You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILINO IV

I. MGA LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay kayang:


A. matukoy ang kahulugan ng pang-uri sa pamamagitan ng kantang “tatlong bibe”;
B. makapagbigay ng sariling halimbawa ng pang-uri at magamit ito sa pangungusap”; at
C. mapagtanto na ang bawat tao ay may magandang katangian na dapat igalang.

II. PAKSANG ARALIN :


A. Paksa: Pang-uri
B. Sanggunian: Ona, Luzviminda,et.al.,
Libro sa Filipino V: Hiyas sa Wika
Lexicon Inc.,Tandang Sora, Quezon City, Phil. 2003 pp. 1-6
Youtube: Zumba tatlong Bibe
C. Mga Kagamitan: larawan, music video (tatlong bibe), kahon, visual aids
D. Pagpapahalaga: paggalang sa katangian ng bawat isa
III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN

Guro Mag-aaral
1. Pagganyak Magandang umaga rin po ma’am!

Magandang umaga! Tatayo ang mga mag-aaral aawit at


Panalangin. . . sasayaw ng Zumba gamit ang kantang
Maaari po ba tayong tumayo at sabayan tatlong bibe
akong gisingin ang ating mga sarili upang mas lalong
ganado sa ating pagkatuto ngayon.
Ipapaskil ng guro sa pisara:

Lunsaran: TATLONG BIBE


May tatlong bibe akong nakita
Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa

Siya ang lider na nagsabi ng


Kwak, kwak
Kwak, kwak, kwak
Kwak, kwak, kwak
Siya ang lider na nagsabi ng
Kwak, kwak

Tayo na sa ilog ang sabi


Kumendeng-kumendeng ang mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa

Siya ang lider na nagsabi ng


Kwak, kwak
Kwak, kwak, kwak
Kwak, kwak, kwak
Siya ang lider na nagsabi ng
Kwak, kwak

May tatlong bibe akong nakita


Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng
Kwak, kwak
Kwak, kwak, kwak
Kwak, kwak, kwak
Siya ang lider na nagsabi ng
Kwak, kwak (3x)
Base sa liriko ng kanta na ating sinayaw, ano
ang mga salitang ginamit upang ilarawan ang tatlong
bibe?

Katulad ng tatlong bibe, tayo rin ay may iba’t


ibang katangian.Maaari mo bang ilarawan ang iyong Mataba po
sarili? Mapayat po
Pwede mong ibahagi ang iyong mga
ipinagmamalaking katangaing nakikita o I nakikita.
( Ang guro ay magbibigay ng numero sa bawat mag- May: Ako po ay may unat at itim na
aaral at magtatawag ng numero para sa gawain ) buhok.
B.PANLINANG NA GAWAIN Jared: Ako po ay masipag sap ag-aaral.
2. Palalahad
(Sasagot pa ang ibang mag-aaral)
Napakahusay ng inyong paglalarawan ng
inyong mga katangian! Sino sa inyo ang makatutukoy Ang tawag po natin sa mga salitang iyan
sa mga salitang ginamit natin na nakalathala sa ay pang-uri.
pisara?
Magaling ka! Ngayon sino naman ang Ang pang-uri po ay mga salitang
makakapagbigay ng kahulugan ng pang-uri batay sa naglalarawan sa pangngalan o
kung paano natin ito ginamit. panghalip.

3. Pagtalakay
Napakagaling! Tama ka o kaya naman ay Babasahin ng isang mag-aaral ang
ginagamit ito upang ilarawan ang tao, bagay, hayop, kahulugan ng pang-uri na nakatala sa
lugar at pangyayari. pisara.

Upang mas lalo nating maintindihan mayroon


akong kahon. Ang limang mapipili sa inyo ay Mga laman ng kahon: kalamansi,
magpapasakanila ang premyong nasa loob ng kahon. perfume, chocolate, bato at sampong
( Tatawag ng limang mag-aaral ang guro na pupunta itlog ng pugo.
sa harapan upang bumunot ng mga bagay sa loob ng
kahon na kanilang ilalarawan. ) Jaymarine: Ang lasa ng kalamansi ay
maasim.
Joyce: Ang amoy ng pabango ay
mahalimuyak.
Tunay kayong kahanga-hanga! Mark: Ang lasa ng tsokolate ay matamis.

4. Paglalahat
Ano ang tawag natin sa mga nasalungguhitan Pang-uri po.
na salita sa bawat pangungusap na inyong nabuo? Ang pang-uri po ay mga salitang
Ano ang mga inilalarawan ng pang-uri? naglalarawan sa pangngalan o
panghalip.
Ngayon at nalaman na ninyo ang pang-uri at
nagamit na sa pangungusap. Balikan natin ang
kantang “tatlong Bibe”.
5. Pagpapahalaga
Nararapat bang gamitin natin ang mga pang- Hindi po nararapat na gamitin ito sa
uri tulad ng mataba at mapayat upang laiitin an gating pananakit ng damdamin ng ibang tao.
kapwa?
Tama! Isa itong paraan ng pambubulas sa iba.
Pero paano kung mayroon kang katabing kamag-aral Sasabihin kop o sa kanya nang maayos
na may mabahong amoy, ano ang iyong gagawin? at kami lang na dapat niyang alagaan
ang kanyang sarili.

Tama ka! Paano naman napakatalino ng Ako po ay magiging masaya dahil


iyong kapatid sa Math at ikaw ay magaling sa parehas kaming may kakayahan sa
Filipino, ano ang iyong mararamdaman? ibang aspeto.
Tandaan mga bata na ang pagtanggap sa
ating kaibahan ay pagtanggap sa pagmamahal ng
Diyos. Isigaw nga nating lahat “ GINAWA AKONG “ GINAWA AKONG MABUTI AT
MABUTI AT MAHUSAY NG ATING PANGINOON! MAHUSAY NG ATING PANGINOON!”
IV. PAGTATAYA:

Kopyahin sa inyong Quiz Notebook at sagutan ayon sa panuto.

PAngalan:_______________________________________ Date:__________________

A. Salungguhitan ang pang-uri na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Ang malawak na palayan ay pagmamay-ari ng pamilya Jose.

2. Naghahabulan ang tatlong magkaibigan habang naliligo sa ilog.

3. Ang klima ng Baguio City ay malamig.

4. Si Lea ay isang masunuring anak kaya siya aypinagpapala ng Diyos.

5. Nahuli ng mga pulis ang anim na lalaking nanloob sa tahanan ng mga Gomez.

B. Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang pang-uri.

6.

7.

8.

9.

10.

V. Takdang Aralin:

Magsaliksik tungkol sa “Kaantasan ng Pang-Uri”

Magbasa ng mga halimbawa nito at

Magsulat ng inyong mga nabasa sa kwaderno

Inihanda ni:
Ms. Jane B. Bunuan

You might also like