You are on page 1of 4

S T U D E N T ` S A C T I V I T Y S H E E T

Pangalan: Petsa:
Antas at Baitang: Paksang-Aralin:

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin.

Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapaglathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media).

Pamantayang Pampagkatuto: Naisusulat ang sariling kuwento na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay.

Paksang Aralin: Ang Kuwento ng Isang Oras (Maikling Kuwento)

Sanggunian: Dayag, Marasigan, et al (2017) Pinagyamang Pluma 10 Phoenix Publishing House, Inc. Quezon City
(Pp. 211-233)

Pagpapahalaga: Paglalahad ng pagtutol sa mga isyung pandaigdig na lumalabag sa karapatang pantao lalo na ng
kababaihan.

Bilang ng Aralin: 4
Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay ang kahulugan


b. Naipapaliwanag ang pagiging makatotohanan/di makatotohanan ng mga
pangyayari sa maikling kuwento
c. Nakabubuo ng sariling maikling kuwento tungkol sa nangyayari sa
kasalukuyang may kaugnayan sa mga pangyayari sa binasang kuwento

I – INTRODUKSYON

Panalangin
Pagbati
Pag tsek ng attendance

A. Pagganyak
Sa edad mong iyan ay maaaring napupuna mo na ang uri ng samahan o relasyong
namamagitan sa mga mag-asawa sa iyong paligid.

Ano-ano sa mga napansin mo ang makapagpatunay na hindi man


perpekto ay maganda ang samahan ng mag-asawa at kapwa sila masaya sa
kanilang relasyon? Isulat mo ang iyong sagot sa loob ng puso na nasa ibaba.
Ano-ano naman sa tingin mo ang mga senyales na hindi gaanong
maganda ang samahan ng mag-asawa at maaari pang mauwi sa hiwalayan
kung hindi maagapan? Isulat sa basag na puso ang iyong sagot.

B. Transisyon (Linking Statement)

“Sa pagitan ng babae at lalaki ay kailangan pairalin ang paggalang, hindi


maaaring dominahan o ituring na pag-aari ang isang nilalang.”

II – INTERAKSYON

Buksan ang pahina 214-217 at basahin ang maikling kuwentong


pinamagatang “Ang Kuwento ng Isang Oras” at pahina 224-226 tungkol
sa pagsulat ng maikling kuwento.

Gawain 1: Reaksyon mo, Ibigay mo!


Panuto: Suriin ang bawat teksto batay sa mga nakapaloob na isyung panlipunan.
Pumili lamang ng isa kung ito ba ay makatotohanan o hindi makatotohanan.
Magbigay ng reaksiyon o ipaliwanag ang iyong sagot hinggil dito kung
makatotohanan o hindi ang mga pangyayari sa akda.

Ang isang kapatid na buong


Makatotohan ingat na nagsasabi sa Hindi Makatotohan
1
Dahil____________________ kapatid ng isang masamang Dahil____________________
________________________ balita dahil alam niyang may ________________________
________________________ sakit ito sa puso ay …. ________________________

Ang isang babaeng agad


Makatotohan naniwala nang lubusan sa Hindi Makatotohan
balitang namatay na ang
2 Dahil____________________ Dahil____________________
kanyang asawa mula sa
________________________ ________________________
balitang narinig lang mula sa
________________________ ________________________
isang kaibigan ay …

Makatotohan Ang taong napabalitang Hindi Makatotohan


patay na subalit bigla na lang
3 Dahil____________________ Dahil____________________
________________________ sumulpot at iyon pala’y ________________________
________________________ buhay na buhay. ________________________

Makatotohan Ang isang taong may sakit sa Hindi Makatotohan


4 Dahil____________________ puso na namatay nang dahil Dahil____________________
________________________ sa labis na pagkabilay ay … ________________________
________________________ ________________________
Gawain 2: Payabungin Natin
Panuto: Basahin at suriin ang mga salitang nasa loob ng kahon. Piliin ang
dalawang salitang may magkatulad o magkaugnay na kahulugan. Itala ang mga
ito sa mga liny ana nakalaan sa ibaba.

aksidente matanto sakuna kailaliman banayad


marahan kaibuturan pagpigil pagsupil malaman

1. __________________ at _________________
2. __________________ at _________________
3. __________________ at _________________
4. __________________ at _________________
5. __________________ at _________________

C. Assessment Technique
Gawain 3: Pagtibayin, Kaalaman sa Gramatika
Panuto: Basahing Mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang
paksa o simuno at ikahon ang pandiwa. Pagkatapos, isulat sa linya kung
ang pandiwa ay may pokus na Sanhi o direksyunal.

__________ 1. Binalikan ng Taliban ang Pakistan para igiit ang kanilang gusto.
__________ 2. Ikinalungkot ng mga tao ang pagpigil ng grupo sap ag-aaral ng mga
batang babae.
__________ 3. Ikinagalit ng buong mundo ang pagbaril nila sa isang batang
nagtatanggol lang sa kanyang Karapatan.
__________ 4. Pinuntahan nila ang Amerika para roon ipagpatuloy ang kanyang
adbokasiya.
__________ 5. Ang tagumpay ni Malala ay ikinagalak ng buong mundo.

III – INTEGRASYON

A. Paglilipat ng Kaalaman

Gawain 4: Pagsulat ng Maikling Kuwento


Panuto: Sumulat ng sariling maikling kuwento. Maaari kayong gumamit ng alinmang
paksang napapanahon. Gamiting gabay sa pagsulat ang pamantayan sa ibaba.
Napakahusay 5 4 3 2 1 Sadyang Di
mahusay
Nailalahad nang Nakalilito at hindi
angkop at maayos ang maayos ang daloy
pagkakasunod-sunod ng mga
ng mga pangyayari sa pangyayari sa
kuwento. kuwento.
Angkop at Hindi angkop ang
makatotohanan ang mga tauhan at
mga tauhang ginamit hindi rin
sa maikling kuwento. makatotohanan
ang pagkakahabi
sa mga ito.
Napalutang ang Malabo at hindi
mensahe, aral, o napalutang ang
kakintalang taglay ng mensahe, aral, o
maikling kuwento. kakintalang taglay
ng maikling
kuwento.
Angkop ang mga Hindi angkop ang
diyalogo sa uri ng mga mga diyalogo sa
tauhan at paksang uri ng mga tauhan
tinalakay sa maikling at paksang
kuwento. tinalakay sa
maikling kuwento.

B. Repleksiyon
Paano nagiging makabuluhan ang mga bagong kaalaman at nakukuang aral sa
mga akdang nagmula sa iba’t ibang bansa?

C. Klusyor
Kung pagbibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng kuwentong iyong
binasa bagama’t mayroong wakas na, papaano mo ito wawakasan? Gamitin mo
ang mga bagay na naoobserbahan mo sa totoong buhay o yaong napanood na
halos may katulad sa sitwasyon upang magawan mo ito ng magandang wakas.

You might also like