You are on page 1of 10

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

BAITANG 11 IKATLONG KWARTER

IKAPITONG LINGGO TEKSTONG NARATIBO

Mga Kasanayang Pampagkatuto

A. Nabibigyang kahulugan at nauunawaan ang kalikasan, katangian ng

tekstong Naratibo F11PU-IIIb-89

B. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto

Layunin

Pagkatapos pag-aralan ng mag-aaral ang modyul na ito sa loob ng isang

linggo, inaasahan na natuto siya ng mga kompetensi na dapat na isapuso ang mga

saloobin na dapat niyang maisabuhay. Inaasahan din na nahasa ang kaniyang kaalaman

patungkol sa tekstong naratibo.

Sa pamamagitan ng modyul na ito ay magiging katuwang ng guro, mga mag-

aaral at mga magulang upang ipagpatuloy ang kanilang kasanayan sa larangan ng

pagbasa at pagsusuri ng teksto. Ang asignaturang pagbasa at pananaliksik ay isang

paghahanda bilang isang propesyon at higit sa mataas na pag-aaral sa larangang pagsulat

akademiko.
Balikan Natin

Gawain 1: Subukan Mo!

Sa nakaraang aralin ay natutuhan natin

ang tekstong persuweysib, sa araw-

araw nating pakikisalamuha, madalas

tayong nakaririnig ng mga diskursong

nanghihikayat o mga sitwasyon na

nangangailangan ng panghihikayat.

Kung ikaw ay mabibigyan ng

pagkakataong makapagtayo ng

negosyo katulad ng nakikita mo sa mga larawan, anong negosyo ito? Paano mo hihikayatin

o kukumbinsihin ang mga tao na tangkilikin ang iyong negosyo? Isulat ang iyong sagot sa

loob ng kahon o Maaaring magdagdag ng sagutang papel, isulat ang pangalan, antas, at

ang pangalan ng guro. Isama sa ipapasang sagutang modyul.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Unawain Natin

Gawain 2: Alalahanin Mo!

Bawat tao ay may kaniya- kaniyang kuwento sa buhay, sabi nga sa isang kasabihan

“ang buhay na walang kuwento ay walang kuwenta”. Sa ating pagsisimula sa panibagong


aralin hinihikayat kita na magsalaysay o magkuwento ng mahalagang pangyayaring

naganap sa iyo nitong nakaraang linggo.

Mahusay at nailahad mo ang iyong karanasan. Ngayon nama’y nais kong hulaan

mo kung anong teksto ang susunod nating tatalakayin na may kaugnayan sa isinalaysay

mo. Anong uri kaya ng teksto ang may ganitong katangian?

Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa

isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may

maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan. Layunin ng

tekstong naratibo na makapagsalaysay ng pangyayaring nakapanlilibang o

nakapagbibigay aliw o saya. Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng

pangyayaring maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula), maaaring kathang isip

lamang o di-piksiyon (biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay) na batay naman sa

totoong pangyayari.

A. Katangian ng Tekstong Naratibo

1. May iba’t ibang pananaw o Punto de Vista

1.1 Unang Panauhan – isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na

kaniyang naranasan, naalala o narinig kaya gumagamit ng salitang “ako”

1.2 Ikalawang Panauhan – dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang

pinagagalaw niya sa kuwento, gumagamit siya ng panghalip na “ka at ikaw”

1.3 Ikatlong Panauhan – isinasalaysay ng taong walang relasyon sa tauhan ang

panghalip na ginagamit ay “siya”

2. May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin o damdamin

2.1 Tuwirang Pagpapahayag- ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o

nagsasabi ng kanyang saloobin. Ito ay ginagamitan ng panipi.

2.2 Di- Tuwirang Pagpapahayag – Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa

sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.

Hindi na ito ginagamitan ng panipi.


3. May mga elemento:

3.1 Tauhan – gumaganap sa isang kuwento

3.2 Tagpuan – tumutukoy sa lugar at panahon ng isinasalaysay

3.3 Banghay – maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng pangyayari

3.4 Paksa o Tema – ito ang sentral o ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari

sa tekstong naratibo, at kung anong aral ang nais iparating.

Tandaan:
Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensyon na simula-gitna-wakas.
May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag silang
ANACHRONY o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:
Analepsis(Flashback)- dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa
nakalipas
Proplesis (Flash-forward)- dito ipinapasok ang pangyayaring magaganap pa
lamang sa hinaharap
Elipsis- may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
na nagpapakita na may bahaging tinanggal o hindi isinama

B. Mga Katangian ng Mabisang Narasyong Komposisyon

1. May mabuting pamagat- (orihinal, kapanapanabik, makahulugan at maikli)

2. Mahalaga ang paksa o diwa

3. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

4. Isang kaakit-akit na simula

5. Kasiya-siyang wakas

Dapat din tandaan na maaaring maging pamagat ay pangalan ng tauhan, pook,


panahon, mahahalagang pangyayari, paksang diwa at iba pa.

Ilapat Natin

Ang kahalagahan ng Naratibo ay maisakatuparan ang paglalahad ng mga

pangyayari sa ating buhay na ayon sa pagkakasunod-sunod at nasa ayos na porma. Isa


itong paalala sa bawat isa na ang bawat detalye ng ating buhay ay mahalaga at nasa ayos

na porma. Ngayong nalaman mo na kung ano ang tekstong naratibo at katangian nito,

subukin nating alamin kung malinaw na ito sa iyo.

Gawain 3: Kayang-kaya Mo!

Masdan mo ang larawan sa ibaba. Pansinin mong mabuti, makikita mo na ang

larawan na ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan hindi lamang ng ating bansa

kundi ng buong mundo. Mula sa larawan ay bumuo ka ng isang kuwento o tekstong

naratibo.

Mamarkahan ka sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

May mabuting pamagat at kawili-wili 3 puntos

Naipakikita ang katangian ng tekstong naratibo 4 puntos

Orihinalidad 4 puntos

KABUOAN 10 puntos

Suriin Natin

Panuto: Pansinin ang kasunod na seleksiyon, basahin at unawaing mabuti. Isulat ang

inyong mga napansin, obserbasyon at suri sa seleksiyong inyong nabasa. Taglay ba nito
ang katangian ng Tekstong Naratibo? Isa-isahin ang inyong mga patunay. Isulat ang

inyong sagot sa isang malinis na papel.

Huwag Po, Itay

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi. Hinding-

hindi ko makalilimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon ngunit maalinsangan ang

simoy ng hangin.

Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at

nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumatok si Itay sa pinto ng aking kuwarto. Nang

sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi niyang kailangan daw naming mag-usap at nakiusap

siyang papasukin ko siya.

May pag-aalangang binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok sa aking

silid. Laking gulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Kumabog ang aking dibdib.

Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking mga kamay.

Hinaplos-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya ang kanyang

mga daliri sa kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako.

“Itay…. huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak. Utang na loob, Itay!”

Ngunit parang walang narinig ang aking itay. Ipinagpatuloy lamang niya ang

kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang

mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin. Mariin

ang aking pagpikit. Hindi ko magawang lumuha.

Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang nakapinid na pinto

ng aking kuwarto. Nagpupumilit siyang pagbuksan ng pinto. Garalgal ang naghuhumiyaw

niyang tinig.

“Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong anak! Huwag mong

gawin iyan sa sarili mong anak! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan!”
Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na

lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa

anomang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang aking itay. Iniharap niya ako sa

salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita.

Magaling naman palang mag make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay biglang nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi

ako nagalit sa kaniya, manapa’y labis akong nagalak sa galing at husay na ipinamalas niya.

Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon.

Niyakap ko si Itay at kapwa napaluha sa labis na kagalakan.

Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Nagmamahal,

Badong
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
BAITANG 11: KWARTER 3
IKAPITONG LINGGO - TEKSTONG NARATIBO
Panuto: Mula sa bahaging ito,sasagutan at ibabalik sa paaralan sa itinakdang
petsa.

Tayain Natin

Pagsasanay 1

Ngayong nalaman mo na kung ano ba ang tekstong naratibo, atin namang alamin
ang natutuhan mo sa aralin na ito. Sa palagay ko ay handang-handa ka na sa pagsagot sa
sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Tukuyin sa Kolum B ang wastong kahulugan ng mga termino sa Kolum A


na may kinalaman sa kahulugan at katangian ng Tekstong Naratibo. Isulat sa patlang
ang wastong sagot.

Kolum A Kolum B
____ 1. Di-Piksiyon a. ito ay kathang isip lamang
____ 2. Anachrony b. pasalaysay o pagkukuwento ng mga
____ 3. Paksa o Tema pangyayari sa isang tao o mga tauhan
____ 4. Tekstong Naratibo c. ito ang sentral o ideya kung saan umiikot
____ 5. Piksiyon ang mga pangyayari sa tekstong naratibo
d. batay sa totoong pangyayari
e. mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa
tamang pagkakasunod-sunod

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin at Unawain ang sumusunod na teksto. Suriin ito batay sa katangian
ng tekstong naratibo.

Walang Panginoon

Ni Deogracias Rosario

Buod:

Ito ay kuwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa


mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya
ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang
kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong.
Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang
dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos
ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi
pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit


na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol
ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari. Ito ang
naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang
punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong
sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng
pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don
Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni
Marcos, hindi kataka-takang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng
kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang
kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago
na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila
ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam
niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang
si Don Teong.

Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng


paraan kung paano siya makapaghihiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don
Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang
mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw
at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na
pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nag-iimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis
na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang
malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don
Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.

Pagsusuri sa Teksto (10 puntos)

1. Pananaw o Punto de Vista: (1puntos)


2. Paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin o damdamin: (1puntos)

3. Elemento:

Mga Tauhan: (1puntos) Tagpuan: (1puntos)

Banghay: (5puntos)

Paksa o Tema: (1puntos)

Likhain Natin

Ngayon ay tiyak kong batid at malinaw na sa inyo ang tekstong naratibo. Ngayon
naman ay nais kong gamitin ninyo ang inyong natutuhan. Sumulat ng isang halimbawa ng
tekstong naratibo, sa pagsulat o pagbuo mo ng teksto, isaalang-alang ninyo ang mga
katangian na inyong natutuhan. Malaya ka sa pagpili ng paksa na nais mo. Basahin at
sundin ang pamantayan sa ibaba na iyong magiging gabay sa paglikha ng tekstong
naratibo. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang sagutan sa ibabang bahagi o maaaring
magdagdag ng sagutang papel, isulat ang

Napapanahon ang Paksa 3 puntos

Naipakikita ang katangian ng tekstong naratibo 4 puntos

Kawastuhan ng gramatika 3 puntos

KABUOAN 10 puntos

You might also like