You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN sa EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 6

Aralin 7 Pagsunod sa Tamang Hakbang Bago Makagawa ng Isang Desisyon

Bilang ng araw ng Pagtuturo:

5 Araw( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang


bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagganap:

Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat

I.Layunin: Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na
makbubuti sa pamilya.
1.1 pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari
1.2 pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3 paggamit ng impormasyon
Code: EsP6PKP-Ia-i-37

II.Paksa/Pagpapahalaga: Aralin 7 Pagsunod sa Tamang Hakbang Bago Makagawa ng Isang


Desisyon
a. Sanggunian: EsP-K to 12 CG d.81
b. Kagamitan: larawan o video clips, kuwaderno, talaang papel/sagutang papel, rubrics
c. Pagpapahalaga: Pagkamahinahon( Calmness)

III.Pamamaraan:

UNANG ARAW

A.Panimulang Gawain:
Pagkumusta sa mga bata.
Pagtitsek kung sino ang liban sa klase.
Ipabasa ang panimula ng aralin.
Talakayin ang Mahalagang Kaisipan.

B.Panlinang ng Gawain

1.Alamin natin
Simulan ang aralin sa pagkukuwento gamit ang larawan na nagpapakita ng pagkamahinahon. “Ang
Magkakapitbahay”
Ang Magkakapitbahay

Sina Bryan at Romeo ay magkakapitbahay.Malimit gabi na kung umuwi si Bryan sapagkat siya
ay nagtatrabaho sa malayong lugar. Pagod at puyat siya sa pag-uwi at nais na niyang
makapagpahinga. Subalit hindi naman niya magawa dahilan sa sobrang ingay sa kalapit bahay. Ito
ay mula sa malakas na tunog ng vedioke o kantahan at sa hiyawan ng mga nag-iinuman sa bahay ni
Romeo.
Ang ganitong sitwasyon ay parang hindi na mapapalampas ni Bryan. Lumabas siya ng kwarto
dala-dala ang kanyang itak. Ngunit pinigilan siya ng kanyang asawa at ipinaalala ang maaaring
kahinatnan ng kanyang gagawin. Biglang napaupo si Bryan, tiningnan ang kanyang natutulog na mga
anak. Napaisip siya’t dagling ibinalik ang itak at niyakap ang asawa at ang natutulog na mga anak.

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:


a. Ano ang nilalaman ng kwento?
b. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
c. Bakit galit na galit si Bryan sa kanyang kapitbahay?
d. Ano ang katangian na ipinakita ni Bryan?
e. Kung ikaw si Bryan, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
f. Bakit mahalaga ang pagkamahinahon sa buhay ng isang tao?Ipaliwanag.

IKALAWANG ARAW

2. Isagawa Natin

a. Balik-aral:
1. Tungkol saan ang talakayan natin kahapon?
2. Anong pagpapahalaga ang inyong natutunan?
3. Bilang miyembro ng pamilya, paano ito nakakatulong sa iyo?

b.Bigyan ng rubrics para sa gawain.

c. Hatiin ang klase sa apat na pangkat .


Unang Pangkat- Isadula ang sitwasyong nagpapakita ng pagkamahinahon.
Ikalawang Pangkat- Isadula ang sitwasyong nagpapakita ng agresibo sa paggawa ng desisyon.
Ikatlong Pangkat- Mag-obserba sa unang pangkat at magbigay ng kanilang reaksyon.
Ikaapat na Pangkat- Mag-obserba sa ikalawang pangkat at magbigay ng kanilang reaksyon.

d. Bigyan sila ng limang minuto para sa paghahanda at karagdagang 2 minuto sa presentasyon.

e. Tumawag ng mga mag-aaral mula sa ikatlo at ikaapat na pangkat para sa kanilang mga reaksyon.

g. Magkaroon ng maikling paglalahat sa nakaraang gawain.

IKATLONG ARAW

3.Isapuso Natin

a.Balik-aral sa nakaraang talakayan


(Pre-assigned task to 5 groups)
(Magkalap ng mga balita tungkol sa away sa trapiko, banggaan sa kalsada , hindi pagkakaintindihan sa
palengke at iba pa. Maghanda para sa pag-aanunsyo nito sa klase.)

Pag-anunsyo sa klase sa mga nakalap na balita.

Magtanong ang guro tungkol sa mga impormasyon o balitang nabasa, nakita o narinig ng mga bata mula
sa telebisyon, radio at diyaryo tulad ng; away sa trapiko, banggaan sa kalsada , hindi pagkakaintindihan sa
palengke at iba pa.

b. Magkaroon ng talakayan tungkol sa mga ibinigay ba impormasyon.


Tama ba ang desisyong ipinamalas sa mga nabanggit na sitwasyon? Bakit?
Kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyon, ano ang nararapat mong gawin?
(Dapat maikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkamahinahon para sa ikabubuti
ng lahat)

c.Pangwakas na Gawain

IKAAPAT na ARAW

4.Isabuhay Natin
a. Ano ang naitutulong ng pagkamahinahon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?:sa ating pamilya?sa
lahat?
b. Sa anong sitwasyon natin maipapakikita ang pagkamahinahon?
1. sa bahay
2. sa paaralan
3. komunidad
c. Pagtalakay sa sagot ng mga mag-aaral.

IKALIMANG ARAW

IV. Pagtataya

5.Subukin Natin
1. Tumawag ng piling mag-aaral na magbabahagi ng kanyang natutunan sa leksyong pinag-aralan.
2. Tulungan ang klase sa pagbuo ng paglalagom.

V. Takdang –aralin
Gumupit o gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng kahalagan ng pagiging mahinahon.

Inihanda nina:

Glo S. Celeste – NIR (Silay City Division) Maricris P. Tabanes- VII ( Carcar City Division)
Rex Celosia – VII ( Tagbilaran City Division) Teresita B. Manzandez – VII (Cebu City Divion)
Jocelyn Polino – VIII ( Ormoc City Division) Febian Zorolla – VI ( Division of Aklan)
Ma. Liza B. Gura – VIII ( Borongan City Division) Ana Liza B. Layasan – VII ( Naga City Division)

You might also like