You are on page 1of 100

ARALIN Maikling Kuwento: Kasaysayan,

1 Kahulugan, Elemento at Halimbawa

PANITIKAN: Maikling Kuwento ng SOCCSKSARGEN


(Bagyo ni: Gwyneth Joy Prado at Kung
Di Mo Na Kaya ni: Rustom M. Gaton)

WIKA: Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

• F7PB-If-g-4 Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento


mula sa Mindanao
• F7WG-Ih-i-5 Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na
paksa sa pagbuo ng patatanghal

MGA LAYUNIN
MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natatalakay nang may kabatiran ang kahulugan at mga elemento ng
Maikling Kuwento;
b. nakababasa’t nakatutukoy nang may pag-unawa sa elemento mula sa
maikling kuwentong may pamagat na “Bagyo ni: Gwyneth Joy Prado” ng
SOCCSKSARGEN; at
c. naisasadula nang may kahusayan ang maikling kwentong “Kung Di Mo
Na Kaya ni: Rustom M. Gaton” sa pamamagitan ng pangkatang gawain.

1
BALIKAN

Iyong balikan ang nakaraang talakayan. Sagutin ang sumusunod na pahayag.


Ilagay ang tsek (/) sa kahon kung ito ay tama at ekis (x) kung mali.

1. Ang dula ay nahango sa salitang Griyego na "drama" na


nangangahulugang gawain.

2. Ang kung, kapag, at sakali ay halimbawa ng pang-ugnay.

3. Ang dokyu-film ay isang pagsasalarawan sa isang pangyayari


gaya ng buhay ng tao dokyumentaryong nakikita sa television.

4. Ang Kaharian ng Agamaniog ay isang matulaing kaharian ng


mga Maranao sa Lanao del Sur.

Ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikan na kasasalaminan ng


buhay ng tao. Ito ay nakatutulong sa paglalahad ng mga pangyayaring maiuugnay
sa lipunan. At ito ang bibigyan ng pansin sa araling ito. Pero bago tayo tumungo
sa pinakapaksang-aralin ay subukin mo muna ang iyong sarili sa bahaging
pagsubok.

Gawain 1: TALAKAYANG SOX

PANUTO: Magbigay ng sariling kaisipan mula sa mga larawang inlahad sa ibaba. Ang
mga larawan na ito ay may malaking kaugnayan sa tao at lugar sa bayang
ng SOCCSKSARGEN.

2
Tauhan sa Komunidad SOX

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Tagpuan sa Komunidan SOX

______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
______________________________________

______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
______________________________________

3
______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
______________________________________

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________

Gawain 2: Larawan ng Mahal sa Buhay

PANUTO: Mula sa picture frame na nasa ibaba ay iguhit ang taong hindi mo
makakalimutan sa buhay. Pagkatapos ay sagutan ang mga katanungang inihanda
sa ibaba.

https://www.pinterest.ph/pin/251146116694267531/

4
PAMPROSESONG TANONG:
1. Sino ang taong ito sa iyong buhay. Bakit siya ang napili mong iguhit?

2. Ano ang kinalaman niya sa iyong buhay at sa iyong paglago?

3. Ano ang mahalagang papel na kaniyang ginagampanan sa iyong buhay?

4. Ano ang nararamdman mo habang ginuguhit mo ang taonng ito?

5. Paano mo pihahalagahan ang iyong pakikisama at pakikipag-unay sa taong ito?

5
Gawain 2: KWHL Chart

PANUTO: Kikilatisin mo sa gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman tungkol


sa kaugalian ng mga mamamayan sa SOCCSKSARGEN. Punan ng impormasyon ang
bahaging K, W at H lamang. Isulat ito sa buong papel

K W H L
Anong pag-uugali Anong pag-uugali Paano ko Ano ang mga
ng mga ng mga malalaman o nalaman o
mamamayan sa mamamayan sa mapatutunayan ang natutuhan ko ukol
SOCCSKSARGEN SOCCSKSARGEN pag-uugali ng mga sa pag-uugali ng
ang akingalam? ang gusto kong mamamayan sa mga mamamayan
malaman o SOCCSKSARGEN? sa
patunayan? SOCCSKSARGEN?

6
Kasaysayan at Pag-unlad ng Maikling Kuwento
Bago Dumating Ang Mga Kastila

• Kuwentong bitbit - dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling makling


sanaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at
iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala.

Panahon ng Kastila

• Kakana - sumulpot pagdating ng Espanyol,naglalaman ng mga alamat at


engkanto, panlibang sa mga bata. Kwento ay tungkol sa buhay ng mga
santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo.
• Parabula- naglalaman ng talinghaga at nagtuturo ng aral.

Panahong Post Kolonyal (Panahon ng Amerikano)

• Ang maikling kuwentong Tagalog ay na lsulat noong mga unang sampung


laon no mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw
• Dagli- maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay
namumuna nagpapasaring at manunuligsa.
• Pasingaw- patungkol sa paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililigawan at
kung ano-ano.

Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula,
isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si
Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento".

Mga Katangian ng Maikling Kwento:


1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.

7
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang
ibang mga tauhan.

3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.

4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na


sinusundan kaagad ngwakas.
5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

Elemento ng Maikling Kwento


1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Mayroong limang (5) bahagi ang banghay:

• Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.


• Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa
kwento.
• Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
• Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema.
• Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.

6. Himig (Mood)- Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang himig ay maaaring


mapanudyo, mapagtawa, at iba pang pagpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.

7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan,
o tao laban sa kalikasan.

8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

8
LINANGIN
GAWAIN 3: TALA-KAHULUGAN

PANUTO: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga nakadiing salita sa bawat pahayag sa kahon.
Isulat ang titik salita sa dulo ng bawat pahayag. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Hinarap
Kinuha
Natulog Atip
Maliit na bahay Hinayaan
K. Mapagmatyag

1. Maging handa at alisto tayong lahat.___________


2. Dinig ko ang pag-uusap ng dalawang dalagang nakasalubong ko sa daan. Imbes na
magalit, ipinagwalang-bahala ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang aking paglalakad
hanggang marating ang munti at tagpi-tagping barong-barong na tinitirhan
namin._______________
3. Umulan kasi ng nakaraang gabi, at may butas pa ang bubong namin.____________
4. Bawat sulok ng paaralan, bukambibig ang paparating na bagyo._____________
5. Dahil sa lakas ng ulan, umidlip lang ako sandali.___________
6. Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng aming barong-
barong.____________
7. Agad ko namang hinablot ang aking bag at tumungo sa pinto ng aming barong-
barong.__________
8. Niyapos ko ito at hinalikan.___________
9. “Hinding-hindi na ulit kita bibitawan sa mga ganitong sakuna, Tay,”______________
10. bulong ko sa litrato, at sabay naming sinuong ang malakas na hampas ng ulan, ihip ng
hangin, at lagpas beywang na baha sa gitna ng gabi._____________

Panuto: Para lubos na maintindihan ang elemento ng maikling kuwento ay


basahin ang kuwento ni Gwyneth Joy Prado na Bagyo:

“Bagyo”
Ni Gwyneth Joy Prado
Maikling Kuwento

Isang bagyo na naman ang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility. Inaasahan na
tatama ang bagyo sa ating bansa sa darating na Biyernes, Setyembre 14, 2018. Maging handa at
alisto tayong lahat.
“Ale, heto po ang bayad ko para sa biskwit,” ang sabi ko sa nagtitinda, sabay abot sa kaniya ng
sampung pisong barya mula sa bulsa ng luma kong paldang pang-eskwela.

9
“Ineng, kulang ka ng dalawang piso,” sabi ng Ale.
“Babalikan ko na lang ho mamaya,” tugon ko.
“Sige.”
Tumalikod ako at sinimulang kainin ang binili kong biskwit. May paparating na namang bagyo.
Mag e-evacuate na naman kami ni Tatay neto. Binilisan ko ang lakad upang sabihin sa kaniya
ang narinig kong balita.
“May bagong bagyo. Sana malakas para masuspende na naman ang klase natin. Ha-ha-ha!”
“Oo nga. Nakakatamad mag-aral. Sana nga wala tayong pasok.”
Dinig ko ang pag-uusap ng dalawang dalagang nakasalubong ko sa daan. Imbes na magalit,
ipinagwalang-bahala ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang aking paglalakad hanggang
marating ang munti at tagpi-tagping barong-barong na tinitirhan namin.
Binuksan ko ang pinto. Sa lakas, muntik ko pa itong masira. Agad akong humalik sa pisngi ni
Tatay. Ibinahagi ko sa kaniya ang masamang balita na aking narinig kanina. Nag-impake na rin
ako kaagad upang maging handa sa parating na sakuna.
Binasag ko ang alkansiyang kawayan na limang buwan ko ring pinag-ipunan. Binilang ko ang
laman at umabot ito ng P583. Bumalik ako sa tindahan. Binayaran ko ang kulang ko kanina at
bumili ng mga pagkain.
Kinabukasan, pumasok pa rin ako ng paaralan kahit basang-basa ang sapatos ko. Umulan kasi
ng nakaraang gabi, at may butas pa ang bubong namin. Bawat sulok ng paaralan, bukambibig
ang paparating na bagyo.
“Umulan nang malakas kagabi. Sana hindi na lang tumigil nang sa gayo’y wala tayong pasok.”
“Sana bumaha hanggang bewang para masuspende ang klase.”
“Sana umabot ng isang linggo ang bagyo para isang linggo ring walang pasok.”
Kahit punong-puno na ako, ipinagwalang bahala ko na lang ang ulit ang mga naririnig ko. Hindi
kasi nila naiintindihan ang kalagayan ng isang tulad ko.
Bumuhos na naman ang malakas na ulan, at heto na naman ako, tinatakpan ang mga butas ng
aming bubong. Dahil sa lakas ng ulan, umidlip lang ako sandali. Malamig kasi at napakasarap
matulog. ’Yon nga lang, maingay dahil sa mga kulog at patak ng ulan sa yero.
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng aming barong-barong. Bumaba ako ng kama
at nagulat dahil lagpas beywang na pala ang tubig sa loob ng aming bahay. Napasigaw ako sa
gulat. Agad ko namang hinablot ang aking bag at tumungo sa pinto ng aming barong-barong.
Pupunta na sana ako sa evacuation center nang maalala ko si Tatay. Kinuha ko ang kaniyang
litrato sa itaas ng aking kabinet. Niyapos ko ito at hinalikan.
“Hinding-hindi na ulit kita bibitawan sa mga ganitong sakuna, Tay,” bulong ko sa litrato, at
sabay naming sinuong ang malakas na hampas ng ulan, ihip ng hangin, at lagpas beywang na
baha sa gitna ng gabi.

10
Sagutin mo ang sumusunod na pamprosesong tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa pangunahing tauhan sa kuwento?


___________________________________________________________
______
______
______

2. Ano ang pangunahing suliranin ng Pangunahing tauhan?


______
______
______
______

3. Saan ang tagpuan ng maikling kuwentong binasa?


______
______
______
______

4. Ano-anong suliraning panlipunan ang itinampok sa


maikling kuwento?Bakit?
______
______
______
______

5. Paano winakasan ng manunulat ang kaniyang maikling kuwento?


_______________________________________________________________
______
______
_______________________________________________________________

6. Sa iyong palagay, bakit "bagyo" ang pamagat ng maikling kuwento?


____________________________________________________________
______
______
_______________________________________________________________
7. Anong mahalagang mensahe ang iyong nakuha sa kuwento?
____________________________________________________________
______
______
___________________________________________________________

11
Gawain 4 :Elementalk

PANUTO: Ilahad sa grapikong pantulong sa ibaba ang mahahalagang impormasyon


ukol sa maikling kuwentong Bagyo. Palitan ng iyong sagot ang mga nakasulat sa
bawat bilog.

Tauhan

Kaisipan
Tagpuan

Tunggalian Pamagat ng Suliranin


kuwento

Diwa Himig

Banghay

12
TANDAAN
Pangungusap na Walang Tiyak na
Paksa

Anomang pangungusap o lipon ng


salitang walang simuno at panaguri
bastat may diwa at mensaheng ipaabot.
Ito’y maituturing na pangungusap na
walang paksa.

1. EKSISTENSYAL
- May bagay na umiiral sa himig totoo ng
pangungusap satulong ng mga katagang may
o mayroon.
Halimbawa:
1.May tumatakbo.
2.May dumating.
3.Mayroong panauhin.
4.May napapaayon.

1. SAMBITLA
- Ito’y isa o dalawang pantig ng salita na
nagpapaabot ng diwa o kaisipan.Kadalasan isa ang
ekspresyon ng ipinapahayag.
Halimbawa:
yehey! yahoo! wow! walastik!

2. PENOMENAL
- nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang
ang banggitin, may diwa nang ipinaaabot na sapat upang
mabigyang kahulugan ang pahayag.

Halimbawa:

Umuulan.
Bumabagyo.
Lumilindol

3. PAGTAWAG
- ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa
pangalan ng isang tao ay may sapat na kahulugang
ipinaaabot. Ang tinawagan ay agad lalapit dahil baka may
iuutos ang tumawag.

Halimbawa:

13
Maria!; Bunso!

5. PAGHANGA

–ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga

Halimbawa:

1.Ang ganda nya!


2.Ang talino mo!
3.Galing!

6. PAUTOS

–salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot ay


may ipinaaabot na diwa o mensahe kaya’t di pwedeng di
sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo madiin.

Halimbawa:

1.Kunin mo.
2.Lakad na.
3.Takbo.
4.Sayaw.

7. PORMULARYONG PANLIPUNAN

-ito ang mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyon: umaga,


tanghali, gabi.

Halimbawa:
Magandang umaga.
Magandang gabi. Magandang tanghali. Paalam.
Adyos.

8. TEMPORAL

-Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong


panandalian, karaniwan itong pangabay na pamanahon.

Halimbawa:

Samakalawa. Bukas. Sa linggo. Maya-maya.

14
Gawain 4: KWHL Chart

PANUTO: Balikan ang iyong mga isinagot sa KWHL Chart sa


bahaging SUBUKIN. Sa pagkakataong ito, tugunan ang hanay ng
L kaugnay ng iyong sagot sa hanay W at H.Pagnilayan ang iyong
mga natamong pag-unawa sa araling ito.

K W H L
Anong pag-uugali Anong pag-uugali Paano ko Ano ang mga
ng mga ng mga malalaman o nalaman o
mamamayan sa mamamayan sa mapatutunayan ang natutuhan ko ukol
SOCCSKSARGEN SOCCSKSARGEN pag-uugali ng mga sa pag-uugali ng
ang akingalam? ang gustokong mamamayan sa mga mamamayan
malaman o SOCCSKSARGEN? sa
patunayan? SOCCSKSARGEN
?

15
ILIPAT

Gawain 6: TANGHAL-KUWENTO

PANUTO: Bumuo ng isang malikhaing pagtatanghal patungkol sa kuwentong “Kung


Di Mo Na Kaya.” Dapat ang pagtatanghal ay hindi lalagpas sa 10 minuto at nakikitaan ng
elemento ng maikling kuwento tinalakay.Ang pagtatanghal ay dapat gumagamit at makikitaan ng
Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa.

Pamantayan sa pagmamarka ng isinagang pagtatanghal:

PAMANTAYAN KATANGIAN (5 PUNTOS) 5 4 3 2


Malawak, binubuo ng maraming
KAANGKUPAN NG impormasyon at sapat ang sakop ng
NILALAMAN mensaheng nais ipaabot sa mambabasa.
Pinalolooban ng paksang ibinigay at ng
pangunahing tema.
Gumamit ng mga salitang nagpapakita
PAGKAMALIKHAIN ng kariktan at kagandahan. Mga salitang
matatalinhaga at isang malikhaing
pagpapahayag. Nakakapukakaw ng
atensiyon ang isinulat na iskrip.
Makikitaan ng tamang pagbabaybay,
KAWASTUHAN AT pagbabalarila, bantas, gamit ng salitang
KAANGKUPAN NG pang-ugnay, at pagkasunod-sunod ng
MGA SALITANG ideya sa pangungusap sa lahat ng
GINAMIT pagkakataon sa isinasagawang pahayag.

Orihinal ang pagkakasulat at


ORIHINALIDAD pagpapahayag ng sariling opinyon at
pananaw sa paksang ibinigay. Malinaw
ang ginawang paglalahad ng ideya at may
kaisahan ang bawat daloy ng mga
pahayag sa kabuuan.

KAANGKUPAN NG Ang nagsipag ganap ay makikitaan ng


DAMDAMIN AT tamang eksprisyon ng damdamin,
BOSES tamang eksprisyon ng mukha, at
naiitindihan ang mga sinsasabi ng artista
sa dulang sinasagawa. Nakakakuha ng
atensiyon sa madla at makikitaan ng
kawilihan sa pagtatanghal. Malaki ang
impak sa madla.

PANGKALAHATANG Naipapahayag ng buong husay ang


PAGTATANGHAL mensaheng nais ipabatid sa madla at
manonood. Malayang nakapagtatanghal
at bukas sa puso ang isinasagawang dula.

16
A. Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat aytem.
Isulat ang sagot sa blangko.

_____1. Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.


a. Suliranin
b. Himig
c. Kaisipan
d. Paksang Diwa
_____2. Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

a. Tunggalian
b. Kaisipan
c. Tagpuan
d. Banghay
_____3. Dito na nangyayari ang problema sa kwento.

a. Banghay
b. Wakas
c. Tunggalian
d. Kasukdulan

_____4. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

a. Tauhan
b. Wakas
c. Tunggalian
d. Paksang diwa

_____5. Isang anyo ng panitikan na may layunin magsalaysay ng mga pangayayri sa buhay
ng pangunahing tauhan.
a. Banghay
b. Maikling kwento
c. Tagpuan
d. Nobela

17
B. Panuto: Basahin ang pahayag at pumili ng sagot sa loob ng kahun. Titik lamang ang
isulat.

A. Kuwentong Bitbit B. Paksang Diwa C. Parabula

D. Pasingaw E. Dagli

F. Kaisipan G. Kakana

______1.Maikling salaysay na nangangaral nang lantaran. Ito ay namumuna,


nagpapasaring at manunuligsa.

______2. Sanaysay na pumapaksa sa mga anito, laman lupa, malik mata, multo at
iba pang bunga ng guniguning di kapanipaniwala.

______3. Ito ay patungkol sa paralumang hinahanggan, sinusoyo, nililigawan at


nagtuturo ng aral.

______4. Naglalaman ito ng talinghaga at nagtuturo ng aral.

______ 5. Ito ay kwentong patungkol sa santo at santa, naglalayung mapalaganap


ang Kristiyanismo.

C. Panuto: Pagsunod-sunudin ang takbo ng pangyayari ng maikling kuwento na may


pamagat na “Bagyo”. Gamitin ang 1-7 bilang sagot sa patlang.

_____Isang bagyo na naman ang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.


Inaasahan na tatama ang bagyo sa ating bansa sa darating na Biyernes, Setyembre 14, 2018.
Maging handa at alisto tayong lahat.

_____“Hinding-hindi na ulit kita bibitawan sa mga ganitong sakuna, Tay,” bulong ko sa


litrato, at sabay naming sinuong ang malakas na hampas ng ulan, ihip ng hangin, at lagpas
beywang na baha sa gitna ng gabi.

_____Kahit punong-puno na ako, ipinagwalang bahala ko na lang ang ulit ang mga
naririnig ko. Hindi kasi nila naiintindihan ang kalagayan ng isang tulad ko.

18
_____Kinabukasan, pumasok pa rin ako ng paaralan kahit basang-basa ang sapatos ko.
Umulan kasi ng nakaraang gabi, at may butas pa ang bubong namin. Bawat sulok ng
paaralan, bukambibig ang paparating na bagyo.

_____Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng aming barong-barong. Bumaba


ako ng kama at nagulat dahil lagpas beywang na pala ang tubig sa loob ng aming bahay.
Napasigaw ako sa gulat. Agad ko namang hinablot ang aking bag at tumungo sa pinto ng
aming barong-barong.
______Binuksan ko ang pinto. Sa lakas, muntik ko pa itong masira. Agad akong humalik
sa pisngi ni Tatay. Ibinahagi ko sa kaniya ang masamang balita na aking narinig kanina.
Nag-impake na rin ako kaagad upang maging handa sa parating na sakuna.

______Pupunta na sana ako sa evacuation center nang maalala ko si Tatay. Kinuha ko ang
kaniyang litrato sa itaas ng aking kabinet. Niyapos ko ito at hinalikan.

19
ARALIN BUOD AT BANGHAY NG
2 MAIKLING KUWENTO
PANITIKAN: Maikling Kuwento ng SOCCSKSARGEN
(Hangganan ng Abong Kalapati ni: Ralph Gallaza
Bansawan”)
WIKA: Mga Retorikal na Pang-Ugnay na Ginamit sa
Akda

• F7PN-If-g-4 Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong


napakinggan

• F7PU-If-g-4 Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may


kaisahan ang mga pangungusap

• F7PS-Id-e-4 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod


ng mga pangyayari

LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• a. Naipaliliwanag ng mahusay ang kahulugan at sangkap ng Buod at
Banghay ng Maikling kuwento;

• b. nakababasa at nakasusuri nang komprehensibo ang buod ng maikling


kwentong may pamagat na “Hangganan ng Abong Kalapati ni: Ralph
Gallaza Bansawan” mula sa SOX; at

• c. Naisasalay ng maayos ang pagkakasunod ng kuwentong “Hangganan ng


Abong Kalapati ni: Ralph Gallaza Bansawan”. gamit ang bahagi ng banghay
ng kuwento.

20
BALIKAN

Sa nakaraang aralin ay natalakay natin ang kahulugan at mga elemento ng maikling kuwento.
Bilang pagbabalik-aral, piliin ang angkop na salita sa kahon at isulat ito sa mga nararapat na
kahulugan sa ibaba.

Banghay Maikling Kuwento


Paksang Diwa

Tunggalian Tagpuan Suliranin

Kaisipan
Himig
Tauhan
Buod Wakas

________1. Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga


insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

_______2. Pinakakaluluwa ng maikling kuwento.

_______3. May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili,
tao labansa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

_______4. Mensahe ng kuwento.

_______5. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.

_______6. Problemang haharapin ng tauhan.

_______7. Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang.

_______8. Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin.

_______9. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

_______10. Ang sintesis, sinopsis o buod ay ang pinakamahalagang kaisipan ng


anumang teksto.

21
Ang buod ay tumutukoy sa sintesis, sinopsis o buod ay ang
pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto. Sa ibang dako ang banghay ng kuwento
ay ang pagakakabatangkas ng mga pangyayaring dapat na maging
maayos ang pagkakaugnay. At ito ang bibigyan ng pansin sa araling ito. Pero
bago tayo tumungo sa pinakapaksang-aralin ay subukin mo muna ang iyong
sarili sa bahaging pagsubok.

Gawain 1: Kuwentong-Imahen

PANUTO: Subukin ang kaalaman sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kuwento sa


pamamagitan ng mga larawan sa ibaba. Ang kuwento ay nararapat na mayroon simula,
gita at wakas. Punan lamang ang grapikong-pantulong ng inyong mga sagot.

22
Gitna

Mungkahing
Pamagat ng
Kuwento

Simula Wakas

PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano-ano ang iyong na inuha sa pagbuo ng panimula ng isang maikling kuwento?

2. Ano ang nilalaman ng gitna ng iyon nagawang kuwento?

3. Paano mo winakasan ang kuwentong iyong ginawa?

23
BUOD

Ang sintesis, sinopsis o buod ay ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang


teksto. Ito ay isang bersyon ng pinaikling teksto o babasahin. Ito ay ang paglalahad ng
anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa na nasa
yamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Marapat lamang na maging malinaw
sa pagpapahayag. Kailangan panatilihin ang mga binanggit na katotohan o mga puntong
binibigyang diin ng may akda.

Katangian ng Buod
• Ang mga sinopsis ay maikli lamang ngunit naglalaman na ito ng kabuuang
paliwanag tungkol sa isang paksa.
• Ito rin ay maaari gamitin sa iba’t-ibang bagay katulad lamang ng mga sine,
teleserye, libro, o mga akademikong sulatin. Ang sinopsis ay isang ebalwasyon o
pagsusuri.
• Inaanalisa’t sinusuri nito ang ebidensya ng isang partikular na paksa na ginamit
upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran.
• Ito ay hindi lang dapat pinutol-putol na bahagi ng isang buong teksto. Dapat ito
ay malikhaing paraan ng pag hanap ng mga mahahalagang parte ng paksa sa
pamamagitan ng ibang pahayag, salita, o kataga.

Bahagi at Sangkap ng isang Buod:

Simula

At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng


pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at
ng Tagpuan. Simula At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang
haharapin ng pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa
mga tauhan at ng Tagpuan.

24
Gitna

Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na


kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na
minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging


nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Banghay
Ang pagakakabatangkas ng mga pangyayaring dapat na maging maayos
ang pagkakaugnay

Bahagi ng banghay ng Maikiling Kuwento:

Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.

Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga


tauhang masasangkot sa suliranin.
kanyang ipinaglalaban.

25
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.

Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao
laban sa kapaligiran o kalikasan.

Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng


kanyang ipinaglalaban.

Kakalasan- Tulay sa wakas.

Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.

LINANGIN

Hangganan ng Abong Kalapati


Ni: Ralph Gallaza Bansawan

… at narating namin ang isang mapanglaw at masukal na daan tungo sa sentro ng


masinsing na kasukalan. Nangangawit ang balikat habang karga-karga ang limang oras
nang natutulog na kapatid. Nalalanghap ang simoy ng hanging dumidikta ng kapalaran
naming magkapatid. Sa paglalakad ay nakakita ako ng isang puno ng Acacia na may
nagtatambukan at nagmimistulang gabukin na sa tanda nito. Dito kami namahinga ni
Miyo. …Isa… dalawa… tatlo… hanggang sa makaabot ng labintatlong oras ay mag-
uumaga na. Sulyap ng bitbit-bitbit na kapatid ay … masisilayan…

Masaya ang pagbati sa ‘min ng haring araw noon. Si Miyo ay magpipitong taon
na ngayong araw. Siya ay bibong batang walang ibang hangad sa buhay kundi ang
maging huwarang bayani ng tribo at siyempre, ang makakita ng abong kalapating
makikita lang malapit sa kaparangan sa gilid ng ilog na pumapagitna sa dalawang
kampo – ang Kampo Del Norte at Kampo Militar. Bihirang makarating sa lugar namin
ang ganitong uri ng ibon.

Sa Kampo del Norte naninirahan ang lupon ng mga tulisan at rebeldeng


nagsisipagbakbakan sa mga taga-Kampo Militar. Maingay. Magulo. Karimlan – ito ang
kinamulatan ng aming tribo sa silangan.

“Mà, mangunguha na po ako ng kahoy panggatong para sa pagluluto mamaya

26
para sa kaarawan ni Miyo,” pahayag ko habang naghahanda na. “Sige Dong! Mag-ingat
kamo at bumalik agad.” paalala ni amang sa ‘kin at agad tumungo sa likod. “Ay, Dong!”
pagtawag niyang muli sa akin. “’Yung hangganan…”. Alam ko ang hangganan. Hindi ko
ito malilimutan.
Nang buhay pa ang Yè Lembuwan, ang tunay kong ina, palagi niyang
ikinukuwento ang mga ‘di niya makalilimutang mga nangyari noong kaniyang kabataan.
Sa simula pa man, hindi na nanaig ang kapayapaan. Walang kaluwalhatian. Walang nais
ng katahimikan. Maliban na lamang sa mga halamanan sa kagubatan at mga tutubing
kikislap-kislap at iindak-indak sa bawat gabing buhay na buhay at tanging saksi sa
bawat hinaing ng tribo. Nilisan na lamang niya ang mundong ito nang hindi man
lamang nakamit ang liwanag. Ipinanganak niya ang aking kapatid, si Miyo.

Lumipas ang ilang taon.

“Dong, sama ako Dong!” bulalas ni Miyo patungo sa ‘kin. “Amang, sasama raw po
si Miyo?” pasigaw na tanong ko habang abala ang lahat sa pagdiriwang. Walang tugon si
amang at dahil sa pagpupumilit ay sinama ko si Miyo sa aking biyahe.

Sa paglalakad ay maraming sinasabi si Miyo. Ilan sa mga iyon ay ang kaniyang


mga pangarap sa kaniyang paglaki. Gusto ni Miyo na maging lider ng aming angkan. At
makakakita at makakahawak ng ibong may malapilak na kulay. Pinaniniwalaan kasi sa
aming lugar na ang pagkakaroon ng ganitong uri ng ibon ay makahahatid sa
pinapangarap…

“Dong, dala mo ba ‘yung tirador ni Amang?” tanong ni Miyo nang may dalang
sabik sa labi habang naghihitay sa ‘king sagot. “Aba, Miyo, makakalimutan ko pa ba
‘yung regalo ni tatay sa iyo?” Tugon ko sa kaniya at sabay inabot ang tirador galling sa
bulsa ng aking salawal na yari sa sutlang tinahi rin ni amang.

At magtatanghali na. Randam sa buong balat ang tindi ng init. Tagaktak ang
pawis habang kinakarga ang mga kinulektang mga kahoy. “Dong, Dong!” pananabik na
tawag sa ‘kin ni Miyo. “May nakita akong pilak na kalapati sa bandang doon,” paliwanag
pa niya.

Maaliwalas ang lugar na yaon. Maraming punong saging at papaya. Kasabay ng


mahalumigmig na simoy ng hangin. Maginhawa ang lugar. Sa banda ng kanan, ay
natunghayan ang agos ng isang talon na kumukunekta sa ilog patungong Rio Grande.
Bihira lang kami makapunta sa lugar na katulad noon.

… Ibon! May ibong natanaw ang dalawa kong balintataw…

“… Dong, ayun oh! Nakikita mo ba? Ibong may malapilak nakulay!”


pagpupumiglas ni Miyo habang hawak-hawak ang kanang bahagi ng aking damit. Galak.
Tuwa. Ligaya ang namumutawi sa mukha ni Miyo ng araw na yaon.

At unti-unting naging makulimlim ang kalangitan…

27
“Dong! Tiradurin mo nga ‘yung ibon sa puno ng Mahogany!” pakiusap ni Miyo.
Agad ko namang ibinaba ang buhat na mga kahoy at kumuha ng maliit na bato upang
panira sa ibon. Pumunta ako malapit sa puno kung saan mnakasabit ang naturang ibon.

Isa… dalawa… tatlo… apat… na segundong lumipas at lumitaw ang alingawngaw ng


isang bala mula sa isang bakal. “BAAANNG!!!” malakas na putok ang yumanig mula sa
‘king taenga papuntang ulirat. Di alam kung saan nagmula ang ingay.

Nabigla…

Natakot…

Nagulantang…

Pinilit kong bumangon mula sa pagkakadapa matapos ang narinig na kalibre. Uminog
ang buong ulirat at nawalan ng malay nang ‘di inaasahan…
Nakagapos sa pisi ng ilang ikot ang pagkakatali. Hindi makawala. Lupasay na dahil sa
tindi ng naranasan. Nakakulong sa kuwadra ng kabayong kasya ang apat nito. Malapit
sa baul na paglalagyan ng dumi ng mga hayop. Doon ko nasalamuha ang kapighatian at
awa.

May isang metrong layo at naaninag ang isang musmos sa labas ng bakod na
paglalagyan ng kabayo. Walang malay. Nakahiga hawak ang tirador.

Agad akong tumungo sa kinalalagyan niya at sinira ang bakod. Namutawi ang lugami sa
mukha kong parang sinukluban ng kalangitan. Pula, may pulang mantsa mula sa
salawal ni Miyo. Tinuntun ang pinagmulan ng mantsa. Sa kanang binti malapit sa tuhod
at doon nagmula ang dugo. Natamaan siya ng ligaw na bala.

“Dong! Saan tayo?” paanas na tinig na nilikha mula sa bunganga ni Miyo. Ramdam sa
init ng hininga ni Miyo ang takot at sakit na kaniyang nakuha. Ang maga mula sa
kaniyang sugat ang mas lalong nagbigay kirot pa sa kaniyang katawan. “ Miyo, ‘di ko
alam. Pero hahanap ako ng paraan para makawala tayo rito. Huwag kang susuko …,”
ang tugon ko naman sa kaniya.

Sa kabilang banda, panay ang buhos ng malakas na ulan at agos ng ilog mula sa bundok
na pinanggagalingan ng tubig sa talon papuntang ilog.
May limampung metro ang layo mula sa kinalalagyan namin sa kuwadra. Isang
halakhak. Dalawang halakhak. Tatlo… apat… sampu… di mabilang na himig ng karimlan
mula sa mga tinig ng mga balbasing kalalakihang inakala kong mga rebelde. May
kaniya-kaniyang hawak na armas gaya ng bolo, balisong, kalibre, at iba pa.

“…walang silbi ang gobyerno ng Pilipinas. Imbis na tulungan ang katulad nating mga
rebelde ay panay tayong dinaraig. Tayo pa ‘yung pinagkakamalang mga mamamatay
tao. Kung alam nila ang hirap dito sa bundok…” patuloy na pagdaing ng isang rebelde
habang nagsasalo sa inuman sa isang kubo katabi ang puno ng niyog na naging haligi na
nito.

28
Samantala, patuloy kong kinakalag ang pising nakagapos sa ‘king pulsohan. Hanggang
sa ilang minuto’y naalis na ito at agad tumungo kay Miyo. Pinunit ang ibabang bahagi
ng aking damit upang makalikha ng isang telang pantapal sa sugat ni Miyo. At ilang
sandali ay nalapatan ko rin ang sugat.

Pagkatapos ay sinubukan naming dalawa na makaalis sa lungaan ngunit sarado ang


pintuan palabas. Naghahanap ng butas. At sa wakas, sa ilalim ng baul ay may gabuking
kawayan na may maliit na lagusan papalabas. Kakikitaan ang bahagi ng kwardrang ito
ng ‘di kaaya-aya at kasangsangan ng amoy mula sa mga dumi ng hayop. Maalingasaw.
Mabaho.
Hindi naming ininda ni Miyo ang sitwasyong ito. Ang tanging nasa isip ay makatakas at
makalayo.

At nang makaalpas mula rito ay dali-daling lumakad. Paika-ika kung lumakad habang
akay-akay si Miyo sa likod. Tumakbo.

Patuloy ang ulan.

Isa … “Boooom!” isang putok mula sa kanyon ng kampo Militar. Dalawa …


“Booooooggggsss!” dalawang beses na putok mula sa taga Del Norte bilang ganti sa
panimula ng kaguluhan. Tatlo… tatlong rebeldeng nakasalubong; nakahandusay. walang
buhay. Mag-aalas-kuwatro na ng hapon.

Takbo kami nang takbo. Hapong-hapo sa katatakbo. Naligo sa malaniyebeng lamig na


ulan. Naririnig ko na ang agos ng tubig sa ilog. Malapit na. Andito na’t may dalawang
metro na… hanggang sa…

“BAAAAANNGGGG!!!” Ako’y nagulat sa ‘king narinig. Ako’y lumingon. Isang putok


mula sa armadong lalaki nakapandamit sundalo. Nakatutok sa ‘kin ang hinahawakang
baril. Umuusok. Mahigpit kong hinawakan ang kapatid at sabay tumalon. Nagpatangay
kami sa agos.

Nag-aagawan ang araw at gabi nang mapadpad ako muli sa kaparangan. Di maipinta
ang mukha. Niyayakap ang putik sa lupa.

Tanaw sa malayo ang bakas at hagupit ng bagyong nanalasa sa lugar na kinalalagyan ko.
Nagtumbahan ang mga puno ng saging at papaya. Nilamon din nito ang kalupaan.

At naalala ko. Si Miyo, nasaan na?

Natuntun ko siya sa isang damuhan. Napaliligiran siya ng mga walang buhay na mga
ibon. Ibong may malapilak na kulay. Kasimpusyaw niya ang kulay ng mga ibon dahil sa
tama mula sa likuran bago kami tumalon. At naalala ko, si Miyo ang nagligtas sa ‘kin…

Parang sinukluban ng langit ang buhay ko, ang sarili ko nang mga oras na yaon. Walang
ibang ginawa kundi ang humagulgol sa iyak, kasabay ng pagyakap at pagdadalamhati.

29
“Oh! Bathala! Siya’y mabuting bata, ba’t mo kinuha?” pauli-ulit kong tanong habang
nakatunghay sa itaas. Nagpapasaring.

Bitbit ang walang buhay na bangkay ng aking kapatid, sabay kaming tumungo pabalik.
Ngunit sa sobrang pagod ko’y paika-ika sa paglalakad…

…at narating namin ang isang mapanglaw at masukal na daan tungo sa sentro ng
masinsing na kasukalan. Nangangawit ang balikat habang karga-karga ang limang oras
nang natutulog na kapatid. Nalalanghap ang simoy ng hanging dumidikta ng kapalaran
naming magkapatid. Nakakita ako ng isang puno ng Acacia na may nagtatambukan at
nagmimistulang gabukin na sa tanda nito. Dito kami namahinga ni Miyo na winalan ng
buhay sa di tamang oras.

Isa… dalawa… tatlo… hanggang sa makaabot ng labintatlong oras ay mag-uumaga na.


Sulyap ng bitbit-bitbit na kapatid ay di na kailanman masisilayan… ito ang hudyat ng
pagbabago. May hangganan. Ang pinagkait na buhay ng isang maituturing na bayani ng
bayan ay maihihimlay ngunit di-namamatay…

Gawain 2: BANGHAY NG KUWENTO

PANUTO: Gamit ang story map, banghaying muli ang binasang


maikling kuwento. Punan ng mga detalye ayon sa kahingian ng gawain.
Ilagay ang sagot sa buong papel ng nabasang maikling kuwento. Punan
ng mga detalye ayon sa kahingian ng gawain. Ilagay ang sagot sa
buong papel.

30
PAMPROSESONG TANONG:

1. Para sa iyo, bakit naging "Hangganan ng Abong Kalapati" ang pamagat ng


maikling kuwento?

2. Anong suliranin ang kinakaharap ng pangunahing tauhan sa maikling kuwento


na"Hangganan ng Abong Kalapati?"

3. Kung ikaw ang tauhan sa kuwento, paano mo sasagutang ang suliraning kaniyang
kinakaharap sa buhay at sa bayan?

TANDAAN
Retorikal na Pang-ugnay

PANG-UGNAY – mga salitang bahagi ng wika na ang


pangunahing tungkulin ay umagapay sa pag-
uugnay ng konsepto o kaisipang taglay ng mga
salita sa isang pahayag.

31
1) Pangatnig – nag-uugnay ng dalawa o higit pang salita,
sugnay, pangungusap at talata upang ipakita ang relasyon ng mga ito sa isa’t
isa

o pangatnig na pamukod (naghihiwalay o nagbubukod ng ideya)


o, ni, maging
o pangatnig na panubali (naghahayag ng di katiyakan, kung sakali lamang)
kung, kapag, pag, sakali, sana
o pangatnig na paninsay (sumasalungat sa naunang kaisipan)
ngunit, subalit, samantala
o pangatnig na pananhi (nagbibigay-paliwanag o dahilan sa isang kaisipan)
dahil, dahil sa/kay, sapagkat, palibhasa
o pangatnig na panlinaw (paghingi o paghayag ng paglilinaw ng kaisipan)
kung gayon, samakatuwid
o pangatnig na pandagdag (nagdudugtong o nagsasama ng kaisipan)
at, pati, saka, habang, hanggang
o pangatnig na nagsasaad bunga (naghahayag ng naging bunga o
inaasahang bunga)
kaya, kung kaya, upang, nang sa gayon
o pangatnig na panapos (nagbubuod o nagsasara ng pahayag)
sa wakas, sa lahat ng ito

Masaya Jane at James.


Naglalaba si Mommy habang nagluluto si Daddy.

2) Pang-angkop – nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan sa layong angkop


ang pananalita; dalawang pang-angkop lamang mayroon sa Filipino – ang /na/ na
inilalagay sa pagitan ng panuring at salitang tinuturingan kung nauna ang salitang
nagtatapos sa katinig maliban sa /n/, samantalang ikinakabit naman ang /ng/ sa dulo
ng panuring o tinuturingan kung nauuhan na nagtatapos sa patinig at /n/

mataas na puno punong mataas ngiping maputi


matigas na ulo ulong matigas ibong maliit
malalang sipon sipong malala kalayaang nawala
3. Pang-ukol – nag-uugnay sa pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap; may
dalawang uri – pang-ugnay ng pangngalang panao at pangngalang hindi panao mga
32
pang-ukol: ni/nina, kay/kina, laban kay/sa, ayon kay/sa, para sa/kay, alinsunod sa/kay,
ukol sa/kay, tungkol sa/kay, ukol sa/kay, hinggil sa/kay, dahil sa/kay, sa/sa mga, ng/ ng
mga

Naligo kami sa ilog. Kumain ng mangga si Joy.


Nananaliksik sila tungkol sa pagbasa.
Nagtatanong kami tungkol kay Ben.

Gawain 3: PAGSUSURI NG DOKYU-FILM

A. PANUTO: Saliksikin ang kahulugan ng dokyu-film at bigyan ng


sariling kaalaman patungkol sa mga elemento ng dokyu-film. Gamitin
ang graphic orgnizer na nasa ibaba upang maging mas tiyak at
organisado ang pagsagot. Isulat ito sa sagutang papel.

33
PAMPROSESONG TANONG:
1. Paano mo nabigyang-kahulugan ang dokyu-film?

2. Bakit mahalagang malaman ang iba't ibang elemento ng dokyu-film?

34
B. PANUTO: Suriin ang doku-film ng I-Witness na "Tasaday" na
isang dokumentaryo ni Kara David sa bayan ng South Cotabato, gamit
ang mga elemento ng dokyu-film. Gamitin ang link para sa mabilisang
pag-access. Isulat ito sa isang buong papel.

https://www.youtube.com/watch?v
=qXs7MIAFVo0

Gawain 4: REPLEKTIBONG-PAPEL

PANUTO: Sumulat ng isang replektibong papel sa iyong natutuhan


sa alinman sa dula at/o dokyu-film. Lagyan ng pamagat ang gagawing
replektibong papel. Isulat ito sa isang buong papel.

35
36
ILIPAT
Gawain 5: Pagbubuod ng Kuwento

Panuto: Ang mag-aaral ay inaatasang maisasalaysay ng maayos ang pagbubuod ng


maikling kuwentong “Hangganan ng Abong Kalapati ni: Ralph Gallaza Bansawan”
na makikitaan ng simula, gitna at wakas.

Pamantayan sa gagawing pagbubuod:

PAMANTAYAN KATANGIAN (4 puntos) 4 3 2 1

Kaugnayan sa Sapat at angkop ang mensaheng


Paksa nakapaloob sa ginawang pagbubuod ng
kuwento. Pinapalooban ng pangunahing
tema.
Orihinal ang pagkakasulat sa teksto dahil
Pagkamalikhain gumamit ng iba’t ibang matatalinhaga at
malikhaing pagpapahayag, mapang-akit
ang panimula’t wakas.
Mabisang Malinaw ang ginawang paglalahad at
Pagpapahayag nagagamit nang wasto ang mga retorikal na
pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag,
sakali, at iba pa). May kaisahan ang daloy ng
mga pahayag sa kabuuan ng tula.
Wastong Gamit Mahusay ang pagkakasulat dahil
ng Wika sinusunod ang mga alintuntuning
panggramatika (baybay, bantas, gamit ng
salita, pangungusap) sa lahat ng
pagkakataon.

37
A. Panuto: Tukuyin mula sa pahayag ang retorikal na pang-ugnay na ginamit ng
awtor sa kaniyang maiklig kuwento.
_________1.…Isa… dalawa… tatlo… hanggang sa makaabot ng labintatlong oras ay
mag-uumaga na. Sulyap ng bitbit-bitbit na kapatid ay … masisilayan…
_________2. Walang tugon si amang at dahil sa pagpupumilit ay sinama ko si Miyo sa
aking biyahe.
_____, ____3. At magtatanghali na. Randam sa buong balat ang tindi ng init.
Tagaktak ang pawis habang kinakarga ang mga kinulektang mga kahoy
_____,_____4. Samantala, patuloy kong kinakalag ang pising nakagapos sa ‘king
pulsohan. Hanggang sa ilang minuto’y naalis na ito at agad tumungo kay Miyo.
_________5. Pagkatapos ay sinubukan naming dalawa na makaalis sa lungaan ngunit
sarado ang pintuan palabas.
_________6. Kasimpusyaw niya ang kulay ng mga ibon dahil sa tama mula sa likuran
bago kami tumalon.

B. Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat pahayag sa ilalim. Lagyan ng salita
Tama kapag ang pahayag ay wasto at salitang Mali naman pag ang pahayag ay hindi
totoo.
______1. Ang pangunahing layunin ng buod ay mapaikli ang kabuuan ng isang kwento.
______2. Hindi dapat nating tignan ang isang buod bilang isang malikhaing pagsulat
ng mga mahahalagang parte ng kwento na hindi naibibigay ang lahat ng mga
impormasyon.
______3. Ang layunin ng buod ay makuha ang atensiyon ng isang potensiyal na
tagabasa.
______4. Ito rin ay isang paraan upang maturuan ang mga mambabasa kung paano
mag pokus sa mga mahahalagang impormasyon sa isang teksto.
______5. Dapat ang iyong buod ay hindi nakaka-akit basahin at hindi nagbibigay ng
lahat ng impormasyon para ma-eenganyo ang taga basa na basahinan ang buong libro.

38
ARALIN Paksa, Suliranin at Tunggalian ng
3 Maikling Kuwento

PANITIKAN: Maikling Kuwento ng SOCCSKSARGEN


("Epidemya ng Lipunan ni: John Efrael Igot
at "Wag Tularan ni: Jean Martinez Fullo")
WIKA: Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

• F9PN-Ia-b-39 Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa


lipunang Asyano batay sa napakinggang akda
• F9PS-Ia-b-41 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: Paksa, Mga tauhan,
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa
• F9PB-Ia-b-39 Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda

MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natatalakay nang may kabatiran ang Paksa at Tunggalian mula sa mga
maikling kwento nang SOX;
b. nakasusuri nang may pagninilay sa maikling kwentong may pamagat na
"Epidemya ng Lipunan ni: John Efrael Igot"
c. nakahahatol nang may kahusayan hinggil sa babasahing maikling kwentong
may pamagat na "Epidemya ng Lipunan ni: John Efrael Igot" at "Wag Tularan
ni: Jean Martinez Fullo" batay sa paksa, mga tauhan, suliranin, tunggalian
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at estilo sa pagsulat ng awtor; at
d. nakabubuo ng maikling kuwentong-dagli patungkol sa suliranin kinakaharap
sa lipunan.

39
BALIKAN
Sa nakaraan talakayan ay nailahad ang patungkol sa buod at banghay ng kuwento. Gayun
din ay napag-usapan ang kuwenton patungkol sa “Hangganan ng Abong Kalapati” na
nagpapakita at sumasalamin ng buhay ng taga-SOX lalo na ng mga lumad sa parteng
bukirin ng ating bayan. Bilang pagbabalik aral sa ating tinalakay nakaraan, ay punan ang
hnihinging pagbubuod na makikita sa grapikong-pantulong. Ibuod ang kuwentong
Hangganan ng Abong Kalapati” sa pamamagitan lamang ng tatlong pangungusap bawat
kahon.

PANIMULA

GITNA

WAKAS

Sa kasalukuyang panahon ang ating bayan, ang SOCCSKSARGEN ay humaharap


sa iba’t ibang sularanin, mapatao, kalakisan man at pati na rin sa laban sa hindi makitang
sakit dulot ng COVID-19. Ang mga itong suliranin ay higit na nagpapahirap sa mga tao, at
pati na rin sa mga nilalang na nabubuhay sa daigdig. Nagsisipaglabasan na ang iba’t ibang
problemang humahamon sa tao sa kani’kaniyang kakayahan kung paano suguin ang
ganitong mga krisis na dumarating sa buhay at sa lipunang SOX. Dahil sa mga suliranin na
ito ay hindi maiiwasanng naitatampok sa mga sulatin kagaya ng Maikling Kuwento na
pumapaksa sa iba’t ibang sularin ng bayan. Mga tunggalian tao laban sa tao, tao laban sarili,
tao laban sa kalikasan, tao laban sa lipunan at marami pang iba. Nayon ating matutuklasa
ang iba’t ibang akda na naglalahad ng suliranin sa ating lipunan. Ang maikling kuwentong
Wag Tularan ni: Jean Martinez Fullo" at “Epidemya ng Lipunan ni: John Efrael Igot."

40
GAWAIN 1: LARAWANG-SURI

PANUTO: Gumawa ng isang malalimang larawang-suri sa mga suliraning panlipunan sa


bayan ng SOCCSKSARGEN at ipaliwanag sa pamamagitan ng pangungusap na nagbibigay-
opinyon o sariling pananaw sa sumusunod na larawan.

Diskriminasyon sa Lumad

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_______________________________________________

Open-pit Mining

________________________________________
________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
______________________________________________

Kawalan ng hustisya sa mahihirap

________________________________________
________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

41
Kurapsiyon

_____________________________________
_____________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Lumad Killings

______________________________________
______________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

PAMPROSESONG TANONG:
1. Mula sa mga suliraning binigyang nga sariling pananaw, ano ngayon ang nagiging resulta nito
sa kumunidad at tao?

2.Sino-sino/Ano-ano ang mga sangkot sa suliraning nakalahad sa itaas?

42
3. Kung ikaw ay isa sa nakakaranas ng suliraning ito paano mo bibigyang solusyon o maging
isang kabahagi upang masagutan ang nasabing suliranin?

Atin ng tuklasin ang patungkol sa paksa, suliranin at tunggalian ng isang Maikling


Kuwento. At alamin ang mga tinatagong paksa ng mga akda mula sa awtor ng
SOCCSKSARGEN.

Paksa o Tema
Ang paksa ng isang kuwento ay hindi karaniwang ipinahayag nang tahasan. Kadalasan ito
ay iminungkahi ng isang manipis na lihim na aralin o mga detalye na nakapaloob sa loob
ng balangkas.

Ang tema o paksa ng isang libro ay hindi katulad ng isang lagay ng lupa o aral sa moral
nito, ngunit ang mga sangkap na ito ay kaugnay ng lahat ng kinakailangan sa pagtatayo ng
mas malaking kuwento. Ang balangkas ng isang nobela ay ang aksyon na nagaganap sa
loob ng kurso ng salaysay. Ang moral ay ang aral na dapat malaman ng mambabasa mula
sa konklusyon ng balangkas.

Mga Halimbawa ng mga Tema

▪ Pamilya
▪ Pagkakaibigan
▪ Pag-ibig
▪ Kahirapan
▪ Pagbababa ng mga paghihirap
▪ Pagdating ng edad
▪ Kamatayan
▪ Pakikibaka sa panloob na mga demonyo
▪ Mabuti kumpara sa masama

43
Suliranin at Tungalian
Ito ay itinuturing na kapana-panabik dahil nakapaloob sa tagpong ito ang
pakikipagsapalaran o pagsuong ng karakter ng kuwento sa iba’t ibang hamon o di
naman kaya ay suliranin o sigalot.
Ito ay nahahati sa pitongk uri:
• Tao laban sa kalikasan- Ang tao laban sa kalikasan ay isang uri ng
tungaliang namamagitan sa tao at sa mga di inaasahang pangyayari sa
kalikasan. Ang halimbawa nito ay tsunami, bagyo, lindol at pagsabog ng
bulkan.
• Tao laban sa Tao- Ang tao sa tao ay isang uri ng tungaliang namamagitan sa
tao at tao. Maaari itong dahil sa hindi pagkakaunawaan ng bawat isa,
magkaiba ng paniniwala, o paghihiganti dahil isinaktan ng kanilang mahal sa
buhay
• Tao laban sa sarili- Ang tao laban sa sarili ay isang uri ng tungaliang
namamgitan sa tao at sa kanyang sarili. Maaaring ito ay ang pagdedesisyon
kung saan kakampi (Mabuti ba o masama) , may mental disorder , o
pagkontrol/ problema sa pagkontrol ng damdamin gaya ng depression.
• Tao laban sa lipunan- Isang tunggaliang nangyayari kapag lumihis ang
tauhan sa mga pamatayang itinakda ng lipunan.
• Tao laban sa hayop- Ang tao laban sa hayop ay isang uri ng tungaliang
namamgitan sa tao at hayop. Karamihan ay nagaganap ito dahil sa paninira ng
mga tao sa kalikasan, pagpatay sa kapwa hayop o pagatake ng isang mabangis
na hayop sa isang lugar.
• Tao laban sa supernatural- ang kalaban dito ay ang mga supernatural.
Halimbawa laban ng isang tao laban sa kakaibang mga nilalang.
• Tao laban sa makenarya/teknolohiya- ang kalaban naman ng tao dito ay
ang siyensya o agham. Halimbawa tao laban sa isang science discovery.

44
LINANGIN

GAWAIN 2: Pagtapat-tapatin

PANUTO: Pagtapatin ang kahulugan ng salita sa Hanay A at B sa pamamagitan ng


pagsulat ng titik ng kahulugan sa Hanay B ng mga salita sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

______1. dapuan A. Pinakamatandang kapatid


______2. lunas B. Likod ng ulo
______3. panganay C. Pagtaas ng kamay upang magpaalam
______4. batok D. Kamay ng baro
______5. kumaway E. Nagkaroon
______6. trabahador F. gamot/ remedyo
______7. manggas G. manggagawa
______8. singkit H. maliit na mata

Basahin at unawaing mabuti ang isang maikling kuwento mula sa


SOCCSKSARGEN.

Epidemya ng Lipunan
Ni John Efrael Igot
Hirap na hirap na sa buhay ang buong pamilya ni Ronald. Limang buwan na rin kasi siyang
walang trabaho magmula nang dapuan siya ng sakit sa balat habang nagtatrabaho siya noon
sa ibang bansa. Sabi pa ng mga doktor na napagkonsultahan niya, wala na raw itong lunas.
“Itay, may babayaran po kami sa PE namin,” sambit ni Angela, bunsong anak ni Ronald.
“Bukas na po ang deadline.”
Napakamot ng batok si Ronald. Pilit niyang iniinda ang kati ng kaniyang buong katawan.
“Hayaan mo, bukas, maghahanap ako ng trabaho sa may construction site.”
“Bakit? Maayos ka na ba?” sambit ni Lisa habang iniabot sa asawa ang isang tasa ng tsaang
gawa sa halaman.
“Medyo,” tugon naman ni Ronald at kaagad na ininom ang tsaa. “Kailangan kong kumita
para makatulong ako sa mga gastusin dito sa bahay.”

45
“Kunsabagay, kaunti na lang din ang nagpapalabada sa akin ngayon,” ani Lisa. “Nakabili na
kasi ng washing machine ang iba nating kapitbahay.”
Kinabukasan, maaga pa lamang ay gising na si Ronald. Nagluto siya ng almusal at nagbihis,
at ginising niya ang dalawang anak para makapaghanda sa eskuwela.
“Bakit ang aga mo ngayon, Tay?” tanong ng bagong gising na si Rodel, ang panganay.
“Inayos ko pa kasi ang biodata ko.” Kinamot ni Ronald ang kanang balakang. Nangangati na
naman kasi ito.
“May tatanggap po ba sa inyo? Di ba may sakit po kayo sa balat?”
“Hindi ko sasabihin na may sakit ako sa balat. Wala namang mawawala kung susubukan
ko.”
Makalipas ang ilang minuto, nagising na rin si Lisa, kaya nagpaalam na si Ronald. Umalis
siyang nakangiti at masiglang kumaway sa kaniyang mag-ina. “Dadalhan ko kayo ng
pasulubong mamaya pag-uwi ko,” sabi niya sa mga ito.

Nang marating ni Ronald ang construction site na aaplayan niya, nilapitan niya ang isang
lalakeng nakasuot ng pulang polo na may mahabang manggas. Nakatayo at nagmamasid ito
sa harapan ng mga trabahador. Nahinuha ni Ronald na ito ang amo nila.
“Magandang araw, sir!” pagbati ni Ronald. “Mag-a-aplay po sana ako rito.”
Tiningnan siya ng lalake mula paa hanggang ulo. Doon niya napagtantong hindi pala ito
Pinoy. Singkit ang mga mata nito. “Maasahan ba kita?” sabi nito. “At saka Mr. Lim ang
itawag mo sa akin.”
Iniabot ni Ronald ang dala-dalang papeles. “Opo, makakaasa po kayo sa akin, Mr. Lim.”
“O, sige.” Tinanggap ni Mr. Lim ang papeles. “Akin na muna ’to. Ibili mo muna ako ng
pagkain do’n sa may kanto habang tinitingnan ko ito.”
Mabilis na sumunod si Ronald. Masaya niyang tinakbo ang tindahan sa may kanto. Hindi na
siya nanghingi ng pera. Sagot niya na ito. May kaunti pa naman siyang pera kahit papaano.
Pagkatapos makabili, kaagad na bumalik si Ronald. Pumunta siya sa kinaroroonan ng mga
trabahador at lumapit kay Mr. Lim. Doon niya napansing hindi pala Pinoy ang karamihang
nandoon.
“Ronald, pasensiya na,” sabi ni Mr. Lim. “Hindi na kami tumatanggap ng bagong
trabahador.” Ibinalik nito kay Ronald ang papeles, at itinuro nito ang bitbit niyang pagkain.
“Akin na ’yan!”
Biglang nangati ang katawan ni Ronald, marahil dahil sa biglaang tensiyon na dulot ng mga

46
nangyayari. Tumakbo siya palabas ng construction site. Ayaw niyang makita ng mga taong
nandoon ang sakit niya sa balat. Hindi niya napansing bitbit niya pa rin pala ang pagkaing
binili.
Kung gaano kabilis ang kaniyang pagtakbo palabas ay gano’n din kabilis ang pagputok ng
isang baril. Bumagsak sa lupa si Ronald.
Nilapitan siya ni Mr. Lim. May hawak itong baril. “Sinasabi ko na nga bang hindi ka
maaasahan, e.” Umiiling-iling ito.
“Tumawag kayo ng mga pulis. Sabihin ni’yong napasok tayo ng magnanakaw. Mga Pinoy
talaga.” Ito ang mga huling salitang narinig ni Ronald bago tuluyang dumilim ang kaniyang
paligid.

GAWAIN 3: Suri-sagot

PANUTO: Suriin ang kuwentong "Epidemya ng Lipunan ni: John Efrael Igot". Tukuyin
kung ano-ano ang mga inilalahad na suliraning panlipunan at bigyan ng mga mungkahing
kasagutan ang mga ito. Gamit ang grapikong pantulong punan ang mga hinihinging sagot.

Suliranin Tunggalian Mungkahing Sagot

47
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano-anong suliranin na kinakaharap ng panunahing tauhan sa kuwentong
Epidemya ng Lipunan ang iyong nakita sa kuwento?

2. Anong mga tunggalian ang masasalamin sa kuwento “Epidemya ng Lipunan”?

3. Anong suliranin sa kuwento ang makikita at nagaganap sa kasalukuyang panahon


sa ating lipunan SOX?

4. Sino-sino ang kasangkot sa tunggalian nangyayari sa ating lipunan?

5. Bilang isang mag-aaral paano mo sosulusyunan at bigyang kasagutan ang


suliranin na nangyayari sa kasalukuyan sa sariling lipunan at sa lipunan SOX?

48
TANDAAN
Hudyat Sa Pagkasunod-Sunod Ng Mga
Pangayayari At Iba Pang Panandang
Pangtalakayan.

1. Mga Panandang naghuhudyat ng pagkasunod- sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain.

• sa pagsisimula : una, sa umpisa, noong una, unang-una

• sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka

• sa wakas: sa dakong huli, sa huli, sa wakas

2. Mga Panandang naghuhudyat ng pagkasunod- sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain

• sa pagsisimula : Sa umpisa, hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang

nangyayari sa ating paligid.

3. Mga Panandang naghuhudyat ng pagkasunod- sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain

• sa gitna: Sumunod, nagkaroon ng pagbabago sa lahat ng bagay

4. Mga Panandang naghuhudyat ng pagkasunod- sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain

• sa wakas: Sa dakong huli, tayo rin ang magbabayad sa lahat ng mga

pagkakamaling nagawa natin.

5. Pagbabagong-lahad Sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita

6. Pagbabagong-lahad Sa kabilang dako, marami pa ring mga tao ang hindi naliliwanagan sa

kanilang maling gawain

7. Pagbibigay-pokus bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa

49
8. Pagbibigay-pokus Bigyang-pansin ang mga pagbabagong nangyayari sa ating paligid.

9. Pandaragdag muli, kasunod, din/rin

1o. Pandaragdag kasunod, maraming mahal sa buhay ang madadamay sa maling gawain.

11. Paglalahat bilang paglalahat, sa kabuoan, samakatuwid

12. Paglalahat Samakatuwid, magbago tayo hindi para lang sa ating sarili kundi para rin sa

mga mahal natin sa buhay.

13. Pagtitiyak o pagpapasidhi siyang tunay, walang duda

14. Pagtitiyak o pagpapasidhi. Walang duda, kung ipagpapatuloy natin ang paggawa ng

mabuti, ang lahat ay magiging maayos.

15. 1. Sa simula pa lamang, marami nang problema sa ating bayan.

2. Kaugnay nito, apektado tayong lahat.

3. Bigyang pansin, marami na ang naghihirap sa ating bayan.

4. Sa madaling salita, mahirap ang ating bayan.

5. Bilang paglalahat, ang problema ng ating bayan ay dapat masolusyunan.

Gawain 4: Suri-Salaysay

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang kuwentong "Wag Tularan ni: Jean Martinez

Fullo". Gumawa ng isang paghahatol sa pamamagitan ng isang salaysay batay sa paksa,

suliranin/tunggalian, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at estilo sa pagsulat

ng awtor. Gumamit din ng hudyat sa pagsunod-sunod ng pangyayari at ideyang tatalakayin.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka:

PAMANTAYAN KATANGIAN (5 PUNTO) 5 4 3 2


Malawak, binubuo ng maraming
KAANGKUPAN NG impormasyon at sapat ang sakop
NILALAMAN ng mensaheng nais ipaabot sa
mambabasa. Pinalolooban ng
paksang ibinigay at ng

50
pangunahing tema.
Gumamit ng mga salitang
PAGKAMALIKHAIN nagpapakita ng kariktan at
kagandahan. Mga salitang
matatalinhaga at isang
malikhaing pagpapahayag.
Nakakapukakaw ng atensiyon sa
mangbabasa mula sa simula at sa
wakas ng sanaysay.
Makikitaan ng tamang
KAWASTUHAN AT pagbabaybay, pagbabalarila,
KAANGKUPAN NG bantas, gamit ng salitang pang-
MGA SALITANG ugnay, at pagkasunod-sunod ng
GINAMIT ideya sa pangungusap sa lahat ng
pagkakataon sa isinasagawang
pahayag.
Orihinal ang pagkakasulat at
ORIHINALIDAD pagpapahayag ng sariling opinyon
at pananaw sa paksang ibinigay.
Malinaw ang ginawang paglalahad
ng ideya at may kaisahan ang
bawat daloy ng mga pahayag sa
kabuuan.

‘Wag Tularan
Ni Jean Martinez Fullo
Maikling Kuwento

Iyakan. Nasa labas pa lang ako ng gate nang marinig ko ang iyakan na nanggagaling sa loob
ng aming tahanan. Natataranta at nagmamadali kong kinuha ang susi sa aking bag at
nanginginig na binuksan ang gate. Nakabukas ang pinto, kaya agad na akong pumasok sa
madilim naming tahanan. Ang dating puting dingding, may bakas na ng kalumaan. Takip-
silim na ngunit walang nakaalalang magsindi ng ilaw sa sala, at ang tanging liwanag ay
nanggagaling lamang sa maliit na kuwarto ni Papa.

“Papa! Papa!” hagulgol ng aking mga kapatid.

Dali-dali kong tinunton ang kuwarto, at sa aking pagpasok, nakita ko si Papa na


nakahandusay sa kama. Nagsilapitan ang aking dalawang nakababatang kapatid na babae.
Ang lalaki kong kapatid, tila ayaw umalis sa tabi ni Papa.

“Ate, si Papa!” sambit ng isa sa aking mga kapatid! “Wala na si Papa!”

51
Dahan-dahan akong lumapit, nanlalamig at nanginginig. Maliban sa sakit, naramdaman ko
rin ang mainit na dampi ng luha sa aking mga pisngi.

Tuwing umaga, ang una kong naririnig ay ang makapal ngunit may halong lambing na boses
niya.

“Anak, kain na.”

Pagmulat ko ng aking mga mata, masisilayan ko agad ang puting kisame ng aking kuwarto.
Pakikinggan ko ang pagtimpla ni Papa ng kaniyang kape, ang paglapat ng kutsara sa mug
hanggang sa haluin niya ito. Minsan kapag masyadong napapaaga ang gising ko, maririnig
ko ang paghanda niya ng aming almusal, ang amoy ng bawang at sibuyas sa ginigisang
sardinas o kaya’y ang amoy ng pinritong tuyo. Pagkalipas ng ilang segundo o minutong
pagmamatyag, babangon ako at gigisingin ang aking mga kapatid. Lalabas kami ng kuwarto
at mag-uunahan sa banyo para maligo. Kapag nakapaghanda na ang lahat, sabay sa pagsikat
ng araw, sama-sama kaming mag-aalmusal. Ang unang pasahero ni Papa sa umaga ay
kaming mga anak niya. Una niyang ihahatid ang dalawa kong nakababatang kapatid, sina
Ebele at Emine. Sunod naman niyang ihahatid kami ni Ari.

Ngayon wala na siya. Tanging alaala na lang ang natitira sa kung paano niya kami
inalagaan. Tatlong taon na ang nakalipas simula noong yumao si Mama. Ngayon, bumabalik
lahat ng sakit gayong wala na rin si Papa.

Naisip ko, Paano ko nga ba natanggap noong nawala si Mama? Paano ko ba hinarap ang
bawat araw na wala siya? Maraming katanungan ang bumabalot sa aking isipan. Paulit-ulit.
Paano na kaming magkakapatid?

Hindi ko kakayanin na wala si Papa. Imposible nang mapalitan ng kagalakan ang


kalungkutan sapagkat siya na ang nagsilbing ina at ama sa aming magkakapatid. Siya ang
naging sandigan ko sa panahong malungkot ako, at sa panahon ng kasiyahan, siya rin ang
kasama ko. Ngayon, sino na?

Lumipas ang mga araw at gabi simula noong gabing pumasok akong nanginginig sa
kaniyang kuwarto. Naging gawain ko na yata bago matulog ang pagpasok dito. Uupo ako sa
kaniyang kama, pagmamasdan ang bawat sulok ng kuwarto, iniisip kung paano niya
tinititigan ang mga ito sa panahong nalulungkot siya. Minsan, hihiga ako sa kaniyang kama
at makikipagtitigan sa kisame. Ang hirap sanayin ang sarili na wala na si Papa, pero
kailangan. Kailangan ko maging matatag para sa aming magkakapatid.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kuwarto
ni Papa. Nakakasilaw ang sikat ng araw. Nakakatamad bumangon pero kailangan kong
ipagluto ng almusal ang aking mga kapatid. Napatanong ako sa sarili, Sa ganitong paraan
din ba nagigising si Papa? May mga panahon din kaya na gusto niya pang matulog o

52
magpahinga pero kailangan niyang bumangon para lang ipagluto kami?

Bumangon ako. Nakaramdam ako ng pananakit ng likod. Naisip ko ulit si Papa.


Nakakalungkot sapagkat ni minsan, hindi man lang siya nagpamasahe ng likod niya, at ang
mas masakit isipin ay hindi man lang ako nagkusang magmasahe ng likod niya. Umunat ako
nang kaunti at lumabas. Kinatok ko ang silid na katabi lamang ng kay Papa, kung saan
natutulog sina Ebele at Emine. Sunod ko namang kinatok ang pinto ng kuwarto ni Ari.

“Gumising na kayo,” sambit ko.

Dumiretso ako sa kusina upang ipagluto ang aking mga kapatid ng ginisang sardinas,
katulad ng madalas ipagluto sa amin ni Papa noon. Maaaring tama ang pagluto ko dahil
ganitong-ganito ang amoy ng niluluto ni Papa. Tatlong sardinas lang ang meron kami
ngayon. Maaaring ito rin ang ulam namin maghapon. Kailangan kong tipirin ang
kakaunting sahod na meron ako sa pagtatrabaho bilang crew sa isang fast-food chain. Dati,
para lamang ito sa aking kakaunting pangangailangan. Di ko inaasahan na ang dating
pinagkakasya ko sa kakaunting pangangailangan ko ay pagkakasyahin ko sa aming
magkakapatid.

Nabaling ang atensiyon ko sa aking niluluto na pawang masusunog na. Nakakaiyak. Kung
nandito lang sana si Papa. Kung nandito lang sana siya para turuan ako ng mga nararapat
kong gawin.

Inilapag ko sa hapag-kainan ang kagabi pang tirang kanin at ang ulam na kakaluto ko
lamang. Kumuha ako ng limang plato at inilapag sa mesa. Napakalaki tingnan ng mesa dahil
sa kakaunting kanin at ulam. Nalungkot ako hindi dahil sa kakaunting pagkain na meron
kami. Nalungkot ako sa pagkaalalang wala na si Papa. At alam kong mas malaking tingnan
ang mesa sapagkat apat na lamang kami ang magsasamasamang kakain dito. Kinuha ko
ang isang sobrang plato sa mesa at inilagay na lamang sa lababo. Kung dati masigla kong
hinaharap ang bawat umaga sa pagkakaalam na may nagmamahal at nag-aalaga sa amin,
ngayon iba na. Kailangan ko maging malakas. Hindi puwedeng umiyak ako sa harap ng
aking mga kapatid.

“Kain na!” tawag ko sa kanila.

Agad namang tumungo sa kusina sina Ebele at Emine. Unang umupo si Ebele. Si Emine
naman ay nakatayo lamang habang tinititigan ang kakaunting pagkain na parang dumi
lamang sa mesa. “Ate, ’yan lang ba ang meron tayo?” tanong niya.

Nilingon siya ni Ebele at tiningnan nang may galit. Nagkunwari na lang ako na hindi ko
narinig ang tanong ni Emine. Sa halip, ako ang nagtanong sa kanila, “Bakit wala pa ang
Kuya Ari ni’yo?”

53
“Hindi ko alam. Hindi pa naman siya lumalabas ng kuwarto niya,” sagot ni Ebele.

Inutusan ko si Emine na katukin si Ari sa kaniyang kuwarto. Padabog niya namang sinunod
ang aking utos. Dinig ko ang pagkatok niya sa pinto ng kuwarto ni Ari at ang pagtawag niya
sa pangalan nito.

“Kuya, kakain na raw!” pasigaw na sambit ni Emine.

“Mamaya na,” sagot naman ni Ari. “Susunod ako.”

Nakasanayan sa pamamahay na ito na sa tuwing umaga ay sabay kaming lahat sa pag-


aalmusal—ito ang turo ni Papa, maging sa panahong nabubuhay pa si Mama. Tinungo ko si
Ari sa kaniyang kuwarto. Mahina kong kinatok ang pinto at humingi ng pahintulot upang
pumasok. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pansin ko ang pamumugto ng kaniyang mga
mata, subalit nagkunwari na lang ako na hindi ito pansin at umupo na lamang sa tabi niya.

“Ate, pasensiya. Masakit lang talaga ulo ko.”

“Napapadalas na ’ata ’yan? Teka, bibili ako ng gamot.”

Nang patayo na ako, pinigilan niya ako. Hindi ko matukoy ang ekspresyon sa kaniyang
mukha. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya kakausapin.

“Ate,” paunang sambit niya, “’wag na. Wala lang ito. Mabuti pang kumain na lang tayo.
Gutom lang ito.”

Sabay kaming tumungo sa kusina. Sabay-sabay kaming kumaing magkakapatid. Hindi na


ito katulad ng dati, masaya. Kung nandito lamang si Papa, malamang marami kaming
mapag-uusapan.

Bago pumasok sa eskuwela, kinausap ko si Ari.

“Ari, sigurado ka ba na mabuti ang iyong pakiramdam?” tanong ko sa kaniya, sabay kapa sa
kaniyang noo.

“Ate, mabuti naman ang pakiramdam ko,” sagot niya at inilayo ang kaniyang mukha sa
kamay ko. “Ate, pahingi naman ng dalawandaang piso,” dagdag niya.

“Aanhin mo naman ang pera, ha?” usisa ko.

“Kailangan ko lang sa eskuwela.”

Dumukot ako sa aking bag. Kumuha ako ng pera at iniabot sa kaniya. Ngumiti siya at

54
niyakap ako. “Salamat, ate. Salamat.”

Mag-aalas-onse na ng gabi. Madalas, umuuwi ako ng alas-diyes, subalit sa pagkakataong ito,


marami akong dapat tapusin sa trabaho at eskuwela. Umuwi akong pagod. Nasa labas pa
lang ako ng gate, nakaramdam na ako ng inis sapagkat wala na namang nakaalalang
magsindi ng ilaw sa labas. Mayamaya’y naisip ko na mas mabuti na ngang gano’n upang
mas makatipid. Dahan-dahan kong binuksan ang gate. Kasabay nito ang mahinang tunog na
tanda ng kalumaan. Nang makapasok ako sa bakuran, natanaw ko agad ang bukas na pinto.
Sa tuwing nandito ako sa bahay, naaalala ko si Papa. Sa bawat gagawin, bawat desisyon ko
sa buhay, naaalala ko si Papa.

Wala sa sala ang aking mga kapatid. Pumunta ako sa kuwarto para alamin kung naroon na
sina Ebele at Emine. Hindi na ako kumatok. Sa halip, dahan-dahan kong binuksan ang
pinto. Bumungad sa aking paningin ang dalawa kong kapatid na mahimbing na natutulog.
Sunod kong sinilip ang kuwarto ni Ari. Nakakapagtaka sapagkat wala siya rito. Kadalasan,
sa ganitong oras, nakauwi na si Ari. Kung may pagkakataon man na may lakad siya o
mahuhuli siya sa pag-uwi, nagpapaalam naman siya. Nabalot ako ng pag-aalala. Hinintay ko
siya sa sala. Baka-sakaling lumabas lang saglit, nagpahangin. Makalipas ang labinlimang
minuto, wala pa rin si Ari. Sinubukan kong tanggalin ang pag-aalala na bumabalot sa akin.
Nagbigay ako ng limang minutong palugit. Makalipas ang limang minuto, sinubukan ko na
namang alisin ang pag-aalala at nagbigay ulit ng limang minutong palugit. Lumipas ang
maraming limang minuto at inabot ako ng alas-dose na. Inaantok na ako subalit pinipigilan
akong magpahing ng aking pag-aalala.

Tumayo ako nang marinig kong bumukas ang gate. Sumilip ako sa bintana, at kahit hindi
masyadong maliwanag, tanaw ko si Ari. Dali-dali kong binuksan ang pinto. Nasilayan ko
ang aking kapatid. Gulat na gulat siya. Namumula ang kaniyang mukha at magulo ang
buhok. Hindi ito ang Ari na kilala ko. Tiningnan ko lang siya. Pilit kong iniiwasan na
magalit. Dumiretso siya sa loob na parang wala ako sa kaniyang harapan, na parang hindi
niya ako nirerespeto. Sinundan ko siya hanggang sa kaniyang kuwarto.

“Saan ka galing?” mahinahon kong tanong.

“Sa labas lang,” sagot niya.

Amoy alak ang hininga niya. Bigla akong nakaramdam ng galit at sakit. Galit dahil ang
perang pinaghirapan ko ay napunta lang sa wala. Sakit dahil halatang hindi
pinahahalagahan ni Ari ang aking mga paghihirap.

“Kaya naman pala palaging sumasakit ’yang ulo mo sa umaga!” pasigaw kong sambit.
“Kailan ka pa ba natutong uminom?”

Wala akong natanggap na sagot. Umupo lang siya sa kaniyang kama at yumuko.

55
“Ari, pinaghirapan ko ang perang pinang-inom mo. May mga kapatid pa tayo na nag-aaral
din. At saka, sa palagay mo ba magugustuhan ni Papa na nagkakaganiyan ka?”

Gusto nang kumawala ng mga luha ko, ngunit pilit kong pinigilan. Hindi ako iiyak sa harap
niya o kahit ninuman. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Lumabas ako ng kuwarto
niya at dumiretso sa kuwarto ni Papa. Sa unang pagkakataon, bumuhos ang aking luha.
Luhang matagal ko nang inipon. Kumawala lahat ng emosyon na matagal ko nang
pinipigilan simula noong araw na yumao si Papa.

Limang araw at apat na gabi nang hindi ako kinakausap ni Ari. Sa bawat tangka kong
kausapin siya, palagi niyang sinasabing, “Abala ako ngayon.” Sa gabi naman, sinisilip ko
siya sa kaniyang kuwarto subalit hindi ko siya naaabutang gising. Kahit ganoon, panatag na
ang loob ko sa pagkakaalam na hindi na siya ginagabi sa pag-uwi.

Balak ko siyang kausapin kinaumagahan, anuman ang mangyari, sabihin niya mang abala
siya. Kung kailangan, kukulitin at magmamakaawa ako sa kaniya. Gusto ko siyang kausapin.
Kailangan ko siyang kausapin. Alam kong ’yon din ang gagawin ni Papa. Ayaw kong
mapariwara ang aking mga kapatid.

Kinaumagahan, dali-dali akong bumangon at nagluto. Pagkatapos ay masigla kong tinawag


silang lahat. Dumating sina Ebele at Emine. Nilingon ko ang kuwarto ni Ari.

“Gigisingin ko ba si kuya, ate?” tanong ni Ebele.

“Ako na,” sagot ko.

Tinunton ko ang kuwarto ni Ari at kinatok, subalit wala akong natanggap na sagot. Kumatok
ako ulit. “Ari, gising na. Kakain na tayo.”

Wala pa ring sagot, kaya binuksan ko na lang ang pinto. Nadismaya ako sapagkat wala siya
roon. Hindi ako nakaramdam ng galit. Maaaring maaga lang siyang pumunta sa eskuwela.
Bumalik na lang ako sa kusina at sinabayan sa pagkain sina Ebele at Emine.

Hindi ko na masyadong pinag-alala ang aking sarili. Makakausap ko rin siya mamayang
gabi. Kakausapin ko siya mamayang gabi.

Katulad pa rin ng dati, pumasok ako ng eskuwela, at pagkatapos ng klase, pumunta ako sa
trabaho.

Tila mabilis ang paglipas ng mga oras. Pauwi na ako at gustong gusto kong makita ang aking
mga kapatid.

56
Buong araw, ang nasa isip ko ay ang pagiging makasarili ko. Inisip ko lang kung papaanong
paraan ko malalagpasan ang sakit na nararamdaman ko nang mawala si Papa at hindi man
lang sinubukang pansinin ang sakit na nararamdaman ng aking mga kapatid. Patawarin
sana ako ng Diyos.

Wala na nga si Papa pero nariyan pa naman ang aking mga kapatid. Patuloy pa rin ang
buhay ko ngayon dahil sa kanila. Paano na sila kapag wala ako? Paano na sila kapag nanatili
akong mahina? Sila ang rason kung bakit kailangan kong bumangon sa umaga, mag-aral, at
magtrabaho. Nakakapagod pero para naman sa kanila. Sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin
ako na may pahinga sa bawat pagod at may gamot sa bawat sugat. Alisin man ng tadhana
ang aking responsibilidad bilang anak sa aking ina at ama, iniwan naman sa akin ang
responsibilidad bilang ate sa aking mga kapatid. “Panginoon, gabayan ni’yo ako,” dalangin
ko.

Saktong sahod ko kaya bumili ako ng kaunting pagsasaluhan namin. Naisip ko si Ari.
Kakausapin ko siya ngayon.

Nang malapit na ako sa kanto namin, dumaan ang sasakyan ng pulisya. Nakakabingi ang
sirena nito at nakakasilaw ang pula’t asul na ilaw. Lumiko ito sa aming kanto. Bumilis ang
tibok ng aking puso. Tanaw ko ang paghinto ng sasakyan sa kumpulan ng mga tao. May
ilang tao sa likuran ko na tumatakbo papunta sa direksiyon na iyon. Nakiusisa ako sa grupo.
Sumilip ako, patalon-talon. Sa tabi ng daan, sa tapat ng isang bakanteng lote, ilang metro
lamang ang layo sa bahay, nakita kong may nakahandusay na lalaki. Mas bumilis ang tibok
ng puso ko. Nanlalamig ako. Nanginginig. Pamilyar ang suot ng lalaki.

Nakipagsiksikan ako lalo. Nang mabigyan ako ng puwang, napahinto ako. Nanigas ang buo
kong katawan. Malinaw ang aking nakikita. May mga pasa ang kaniyang mukha, duguan
ang kaniyang katawan, at nakatali ang kaniyang mga kamay at paa. Gusto kong lumapit,
subalit may pumigil sa aking dalawang nakaitim na lalaki.

“Kilala ko siya!” sigaw ko habang rumaragasa ang luha sa aking mga mata. “Ari!” dagdag ko.

Nanghihina ang aking mga tuhod na parang hindi na kakayanin nng mga ito na suportahan
ang aking katawan. Masyadong mabigat para tumayo. Mabigat ang aking kalooban.
Napaupo ako. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang aking luha. Pilit akong inalalayang ng
dalawang lalaking humarang sa akin. Nilingon ko ang nakahandusay na katawan ni Ari.
Nabasa ko ang nakasulat sa karatulang nakapatong sa kaniyang katawan: DRUG PUSHER
AKO. ’WAG TULARAN.

57
Gawain 5: BANGHAY-KUWENTO

PANUTO: Gamit ang story map, banghaying muli ang binasang maikling kuwento. Punan

ng mga detalye ayon sa kahingian ng gawain. Ilagay ang sagot sa buong papel.

Pamagat
at may
Akda

58
ILIPAT

Gawain 6: PAGGAWA NG DAGLI

PANUTO: Sumulat ng isang dagli tungkol sa iyong naranasan suliranin ngayong panahon

ng pandemya. Kinakailangang palooban ito ng pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng

mga pangyayari.

Ang Dagli ay isang espesyal na anyo ng Panitikang Filipino na nagsasalaysay ng iba’t

ibang paksa sa buhay ng isang tao. Ito ay may gahol na banghay at mas maliit kaysa sa

maliit na kuwento. Isulat ito sa buong papel.

Pamantayan ng pagsulat ng isang dagli:

59
A. Panuto: Tukuyin kung anong tunggalian ang ipinapakita ng mga pahayag sa ibaba.
Isulat lamang sa patlang ang iyong sagot.

____________1. Hirap na hirap na sa buhay ang buong pamilya ni Ronald. Limang


buwan na rin kasi siyang walang trabaho magmula nang dapuan siya ng sakit sa balat
habang nagtatrabaho siya noon sa ibang bansa.
____________2. “Kunsabagay, kaunti na lang din ang nagpapalabada sa akin ngayon,”
ani Lisa. “Nakabili na kasi ng washing machine ang iba nating kapitbahay.”
____________3. Biglang nangati ang katawan ni Ronald, marahil dahil sa biglaang
tensiyon na dulot ng mga nangyayari. Tumakbo siya palabas ng construction site. Ayaw
niyang makita ng mga taong nandoon ang sakit niya sa balat.
____________4. Kung gaano kabilis ang kaniyang pagtakbo palabas ay gano’n din
kabilis ang pagputok ng isang baril. Bumagsak sa lupa si Ronald.
____________5. “Tumawag kayo ng mga pulis. Sabihin ni’yong napasok tayo ng
magnanakaw. Mga Pinoy talaga.” Ito ang mga huling salitang narinig ni Ronald bago
tuluyang dumilim ang kaniyang paligid.

B. Panuto: Piliin ang hinihinging tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang.

_____1. Isang uri ng tungaliang namamagitan sa tao at sa mga di inaasahang pangyayari


sa kapaligiran.

a.Tao laban sa Lipunan b. Tao laban sa Hayop


c. Tao laban sa Tao d.Tao laban sa Kalikasan
_____2. “May mga pasa ang kaniyang mukha, duguan ang kaniyang katawan, at
nakatali ang kaniyang mga kamay at paa.” Anong uri ng tunggalian ito?

a. Tao laban sa Tao b. Tao laban sa Lipunan


c. Tao Laban sa Sarili d. Tao laban sa Kalikasan

60
_____3. Isang tunggaliang nangyayari kapag lumihis ang tauhan sa mga pamatayang
itinakda ng bayan.

a. Tao laban sa Sarili b. Tao laban sa Lipunan


c. Tao laban sa Teknolohiya d. Tao laban sa Tao
_____4. Isang tunggalian dahil sa hindi pagkakaunawaan ng bawat isa, magkaiba ng
paniniwala, o paghihiganti dahil isinaktan ng kanilang mahal sa buhay.

a. Tao laban sa Sarili b. Tao laban sa Lipunan


c. Tao laban sa Tao d. Tao laban sa Kalikasan
_____5. Nilingon ko ang nakahandusay na katawan ni Ari. Nabasa ko ang nakasulat sa
karatulang nakapatong sa kaniyang katawan: DRUG PUSHER AKO. ’WAG TULARAN.
Anog uri ng tunggalian ito?

a. Tao laban sa lipunan b. Tao laban sa Tao


c. Tao laban sa sarili d. Tao laban sa hayop

61
ARALIN Simbolismo at Kulturang SOX
4 Sa Maikling Kuwento

PANITIKAN: Maikling Kuwento ng SOCCSKSARGEN


(“Bihag ni: Norsalim S. Haron” at “Hindi Sila
Natutulog ni: Allan Ace Dignadice”)
WIKA: Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula,
pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kuwento.

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

• F9PB-IIe-f-48 Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang


kuwento na may katutubong kulay
• F9PT-IIe-f-48 Nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa
binasang kuwento
• F9PS-IIe-f-50 Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan
sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento

MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natatalakay nang may kabatiran ang kahulugan ng simbolismo at
ang kultura;
b. nakasusuri nang may pag-unawa sa mga simbolismo at kultura sa
maikling kwentong may pamagat na “Bihag ni: Norsalim S. Haron” ng
SOCCSKSARGEN; at
c. naisasadulang panradio ang maikling kwentong may pamagat na
“Hindi Sila Natutulog ni: Allan Ace Dignadice” sa pamamagitan ng
pangkatang gawain sa lipunan.

62
BALIKAN

Sa nakaraang aralin ay natalakay natin ang patungkol sa paksa, suliranin at tunggalian ng


maikling kuwento. Tinalakay ang kuwentong "Epidemya ng Lipunan ni: John Efrael Igot" at
"Wag Tularan ni: Jean Martinez Fullo" na pumapaksa sa suliranin at tunggaliang nagaganapsa
bayan ng SOX. Bilang pagbabalik-aral, pumili ng isang kuwento mula sa tinalakay at punan ang
hinihinging sagot ng grapikong pantulong.

Ang simbolismo ay mayroong ginagampanan na malalim na kahulugan sa panitikan


at sa iba pang sulatin katulad na lamang nga maikling kuwento.Ito ay gumagamit ng imahen
o salita na may karampatang kahulugan at malalim na kamalayan sa buhay at paniniwala ng
isang tao at ng lipunan. Sa bayan ng SOCCSKSARGEN ay maituturing na may mayamang
panitikan at mga sulatin katulad ng maikling kuwento. Ang maikling kuwentong naisusulat
ay may karampatang simbolismo na naglalahad ng paniniwala at ng kulturang nga isang
grupo. Katulad ng pinaniniwalaan at pinapayabong ng Lumad, Muslim at Kristiyano.

63
GAWAIN 1: PAGTAPAT-TAPATIN

PANUTO: Mula sa talahanayan A ay hanapin sa talahanayan B ang angkop na kahulugan


ng larawang na ilahad sa ibaba. Ang mga larawan na ito ay sumisimbolo sa isang paniniwala
at kultura ng taga-SOX. Isulat ang titik ng tamang sagot sa naihandang blangko.

Talahanayan A Talahanayan B

______1. a. Pag-ibig

b. Panangga sa
masasamang elemento

c. Pangarap sa
kapayapaan

d. Kamatayan
_______2.
e. Pananampalataya

f. Pagkabigo

_______3.

_______4.

_______5.

64
PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano-anong mga simbolismo ang iyong alam sa ating bayang SOX?

2. Mula sa mga simbolismong nailahad ano ang ginagampanan nito sa ating bayan?

3. Paano nakatutulong simbolismo sa paglago ng ating kaisipan at ng ating kulturang Sox?

4. Paano pahalagahan ang simbolismong ginagamit sa atig lipunan, sa lipunang SOX?

GAWAIN 2: KULTURA TALAKAYIN!

PANUTO: Bigyang talakay at kaisipan ang mga larawang inilahad sa ibaba na nagpapakita
at sumisimbolo ng paniniwala, kabuhayan, buhay at ng kulturang SOX (materyal at hindi-
materyal).

65
1. 2.

Talakudong Pangingisda

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

3. 4.

Pagsasaka ng Pinya Banga

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

5. 5.

Aswang Gong

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

66
7. 8.

Dwata ng Tboli Hijab ng Muslim

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

9. 10.

Tnalak Tirado

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

______________________________ _________________________

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano-anong kultura ang iyong isinasabuhay mula sa mga nailahad na mga larawan?

2. Paano mo pinapahalagahan ang sariling kultura at ang kultura ng lipunang


kinabibilangan?

67
Atin ng tuklasin ang patungkol sa imahen/simbolismo at kultura. Gayun din atin
ng pagnilayan ang mga simbolismo at kultura ng mga akdang Maikling Kuwento mula sa
SOCCSKSARGEN. At alamin ang mga tnatago nitong ideya at kaisipan na galing sa ating
lipunang SOX.

Ano ang Simbolo:


Ito ay kilala bilang simbolismo sa iba't ibang anyo ng pagpapahayag na gumagamit
ng mga simbolo upang kumatawan sa mga ideya at mga katotohanan. Sa kahulugan na
ito, napakahalaga na maiugnay ang katotohanan ng simbolo, iyon ay, malinaw na
nauugnay ang isang makabuluhan at isang tinukoy na kahulugan.Ang isang halimbawa
upang maunawaan ang kahulugan na ibinigay sa itaas ay: ang krus ay bahagi ng
simbolikong Kristiyanismo.

Sa kabilang banda, ang simbolismo ay ang pangalan na ibinigay sa kilusang


artistikong ipinanganak sa Pransya noong huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo, at
nailalarawan sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng mga ideya o pag-evoking ng mga
bagay nang hindi pinangalanan ito nang direkta, sa pamamagitan ng mga simbolo at mga
imahen.

Simbolo sa panitikan
Sa panitikan, ang simbolismo ay isang kilos na patula na nagmula sa Pransya, sa
pagtatapos ng ika-19 na siglo. Ito ay binuo sa ilalim ng apat na mahusay na Pranses na
makatang: Baudelaire, Mallarmé, Verlaine, Rimbaud.

Ang Simbolo bilang unang layunin ay upang maiugnay ang matalinong mundo sa
espiritwal na mundo, sa pamamagitan ng mga imahe na nagpahayag ng emosyon. Bilang
karagdagan, sumulat sila sa isang nagmumungkahi at metaphorical style, gamit ang
synesthesia bilang isang nagpapahayag na mapagkukunan, pati na rin isang musikal sa
kanilang mga rhymes.

Tulad ng para sa teatro at nobela, wala itong gaanong impluwensya ngunit ginamit pa rin
ito sa nobela na "A Contrapelo", ni Joris-Karl Huysmans. Para sa kanyang bahagi, sa
teatro ang gawain ng Axel, ni Villiers, ay ang gawaing teatro na naimpluwensyahan ng
simbolismo.

68
Halimbawa ng imaheno simbolismo.

• Bahaghari – simbolo ng pag-asa at pangako.


• Ang pulang rosas – simbolo ng pagmamahal at pag-ibig.
• Apat na dahon na klouber – simbolo ng suwerte o kapalaran.
• Singsing sa kasal – sumisimbolo sa pangako at pag-aasawa.
• Pula, puti, asul – sumisimbolo ng patriotismong Amerikano.
• Berdeng ilaw trapiko – sumasagisag sa “go” o magpatuloy.

Kultura
Ang kultura sa pinakamalawak na kahulugan nito ay ang lahat ng malikhaing
nagagawa ng tao mismo, taliwas sa hindi niya nilikha at hindi nagbago maliban sa
likas na katangian. Ayon sa pinakamalawak na kahulugan, ang mga tagumpay sa
kultura ay ang lahat ng mga pagbabagong-anyo ng isang partikular na materyal,
halimbawa sa teknolohiya, agrikultura, paghahanda ng pagkain o sining, ngunit
gayundin ang mga espirituwal na istruktura tulad ng musika, wika, moralidad,
relihiyon, batas, ekonomiya at agham. .

Ang konsepto ng kultura ay maaaring tumukoy sa isang panlipunang grupo ng mga


tao na nakatalaga sa isang partikular na kultura, o sa kung ano ang dapat magkaroon
ng lahat ng tao. Ang mga pagkakatulad ng isang pangkat ng mga tao o lahat ng
sangkatauhan ay nagsisilbing pagkakaiba sa pangkat na ito mula sa iba o mula sa mga
tao hanggang sa mga hayop. Sa sosyolohiya, tulad ng sa etolohiya, ang kultura ay mas
makitid na tinukoy bilang "kung ano ang karaniwan sa isang grupo ng mga
indibidwal" at bilang "kung ano ang nagbubuklod dito", iyon ay, kung ano ang
natutunan, ipinadala, naimbento at ginawa. Karaniwan, ang kultura ay nauunawaan
bilang aktibidad ng tao sa iba't ibang mga pagpapakita nito, kabilang ang lahat ng
mga anyo at pamamaraan ng pagpapahayag ng sarili at kaalaman sa sarili ng tao, ang
akumulasyon ng mga kasanayan ng isang indibidwal, at lipunan sa kabuuan. Ang
kultura ay isang manipestasyon din ng pagiging subjectivity at objectivity ng tao
(karakter, kasanayan, kakayahan at kaalaman).

69
Kulturang Mindanao

Kilala ang mga mamamayan roon sa kanilang makulay na sining, kultura at tradisyon.
Binubuo ang lugar na ito ng mga iba't ibang grupo. Ang pagbuburda, paghahabi at
pag-uukit ay parte ng kanilang kultura. At dahil may kasanayan na ang halos
karamihan sa mga tribo may kinalaman sa mga ganitong paglikha. ito na rin ang
kanilang ginagawa upang magsilbing kabuhayan.

Sa kanila namang literatura, ang simbolo ng Sarimanok ay mahalaga. Ito ay


sumasagisag sa pagkakaibigan at pagkakasundo. Marami ring mga alamat at
kwentong bayan ang maga taga-Mindanao.Kabilang dito ang Alamat ng Perlas,
Alamat ng Waling-Waling at Alamat ng Bundok Pinto.

Sa larangan naman ng musika, gumagamit ng iba't ibang mga instrumento ang mga
mamamayan. Ang ilan sa mga ito ay ang mga Gabbang, Gong, Karandil, Palendag,
Subing at sa aspeto naman ng tradisyon, mayaman ang mga taga-Mindanao sa
kaugalian at pagpapahalaga. Ang pagiging matapang at determinado sa kanilang
buhay ay isa sa kanilang mga paniniwala o prinsipyo.Dahil sa mayroon silang malakas
na kumpiyansa sa sarili, nagsisilbi itong daan upang manatiling matatag sa buhay
araw-araw.

Sa paksang ito, babasahin natin ang maikling kuwento na isinulat ni Norsalim


S. Haron na nagngangalang “Bihag”. Ito ay kuwento patungkol sa isang lalaking
dinukot ng pamilya ng dating kasintahan upang ipakasal sila. Dinukot ang lalaki
sapagkat ayaw ng lalaki na magkaroon ito ng relasyon sa dati niyang kasintahan sa
kadahilanang kilala ng kaniyang ina ang tunay na pagkatao ng pamilya. Ito ay
kuwento halaw sa kulturang Muslim sa SOX.

Pero bago simulang basahin ang maikling kuwento ay sagutin mo muna ang
maikling pagsubok na sa susunod na pahina.

70
GAWAIN 3: Talasalitaan

A. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakadiin


sa bawat pangngusap. Punan ng kasingkahulugang salita ang blangko sa ilalim.

1. Alam ko na ang totoong dahilan bakit labis ang pagtutol ni Ina sa pag-iibigan namin ng
aking kasintahan.

____________

2. Napagtanto kong mga magulang niya ang mag-asawang nasa ibaba.

____________

3. Habang naglalakad at nag-uusap kami sa tabi ng highway, napansin kong tila meron
siyang hinahanap na hindi niya mahagilap.

____________

4. Pikit-mata, inilapit ko nang dahan-dahan ang aking labi at idinampi sa kaniyang labi.

____________

5. Nagsimula ang lahat sa isang mapusok na halik.

____________

6. Sakay ako ng rumaragasang Bajaj, napapagitnaan ng dalawang di kilalang lalaki,


patungo sa posible kong katapusan.

_____________

7. Ito ang katanungan sa aking isipan habang nasa bingit ng kamatayan.

______________

Bihag
Ni Norsalim S. Haron
Maikling Kuwento

Buhay ba ang kapalit ng mga luha ko? Ito ang katanungan sa aking isipan habang nasa
bingit ng kamatayan.

Sakay ako ng rumaragasang Bajaj, napapagitnaan ng dalawang di kilalang lalaki, patungo sa


posible kong katapusan. Sa gano’ng kalagayan ay naglakbay ang aking isipan sa nakaraan.

Isang larawan ang aking nakita: Naghahalikan.

71
Nagsimula ang lahat sa isang mapusok na halik. Nakipagkita ako sa aking ka-chat sa unang
pagkakataon, at noong araw mismo, tinukso ako ng demonyong bumulong sa aking tenga.

Halikan ko raw ang aking ka-chat. Sumunod naman ang aking katawan. Pikit-mata, inilapit
ko nang dahan-dahan ang aking labi at idinampi sa kaniyang labi. Naramdaman ko ang init
ng kaniyang hininga, at ninamnam naming pareho ang tamis ng aming unang halik.

Nalikha ang aming pagsinta. Subalit di nagtagal ay naghiwalay din kami dahil humadlang
ang aking ina. Marami siyang ibinigay na paliwanag, na pawang hindi malinaw, ngunit
sinunod ko ang kaniyang kagustuhan.

Makalipas ang dalawang buwan, nakatanggap ako ng text mula sa dati kong kasintahan.
Nais niyang magkita kami bago siya umalis papuntang Manila. Nag-a-apply raw siya bilang
kasambahay sa Saudi. Binanggit din niya na may isang anghel na bumibisita sa kaniyang
panaginip, at ang sanggol na iyon ay bunga ng aming pagmamahalan na palihim niyang
pinagkaitang huminga. Noong oras na iyon mismo ay pinuntahan ko siya sa Cotabato Plaza.

Habang naglalakad at nag-uusap kami sa tabi ng highway, napansin kong tila meron siyang
hinahanap na hindi niya mahagilap. Nauna ako sa kaniya nang mga dalawang hakbang, at
nang lingunin ko siya, nagulat na lamang ako nang may lalaking naka-jacket na itim at
nakasuot ng helmet ang umakbay sa akin at pasimple akong sinakal ng kaniyang braso.
Naramdaman ko ring may kung anong matulis na bagay siyang inuumang sa aking tagiliran,
at bumulong siya na huwag daw akong maingay kung gusto ko pang mabuhay.

Hindi ko kailanman naisip na ang madalas kong mapanood sa mga pelikulang aksyon ay
mararanasan ko sa totoong buhay—ang makidnap.

Sapilitan niya akong pinasakay sa isang motorsiklo, sa likuran ng drayber na nakasuot din
ng jacket at helmet. Umupo siya sa aking likuran, at agad humarurot ang motorsiklo.
Tantiya ko’y walumpung kilometro kada oras ang bilis ng takbo nito, papunta sa landas ng
kapahamakan.

Tinitigan ko nang mabuti ang bawat kantong nadaraanan namin, wari ba’y kinukunan ko ng
litrato. Pinilit kong isaulo ang daan, nagpabaling-baling upang makahanap ng palatandaan
kung nasaan na kami. Ngunit walang katangi-tangi sa mga tindahan at bahay na nadaanan
namin. Napayuko na lang ako, sumuko sa laban.

Bakit ba humantong ang lahat sa ganito? Akala ko ba tadhana na ang bahala sa aming
dalawa, pero bakit pati si Kamatayan nakikialam pa? Bakit? Napakaraming tanong sa aking
isipan.

Narating namin ang isang lumang bahay sa tabi ng ilog, malapit sa tulay. Hinila ako ng
dalawang lalaki papasok ng bahay. Paghakbang ko sa pintuan, labis akong nagtaka dahil
masayang mukha ng may edad na mag-asawa ang sumalubong sa akin.

72
Kinuha ng dalawang lalaking dumukot sa akin ang mga gamit ko—cellphone, pitaka, pati
mga barya. Dinala nila ako sa ikalawang palapag, at nakita ko roon ang aking dating
kasintahan, nakaupo sa sahig, tila naghihintay sa aking pagdating. Hindi siya makatingin sa
akin nang diretso. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o natatakot. Nawala ang takot ko
dahil nandoon siya at mukhang alam niya ang nangyayari. Napagtanto kong mga magulang
niya ang mag-asawang nasa ibaba.

Pagkatapos naming maghapunan, kinausap ako ng ina ng dati kong kasintahan. Napansin
ko sa lalim ng kaniyang ngiti na parang kilala na niya ako kahit iyon pa lang ang una naming
paghaharap, at sinabi nga niya na magpinsan sila ng aking ina. Kaya pala, naisip ko. Sumagi
rin sa isip ko ang labis na pagtutol ni ina noon sa pag-iibigan namin ng mahal ko. Ito
marahil ang dahilan. Magkamag-anak kami.

Sa loob ng anim na araw ay naging bihag ako, nagmistulang isang ibong nasa loob ng
hawlang ako mismo ang gumawa.

Madalas akong nakatayo sa may bintana, nagmamasid sa kapaligiran at naghahanap ng


paraan upang makatakas. Pinanonood ko ang luntiang palayan na sumasayaw sa himig ng
kalikasan. Umaawit ang mga palaka, nagsasagawa ng isang ritwal upang umulan, at kahit
walang ulap sa langit ay pumapatak ang ulan mula sa aking mga mata.

Lumapit sa akin ang ama ng dati kong kasintahan at inabot sa akin ang isang cellphone. Ang
sabi niya, tawagan ko raw ang aking mga magulang at sabihing inuwian ko ang kaniyang
anak, kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan naming makawing. Hindi naman ako
makatanggi dahil hawak nila ang aking buhay.

Maayos naman ang pagtrato sa akin ng pamilya, ngunit napansin kong kakatwa ang
kanilang pagkain. May lasang hinahanap ng dila ko, at sa pag-oobserba ko sa kanilang
kusina, napagtanto kong hindi sila gumagamit ng bawang, ngunit hindi ko sila tinanong
bakit.

Nang dumating ang Sabado ng gabi, bago kami natulog ay nag-usap kami ng aking
mapapangasawa kung ano ang gagawin pagkatapos ng kawing. Ang dami niyang gustong
gawin. Ganito, ganiyan, tapos doon, dito, at kung ano-ano pa. Samantalang ako, nakatitig
lang sa kaniya. Hindi ko alam, pero kapag gabi, lalong lumiliwanag ang ganda niya. Hindi
naman siya gaanong maputi, pero kapag niyayakap siya ng dilim ay parang nagliliwanag ang
balat niya. Pakiramdam ko tuloy ay isang diwata ang aking kaharap. Ibang-iba siya sa
umaga, lalo na sa tanghali—mukha siyang manang.

Kabilugan ng buwan nang gabing iyon, malamig ang haplos ng hangin. Nasa kalagitnaan
ako ng panaginip nang bigla na lamang makarinig ng sigaw mula sa ibaba ng bahay. Agad
kong pinuntahan ang ingay, at natulala ako sa aking nasaksihan. Mistula akong nanonood
ng telebisyon. Nakita ko ang mapapangasawa ko na nakahiga, tirik ang mata, magulo ang
buhok, umuungol, nagwawala, sumisigaw nang malakas, at ibig kumawala sa pagkahawak
ng kaniyang mga kapamilya na para bang gusto niyang lumipad.

73
Tila sinasapian siya ng kung anong masamang espiritu o diyablo. Pabaling-baling siya sa
mga dingding at bintana, waring naghahanap ng madadaanan. Hindi naman magkamayaw
ang kaniyang ina sa pagdikdik ng bawang at saka hinalo ito sa asin at sinaboy sa kaniyang
katawan. Kapag natatamaan ang kaniyang balat, agad itong namamaga na para bang
napaso. Lalong lumakas ang sigaw niya, na para siyang hinahagupit.

Hinawakan ng kaniyang ama ang kaniyang ulo at pilit binugahan ng hininga sa ilong. Bigla
siyang tumigil sa pagwawala. Niluwagan nila ang pagkakahawak sa kaniya. Nahiga siya sa
sahig nang nakadipa.

Ngunit bigla siyang bumangon at tumakbo patungo sa pintuan. Hinawakan agad ng


kaniyang ama ang kaniyang beywang upang di makawala, at tuluyan nila siyang iginapos
gamit ang isang lubid. Inihiga siya nila sa sahig at muling hinipan sa ilong.

Tulala pa rin ako sa nangyayari. Ibig kong humingi ng saklolo. Nakasindi pa ang ilaw ng
mga kapitbahay, at naaaninag ko ang kanilang mga anino. Ngunit ang nakapagtataka, kahit
tagos sa dingding ang sigaw ng mapapangasawa ko, tila wala silang naririnig. Walang ibig
sumaklolo, o baka hindi na kakaiba sa kanila ang nangyayari.

Lumipas ang gabing iyon na maraming tanong sa aking utak.

Kinaumagahan, nagtanong ako sa lalaking magiging biyenan ko tungkol sa nangyari. Ang


sabi niya, normal lang daw iyon. Gano’n lang daw talaga kapag may naaamoy siya at ang
kaniyang mga anak na bagong dugo. Nalunok ko ang aking dila sa aking narinig.

Alam ko na ang totoong dahilan bakit labis ang pagtutol ni Ina sa pag-iibigan namin ng
aking kasintahan. Hindi ito dahil magpinsan sila ng ina nito. Ito ay dahil kilala niya ang ama
nito. Ayaw ni Inang makapag-asawa ako ng may lahing m’ning.

Linggo ng hapon nang dumating ang aking pamilya kasama ang isang ustadz. Nagdala sila
ng maraming pagkain at isang titulo ng lupa, ang magiging mahr namin. Gusto nilang
maganap ang kawing sa araw na iyon mismo upang makabalik na ako sa amin. Isang linggo
na kasi akong absent at baka ma-drop na ako sa unibersidad na aking pinag-aaralan.

Subalit tumutol ang ama ng aking mapapangasawa. Ang nais niya ay pitong araw pa simula
sa araw na iyo gaganapin ang kawing. Tingin ko ay dahil ayaw nitong palabasin sa kuwarto
ang anak, na puno pa rin ng mga sugat at pasa dahil sa nangyari nang nakaraang gabi. Ayaw
nitong magtanong ang aking pamilya at tuluyang makompirma ang matagal nang hinala ng
mga tao tungkol sa kanila.

Isinama ako ng aking pamilya pauwi sa amin, ngunit hindi na kami bumalik. Hindi
nagkasundo ang aking pamilya at ang pamilya ng aking mapapangasawa. Walang naganap
na kawing. Mula noon, kinatatakutan ko ang gabi.

74
Sagutin mo ang sumusunod na pamprosesong tanong:

1. Sino-sino ang tauhan ng maikling kuwento na “Bihag”?

2. Anong katangian ng panunahing tauhan sa kuwentong inyong binasa?

3. Saan ang tagpuan ng maikling kuwentong “Bihag”?

4. Ano ang suliranin na kinakaharap ng pangunahing tauhan ng kuwento?

5. Bakit ayaw ng pamilya ng pangunahing tauhan na ipakasal ang


kanilang anak sa kasintahan nito?

6. Anong sa tingin mo ang rason kung bakit sa ikapitong araw pa isasagaw


ang kawing ng magkasintahan sa kuwento?

75
7. Sa huling pahayag ng pangunahing tauhan na “Mula noon, kinatatakutan
ko ang gabi?, anong ideya ang nakapaloob dito at bakit niya ito nasabi?

GAWAIN 4: PASOK SA BANGA

B. Panuto: Ipasok sa loob ng banga ang simbolismong iyong nakita mula sa binasang
maiklig kuwento na Bihag. Isulat sa labas ng banga ang kahulugan ng nasabing
simbolismong nakita sa kuwentong “Bihag”.

Sagutin mo ang sumusunod na pamprosesong tanong:

1. Ano-anong simbolismo ang iyong nakita sa maikling kuwento?

76
2. Sa iyong tingin, ano ang ginagampanan ng smbolismo sa isang maikling
kuwento?

3. Bakit mahalaga ang isang simbolismo sa isang kuwento?

GAWAIN 5: Kultura-Hambingin

C. Panuto: Paghambingin ang kulturang nakita mula sa kuwentong “Bihag” ni


Norsalim S. Haron na hinalaw sa kultura ng muslim sa SOX at sariling kulturang
kinalakhan. Gamit ang grapikong-pantulong punan ito ng iyong kasagutan.

Kultura sa Kuwento Sariling Kultura

___________ Katulad na Kultura ___________


___________ ___________
___________ ____ ___________
____
____
___________ ____ ___________
___________ ____ ___________
___________ ____ ___________
____
___________ ____ ___________
___________ ___________
___________ ___________

77
TANDAAN
PANG-UGNAY

Nagamit ang pang-ugnay sa pagsisimula, pagpapadaloy


ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay

Tatlong uri ng Pang-ugnay:

•Pang-angkop

•Pang-ukol

•Pangatnig

PANG-ANGKOP

•Tagapag-ugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at


salitang tinuturingan

•Ito’y ginagamit upang maging madulas ang pagbigkas ng mga


magkakasamang salita

•Tatlo ang pang-angkop: na, ng, g

Paggamit ng “na”- Ginagamit kapag ang sinundang salita ay nagtatapos sa katinig


maliban sa “n”

Mga Halimbawa: masarap na pagkain maliit na bata matunog na balita

Paggamit ng “ng”- Ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa


patinig

Mga halimbawa: masamang panaginip totoong mahirap ngiting


kayganda

Paggamit ng “g”- Ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa “n”

Mga halimbawa: salaming malinaw hanging malamig Sultang malupit

PANG-UKOL- kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba


pang salita sa pangungusap

Mga ginagamit bilang pang-ukol: Alinsunod sa / alinsunod kay Laban


sa / laban kay Ayon sa / ayon kay Para sa / para kay Hinggil sa /
hinggil kay Tungkol sa / tungkol kay

78
Halimbawa

-Alinsunod sa batas ang ginawa niyang hakbang.

-Para kay Gng. Santos ang bulaklak na ito.

-Ayon sa balita, masama raw ang panahon ngayong araw.

PANGATNIG- mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita,


parirala, sugnay o payak na pangungusap

Mga Pangatnig: at kapag ngunit Samakatwid anupa kaya O Sa madaling


salita bagaman kundi pagkat upang bagkus kung palibhas a sanhi Bago
habang pati sapagkat Dahil sa Maliban Sakali Subalit

Mga Uri ng Pangatnig

PAMUKOD - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.

Halimbawa:

a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.

b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing
lider natin.

c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan. d. Ni


sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

PANUBALI - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali,
disin sana.

Halimbawa:

a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.

c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet. d. Hindi tayo makakahuli ng


maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.

PANINSAY - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang


bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman,
kahit.

Halimbawa:

a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira


sa kanya.

79
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang
kanyang ina.

c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa


kalaban niya. d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

PANANHI - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos.


Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Halimbawa:

a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.

b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.

c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan. d. Nahilo si Anna
mangyari ay ikot siya nang ikot.

PANAPOS - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang,


sa lahat ng ito, sa di- kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.

Halimbawa:

a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.

b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.

c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.

d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

PANLINAW - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang


banggit.

Halimbawa:

a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang


muli.

b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

PANIMBANG - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at


kaisipan, gaya ng: at - saka, pati, kaya, anupa’t.

Halimbawa:

a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.

b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.

80
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa
kahirapan.

d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

PAMANGGIT - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa


ganang akin/iyo, di umano.

Halimabawa:

a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.

b. Siya raw ang hari ng sablay.

c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.

d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

PANULAD - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang,


kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin.

Halimbawa:

a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon

b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.

c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.

Maikling Pagsasanay!

Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa linya kung


ito’y pang-ukol o pangatnig.

__________ 1. Nagalit ang guro mangyari napakaingay ng mga mag-aaral.


__________ 2. Madali ang magmahal ngunit mahirap ang mabigo.
__________ 3. Ayon sa ating guro, ang pagsusulit ay hindi matutuloy.
__________ 4. Tayo’y dapat magtulungan alinsunod sa ating tuntunin.
__________ 5. Hindi siya nakatupad sa usapan sapagkat siya’y maysakit.

Sa bahaging ito, mas palalimin pa natin ang iyong kaalaman at kaisipan tungkol sa
tinalakay na aralin. Lalong-lalo na sa simbolismo at kultura ng maikling kuwentong
binasa. Gayun din ang paggamit ng pang-ugnay na salita sa pahayag.

81
GAWAIN 6: SIMBOLISMO’T KULTURA TALAKAYIN

PANUTO: Gamit ang mga larawan ng simbolismo at kultura sa maikling kuwentong


“Bihag”, bigyan ito ng pagtalakay at kinakailangan na sa paglalahad ay makikitaan ito ng
pang-ugnay ng mga salita.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

ILIPAT

GAWAIN 6: DULAANG PANRADYO

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang kuwentong “Hindi Sila Natutulog ni: Allan Ace
Dignadice”. Pagkataps ay lumikha ng sariling iskrip panradyo at maghanda ng pagtatanghal sa
nagawang iskrip. Ang pagtatanghal ay nagpapatungkol sa kuwentong binasa. Ito ay isasagawa
lamang sa 7 hanggang 10 minuto.

Pamantayan sa pagmamarka ng iskrip at pagtatanghal panradyo:

82
PAMANTAYAN KATANGIAN (5 PUNTOS) 5 4 3 2
Malawak at binubuo ng
KAANGKUPAN NG maraming impormasyon. Ito ay
NILALAMAN sapat ang sakop ng mensaheng
nais ipaabot sa makikinig.
Pinalolooban ng paksang
ibinigaym, ang maikling
kuwentong “Hindi Sila
Natutulog.”
Gumamit ng mga salitang
PAGKAMALIKHAIN nagpapakita ng kariktan at
kagandahan. Mga salitang
matatalinhaga at isang
malikhaing pagpapahayag.
Nakakapukakaw ng atensiyon
ang isinulat na iskrip sa madla.
Makikitaan ng tamang
KAWASTUHAN AT pagbabaybay, pagbabalarila,
KAANGKUPAN NG bantas, gamit ng salitang pang-
MGA SALITANG ugnay, at pagkasunod-sunod ng
GINAMIT ideya sa pangungusap sa lahat
ng pagkakataon sa
isinasagawang pahayag.
Orihinal ang pagkakasulat at
ORIHINALIDAD pagpapahayag ng sariling takbo
ng kuwento. Malinaw ang
ginawang paglalahad ng ideya at
may kaisahan ang bawat daloy ng
mga pahayag sa kabuuan.

KAANGKUPAN NG Ang nagsipag ganap ay


DAMDAMIN AT makikitaan ng tamang
BOSES eksprisyon ng damdamin,
tamang eksprisyon ng mukha, at
naiitindihan ang mga sinsasabi
ng artista sa dulang sinasagawa.
Nakakakuha ng atensiyon sa
madla at makikitaan ng
kawilihan sa pagtatanghal.
Malaki ang impak sa madla.

PANGKALAHATANG Naipapahayag ng buong husay


PAGTATANGHAL ang mensaheng nais ipabatid sa
madla at sa mga nakikinig.
Malayang nakapagtatanghal at

83
bukas sa puso ang
isinasagawang dulang panradyo.

A. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M naman kung ang
pahayang ay mali.
1. Ang simbolismo ay isang aparato sa panitikan at ginagamit upang makalikha
ng palaisipan sa mambabasa.
2. Isang halimbawa ng simbolismo ay ang patalim. Kung ito ay bibigyang
simbolo sa kwento, ang patalim ay sumisimbolo sa kamatayan.
3. Ang simbolismo ay ginagamit ng awtor upang makalikha ang mambabasa ng
kaisipang maliban sa kanilang literal na pagpapakahulugan.
4. Kung gagamiting bilang simbolo ang Ibong kalapati sa kwento ito ay
sumisimbolo sa pagkawalang pag-asa.
5. Ang simbolismo sa kwentong akda ay nagbibigay ng kaisahang kaisipan
pagpapakahulugan ng mga mambabasa.

_______6. Ang kultura ay isang manipestasyon din ng pagiging subjectivity ng tao


(karakter, kasanayan, kakayahan at kaalaman).
_______7. Sa sosyolohiya, tulad ng sa etolohiya, ang kultura ay mas malawak na
tinukoy bilang "kung ano ang karaniwan sa isang grupo ng mga indibidwal" at
bilang "kung ano ang nagbubuklod dito", iyon ay, kung ano ang natutunan,
ipinadala, naimbento at ginawa.
_______8. Ang konsepto ng kultura ay maaaring tumukoy sa isang panlipunang grupo ng
mga tao na nakatalaga sa isang partikular na kultura, o sa kung ano ang dapat
magkaroon ng lahat ng tao.

B. Panuto: Piliin ang tamang kahulugan ng simbolismong nakabold mula sa mga inilahad
na pagpipilian sa ibaba.

84
1. Tuwing bilog na bilog ang buwan at sasapit na ang gabi ay maririnig ang mga alulong ng
aso.
a. Magnanakaw
b. Kapahamakan
c. Madilim
d. Mahimbing ang tulog

2. Ang mga bata ay masayang nagpapalipad ng saranggola sa taniman ng palay.

a. Naglalaro
b. Nakatali
c. Naputol ang tali
d. Pangarap

3. Katulad ko ang isang kalapati sa papawiriin na lumilipad.

a. masaya
b. matayog
c. malaya
d. maputi
4. Nang panahon na namatay ang aming itay ay nasa hawla na ang aming buhay.

a. bakal
b. rehas
c. nakakulong
d. tahanan ng ibon
5. Ang mga gobyerno ay mga buwaya sa ating lipunan.

a. kurap
b. mabangis
c. malakas
d. malaki

85
C. PANUTO: Punan ng hinihinging salita ang mga sumusunod na mga patlang upang
mabuo ang pangungusap/pahayag.

Sakay ako ng rumaragasang 1.________ , napapagitnaan ng dalawang di kilalang lalaki,


patungo sa posible kong katapusan.
Nag-a-apply raw siya bilang 2.________ sa Saudi.
Nauna ako sa kaniya nang mga dalawang hakbang, at nang lingunin ko siya, nagulat na
lamang ako nang may lalaking 3.________ na itim at nakasuot ng 4. _________ ang
umakbay sa akin at pasimple akong sinakal ng kaniyang 5.___________.
Narating namin ang isang lumang bahay sa tabi ng 6.________, malapit sa tulay. Hinila
ako ng dalawang lalaki papasok ng bahay. Paghakbang ko sa pintuan, labis akong nagtaka
dahil masayang mukha ng may edad na 7.________ ang sumalubong sa akin.
Tila sinasapian siya ng kung anong masamang 8._________ . Pabaling-baling siya sa mga
dingding at bintana, waring naghahanap ng madadaanan. Hindi naman magkamayaw ang
kaniyang ina sa pagdikdik ng 9.__________ at saka hinalo ito sa asin at sinaboy sa
kaniyang katawan. Kapag natatamaan ang kaniyang balat, agad itong namamaga na para
bang napaso. Lalong lumakas ang sigaw niya, na para siyang hinahagupit.
Mula noon, kinatatakutan ko ang 10.___________.

Pagpapaliwanang
C. Panuto: Pumili ng isang simbolismo na sumisimbolo sa iyong pinagdadaan sa ngayun.
Ipaliwanang ang napiling simbolismo saloob ng pitong (7) pangungusap. Gumamit ng pang-
ugnay na mga salita. (5 puntos)

Pagbati at pasasalamat sa inyong aktibo at makulay na pakikiisa sa pagtalunton ng


kaalaman hinggil sa konsepto at kahalagahan ng maikling kuwento at sa mga akdang
inyong binasa at sinuri.
Isang mabungang pagtatapos na naman patungkol sa aralin ng mga kasaysayan, kahulugan
at elemento ng maiklig kuwento. Ang buod at banghay ng isang maikling kuwento. Ang
paksa, suliranin at tunggalian na may malaking ambag sa pagkakaroon ng higit na malalim
na kamalayan sa pagsagot sa suliranin na kinakaharap ng ating bayan. At panghuli ang
aralin patungkol sa simbolismo at kulturang nakapaloob sa mga akdang maikling kuwento.
Mahusay at mayabong na paglalayag sa modyul na ito. Ang Paman modyul ay patuloy at
mananatiling pantulong bilang kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto. Naway magamit pa sa
pagpapalawak at pagpapayaman ng kaisipan, kultura at karanasang Pilipino lalo na sa ating
bayang SOCCSKSARGEN.

86
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
PANUTO: Bilang pagtatapos sa pagtalunton ng modyul na ito ay sagutin mo ang
bahaging paunang pagtataya na ito upang masukat kung ano na ang nalalaman mo
tungkol sa mga paksang iyong pag-aaralan sa unang markahan. Piliin at isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Isang aparato sa panitikan na ginagamit upang makalikha ng palaisipan sa mambabasa.


a. Maikling kwento
b. Kabayo
c. Simbolismo
d. Karwahe
2. Kung ito ay bibigyang simbolo sa kwento, ang ______ ay sumisimbolo sa kamatayan.
a. Pagkain
b. Ina
c. Patalim
d. Sandok
3.Sa kwento, ang _______ ay sumisimbolo sa pagkakaroon ng pag-asa.
a. Ibong kalapati
b. Kusina
c. Sala
d. Ikatlong Palapag
4. Ito ay ginagamit ng awtor upang makalikha ang mga mambabasa ng kaisipang maliban
sa kanilang literal na pagpapakahulugan.
a. Tauhan
b. Simbolismo
c. Kalabasa
d. Pangalan
5. Ang _________ ay ginagamit ng awtor upang pandagdag sa palaisipan sa akdang
babasahin.
a. Kwento
b. Suliranin
c. Maikling Kwento
d. Simbolismo

87
6. Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
a. Suliranin
b. Himig
c. Kaisipan
d. Paksang Diwa
7. Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
a. Tunggalian
b. Kaisipan
c. Tagpuan
d. Banghay
8. Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
a. Banghay
b. Wakas
c. Tunggalian
d. Kasukdulan
9. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
a. Tauhan
b. Wakas
c. Tunggalian
d. Paksang diwa

10. Isang anyo ng panitikan na may layunin magsalaysay ng mga pangayayri sa buhay ng
pangunahing tauhan.
a. Banghay
b. Maikling kwento
c. Tagpuan
d. Maiklin kwento
11. Nagamit bilang pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng
pagsasalaysay.
a. Panggalan
b. Pangatnig
c. Pang-ugnay
d. Pambalana

88
12. Kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
a. Pang-ugnay
b. Pang-ukol
c. Pangatnig
d. Pang-akop
13. Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o payak
na pangungusap.
a. Pangatnig
b. Pang-akop
c. Pang-ugnay
d. Pang-ukol
14. Tagapag-ugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at salitang tinuturingan.
a. Pangatnig
b. Pang-ukol
c. Pang-ugnay
d. Pang-akop
15. Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na
darating sa buhay ng mga tauhan.
a. Wakas
b. Saglit na kasiglahan
c. Tunngalian
d. Kasukdulan
16. Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
a. Kakalasan
b. Tunggalian
c. Wakas
d. Tagpuan
17. Ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes
sa istorya.
a. Suliranin
b. Kaisipan
c. Banghay

89
d. Paksang diwa

18. Dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin. Isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o
hakbang ng mga tauhan sa inilahad na suliranin.
a. Suliranin
b. Banghay
c. Papataas na Aksiyon
d. Pababang Aksiyon

19. Dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan, sa mga kumbensyunal o tradisyonal na


kuwento, madalas maglagay ng ganito ang mga manunulat.
a. Suliranin
b. Banghay
c. Papataas na Aksiyon
d. Pababang Aksiyon
20. Maaaring ang wakas ay masaya, malungkot, o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag
na open-ended.
a. Simula
b. Kasukdulan
c. Wakas
d. Suliranin

90
MGA SANGGUNIAN
Asilom, F.Z. (2019). Pang-Ugnay. Retrieved from

https://www.slideshare.net/FelixZacharyAsilom/pangugnay?fbclid=IwAR2zMvM6UUYxV

EgrlcjbnVAJ8INxVDwAfDGuhXdWpANZJbqTdT0okZ0o3R4

Balagtas, C. (2018). Lubid. Retrieved from

https://www.google.com/search?q=lubid&sxsrf=ALiCzsbOim6gVvb3dx3UWIomFdMnU59

C7w:1655025784353&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiLvOG_y6f4AhVXTm

wGHc9ZDpQQ_AUoAXoECAIQAw&biw=1745&bih=874&dpr=1.1#imgrc=w6vaMHmwnBb

9PM

Banawa, W. (2020). Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7. Retrieved

from https://www.slideshare.net/wimabelle/hudyat-sa-pagkasunod-sunod-ng-mga-

pangayayari-grade7?fbclid=IwAR362vy0MxeTKEx6xilk-

liGPc2oukFYBScD1i0NGn3JJVD7341QrBcWyhY

Bansawan, R. (2021). Hangganan ng Abong Kalapati. Notre Dame of Marbel University,

Koronadal City.

Barsatan, C. (2015). SOCCSKSARGEN - Region 12. Retrieved from

https://www.slideshare.net/barsatancristy/soccsksargen-region-12-

51666231?fbclid=IwAR3Fbyy2AaxyLNv51XQlyAojkqeBVqb40rrB-

aQAiPtjuTGOQCb2NcMetoM

Basic Education Dept, (2020). Panitikan Timawa. Retrieved from

https://olfu.instructure.com/courses/50698/files/3424150?module_item_id=8436290&fb

clid=IwAR1y_zhpBTvTfQXgprrAmYMRaS-zb4bX5MXKPSWLhTolx0p5d8d14gfqmys

91
Bernasol, D. (2016). Pangarap ni Jia. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2016/12/01/pangarap-ni-

ija/?fbclid=IwAR2NugJ97ztslz8jMKiA8bNhLLwFy4IVw9-8XcHulqd1AVYP_VCIp-myVVE

Carolasan, M., & Castillo, C. (2020). Panitikang Asyano: Banghay ng Maikling Kuwento.

Department of Education, Region IX – Dipolog City Schools Division.

Cruz, M. (2016). Sikolohiyang pilipino review. Retrieved from

https://www.slideshare.net/MartinVinceCruz/sikolohiyang-pilipino-

review1?fbclid=IwAR1ncN5mxgEr1CUV2FJX7ByRkvWEwuL6MY5H0kUqcN-

w2C73kteI8TB1pe4

Dignadice, A. (2018). Hindi Sila Natutulog. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2018/11/01/hindi-sila-

natutulog/?fbclid=IwAR2cu7DnqhX5UaT5o87wChqe1XOzW0qx1tUE0yUqvsNyKuQwJXu3

TysgQBs

Distor, G. (2018). Sa Kaunting Panahon. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2018/09/01/sa-kaunting-

panahon/?fbclid=IwAR2cu7DnqhX5UaT5o87wChqe1XOzW0qx1tUE0yUqvsNyKuQwJXu3

TysgQBs

Fleming, F. (2022). Paano Maghanap ng Tema ng Isang Aklat o Maikling Kwento. Retrieved

from https://tl.eferrit.com/paano-maghanap-ng-tema-ng-isang-aklat-o-maikling-kwento/

Fullo, J. (2019). 'Wag Tularan. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2019/12/28/wag-tularan/?fbclid=IwAR3N6nfl-

SWE8viTwEjTQnpnOLCM3op6r2FknUPoZbrJX877XcqK58ZFVlA

Gamen, I. (2022). Mga katangian ng kultura at kahulugan nito. Retrieved from

https://www.postposmo.com/tl/katangian-ng-kultura/amp/?fbclid=IwAR10rNlWXk__1-

wEnOwlN3WR6GudofvyJaMlwgzOUPDY_9BsPFeLpjt76HQ

92
Gaton, R. (2019). Kung Di Mo Na Kaya. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2019/04/01/kung-di-mo-na-

kaya/?fbclid=IwAR1ncN5mxgEr1CUV2FJX7ByRkvWEwuL6MY5H0kUqcN-

w2C73kteI8TB1pe4

Haron, N. (2019). Bihag. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2019/10/01/bihag/?fbclid=IwAR0zUO64szSak-

6m3A4LETNClxiKzu9maX8D2Rm7tZUumvM-nRw0apdjZioFullo, J. (2019). 'Wag Tularan.

Retrieved from https://cotabatoliteraryjournal.com/2019/12/28/wag-

tularan/?fbclid=IwAR3N6nfl-

SWE8viTwEjTQnpnOLCM3op6r2FknUPoZbrJX877XcqK58ZFVlA

Igot, J. (2019). Epidemya ng Lipunan. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2019/12/28/epidemya-ng-

lipunan/?fbclid=IwAR1jHLIJfcrrD5eoZ54tbDMHHQuaEWducZDmHtuarax5nYa-

ZItjF7OBWO8

Leona, M. (2017). Sa Kabilang Dulo ng Baril. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2017/03/31/sa-kabilang-dulo-ng-

baril/?fbclid=IwAR362vy0MxeTKEx6xilk-

liGPc2oukFYBScD1i0NGn3JJVD7341QrBcWyhYBernasol, D. (2016). Pangarap ni Jia.

Retrieved from https://cotabatoliteraryjournal.com/2016/12/01/pangarap-ni-

ija/?fbclid=IwAR2NugJ97ztslz8jMKiA8bNhLLwFy4IVw9-8XcHulqd1AVYP_VCIp-myVVE

Leona, M. (2017). Uma. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2017/01/01/uma/?fbclid=IwAR1ncN5mxgEr1CUV2FJ

X7ByRkvWEwuL6MY5H0kUqcN-w2C73kteI8TB1pe4

Marketplace. Kutsilyo. Retrieved from

https://www.google.com/search?q=kutsilyo&tbm=isch&ved=2ahUKEwiwno2wzKf4AhUKT

93
pQKHenKBcIQ2-

cCegQIABAA&oq=kutsilyo&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDI

FCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFCAAQgAQ

6BAgjECc6BggAEB4QBzoICAAQsQMQgwE6CAgAEIAEELEDOgsIABCABBCxAxCDAVChC

lilIGD0ImgBcAB4AIABcogB6AeSAQM1LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&scli

ent=img&ei=Y7GlYvDgOYqc0QTplZeQDA&bih=874&biw=1745#imgrc=ywyUhYw0YdCzb

Mendoza, M. (2020). Sanlibo. Retrieved from

https://mindanaoliterature.wordpress.com/2020/11/14/sanlibo-ni-marvin-ric-e-

mendoza/?fbclid=IwAR0J0ul4mtYxQTTuYAelWL1ihMrH_zyYLpzoO5mJaF_H1eYxuKQdj

Emumqg

Morales, B. (2018). Bahaghari. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2018/09/01/bahaghari/?fbclid=IwAR1OLXoWV3PifB

Yn0r39BezY81w9yiFOrS_vTRVhN6eY61HJVIUYVQio4mc

Prado, G. (2019). Bagyo. Retrieved from

https://cotabatoliteraryjournal.com/2019/02/01/bagyo/?fbclid=IwAR3VvkkQNMhSe2oP7

gcyvr7o5QaSv3B9k3qWtzTLw-GTdkC3hEdYo8Sg2qs

Sari-sari Online Palengke. Bawang Retrieved from

https://www.google.com/search?q=bawang&tbm=isch&ved=2ahUKEwji2PPAy6f4AhUUN

qYKHcGXA-UQ2-

cCegQIABAA&oq=bawang&gs_lcp=CgNpbWcQAzIICAAQgAQQsQMyBQgAEIAEMgUIABC

ABDIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFCAA

QgAQ6BAgjECc6BAgAEEM6BwgAELEDEEM6CAgAELEDEIMBUNETWNsaYMIdaABwA

HgAgAFpiAGRBZIBAzUuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=erCl

YuKzLZTsmAXBr46oDg&bih=874&biw=1745#imgrc=f_TZP8lDeAgWgM

94
Smart Parenting. Sanggol. Retrieved from

https://www.google.com/search?q=SAnggol&tbm=isch&ved=2ahUKEwjgjev4y6f4AhVI-

5QKHZ5WAbkQ2-

cCegQIABAA&oq=SAnggol&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDI

FCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFCAAQgAQ

6BAgjECc6BAgAEEM6CAgAEIAEELEDOggIABCxAxCDAVD_C1iBFmCkGGgAcAB4AIABY

ogB-

QWSAQE4mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=8LClYuDVAsj20wS

erYXICw&bih=874&biw=1745#imgrc=0reIdS-X75qbzM

Surenda, (2022). Estilo Ng Pagsisimula Pagpapadaloy At Pagwawakas. Retrieved from

https://paraanpagsisi.blogspot.com/2022/01/estilo-ng-pagsisimula-pagpapadaloy-

at.html?m=1&fbclid=IwAR2lrpfdegEayZ7o3Z1ulcfvhcnYG7CLGoHbnkXeXIZYe6e1S2jr0N9

_cMQ

95
SUSI SA PAGWAWASTO

PAUNANG PAGTATAYA ARALIN 1: GAWAIN ARALIN 2: PAGTATAYA


1. C A.
GAWAIN 3
2. C
1. K 1. HANGGANG SA
3. A 2. J 2. DAHIL SA
3. I 3. AT, HABANG
4. B
4. H 4. SAMANTALA, HANGANG
5. D
5. C 5. NGUNIT
6. C 6. D 6. DAHIL SA
7. B
7. C
8. E B.
8. D
9. G
1.TAMA
9. A 10. A
2. MALI
10. B 3. TAMA
ARALIN 1: PAGTATAYA
11. C 4. TAMA
A.
1. C 5.MALI
12. B
2. C
13. A 3. D
4. A
14. D 5. B

15. B B.
1. E
16. A 2. A
3. D
17. A 4. C
5. G
18. C
C.
19. D 1
7
4
20. C 3
5
2
6

96
ARALIN3 : GAWAIN ARALIN 4: GAWAIN ARALIN 4: PAGTATAYA
GAWAIN 2
Gawain 1 A.
1. E 1.T
1. D
2. F
2. E 2. T
3. A
3. A 3. T
4. B
4. B
5. C 4. M
5. C
6. G
5. M
7. D
Gawain 3
8. H 6. M
1. Kaibigan
7. M
2. Napag-isip
ARALIN3: PAGTATAYA 8. T
3. Makita
A.
4. idinikit
1. TAO LABAN SA TAO B.
5. mapanghamon
2. TAO LABAN SA 1. B
6. napakabilis 2. D
TEKNOLOHIYA 3. C
3. TAO LABAN SA SARILI 4. C
4. TAO LABAN SA TAO 5. A

5. TAO LABAN SA LIPUNAN C.


1. Bajaj

B. 2. Kasambahay
3. Naka-jacket
1. D 4. Helmet
2. A 5. Braso
3. B 6. Ilog
4. C 7. Mag-asawa
5. A 8. Espiritu o
Diyablo
9. Bawang
10.Gabi

97
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. C

2. C

3. A

4. B

5. D

6. C

7. C

8. D

9. A

10. B

11. C

12. B

13. A

14. D

15. B

16. A

17. A

18. C

19. D

20. C

98
Tungkol sa mga Manunulat

John Mark D. Quiriones, Batsilyer sa


Sekondaryang Edukasyon
Nagpakadadalubhasa sa Filipino 3. Isang
mag-aaral sa Pamantasan ng Notre Dame ng
Marbel at kasalukuyang tinatahak ang kurso ng
pagiging isang guro sa Filipino at nagpapatibay ng
kaalaman sa pagiging isang edukador sa hinaharap.

Siya ay nagtapos ng kaniyang Sinyor Hayskul sa


Koronadal National Comprehensive High School sa
taong panuruan 2018-2019 na may mataas na
karangalang, Academic Excellence Awardee With Highest Honor.

Isa sa mga opisyales at namamalakad ng organisasyong Kapisanan sa Makabagong


Filipino (KAMAFIL). Mga tanggol wika ng ating lipunan mula sa pribadong paaralan ng
NDMU. Isang manunulat ng tula, kuwento, sanaysay at dagli na patuloy na sinusulong
at pinapapayabong ang kultura at panitikan ng Filipino. Isa ring Baybayinista na kung
saan nagpapakita ng kagandahan at kariktan ng ating nakaraang at unang ginamit na
panulat ng mamamayang Filipino ng ating bansa. Isa ring alumni ng kursong
Baybayin Buhayin na kung saan ginanap sa birtuwal na plataporma. Isang
hakbangin na muling ipalaganap at patuloy ulit binubuhay ang ating sariling
pamamaraan ng pagsulat. Isinusulong rin itong na muling maging gamitin sa pag-aaral
ng mga bata at muling gamitin ng bawat Filipino sa ating pagsulat at pagbibigay ng
mensahe sa ating kapuwa. Sa kasalukuyan, ay isang ring Catechista sa Pamantasan ng
Notre Dame ng Marbel na patuloy na naninilbihan sa panginoon at nagpapalaganap ng
kaalaman sa bawat mag-aaral. Nilalayong buhayin ang kabutihan sa puso ng mga bata
at magkaroon ng matibay na pananampalataya sa ating panginoon. At siya ay patuloy na
nakakapasok sa mga Dean’s List sa Pamantasang Notre Dame ng Marbel.

99
Mellegrace B. Espiritu, Batsilyer sa
Sekondaryang Edukasyon
Nagpakadadalubhasa sa Filipino 3.
Ipinanganak sa lungsod ng Koronadal, Timog
Cotabato. Siya ay kasalukuyang nasa ikatlong taon
ng kolehiyo sa Pamantasang Notre Dame ng Marbel
at kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang
Edukasyon nagmemedyor sa Filipino. Siya ay
nagtapos ng Junior High School sa Bacongco
National High School at nagtapos ng Senior high
school sa Koronadal National Comprehensive High
School. Siya ay kasalukuyang kasapi ng Kapisanan
sa makabagong Filipino.

Si Romeo Jose V. Japsay, Batsilyer sa


Sekondaryang Edukasyon
Nagpakadadalubhasa sa Filipino 3 . Siya
nakatira sa Purok Gracia Villa, Barangay Zone 1,
Koronadal City, South Cotabato. Nagtapos siya ng
Junior High at Senior High School sa Koronadal
National Comprehensive High School. Siya ay
kasalukayang kasapi ng Kapisanan sa Makabagong
Filipino (KAMAFIL), College of Education Student
Council (CEDSC), Saint Marcellin Champagnat
(SMC), Akbay Volunteers’ Organization (AVO),
Caritas Schoolar.

100

You might also like