You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

I. Layunin:
A. Nabibigyang hinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari sa binasa.
B. Nakikilala ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana.
C. Naisusulat nang wasto ang mga pangngalang pantangi at pangngalang pambalana.

PAGKAMATULUNGIN O PAGTULONG SA KAPWA


II. Paksang-Aralin:
A. Pagbasa: Pagbibigay Hinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari sa Binasa.
Pagsasalita: Pagkilala sa mga Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana.
Pagsulat: Pagsulat ng Wasto sa mga Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana.
Babasahin/ Kuwento: Ang Alamat ng Durian

B. Sanggunian: BEC Handbook sa Filipino 3 pah. 22-23.


Komunikasyon sa Filipino 3, Wika pah. 71-75
C. Kagamitan: Tsart, Kopya ng alamat, flash strips, paket tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbabalik-aral:
Ano ang pangngalan? Kilalanin ang sumusunod na pangngalan sa pamamagitan
ng paglalagay ng mga ito sa tamang grupo o pangkat.
Tao Pook Bagay Hayop

prinsipal kalapati kabayo karpintero


papel klinik krayola plasa

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Mga bata, nakatikim na ba kayo ng durian?
Ano ang lasa nito?
2. Paglalahad
Sa umagang ito babasahin natin ang “Alamat ng Durian”.
3. Pag-alis ng Sagabal
Basahin ang bawat pangungusap. Hanapin ang kahulugan ng nasalungguhitang
salita sa pagpipilian.
1. Ang Diyos ay makapangyarihan. Siya ang gumawa ng lahat sa mundo.
a. mahina b. malakas c. kayang gawin kahit ano
2. Nang dumating ang tagtuyot, maraming namatay na pananim.
a. maraming peste. b. maraming ulan c. walang ulan
3. Ako ay walong taong gulang nang pumanaw ang aking mga magulang, kaya maaga
akong naulila.
a. umalis b. namatay c. nag-abroad
4. Nang ako ay dumating galing paaralan, nadatnan ko ang aking nanay na nagluluto.
a. nakita b. nakuha c. nawala
4. Pagbibigay ng Tanong Pangganyak
Ano ang gusto ninyong malaman sa alamat na ating babasahin?

5. Pagbasa sa Alamat/Kuwento
a. Pagbasa ng Tahimik ng mga bata.
b. Pagbasa nang pabigkas sa pamamagitan ng “Guided Reading Strategy”

6. Pagpapahalaga
Anong magandang katangian ang ipinakita ni Prinsesa Duri? Dapat ba nating siyang
tularan?

7. Pagsanib ng Aralin sa Wika


 Anu-ano ang mga pangngalang nabanggit sa alamat?
 (Gumawa ng talaan. Ilagay o isulat sa Hanay A ang mga pangngalang nagsisimula
sa malaking titik. Sa Hanay B naman ang mga pangngalang nagsisimula sa maliliit
na titik.)
 Ano ang pagkakaiba ng mga pangngalang nasa Hanay A sa Hanay B.
Alam niyo ba kung anong tawag sa pangngalang nasa Hanay A? sa Hanay B?
 Magbigay pa tayo ng iba pang halimbawa para sa bawat uri.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat:
Pagbibigay ng Pangkatang Gawain.

a.Gawain 1
Ilagay sa tamang kolum o grupo ang sumusunod na pangngalan. (gamit ang flash
strips).
Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana
_________________ _________________
_________________ _________________
_________________ _________________
_________________ _________________
_________________ _________________

b. Gawain 2
Lagyan ng angkop na pangngalang pantangi ang sumusunod na pangngalang
pambalana.
Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi
sapatos _________________
guro _________________
lapis _________________
aklat _________________
paaralan _________________

c. Gawain 3
Lagyan ng angkop na pangngalang pambalana ang sumusunod na pangngalang
pantangi.
Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi
_________________ Andres Bonifacio
_________________ Nido
_________________ Aringay
_________________ Safeguard
_________________ Sunsilk

2.Presentasyon ng mga mag-aaral ng kanilang pangkatang gawain.

3.Paglalahat
Ano ang dalawang uri ng pangngalan? Ano ang pangngalang pambalana?
pangngalang pantangi? Paano isinusulat ang mga pangngalang pantangi? ang mga
pangngalang pambalana?

IV. Pagtataya:
Isulat sa patlang ang PT kung pangngalang pantangi; PB kung pangngalang pambalana
ang sumusunod na salita.
1. doktor 6. datu
2. Jose Rizal 7. bayani
3. bansa 8. mamamayan
4. Calamba 9. awit
5. Pilipinas 10. Maynila
V. Takdang Aralin/Kasunduan:
Maglista o magtala ng 5 halimbawa ng pangngalang pambalana at 5 pangngalang pantangi.

Inihanda ni:

WARREN D. CABRERA

You might also like