You are on page 1of 7

Asignatura: Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas)

May Akda: G. Mark Angelo C. Caling


Editor: G. Mark Angelo C. Caling
Tagasuri: G.Elmar A. Cundangan

Aralin 4: Mga Anyo ng Panitikan


Paglalarawan sa Aralin:
Batid mo ba ang mga Anyo ng Pantikan? Sa aralin na ito makikilala mo ang 3 anyo ng panitikan batay
sa paraan ng pagkakasulat at ang kani-kanilang katangian. .Malalaman mo rin ang mga bagay na
nakapangyayari sa Panitikan.Handa ka na ba? Halina at tuklasin natin!

Mga Layunin/Tunguhin:
Matapos ang araling ito, ikaw ay inaasahang:
1.nauunawaan ang pagkakaiba ng 3 anyo ng panitikan batay sa pagkakasulat;
2.naihahanay ang mga akda batay sa anyo nito;
3.nakapagbibigay ng karagdagang bagay na nakakaapekto sa isang akda batay sa karanasan; at
4.nakasusulat ng isang paglalahad ng opinyon sa napapanahong isyu gamit ang isa sa tatlong anyo ng
panitikan.

Unang Araw : Paunang Pagtataya


Salamat sa Diyos sa panibagong buhay at panibagong pagkakataon upang paunlarin ang ating
kamalayan sa iba’t ibang larangan ng buhay. Tunay na hindi nagkukulang ang Diyos sa buhay ng
bawat isa. Kaya’t ngumiti, hawakan ang panulat at ipagpatuloy ang biyahe tungo sa pangarap. Sulong!
Panuto: Ang gawaing ito ay tatawagin nating “Time Machine”. Hayaan mong muling mabuo sa iyong
isip ang mga panahong kinukuha mo ang subject na “Malikhaing Pagsulat”.Maglista ng 5 naging
inspirasyon mo sa pagsulat ng mga akda.(10 puntos)

Iba! Hindi talaga basta-basta ang bawat Richwellian! Mababakas ang iyong pagnanais na
magtagumpay sa bawat gawaing iyong nalalampasan. Umaasa akong patuloy itong makikita sa
mga susunod pang gawain at aralin. Pagpapala!
Nilalaman ng Aralin

Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas) 1|Pahina


Ikaapat na Linggo – Aralin 4
Panuto: Sikaping paglaanan ng oras na basahin ang lahat ng impormasyong nasa ibaba. Ikaw rin ay
hinihikayat na lagyan ng guhit o marka ang mga mahahalagang termino o impormasyon.
Mga Anyo ng Panitikan
1. Patula – ang anyong ito ay isinusulat nang pasaknong,binibigkas ng may indayog,matalinghaga,
may sukat at tugma. Sa tradisyonal na paraan ay may sinusunod itong sukat at tugma ngunit sa
makabagong paraan na tinatawag na “Malayang Taludturan” ay awala.

Patula

__________________________

__________________________

g
saknon
Taludtod
__________________________

_________________________

2. Tuluyan/Prosa – ang anyong ito ay isinusulat nang patalata o nang tuloy-tuloy kung kaya’t ito
ay tinawag na “tuluyan” mga bantas lamang ang naghihiwalay sa bawat ideya o pangungusap.
Ang ginagamit na salita ay pawang karaniwan o madaling maunawaan. Ito rin ang mas madaling
isulat dahil hindi katulad ng patula na malimit na may sinusunod na bilang bawat lina (sukat) ,
ang tuluyan ay wala maliban kung bibigyan ng hangganan (hal. 500 salita).

Tuluyan/Prosa
Pangungusap

____________________________________
____________________________________
____________________________________
Talata

______________________________.______
____________________________________
____________________________________
____________________________________
_______________.

3. Patanghal – sa anyong ito ay mauuri ang mga panitikang itinatanghal sa ibabaw ng entablado.
Pa-iskrip ang pagkakasulat nito at binubuo ng mga tagpo o yugto. Dati itong nasa ilalim ng
patula noong unang panahon sapagkat ang mga dula noon ay itinatanghal nang patula.
Yugto 1

Tauhan 1:

Tauhan 2:
Iskrip

Tagapagsalaysay:

Tauhan 1:

Tauhan 3:

Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas) 2|Pahina


Ikaapat na Linggo – Aralin 4
Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan
Upang makabuo ng isang epektibo,mabunga at masining na akda maraming dapat isaalang-alang.Marmi
ring bagay na nakakaapekto sa pagkabuo ng isang akdang pampanitikan.Ito rin ang karaniwang nagiging
sandigan ng pagsusuri sa panitikan Halina’t ating tunghayan.

1. Klima – ang panahon ay may malaking nagagawa sa kaisipan at damdamin ng tao.


Namamanahon din ang ilang mga bagay, hindi ba’t mas masarap makinig sa nakakasenti na mga
awitin sa tuwing bumubuhos ang ulan? Sa pakiwari kasi nati’y nakikiisa ang langit sa mga
pinagdadaanan natin. Sa mga ganitong panahon din minsan nahahabi sa isip ang mga ideya
tungo sa pagbuo ng isang akda.

2. Hanapbuhay/pang-araw-araw na gawain- ang tungkulin o gawaing ginagampanan ng tao sa


araw-araw ay naipapasok sa wika at panitikan ng isang lahi. Ang mga simpleng bagay na
matatagpuan sa pang-araw-araw na buhay ay karaniwan ring nakakaakit ng mata at isipan ng
mga mambabasa.Ang payak na pagpapahayag ay sumasalamin din sa pagiging payak ng
pamumuhay ng may akda.

3. Pook/tinitirahan – Malaki ang kinalaman ng lugar sa isang taong nagnanais sumulat. Ang lugar
particular ang tanawin ay maaring maging inspirasyon sa pagsulat na magbubunga marahil ng
isang kaaya-ayang akda.Ang mga paksa nang naisulat na akda kung tutuklasin ay mababatid na
ito ay may malaking kaugnayan sa lugar ng pagsulat na nakaugat sa umiiral na mga paniniwala.

4. Lipunan at Pulitika – ang Sistema ng pamahalaan at ideyolohiya at ugaling panlipunan ay


masasalamin sa panitikan.Ang panitikan ay may layunin ding magwasto nang mga bako sa ating
pamayanan. Ang mga batas na ipinapasa sa kongreso,mga hakbang ng gobyerno at karapatang
pantao ang kadalasang pinupuna at tinutuligsa ng panitikan. Ang ganitong sitwasyon ay umiiral
noong panahon pa ng mga katutubo ngunit hanggang sa kasalukuyan at hanggang sa
kasalukuyan ay pinupuna pa rin ng panitikan.

5. Edukasyon at Pananampalataya – Mababakas sa panitikan ang antas ng kaalaman o


kakayahan ng isang lahi. Ang pananampalatayang pinaniniwalaan ng isang lahi ay pinapaksa rin.
Ang mas malalim na pagpapahayag at matalinong pagpuna sa mga nangyayari sa lipunan ay
bunga ng isang malusog na isipan.Ang punto de vista ng isang taong sumusulat ay karaniwan
ring nakasandig sa paniniwalang panrelihiyon na mababanaag sa banghay,tagpuan,tauhan o
kaisipan ng may akda.

Ikalawang Araw: Balik-Aral


Magandang araw! Simulan natin ang panibagong yugto ng pag-aaral sa paniniwalang
wala tayong hindi magagawa kung kasama natin ang Diyos!
Panuto: Ipagpatuloy ang komprehensibong pagbabasa ng ating paksa ngayong linggo,
kung mayroon pang natitirang oras ay hinihikayat ka rin na muling balikan ang
mahahalagang impormasyon na iyong nabasa sa nagdaang araw. Ito ay susi sa epektibong pagtugon sa
bawat gawain. Sulong!

Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas) 3|Pahina


Ikaapat na Linggo – Aralin 4
Pagsasanay

Panuto: Tukuyin kung saan kabilang ang mga sumusunod na detalye. Isulat ito sa hanay na
kinabibilangan.(15 puntos)

Patula Tuluyan/Prosa Patanghal

Pangungusap Taludtod Tagapagsalaysay Walang sukat Indayog

Tagpo Talinghaga Tanghalan Saknong Iskrip

Talata Makabagong Anyo ng Patula Sukat Tuloy-tuloy Sesura

Pagpapalalim

Panuto: Mayroong limang tinalakay na mga bagay na nakapangyayari sa


panitikan.Ngayon, nais kong dagdagan mo ito ng 5 batay sa sarili mong karanasan sa
pagsusulat.(10 puntos)

1.
2.
3.
4.
5.

Paglalapat ng kaalaman

Gawain: Ipaliwanag: Para sa iyo, ano ang pinakamadaling gawin sa 3 anyo? Ipaliwanag
gamit ang .tatlo hanggang limang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa loob ng
kahon(10 puntos )

Ikatlong Araw : Pangwakas na Pagtataya


Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas) 4|Pahina
Ikaapat na Linggo – Aralin 4
Kahanga-hanga! Naabot mo na ang huling araw ng pagtuklas sa ating aralin ngayong
linggo. Ito ay tanda lamang na hindi ka matitinag upang maabot ang iyong pangarap.
Bilang panghuling gawain, buong husay na tugunan ang kahingian sa ibaba. Sulong!
Panuto: Batay sa iyong napanood/napakinggan na balita kagabi o ngayong araw/ isyung
pinag-uusapan sa kasalukuyan,pumili ng 1 isyu at ibigay ang iyong opinyon hinggil dito.
Malaya kang pumili sa patula o prosa. Kung patula (3 saknong ,lalabindalawahin), prosa (lima
hanggang walong talata). Matapos ito ay nais kong ilista mo ang mga bagay na nakaapekto sa iyong
pagsusulat (hal.panahon) nang hindi bababa sa 5. Ilagay ang isyu sa ibaba ng iyong pangalan.Isulat ito
sa isang buong yellow paper.

Pamantayan:
Napapanahong paksa/isyu 15
Paraan ng pagkakalahad 10
Paraan ng 10
Pagkakasulat:Patula/Prosa
Nilalaman 15
Kabuuan 100

Pagbati dahil apat na aralin na ang iyong natatapos sa tulong at paggabay ng Diyos! Lagi nating
tandan na ang Diyos ay palagiang handang tumulong sa taong nagpapatulong . Maging mababa sa
lahat ng oras. Pagpapala!

Sanggunian:

Pagpapahalagang Pampanitikan.Maria S. Bulaong et.al.El Bulakenyo Printing House.Malolos City.2012

Enrijo, Wilita A.et.al. Panitikang Pilipino. Mandaluyong City: Printwell, Inc., 2013

Santiago, Lilia Quindoza et.al. Mga Panitikan ng Pilipinas. C & E Publishing Inc.,2007

Mga Habilin at Paalala:

1. Gawin nang buong husay at katapatan ang bawat gawain.


2. Isulat ang iyong sagot sa laang sagutang papel, liban kung nangangailanan ang gawain ng
hiwalay na bahagi ng papel.
3. Hindi pinahihintulutan ang anumang uri ng pangongopya anuman ang kadahilanan.
4. Picturan ang sagutang papel bago ito ipasa , iupload ito sa itinakdang platform ng guro.
5. Para sa mga katanungan at paglilinaw mangyaring magmensahe sa mg sa iyong guro
tungo sa mas epektibo mong pagkatuto.
Pagpapala !!!

Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas) 5|Pahina


Ikaapat na Linggo – Aralin 4
Asignatura: Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas)
Pangalan: _________________________________________
Guro: ____________________________________________
Kurso at Pangkat: __________________________________

Sagutang Papel sa Aralin 4: Mga Anyo ng Panitikan


PAUNANG PAGTATAYA (10 Puntos)

Patula Tuluyan/Prosa Patanghal

PAGSASANAY (15 Puntos)

PAGPAPALALIM (10 Puntos)

1. ______________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________________

Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas) 6|Pahina


Ikaapat na Linggo – Aralin 4
PAGLALAPAT NG KAALAMAN (10 Puntos)

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

PANGHULING PAGTATAYA (100 Puntos)

Mga Akdang Pampanitikan (Panitikan ng Pilipinas) 7|Pahina


Ikaapat na Linggo – Aralin 4

You might also like