You are on page 1of 17

8 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 3:
Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain
at Sawikain na Angkop sa Kasalukuyan

May-akda: Jenevie T. Alcazar


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang aralin:
 Aralin 1 – Pagsulat ng Sariling Bugtong
 Aralin 2 – Pagsulat ng Sariling Salawikain at Sawikain o Kasabihan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang bugtong;
B. naiisa-isa ang mga paraan at hakbang sa pagsulat ng bugtong;
C. nakasusulat ng sariling bugtong na angkop sa kasalukuyang
kalagayan;
D. nakikilala ang salawikain;
E. naiisa-isa ang mga paraan at hakbang sa pagsulat ng salawikain at
sawikain o kasabihan; at
F. nakasusulat ng sariling salawikain at sawikain o kasabihan na
angkop sa kasalukuyang kalagayan.

Subukin
Bago ka magpatuloy sa susunod na aralin, isagawa ang sumusunod:

A. lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang mga pangungusap ay tama at


ekis (X) kung mali.

_____ 1. Ang bugtong ay may simula gitna at wakas.


_____ 2. Ang isa sa layunin ng bugtong ay manlibang.
_____ 3. Ang bugtong ay dala ng mga Kastila sa ating bansa. Minana
natin ito sa kanila.
_____ 4. Ang bugtong ay isang awit na isinasagawa sa tuwing may
pagtitipon.
_____ 5. Lumaganap ang bugtong sa pamamagitan ng pagsasalin-
salin sa bibig ng mga tao upang mapanatili sa kanilang isipan.

B. Subukang sumulat ng iyong sariling bugtong. Isulat ito sa espasyo sa


ibaba.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

1
Aralin

1 Pagsulat ng Sariling Bugtong

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang mga paraan at hakbang sa pagsulat


ng sariling bugtong. Malilinang ito kung matapat mong isasagawa ang mga
gawain.

Balikan
Balik-aralan ang tungkol sa Balagtasan at pagbibigay ng kahulugan sa
mga talinghaga at eupimistikong pahayag.

A. Ibigay ang mga kasagutan ayon sa hinihingi ng nasa kahon.

Kahulugan

Mga tauhan Ama ng


BALAGTASAN Balagtasan

Layunin

B. Magtala ng dalawang natatandaan mong talinghaga at dalawang


eupimistikong pahayag na ginamit sa pagtalakay ng Balagtasan.

Talinghaga at Kahulugan:
1. _____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________

Eupimistiko at Kahulugan:
1. _____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________

2
Tuklasin
A. Panimula

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Magbigay ng halimbawa ng panitikan na minana natin sa ating mga
ninuno.
2. Ano ang kahalagahan ng mga panitikang ito?
3. Paano mo pahahalagahan at mapapanatili ang mga panitikang minana
natin sa ating ninuno sa kasalukuyan?

B. Pagbasa

Ngayon ay dadako ka na sa panibagong aralin. Handa ka na ba?


Umpisahan ito sa pamamagitan ng pagbasa at pagsagot sa mga tanong.

Bugtong

Ang bugtong o palaisipan ay isa sa mga panitikan na minana


natin sa ating mga ninuno. Ito ay kabilang sa mga karunungang-
bayan. Bago pa man tayo sakupin ng mga dayuhan ay mayroon na
tayong panitikan. Ang mga panitikang ito ay lumaganap noon sa
pamamagitan ng paglilipat sa iba at pasalin-salin sa bibig ng mga tao
kaya nananatili ito sa isipan ng taong bayan hanggang sa
kasalukuyan. Ang bugtong ay isang laro na ang layunin ay, patalasin
ang isip, palawakin ang kaalaman, pukawin ang guniguni at
magbigay aliw sa mga taong nagtitipon-tipon . Ito ay nagpapatalas ng
isipan sapagkat kinakailangan mong mag-isip ng mabuti upang
masagot mo ang wastong kasagutan.

Mga Katangian ng Butong

Ang mga katangian ng bugtong ay tugma, sukat, kariktan at


talinghaga. Ang tugma ay tumutukoy sa magkakaparehong tunong ng
mga huling salita sa bawat taludtod. Ang sukat ay tumukoy sa bilang
ng pantig sa bawat taludtod. Ang pantig sa bawat taludtod ay
maaaring apat hanggang labindalawa. Ang kariktan naman ay
tumutukoy sa talingha na ginamit sa bugtong upang mapaganda ang
paglikha ng bugtong. Ang talingahaga naman ay may nakatagong
kahulugan o hindi lantad. Ito ay nagbibigay nagpapahiwatig kung ano
ang pinapahulaan.

3
Mga Paraan at Hakbang sa Pagsulat ng Bugtong

Sa pagsulat ng bugtong kinakailangan mong sundin ang mga paraan


at hakbang sa pagsulat nito upang maging angkop ang iyong bugtong.
1. Kinakailangan naglalaman ito ng sukat, tugma, kariktan at
talinghaga/diwa.
2. Bumuo ng dalawa hanggang apat na taludtod.
3. Sa unang taludtod gumamit ng simbolismo o isang pamilyar na
bagay na makikita mo sa iyong paligid.
4. Sa huling taludtod naman ilarawan ang ginamit na simbolo o
bagay na ginamit sa unang taludtod.
5. Isulat ang tamang sagot sa bugtong.
.
C. Pag-unawa sa Binasa

1.Ano-ano ang mga katangian ng bugtong?


2. Ano ang layunin ng bugtong?
3. Paano ito nilalaro? Ipaliwanag.
4. Paano nabuo ang bugtong?
5. Paano ito lumaganap noong unang panahon?

Suriin

4
Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman sa pag-uugnay


ng iyong natutuhan sa binasa. Bumuo ng tatlong sariling bugtong sa mga
bagay na mapipili sa bahaging ito.

1. sorbetes 6. aklat
2. telebisyon 7. unan
3. telepono 8. aso
4. mansanas 9. kalamansi
5. babae 10. ilog

Isaisip Tandaan na ang bugtong ay isa


sa mga panitikan na dapat
pahalagahan at panatilihin.
Dapat itong maikintal sa isipan
ng mga susunod na henerasyon.
Nakakatulong din ito upang
mapalawak ang aming
kaisipan.

5
Isagawa
Ilapat mo sa tunay na buhay ang iyong natutuhan sa ating aralin. Sumulat
ng limang bugtong na angkop sa kasalukuyang kalagayan.

Tanong: Ano ang iyong natutuhan sa paggawa ng bugtong at ano ang


iyong naramdaman habang ginagawa ito? Paano ito nakatutulong sa
iyong bilang mag-aaral?

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan.

A. Hulaan ang mga sumusunod na bugtong. Isulat ang tamang sagot sa


patlang.

1. Hugis puso, kulay dugo


Ang tamis ay nanunuyo
Sagot: ___________________

2. Kabayo kong may apat na paa,


dadalhin ka saan man magpunta.
Sagot: ___________________

3. Dalagang mahalimuyak
bango ay nakagagalak,
sa hardin ay nakalagak
tinik ay nakaiiyak.
Sagot: ____________________

4. Butil na maliliit
hulog mula sa langit
ang dala nito’y sakit
Sagot: ____________________

5. Ibong malaki sa himapapawid


Iba’t ibang bansa tinatawid.
Sagot: ____________________

6
B. Sumulat ng dalawang bugtong kaugnay sa nangyayaring pandemya.
Gamitin ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos Puna ng Guro


Paggamit ng sukat at
tugma
(10 puntos)
Paggamit ng talinghaga
(10 puntos)
Paggamit ng simbolismo
(10 puntos)
Palaisipan
(10 puntos)
Kabuuan
(40 puntos)

Karagdagang Gawain

Palawakin pa ang iyong kakayahan sa paksa. Gumuhit ng limang


bagay na makikita sa iyong paligid o pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan. Gumawa ng bugtong sa bagay o pangyayari na iyong iginuhit
at pahuhulaan ito sa iyong pamilya. Itala kung ilan sa kanila ang nakakuha
ng tamang sagot. Kuhanan ng video ang pagsasagawa ng gawain at ibapasa
sa guro.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

Susi ng Pagwawasto

A. Sagot sa “Subukin”
1. X
2. 
3. X
4. X
5. 

7
B. Sagot sa “Tayahin”
1. mansanas
2. sasakyan
3. rosas
4. ulan
5. eroplano

Pinagyamang Wika at Panitikan (Batayang Aklat sa Filipino) ni Aida M.

Guimarie

https://www.wikakids.com/filipino/bugtong/

Subukin
Bago ka magpatuloy sa aralin 2, isulat ang tama kung ikaw ay
sumasang-ayon at mali kung ikaw ay di-sumasang-ayon.

_____ 1. Ang mga aral o payo ay nakatutulong upang gabayan ka sa


pang-araw-araw na pamumuhay.
_____ 2. Ang pagtulong sa kapwa ay nakatutulong upang ikaw ay
maging isang mabuting mamamayan.
_____ 3. Ang salawikain ay naglalaman ng karunungan na umaakay
tungo sa kabutihan.
_____ 4. Sa mga karunungang bayan ay tumutukoy sa karunungan o
aral sa buhay.
_____ 5. Ang “tulak ng bibig, kabig ng dibdib” ay isang halimbawa ng
salawikain.
_____ 6. Ang salawikain at sawikain o kasabihan ay hindi
magkapareho

8
Aralin Pagsulat ng Sariling Salawikain

2
at Sawikain o Kasabihan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang mga paraan at hakbang sa pagsulat


ng sariling salawikain at sawikain o kasabihan. Malilinang mo ito kung
maisasagawa mo ang sumusunod:

A. nakikilala ang salawikain at sawikain o kasabihan;


B. naiisa-isa ang mga paraan at hakbang sa pagsulat ng salawikain at
sawikain o kasabihan; at
C. nakasusulat ng sariling salawikain at sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan.

Balikan

Balik-aralan mo ang tungkol sa bugtong bago ka magpatuloy.

A. Ibigay ang mga kasagutan ayon sa hinihingi ng nasa kahon.

kahulugan

Paraan katangian
BUGTONG
at hakbang

layunin

B. Ibahagi ang sarili mong gawang bugtong


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

9
Tuklasin
A. Panimula

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano-anong aral ang iyong mga ipinapayo sa iyong kapwa?


2. Paano mo binibigyang payo ang iyong kapwa na hindi ka nakakasakit
ng damdamin?
3. Bakit mahalagang mag-bigay ng payo o aral sa iyong kapwa?

B. Pagbasa

Basahin mo ang mga talata tungkol sa salawikain sa ibaba. Pagkaraan


ay sagutin ang mga inihandang tanong.

Salawikain

Ang salawikain ay isa sa mga karunungang bayan na naglalaman ng mga


karunungan o aral sa buhay. Ito ay naglalayong patnubayan ka sa iyong pang-
araw-araw na pamumuhay.
Ang salawikain ay binubuo lamang ng maiikling pangungusap na
makahulugan o matalinghaga na may nakatagong kahulugan. Ito ay ginagamit ng
ating mga ninuno noon upang mangaral o ituro sa tama o tuwid na daan ang mga
kabataan upang hindi maligaw ng landas.

Mga Paraan at Hakbang sa Pagsulat ng Salawikain

Ang salawikain ay nangangailangan ng sumusunod:

 May sukat at tugma


 Patalinghaga na may kahulugang nakatago
 Nangangaral o naglalaman ng kabutinghang asal

Halimbawa:

Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

Kahulugan: Kung ano ang ginawa mong kabutihan sa iyong kapwa ay


babalik din sa iyo.

10
Sawikain o Kasabihan

Ang sawikain o kasabihan ay ang tinatawag sa Ingles na idioms o


idyoma. Ito ay isa ring bahagi ng karunungang-bayan ng bansa. Ito ay mga
pahayag na maaaring salita, parirala at pangungusap na may mas malalim
na kahulugan kaysa literal. Mas madalas itong gamitin kumpara sa tayutay
dahil ang mga idyoma ay naging bahagi na ng ekpresyon sa pang-araw-araw.
Mga halimbawa ng idyoma: halang ang bituka, naglulibid ng buhangin, butas
ang bulsa, di mahulugang karayum, parang pinagbiyak na bunga, buto’t
balat, may gintong pilak sa bibig, nagdilang angel, Balat sibuyas, bukas
palad at marami pang iba.

C. Pag-unawa sa Binasa

1.Tungkol saan ang paksang pinag-aralan?


2. Ano ang layunin ng salawikain?
3. Ano ang kahalagahan ng salawikain sa pang-araw-araw
na pamumuhay?
4. Paano binuo ang salawikain?
5. Ano ang pagkakaiba ng salawikain sa sawikain?
6. Bakit ito ginagamit ng mga matatanda noon?

Suriin

Samantala, ang sawikain o kasabihan ay ang tinatawag sa Ingles na


idioms o idyoma. Ito ay isa ring bahagi ng karunungang-bayan ng bansa. Ito
ay mga pahayag na maaaring salita, parirala at pangungusap na may mas
malalim na kahulugan kaysa literal. Mas madalas itong gamitin kumpara sa
tayutay dahil ang mga idyoma ay naging bahagi na ng ekpresyon sa pang-
araw-araw. Mga halimbawa ng idyoma: halang ang bituka, naglulibid ng
buhangin, butas ang bulsa at iba pa.

11
Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman sa paglikha ng


sariling salawikain at sawikain o kasabihan. Sumulat ng dalawang (2)
salawikainat dalawang (2) sawikain na makapagbibigay aral sa mga
sumusunod. Gawing gabay ang tinalakay sa itaaas. Isulat sa isang hiwalay
na papel ang iyong salawikain at sawikain.

a. Kapwa mag-aaral
b. Pamilya
c. Pamahalaan
d. Sarili

Isaisip
Tandaan na ang salawikain ay isa sa mga panitikan na dapat nating
pahalagahan at panatilihin upang hindi ito mawala at maikintal sa isipan ng
mga susunod na henerasyon. Ito ay makatutulong upang gabayan
tayo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay

Kaalaman sa paksa
at katangian
ng Salawikain
at Sawikain
o Kasabihan
Sariling Salawikain
at Sawikain
o Kasabihan

Kaalaman
sa proseso
ng paglikha
ng salawikain
at Sawikain
o Kasabihan

12
Isagawa

Ilapat sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa aralin. Sumulat ng


dalawang (2) salawikain at dalawang (2) sawikain na angkop sa
kasalukuyang kalagayan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Tanong: Ano ang iyong natutuhan sa paggawa ng salawikain at sawikain?


Ano ang iyong nadaramdaman habang ginagawa ito? Ano ang naitulong
nito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
Paano mo pahahalagahan o isasabuhay ang salawikain at sawikain na
iyong natutuhan sa araw na ito?

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan.

A. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salawikain/sawikain.


Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Kahulugan: ____________________________________________
2. Para sa magandang kinabukasan
Kamangmangan ay wakasan
Pag-aaral ay gawing sandata
Lalo na kayong mga bata
Kahulugan: ____________________________________________
3. Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Kahulugan: ____________________________________________
4. kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
Kahulugan: ____________________________________________
5. Ang batang busog sa pangaral
Ay lalaking marangal
Malayo sa pagiging hangal
Dala ay mgandang asal
Kahulugan: ____________________________________________

13
B. Sumulat ng dalawang (2) sariling likhang salawikain at dalawang (2)
sawikain na makapagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao sa panahon ng
pandemya. Gamitin ang pamantayan.

Pamantayan Puntos Puna ng Guro


Paggamait ng sukat
at tugma
(10 puntos)
Paggamit ng talinghaga
(10 puntos)
Pagbibigay
aral/Kabutihang asal
(10 puntos)
Kabuuan (30 puntos)

Karagdagang Gawain
Lalo pang paunlarin ang iyong kakayahan sa paglikha ng sariling
salawikain tungo sa paglikha ng sariling sawikain o kasabihan. Isagawa ang
sumusunod na gawain.

A. Batay sa iyong ginawang salawikain sa bahaging pagyamanin at


isagawa, ipatukoy sa iyong pamilya kung ano ang kahulugan ng salawikain
na iyong ginawa. Itala kung ano ang kanilang mga kasagutan. Ibahagi ito sa
iyong FB wall.
B. Manaliksik tungkol sa pagkakaiba ng salawikain at sawikain o
kasabihan. I-share sa iyong FB wall or messenger ang pagkakaiba ng dalawa.
C. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng sawikain o kasabihan at
ibigay ang kahulugan ng mga ito.
D. Isa-isahin ang mga hakbang sa bagbuo ng sawikain o kasabihan.
E. Bumuo ng sariling sawikain o kasabihan na angkop sa ating
panahon. Ipasa sa guro ang nabuong sariling sawikain o kasabihan bago i-
post sa alinmang social media platform.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

14
Susi ng Pagwawasto

Subukin:
1. tama
2. tama
3. tama
4. tama
5. mali

Tayahin:
1. Kung ano ang pinagmulan ay siya ring kinalabasan o resulta
2. Pagbutihan ang pag-aaral sapagkat ito ang magbibigay sa iyo ng magandang
kinabukasan.
3. Matutong makuntento kung anong meron ka sa buhay.
4. Kung kasamaan ang ginawa saiyo suklian mo ng kabutihan.
5. Kapag ang bata ay laging may gabay ng magulang habang lumalaki, tatanda
itong mabuting tao.

Pinagyamang Wika at Panitikan (Batayang Aklat sa Filipino) ni Aida M.


Guimarie
https://tl.wikipedia.org/wiki/Salawikain
http://mga-salawikain.com

15
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jenevie T. Alcazar (Guro, BNHS)


Mga Editor:
Perlita Ponsal (BNHS)
Daniel De Guzman (SRNHS)
Wilfredo Padua (School Head)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

16
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like