakita sa tulong ng tulang iyong nabasa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Masasabi mo bang ang panitikang ito ay mayroong kagandahang taglay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

MGA MATATALINHAGANG PANANALITA

Ang matatalinhagang pananalita ay mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang

taglay at sa halip ay may nakakubling mas malalim na kahulugan. Karaniwang ginagamit ang
matatalinhagang pananalita sa panitikan lalong-lalo na sa panulaan sapagkat isa rin ito sa mga
itinuturing na elemento ng tula. Mayroong mga iba’t ibang uri ng matatalinhagang pananalita tulad na
lamang ng mga sumusunod:

MGA IDYOMA- mga pahayag na karaniwang hango sa karanasan ng tao, mg apangyayari sa buhay at sa
paligid subalit nababalutan ng higit na malalim na kahulugan. Narito ang mga halimbawa ng idyoma:

Idyoma Kahulugan Idyoma Kahulugan

Alog na ang baba Matanda na Kamay na bakal Mahigpit na
pamamalakad
Anak-pawis Mahirap Maghigpit ng sinturon Magtipid
Bahag ang buntot Duwag Mahaba ang pisi Mapagpasensya
Balat-kalabaw Hindi marunong Malaki ang ulo Mayabang
mahiya
Balat-sibuyas Maramdamin / iyakin Mapurol ang utak Mahina ang isip
Basang-sisiw Api / kaawa-awa Nagbibilang ng poste Walang trabaho
Buto’t balat Payat na payat Nakalutang sa ulap Masaya
Ginintuang puso Mabuti ang kalooban Pabalat-bunga Pagkukunwari / hindi
totoo
Huling hantungan Libingan Pantay ang paa Patay na
Ilista sa tubig Utang na wala nang Pusong-mamon Maawain
bayaran
Usad-pagong mabagal

Mga Tayutay- isa pang uri ng matatalinhagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang
nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na maganda o mabigyang-halina ang
isinusulat o sinasabi.

1. Pagtutulad (Simile)- paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga

pariralang katulad ng, gaya ng, at iba pa.
Halimbawa:
Ang digmaan ay tulad ng halimaw na sumisira sa bawat madaanan.
Paliwanag: Isinasaad na mapaminsala ang digmaan sa pamayanan.

Ang kaniyang kutis ay kahalintulad ng niyebe.

Paliwanag: Binabanggit na ang kutis ng tinutukoy ay maputi kahalintulad ng
niyebe (Snow.)

2. Pagwawangis (Metaphor)- Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay tiyakang
naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, at iba pa.

Halimbawa:
Ang digmaan ay maitim na usok ng kamatayan.
Paliwanag: Inihambing ang digmaan sa maitim na usok nang hindi ginamitan ng
mga salitang panghambing.

Si Kaisa ay isang calculator.

Paliwanag: Inihambing si Kaisa sa isang calculator, ibig sabihin na magaling ito sa
sipnayan (Math).

3. Pagmamalabis (Hyperbole)- Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao,

bagay, o pangyayari.

Halimbawa:
Bumaha ng dugo sa nangyaring digmaan.
Paliwanag: Wala namang bah ana dugo ang likido, ngunit ipinaparating na
marami ang namatay sa digmaan.

Mag-antay ka riyan hanggang sa mamuti ang uwak.

Paliwanag: Wala pa namang uwak na namumuti, ipinaparating na mag-aantay
ka saw ala o hindi ito mangyayari.

4. Pagbibigay-Katauhan (Personification)- Pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang bagay na

walang buhay.
Halimbawa:
Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.
Paliwanag: Hindi naman umiiyak ang bayan, nagsasaad lamang ito na
naghihinagpis ito dahil hindi ito malaya.

Ang ulap ay umiiyak ngayong gabi.

Paliwanag: Umuulan; na parang umiiyak ang mga ulap sa kalangitan.
5. Pagpapalit-saklaw (Synechdoche)- Pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi
bilang pagtukoy sa kabuuan.
Halimbawa:
Ayokong makitang nakatungtong ang iyong paa sa aking pamamahay.
Paliwanag: Isa lamang na bahagi ng katawan ng tao ang paa. Ngunit kapag
binasa ito nang buo, ipinapahiwatig na ayaw ng nagsasalita na makita ang taong
binabanggit, hindi lamang ang mga paa nito.

Maraming bibig ang umaasa sa kaniya, kung kaya’t nagtatrabaho ito nang
mabuti.
Paliwanag: Ang bibig ay kumakatawan sa mga taong binubuhay ng taong
tinutukoy sa pangungusap.

6. Pagtawag (Apostrophe)- ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o
wala naman.

Halimbawa:
Tukso, layuan mo ako!

Kamatayan! Magpakita ka na sakin! Hindi ako takot sa iyo!

7. Pag-uyam (Irony)- Ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang

kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan.

Halimbawa:
Ang ating bayan ay malaya, kaya’t mga dayuhan ang namamalakaya.
Paliwanag: Hindi malaya ang bayang nabanggit sapagkat mayroong mga
dayuhan na nangingisda sa karagatan, imbis na mga taong nakatira sa bayan.

Ang ganda mo naman, Ashley. Hehehe.

Paliwanag: Iba ang ibig sabihin nito. Sinasabihan itong pangit.

GAWAIN 8: TAYO, TAY

https://www.amnesty.org/en/latest/news/2017/11/philippines-battle-of-marawi-leaves-trail-of-death-
and-destruction/
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/2001000

You might also like