You are on page 1of 22

MODYUL 1.

1- FILIPINO 9
TOPIKO: TAHANAN NG ISANG SUGAROL (MAIKLING KUWENTO)
ALAMIN
Isang mapagpalang araw sa iyo! Nasisiguro kong ikaw ay sabik na sabik na sa pag-alam ng
mga bagong kaalaman. Nagagalak akong iyo pa ring ipinagpapatuloy ang iyong pag-aaral sa kabila
ng panahon ng pandemya. Ngayon ay sisimulan na natin ang pagtuklas sa hiwaga ng mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
Naglalaman ang modyul na ito ng mga konsepto tungkol sa maikling kuwentong
makabanghay. Naglalahad ito ng isang maikling kuwentong Malaysian na may titulong “Tahanan ng
Isang Sugarol” na isinalin ni Rustica Carpio. Mula sa nasabing kuwento, makabubuo ang mga mag-
aaral ng kanilang mga hatol o pagmamatuwid sa mga nakapaloob sa akda.

MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano
batay sa napakinggang akda
2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
3. Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o
konotatibong kahulugan
4. Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

SUBUKIN
Bago mo talakayin ang mga topikong nakapaloob sa modyul na ito, nais kong malaman kung
hanggang saan ang nalalaman mo tungkol sa paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod
na aytem.
Panuto: Sagutin ang tanong.
Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng banghay bago ang pagsusulat ng kuwento? Ipaliwanag ang
iyong sagot gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap.
TUKLASIN
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang kadalasang nangyayari ngayon sa lipunan particular
na sa mga babae. Ikaw na ang bahalang humusga sa bawat pangyayaring nakasaad sa kuwento at
magnilay-nilay sa mga aral na hatid nito sa iyo.

SURIIN

Ang salita ay
maaaring magkaroon ng Halika at ating aalamin ang kuwentong nakapaloob sa
denotatibo at konotatibong makulay na buhay ng isang ina. Hanggang saan ang kaya niyang
kahulugan. tiisin upang mapanatiling buo ang kaniyang pamilya? Halika’t iyong
basahin ang kuwentong “Tahanan ng Isang Sugarol” na makikita sa
Denotatibo kung iyong teksbuk p. 10-18 o sumangguni sa link na ito
tumutukoy sa literal na https://www.facebook.com/AsignaturangFilipino/posts/tahanan-ng-isang-
kahulugan ng salita o sugarol-salin-ni-rustica-carpioang-maputing-ulap-sa-
kahulugang mula sa maaliwalas-/547844371940328/
diksiyonaryo.
Halimbawa: Ang ahas ay
PAGYAMANIN
Linangin pa ang iyong kasanayan sa pamamagitan ng pagsubok ng isa pang pagsasanay.
Pagsasanay 1: Pagtutulad
Panuto: Ihambing ang mga pang-aabusong naranasan din ng isang tauhan sa napili mong telenobela
sa iyong nabasang kuwento. Pagkatapos mong maghambingin ay maglahad ng mga mungkahing
paraan kung paano mahihinto ang mga pang-aabusong ito.

ISAISIP
Ang domestic violence ay tunay ngang laganap pa din sa ating lipunan hanggang ngayon.
Dapat ay may kaalaman tayo sa mga ganitong sitwasyon upang mailigtas natin ang ating mga sarili
sa ganitong uri ng pang-aabuso.

ISAGAWA
Ibahagi ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagawa ng pagsasanay na ito.
Pagsasanay 2: Paggawa ng Reaction Paper
Panuto: Gumawa nga isang reaction paper tungkol sa buhay na mayroon si Lian-chiao.
Siguraduhing may simula, katawan, at wakas ang iyong gagawing sulatin.
Nilalaman- 10
Kalinawan, Kaisahan, at Kaugnayan-10
Wastong gamit ng mga sakita, wastong baybay, wastong bantas, at wastong gramatika- 10

WORKSHEET-FILIPINO 9
SUBMIT THIS PAGE ONLY
PANGALAN: ______________________________ BAITANG AT SEKSIYON:
____________
MODYUL #1.1- FILIPINO 9
TOPIKO: TAHANAN NG ISANG SUGAROL (MAIKLING KUWENTO)
SUBUKIN
Panuto: Sagutin ang tanong.
Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng banghay bago ang pagsusulat ng kuwento? Ipaliwanag ang
iyong sagot gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
PAGYAMANIN
Pagsasanay 1: Pagtutulad
Panuto: Ihambing ang mga pang-aabusong naranasan din ng isang tauhan sa napili mong telenobel
sa iyong nabasang kuwento. Pagkatapos mong maghambing ay maglahad ng mga mungkahing
paraan kung paano mahihinto ang mga pang-aabusong ito.

Ang naiisip kong paraan para mahinto ang mga ganitong uri ng pang-aabuso ay
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

ISAGAWA
Pagsasanay 2: Paggawa ng Reaction Paper
Panuto: Gumawa nga isang reaction paper tungkol sa buhay na mayroon si Lian-chiao.
Siguraduhing may simula, katawan, at wakas ang iyong gagawing sulatin. Isulat ito sa likurang
bahagi ng papel na ito.
Nilalaman- 10
Kalinawan, Kaisahan, at Kaugnayan-10
Wastong gamit ng mga sakita, wastong baybay, wastong bantas, at wastong gramatika- 10
_________________________________________________________________________________

I declare under oath that this Worksheet has been accomplished by me with honesty and integrity, and is a true, correct
and complete statement.
 
_________________________________
(Signature over printed name of student)
 
Submitted by: ____________________ Received by: _____________________Date: _____________
MODYUL 1.1- FILIPINO 9 (CONTINUATION)
TOPIKO: TAHANAN NG ISANG SUGAROL (MAIKLING KUWENTO)

ALAMIN
Maligayang pagbabalik! Mula sa maikling kuwentong iyong tinalakay noong nakaraang
linggo, sa modyul na ito, masusuri mo ito batay sa paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.
MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa Paksa, Mga tauhan, Pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa
2. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay

SURIIN
Ipagpatuloy na ang iyong pagtalakay sa iyong aralin.
Ang Kuwentong Makabanghay
 ang isang kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga
pangyayari
Banghay
 maayos na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan tulad
ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela
 mula sa banghay ay makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang
pagkakaugnay-ugnay ay mabilis na galaw ng mga pangyayari
Karaniwang Balangkas ng mga Akdang Pasalaysay
1) Panimulang pangyayari- pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin
2) Papataas na pangyayari- nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning
magpapasidhi sa interes o kapanabikan
3) Kasukdulan- pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang
kanyang suliranin
4) Pababang Pangyayari- matatamo ng pangunahing tauhan ang layunin
5) Resolusyon/Wakas- magkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas
Sa maraming pagkakataon, tayo ay nagbibigay ng mga pagkasunod-sunod ng mga bagay,
pangyayari, panuto, at iba pa. Mahalaga kung gayon na alam natin ang mga salita, kataga, o pahayag
na nagpapakita ng wastong pagkasunod-sunod para magamit natin ayon sa pangangailangan.
1. Kapag ang pinagsusunod-sunod ay pangngalan, gumamit ng mga pang-uring pamilang na
panuruan o ordinal. Ang mga bilang na ito ay nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga
tao, bagay, hayop, lugar, at gawain.
Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, pangatlo si Ama
2. Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseo o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad ng
pagluluto, paglalaba o paggawa ng iba’t ibang bagay o ‘yong tinatawag na tekstong
prosidyural, ginagamit ang mga sumusunod:
 Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, panghuli, at
iba pa
 Mga salitang pamilang+pang-uring pamilang o ang salitang step+pang-uring
pamilang
Halimbawa: Step 1, Step 2, Step 3
Unang hakbang, Ikalawang hakbang, Ikatlong hakbang
3. Kapag naman pangyayari sa kuwento ang pinagsusunod-sunod, madalas ay hindi na
ginagamitan ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o time sequence subalit
mahalagang nabasa at naunawaang mabuti ang kuwento sapagkat mga pangyayari lang ang ilalahad
na kailangang ayusin ayon sa kung paano nangyari sa binasa.
*Balikang muli ang maikling kuwentong “Tahanan ng Isang Sugarol”.

PAGYAMANIN
Pagkatapos mong mabasang muli ang kuwento, iyong suriin ang kabuoan nito sa
pamamagitan ng pagsawaga ng mga pagsasanay.
Panuto: Kumpletuhin ang dayagram batay sa mga pangyayari sa kuwentong “Tahanan ng Isang
Sugarol.”

ISAISIP
Ang kuwentong makabanghay ay isang kuwentong nag-bibigay diin sa banghay o maayos
na daloy ng mga pangyayari. Ito ay naglalaman ng panimulang pangyayari, papataas na pangyayari,
kasukdulan, pababang pangyayari at resolusyon o wakas.

ISAGAWA
Ang ating mundo sa kasalukuyan ay may mga suliraning kinakaharap. Dahil sa
pandemyang patuloy na lumalaganap, maraming tao ang nawalan ng kabuhayan at mapgkakakitaan
maging nga mga mahal sa buhay.
Panuto: Gamit ang mga wastong pag-ugnay, magsulat ng isang talata na naglalaman ng mga
hakbangin upang malagpasan ang mga suliraning kinakaharap sa kasalukuyan.
Pamantayan Mahusay (5) Natugunan (3) Umuunlad (2)
Nilalaman Detalyadong-detalyado at Detalyado at angkop ang Malinaw bagamat kulang
angkop ang mga ideyang mga ideyang ginamit sa ang mga ideyang ginamit sa
ginamit sa pagbuo ng mga pagbuo ng mga pahayag. pagbuo ng mga pahayag.
pahayag.
Organisasyon Kawili-wili, kaabang-abang Malinaw at maayos ang May ilang mga bahaging
at napakalinaw ang paglalahad ng ideya mula hindi malinaw ang ugnayan
paglalahad ng datos mula sa simula hanggang katapusan ng ideya
simula hanggang katapusan.
Paggamit nga Pag]ng-ugnay Gumamit nga 10-15 na pang- Gumamit ng 5-9 na pang- Gumamit ng 1-4 na pang-
ugnay. ugnay. ugnay.

WORKSHEET-FILIPINO 9
SUBMIT THIS PAGE ONLY
PANGALAN: ______________________________ BAITANG AT SEKSIYON:
____________
MODYUL #1.1 (continuation)- FILIPINO 9
TOPIKO: TAHANAN NG ISANG SUGAROL (MAIKLING KUWENTO)
PAGYAMANIN
Panuto: Kumpletuhin ang dayagram batay sa mga pangyayari sa kuwentong “Tahanan ng Isang
Sugarol.”
Mga Tauhan: Tagpuan:
Banghay

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

ISAGAWA
Panuto: Gamit ang mga wastong pag-ugnay, magsulat ng isang talata na naglalaman ng mga
hakbangin upang malagpasan ang mga suliraning kinakaharap sa kasalukuyan. Gamitin ang likurang
bahagi ng iyong papel na ito.
Pamantayan Mahusay (5) Natugunan (3) Umuunlad (2)
Nilalaman Detalyadong-detalyado at Detalyado at angkop ang Malinaw bagamat kulang
angkop ang mga ideyang mga ideyang ginamit sa ang mga ideyang ginamit sa
ginamit sa pagbuo ng mga pagbuo ng mga pahayag. pagbuo ng mga pahayag.
pahayag.
Organisasyon Kawili-wili, kaabang-abang Malinaw at maayos ang May ilang mga bahaging
at napakalinaw ang paglalahad ng ideya mula hindi malinaw ang ugnayan
paglalahad ng datos mula sa simula hanggang katapusan ng ideya
simula hanggang katapusan.
Paggamit nga Pag]ng-ugnay Gumamit nga 10-15 na pang- Gumamit ng 5-9 na pang- Gumamit ng 1-4 na pang-
ugnay. ugnay. ugnay.
MODYUL1.2 FILIPINO 9
TOPIKO: PANITIKAN-TIMAWA KABANATA I (NOBELA)
GRAMATIKA- PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG
OPINYON

ALAMIN

Isang malugod na araw sa iyo. Nais kong ikaw ay nasa maayos na kalagayan sa puntong ito.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang kabanata ng isang nobela. Alamin natin kung ano
ang nakapaloob sa dito. Naglalaman din ito ng mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon.
Sa modyul na ito, malalaman natin kung paano ang wastong paggamit ng mga pahayag na ito.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang magagawa mo

ang mga sumusunod:
1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela
2. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela
3. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda
4. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan
5. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili
6. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala /
pahayag / ko, iba pa)

SUBUKIN
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng
pagsagot ng panimulang pagtataya.
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong pagkakaintindi. Isulat ang tinutukoy ng bawat
pahayag.
_____ 1. Ito ay isang mahabang likhang pampanitikan na may makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod-sunod at magkakaugnay
_____ 2. Ang tawag sa tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
_____ 3. Ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa sa kalikasan.
_____ 4. Ito ay tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
_____ 5. “Sa tingin ko…”- Ang pahayag na ito ay ginagamit sa pagbibigay ng anong uri ng
opinyon?

TUKLASIN
Ang nobelang iyong mababasa ay itinuturing na malapit sa puso ni Fabian, ang manunulat ng
nobelang ito, dahil gaya ng pangunahing tauhan ay nagtapos din siya ng pag-aaral sa Estados
Unidos. Sarili niyang karanasan ang naging inspirasyon sa akdang ito.

SURIIN

Sa puntong ito, iyo nang basahin ang unang kabanata ng nobelang Timawa sa iyong teksbuk
pahina 37-42. Alamin kung ano-ano ang mga napagdaanan ni Andres Talon bago siya nakarating sa
Amerika. Maligayang pagbabasa!

Ang nobela ay isang mahabang likhang pampanitikan. Ito ay makasining na pagsasalaysay

ng maraming pangyayaring magkasunod-sunod at magkakaugnay. Ang bawat bahagi nito ay may
mahalagang ginagampanan sa kabuuan ng nobela. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang
tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela.

*Alamin ang kahulugan at mga tunggalian sa nobela sa iyong teksbuk pahina 49.
Ang pagbibigay ng opinyon ay hindi na bago sa atin. Sa ating pangaraw-araw na pamumuhay, tayo
ay nagbibigay ng opinyon sa mga bagay bagay sa ating mga nararanasan, nakikita o naririnig. Pag-
aralan ang mga pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon (Isaisip Natin pahina 53).

PAGYAMANIN

Ipakita mo sa gawaing ito ang pagkakaunawa sa aralin sa pamamagitan ng pagsagawa ng bawat

pagsasanay.

Pagsasanay 1
Panuto: Hanapin at sipiin sa nobelang binasa ang bahaging nagpapakita ng pinakamataas na
katotohanan, kabutihan, at kagandahang nangyari sa akda. Isulat ang iyong sagot sa talahanayan at
saka ipaliwanag kung bakit ito ang iyonG sagot.
Sumangguni sa iyong aklat Buon Natin pahina 46.

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang ilang pagpapahalagang Pilipinong makikita sa iyong teksbuk Subukin Pa
Natin pahina 54-55. Sumulat ng iyong opinyon kung ito ba ay iyong namamalas pa sa kasalukuyan
at kung paano ito makakatulong upang mapalaki kang isang mabuting tao at mabuting Pilipino.

ISAISIP
Ang nobela ay isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod
at magkaugnay. Ang katuturan nito ay ayon sa karanasan ng tao sa kaniyang sarili at sa kaniyang
buhay.Sa isang nobela, may mga tunggaliang nagaganap upang mas kapana-panabik ang bawat
tagpo nito. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: pisikal, panlipunan, at panloob o sikolohikal.
Sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi natin maiiwasan ang pagbibigay opinyon sa mga
bagay-bagay sa ating kapaligiran. May mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon gaya ng
“Kumbinsido akong…” at “Lubos kong pinaniniwalaan…” (pagbibigay ng matatag na opinyon) at
“Sa aking palagay…” at “Sa totoo lang…”

ISAGAWA

Sa puntong ito, alam kong kayang-kaya mo nang gawin ang pagsasanay na ito.
Pagsasanay 3
Sa pagsasanay na ito, sumangguni sa iyong teksbuk Isulat Natin pahina 51.
WORKSHEET-FILIPINO 9
SUBMIT THIS PAGE ONLY
PANGALAN: ________________________ BAITANG AT SEKSIYON: ____________
MODYUL #1.2 - FILIPINO 9
TOPIKO: PANITIKAN-TIMAWA KABANATA I (NOBELA)
GRAMATIKA- PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG
OPINYON
SUBUKIN
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong pagkakaintindi. Isulat ang tinutukoy ng bawat
pahayag.
_____ 1. Ito ay isang mahabang likhang pampanitikan na may makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod-sunod at magkakaugnay
_____ 2. Ang tawag sa tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
_____ 3. Ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa sa kalikasan.
_____ 4. Ito ay tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
_____ 5. “Sa tingin ko…”- Ang pahayag na ito ay ginagamit sa pagbibigay ng anong uri ng
opinyon?

PAGYAMANIN
Pagsasanay 1
Panuto: Hanapin at sipiin sa nobelang binasa ang bahaging nagpapakita ng pinakamataas na
katotohanan, kabutihan, at kagandahang nangyari sa akda. Isulat ang iyong sagot sa
talahanayan at saka ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot.
Sumangguni sa iyong aklat Buon Natin pahina 46.

Pinakamataas na katotohanan sa akda Paliwanag

Kabutihang nakita sa akda Paliwanag

Kagandahang nakita sa akda Paliwanag

9
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang ilang pagpapahalagang Pilipinong makikita sa iyong teksbuk Subukin
Pa Natin pahina 54-55. Sumulat ng iyong opinyon kung ito ba ay iyong namamalas pa sa
kasalukuyan at kung paano ito makakatulong upang mapalaki kang isang mabuting tao at
mabuting Pilipino.

 Pagbibigay ng matatag na opinyon

1. ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_
2. ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________
 Pagbibigay ng neutral na opinyon

Panuto: Kumpletuhin ang dayagram batay sa napanood na teleserye.
Pamagat ng teleserye: _________________________________________________________
Bansa sa asyang pinaggalingan nito: _____________________________________________

Mga tunggaliang Nakita sa teleserye- Pisikal/Panlipunan/Sikolohikal na Tunggalian

10
MODYUL 1.3 FILIPINO 9
TOPIKO: PUTING KALAPATI LIBUTIN ITONG SANDAIGDIGAN
(TULA)

ALAMIN
Binabati kita ng isang mapagpalang araw! Alam kong nahihirapan ka na sa dami ng
iyong ginagawa ngunit ipinagdarasal ko na sa kabila ng mga paghihirap mo ay huwag kang
mawalan ng pag-asang matatapos mo ito. Laban lang!
Ang modyul ito ay kinapapalooban ng isang tula na pinamagatang “Puting Kalapati
Libutin Itong Sandaigdigan” ni Usman Awang, isang Malaysian. Sa pamamagitan nito, mas
mamahalin mo pa ang iyong pagiging Asyano.
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula
2. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano
3. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan
4. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng
rehiyong Asya
SUBUKIN
Ating tuklasin kung saan ang hangganan ng iyong kaalaman tungkol sa iyong aralin sa
modyul na ito.
Panuto: Isulat sa patlang ang tinuukoy ng bawat pahayag.
_____1. Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,
ipinararating saating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
_____ 2. Ang uri ng tulang ito ay nagsasaad ng maalab na pagmamahal sa bayan.
_____ 3. Ang ganitong uri ng tula ay may kinalaman sa pagmamahalan.
_____ 4. Isa ito sa mga elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod sa
isang saknong.
_____ 5. Kilala ang uri ng tulang ito sa mga bansang agrikultural tulad ng Pilipinas, Indnesia,
at Vietnam.

TUKLASIN
Ang tulang iyong babasahin ay isinulat ng isang Malaysian National Laureate- si Dr.
Usman Awang. Siya ay hindi lamang nakilala sa Malaysia kundi maging sa Singapore. Sa
katunyan, siya ay naging editor ng panitikang dyornal sa bansang ito gaya ng Utusan Zaman at
kabilang sa ASAS ’50-ang unang samahang pampanitikang Malay sa nasabing bansa.
SURIIN

Ang ating topiko sa linggong ito ay tungkol sa tula. Alam kong isa ka sa mga kabataan
na mahilig manood at gumawa ng mga tula lalong lalo na ang spoken poetry o ang tinatawag na
malayang taludturan. Sa modyul na ito, mas mapapalawak pa iyong kaalaman tungkol sa tula.
Basahin at damdamin ang bawat salitang nakapaloob sa tulang “Puting Kalapati Libutin Itong
Sandaigdigan” sa iyong teksbuk pahina 61-62. Pagkatapos, ating alamin ang tungkol sa tula at
ang mga karaniwang paksa nito sa iyong teksbuk pahina 67-68.

11
PAGYAMANIN
Upang mapalawak pa iyong kaalaman tungkol sa aralin, gawin ang mga sumusunod na
pagsasanay. Ilagay ang iyong mga sagot sa likurang bahagi ng iyong modyul ang mga
pagsasanay na ito.
Pagsasanay 1
Ang tulang iyong binasa bagama’t maiksi ay kakikitaan ng malalim na damdamin ng may akda
patungkol sa paghahanap ng kapayapaan at pag-asa sa buhay. Lagyan ng angkop na emoticon
ang mga kahon bilang pagsusuri sa damdaming nangingibabaw sa mga taludtod na nakatala.
Pagkatapos ay gawin ang kasunod na pagsasanay. Sumangguni sa iyong aklat Buoin Natin
pahina 65-55.

ISAISIP
Ang tula ay mabisang pagpapahayag ng ating ideya, naiisip at nararamdaman. Upang mas
malikhain ang pagkakasulat ng iyong tula, isaalang-alang ang mga sumusunod na elemento kagaya ng
sukat, tugma, kariktan, at talinghaga para sa mas mabisang pagpapahayag. Hindi lahat ng tula ay may
tugma at sukat ngunit naipapahayag pa rin ang kaisipan at nararamdaman. Ito’y tinatawag na malayang
taludturan na talamak ngayon sa internet.

ISAGAWA
Ngayong ganap mo nang nalaman ang mga batayang konsepto ng tula, kaya mo nang gawin
ang pagsasanay na ito.
Pagsasanay 2: Pagsulat ng Tula
Panuto: Sumulat ng tula na may anyong malayang taludturan na naglalaman ng hindi bababa sa
2 saknong. Ang bawat saknong ay may apat (4) na taludtod na may temang pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng kontinenteng Asya.
Mga Pamantayan Laang Aking
Puntos Puntos
1. Nakasulat ng taludtod na naglalarawan ng pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng Asya.

5
2. Nakabuo ng tulang hindi bababa sa dalawang taludtod 3
3. Kawili-wili at napapanahon ang pagpapahayag sa kabuoan ng tula.

12
2
Kabuoang
Puntos
10- Napakahusay 8-9- Mahusay 6-7- Katamtaman 4-5- Sadyang Di-mahusay 2-3 Di-gaanong Mahusay

WORKSHEET-FILIPINO 9
SUBMIT THIS PAGE ONLY
PANGALAN: ________________________ BAITANG AT SEKSIYON: ____________
MODYUL 1.3 FILIPINO 9
TOPIKO: PUTING KALAPATI LIBUTIN ITONG SANDAIGDIGAN (TULA)

SUBUKIN
Panuto: Isulat sa patlang ang tinuukoy ng bawat pahayag.
_____1. Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,
ipinararating saating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
_____ 2. Ang uri ng tulang ito ay nagsasaad ng maalab na pagmamahal sa bayan.
_____ 3. Ang ganitong uri ng tula ay may kinalaman sa pagmamahalan.
_____ 4. Isa ito sa mga elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod sa
isang saknong.
_____ 5. Kilala ang uri ng tulang ito sa mga bansang agrikultural tulad ng Pilipinas, Indnesia,
at Vietnam.
PAGYAMANIN
Pagsasanay 1
Ang tulang iyong binasa bagama’t maiksi ay kakikitaan ng malalim na damdamin ng may akda
patungkol sa paghahanap ng kapayapaan at pag-asa sa buhay. Lagyan ng angkop na emoticon
ang mga kahon bilang pagsusuri sa damdaming nangingibabaw sa mga taludtod na nakatala.
Pagkatapos ay gawin ang kasunod na pagsasanay. Sumangguni sa iyong aklat Buoin Natin
pahina 65-55.

ISAGAWA
Pagsasanay 2: Pagsulat ng Tula
Panuto: Sumulat ng tula na may anyong malayang taludturan na naglalaman ng hindi bababa sa
2 saknong. Ang bawat saknong ay may apat (4) na taludtod na may temang pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng kontinenteng Asya. Isulat ito sa likurang bahagi ng papel na ito.
Mga Pamantayan Laang Aking
Puntos Puntos
1. Nakasulat ng taludtod na naglalarawan ng pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng Asya.

5
2. Nakabuo ng tulang hindi bababa sa dalawang taludtod 3
3. Kawili-wili at napapanahon ang pagpapahayag sa kabuoan ng tula.
2
Kabuoang
Puntos
10- Napakahusay 8-9- Mahusay 6-7- Katamtaman 4-5- Sadyang Di-mahusay 2-3 Di-gaanong Mahusay

MODYUL 1.4 FILIPINO 9

TOPIKO: PANITIKAN- TATLONG MUKHA NG KASAMAAN
(SANAYSAY)

13
GRAMATIKA- MGA PANG-UGNAY AT MGA PAHAYAG NA
GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG PANANAW

ALAMIN
Malugod na pagbati sa iyo!
Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang sanaysay na “Tatlong Mukha ng
Kasamaan” ni U Nu, ang kauna-unahang punong ministro ng Burma ngayon ay Myanmar.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga pang-ugnay at mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng pananaw.
Halika at atin nang simulan.
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1. Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan
2. Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng
kabataang Asyano
3. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw

SUBUKIN
Ngayon ay sisimulan natin ang bagong aralin ngunit gawin muna ang pagsasanay sa ibaba.
Panuto: Sagutin nang may 1-2 pangungusap lamang.
Paano nakatutulong sa iyo ang pagsulat ng sanaysay?

TUKLASIN

SURIIN
Sa pagkakataong ito, ating bubuksan ang isang bagong aralin. Ito ay tungkol sa sanaysay.
Bilang batayan sa araling ito, basahin ang isang sanaysay na “Tatlong Mukha ng Kasamaan”
ng Prime Minister ng Burma ngayon ay Myanmar, U Nu (Thankin Nu). Basahin ito sa iyong
teksbuk pahina 81-83.
Sanaysay- isang sulating na kung saan ito ay kadalasang naglalaman ng kuro-kuro o opinyon
ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa. Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid
ang iyong saloobin sa isang paksa o isyu.
Mga Bahagi ng Sanaysay

14
Mas epektibo mong maipapahayag ang iyong mga pananaw sa pamamagitan
ng paggamit ng tamang pag-ugnay at mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng
sariling pananaw. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga ito sa iyong teksbuk
Isasip Natin pahina 92-93.

PAGYAMANIN
Isagawa ang mga sumusunod na pagsasanay upang mas malinang pa ang iyong kaalaman sa
araling ito.
Pagsasanay 1: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: May mga salitang higit sa isa ang kahulugan kagaya ng mga salitang nasalungguhitan.
Isulat ang titik ng tamang kahulugan nito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. .
Sumulat ng paliwanag sa linya kung bakit ito ang iyong napiling sagot.

a. pag-aaral sa loob ng paaralan

b. pangkat o kalsipikasyon
___ 1. Sa pagsisimula ng klase ay maraming nasasabik na mag-aaral dahil magkikita-kita na
silang magkakaklase.
___ 2. Sana’y wala ng klase ang mga tao sa lipunan.

a. gawaing mabigat
b. namumuhay sa kasalatan
___ 3. Bagaman mahirap ang pamilya ni Mang Berting ay may pagmamahl at malasakit sa
bawat miyembro nito.
___ 4. Ang pagkamit sa tagumpay ay tunay ngang mahirap.

a. impormasyon
b. talino o husay

___ 5. Ang mga kaalamang nakalap kong impormasyon sa internet ay susurrin kong mabuti
bago ilagay sa aking sulatin.
___ 6. Gagamitin ko ang aking kaalaman sa pagtuturo sa mga kapwa nating kapus-palad.

ISAISIP
Tandaan ang mga sumusunod na kaisipan tungkol sa araling ito.
Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na karaniwang naglalaman ng pananaw ng may
akda. Pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pang-araw-araw na
pangyayari at pagmumuni-muni ng isang tao. Ang sanaysay ay binubuo ng simula, bilang
pinakamahalagang bahagi nito dahil ito nakukuha ang atensyon ng mga mambabasa; katawan,
dito makikita ang mga mahahalagang puntos ng sanaysay; at wakas, ang konklusyon ng
sanaysay.
Sa wikang Filipino, ang mga pang-ugnay ay kadalasang kinakatawan ng pang-
angkop(katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan kagaya ng na at -ng), pang-
ukol (salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap kagaya
ng sa at ukol sa), at pangatnig (salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
kagaya ng pati at gayundin)

15
ISAGAWA
Magaling! Nasisiguro kong kayang- kaya mo nang gamitin ang iyong mga natutunan sa
pagsasanay na ito. Kung gayon, simulan mo nang gawin ang isinasaad sa pagsasanay 2.
Pagsasanay 2: Pagsulat ng Sanaysay
Gamit ang mga iba’t ibang pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw, sumulat
ng isang sanaysay na may 10-15 pangungusap tungkol sa mga katangiang dapat at hindi dapat
taglayin ng isang kabataang Asyano. Siguraduhing kumpleto ang bawat bahagi nito.

Pamantayan Puntos Aking Puntos

Nilalaman 5
Organisasyon 5
Gramatika 5
Kabuoang Puntos
WORKSHEET-FILIPINO 9
SUBMIT THIS PAGE ONLY
PANGALAN: ___________________________ BAITANG AT SEKSIYON:
____________
MODYUL 1.4 FILIPINO 9
TOPIKO: PANITIKAN- TATLONG MUKHA NG KASAMAAN (SANAYSAY)
GRAMATIKA- MGA PANG-UGNAY AT MGA PAHAYAG NA
GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG PANANAW
SUBUKIN

Panuto: Sagutin nang may 1-2 pangungusap lamang.

Paano nakatutulong sa iyo ang pagsulat ng sanaysay?

PAGYAMANIN
Pagsasanay 1: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: May mga salitang higit sa isa ang kahulugan kagaya ng mga salitang nasalungguhitan.
Isulat ang titik ng tamang kahulugan nito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. .
Sumulat ng paliwanag sa linya kung bakit ito ang iyong napiling sagot.

c. pag-aaral sa loob ng paaralan

d. pangkat o kalsipikasyon
___ 1. Sa pagsisimula ng klase ay maraming nasasabik na mag-aaral dahil magkikita-kita na
silang magkakaklase.
___ 2. Sana’y wala ng klase ang mga tao sa lipunan.

c. gawaing mabigat
d. namumuhay sa kasalatan
___ 3. Bagaman mahirap ang pamilya ni Mang Berting ay may pagmamahl at malasakit sa
bawat miyembro nito.
___ 4. Ang pagkamit sa tagumpay ay tunay ngang mahirap.

c. impormasyon
d. talino o husay

___ 5. Ang mga kaalamang nakalap kong impormasyon sa internet ay susurrin kong mabuti
bago ilagay sa aking sulatin.
16
___ 6. Gagamitin ko ang aking kaalaman sa pagtuturo sa mga kapwa nating kapus-palad.

ISAGAWA
Magaling! Nasisiguro kong kayang- kaya mo nang gamitin ang iyong mga natutunan sa
pagsasanay na ito. Kung gayon, simulan mo nang gawin ang isinasaad sa pagsasanay 2.
Pagsasanay 2: Pagsulat ng Sanaysay
Gamit ang mga iba’t ibang pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw, sumulat
ng isang sanaysay na may 10-15 pangungusap tungkol sa mga katangiang dapat at hindi dapat
taglayin ng isang kabataang Asyano. Siguraduhing kumpleto ang bawat bahagi nito.

Pamantayan Puntos Aking Puntos

Nilalaman 5
Organisasyon 5
Gramatika 5
MODYUL #1.5-#1.6- FILIPINO 9
TOPIKO: MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA (DULA)
ALAMIN
Binabati kita ng isang mapagpalang araw! Alam kong nahihirapan ka na sa dami ng
iyong ginagawa ngunit ipinagdarasal ko na sa kabila ng mga paghihirap mo ay huwag kang
mawalan ng pag-asang matatapos mo ito. Laban lang!
Ang topiko sa modyul na ito ay tungkol sa isanulang Pilipino na pinamagatang
“Makapaghihintay ang Amerika.” Tunghayan ang mahusay na pagkakagawa ng akdang ito.
Kasabay nito ay ang nakakaantig na mga pangyayari sa bawat eksena na magbibigay pag-asa sa
mga mambabasa.
MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng
akda
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito
3. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula
4. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga,
tunay, iba pa

SUBUKIN
Upang malaman kung hanggang saan ang alam mo na sa aralin naito, gawin ang pagsasanay sa
ibaba.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ay pahayag ay wasto, MALI naman king hindi.
____ 1. Nakasalalay sa tauhan ang maayos at makatotohanang pagkakahabi at pagiging
epektibo ng akda.
____ 2. Ang tauhang lapad ay nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang wakas.
____ 3. Ang pantulong na tauhan ay ang pinakamahalang tauhan sa akda.
____ 4. Ang Katunggaling tauhan ay ang sumasalungat ng pangunahing tauhan.
____ 5. Ang tauhang bilog ay nagbabago ang katauhan sa kabuoan ng akda.
TUKLASIN
Sa araling ito ay isang dula mula sa Pilipinas ang iyong mababasa. Sinulat ni Dionisio
S. Salazar na nagwagi ng unang pantimpala sa Gawad Palanca noong 1968. Siya ay

17
pinarangalan ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ng Gawad Pambansang
ALagad ni Balagtas, ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng union.

SURIIN
Nais mo din bang makapunta ng Amerika? Ano ang nag udyok sa iyo at gusto mong
pumunta doon? Sa pagsisimula ng ating bagong aralin, matututunan mo ang halaga ng isang
pamilyang buo at ganap na nagmamahalan dahil higit na mahalaga ito kaysa sa yamang
materyal ng sanlibutan.
Makapaghihintay ang Amerika
Ni Dionisio S. Salazar
Unang Yugto
Pagbukas ng tabing ay makikita ang salas ng inuupahang aksesorya ng mga Cortez sa Sta.
Cruz, Maynila. Maluwang ang salas na kakikitaan ng mga mamahali’t makabagong muwebles,
telebisyon, hifi, atbp. Kaagad mahihinuhang may mabuting panlasa ang mga nakatira rito.
Ituloy ang pagbasa sa iyong teksbuk pahina 102-126.

Alamin din ang tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay sa iyong teksbuk pahina 132-
133.
Upang maa maayos ang iyong gagawing akda sa mga pagsasanay, isaisip ang mga
Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon sa iyong teksbuk pahina 137-
138.

ISAISIP
Ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa anumang akdang tuluyan ay ang
sumusunod:
Pangunahing tauhan- ang pinakamahalagang tauhan sa akda.
Katunggaling tauhan- siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
PAGYAMANIN
Linangin pa ang iyong kasanayan sa pamamagitan ng pagsubok ng mga pagsasanay sa ibaba.
Pagsasanay 1:
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang kukompleto sa pangungusap. Saka ipaliwanag sa
linya ang kahulugan nito batay sa pagbabago ng estruktura nito. Sumangguni sa iyong aklat
pahina 99-100 (1-5 lamang).
Pagsasanay 2
Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan sa kabilang pahina. Suriin kung anong papel ang
ginampanan ng mga tauhang nakatala rito at bumuo ng kritikal na paghuhusga sa pagiging
epektibo ng bawat tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda. Kopyahin ang
dayagram sa iyong worksheet. Sumangguni sa iyong teksbuk pahina 134-135.

18
Pantulong na Tauhan- karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.
Ang may-akda- sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa
loob ng akda.
Ang tauhang bilog o round character ay nagbabago ang kanyang katauhan sa
kabuoan ng akda samantalang ang tauhang lapad o flat character ay tauhang hindi nagbabago
ang pagkatao mula simula hanggang katapusan ng kuwento.

ISAGAWA
Ibahagi ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagawa ng pagsasanay na ito.
Pagsasanay 3
Panuto : Sundan ang balangkas na makikita sa iyong teksbuk pahina 141 para sa gagawin mong
pagsusuri gayundin ang pamantayang nakatala sa ibaba. Gawin ang pagsusuri sa iyong worksheet.
Sumangguni sa iyong teksbuk pahina 141 para sa kabuoan ng iyong pagsasanay.

WORKSHEET-FILIPINO 9
SUBMIT THIS PAGE ONLY
PANGALAN: ___________________________ BAITANG AT SEKSIYON:
____________
MODYUL #1.5-#1.6- FILIPINO 9
TOPIKO: MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA (DULA)

SUBUKIN
Panuto: Isulat ang TAMA kung ay pahayag ay wasto, MALI naman king hindi.
____ 1. Nakasalalay sa tauhan ang maayos at makatotohanang pagkakahabi at pagiging
epektibo ng akda.
____ 2. Ang tauhang lapad ay nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang wakas.
____ 3. Ang pantulong na tauhan ay ang pinakamahalang tauhan sa akda.
____ 4. Ang Katunggaling tauhan ay ang sumasalungat ng pangunahing tauhan.
____ 5. Ang tauhang bilog ay nagbabago ang katauhan sa kabuoan ng akda.

PAGYAMANIN
Linangin pa ang iyong kasanayan sa pamamagitan ng pagsubok ng mga pagsasanay sa ibaba.
Pagsasanay 1:
19
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang kukompleto sa pangungusap. Saka ipaliwanag sa
linya ang kahulugan nito batay sa pagbabago ng estruktura nito. Sumangguni sa iyong aklat
pahina 99-100 (1-5 lamang)
Pagsasanay 2
Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan sa kabilang pahina. Suriin kung anong papel ang
ginampanan ng mga tauhang nakatala rito at bumuo ng kritikal na paghuhusga sa pagiging
epektibo ng bawat tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda. Kopyahin ang
dayagram sa iyong worksheet. Sumangguni sa iyong teksbuk pahina 134-135.

ISAGAWA
Pagsasanay 3
Panuto : Sundan ang balangkas na makikita sa iyong teksbuk pahina 141 para sa gagawin mong
pagsusuri gayundin ang pamantayang nakatala sa ibaba. Gawin ang pagsusuri sa iyong
worksheet. Sumangguni sa iyong teksbuk pahina 141 para sa kabuoan ng iyong pagsasanay.

MGA SANGGUNIAN
MODYUL 1.1
Baisa, Aileen J., del Rosario,Mary Grace, Pinagyamang Pluma 2018 Quezon Ave., Quezon
City : Phoenix Publishing House
Zaide, Loida M., Bahaghari 2017 BLK. 9, Lot 4, Apitong St., Richard Hills, Phase 1, Puting
Kahoy, Silang, Cavite: Pisara Publishing,
https://www.facebook.com/AsignaturangFilipino/posts/tahanan-ng-isang-sugarol-salin-ni-
rustica-carpioang-maputing-ulap-sa-maaliwalas-/547844371940328/

Julian, Aileen G., del Rosario,Mary Grace G., Pinagyamang Pluma 9 pahina 34-58, Phoenix
Publishing House, 2018, Quezon Ave., Quezon City : Phoenix Publishing House

MODYUL 1.2
Julian, Ailene B., del Rosario, Mary Grace, Pinagyamang Pluma-9 , p. 6-34, 927 Quezon Ave.,
Quezon City : Phoenix Publishing House, 2018

MODYUL 1.3
Julian, Aileen G., Lontoc., del Rosario, Mary Grace G., Pinagyamang Pluma 9 pahina 63-64,
68, 70-71, at 75, Phoenix Publishing House, Inc. 2017

MODYUL 1.4

20
Julian, Aileen G., Lontoc., del Rosario, Mary Grace G., Pinagyamang Pluma 9 pahina 83-87,
96-97. Phoenix Publishing House, Inc. 2017

https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/

MODYUL 1.5-1.6
Baisa, Aileen J., del Rosario,Mary Grace, Pinagyamang Pluma 2018
Quezon Ave., Quezon City : Phoenix Publishing House

21
P a g e | 22

You might also like