You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
Schools Division of Antique
COL. RUPERTO ABELLON NATIONAL SCHOOL
Guisijan, Laua-an, Antique

Pang-araw- Guro AIVIE M. GANGE Asignatura Panitikang Asyano (Filipino 9)


araw na Tala Petsa Agosto 22, 2022 Markahan Unang Markahan
sa Pagtuturo Oras Grado at Pangkat 9

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng TImog-Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghikayat sa
isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napakinggang akda.(F9PD-Ii-j-44)
D. Tiyak na Layunin
1. Pangkaisipan Nasusuri ang maikling kuwento sa pamamagitan ng yugto-yugtong
pangyayari.
2. Pangkasanayan Nailalarawan ang katangian ng isang ama sa pamamagitan ng
pangkatang gawain.
3. Pandamdamin Nabibigyang-hatol ang katangian ng ama sa akda.
II. NILALAMAN
a. Paksang-Aralin Ang Ama
Maikling Kuwento ng Singapore
b. Kagamitang-Panturo
Mga Sanggunian Peralta, Romulo N. et al (2014) Panitikang Asyano, Modyul ng mag-
aaral sa Filipino 9, Unang Edisyon, Vibal Group, Inc.
1. Mga Pahina sa Kagamitang Pahina 231-239
Pangmag-aaral
2. Listahan ng mga Kagamitang PowerPoint Presentation
Panturo para sa mga gawain sa Video Clip (Ang Ama)
Pagpapaunlad at Source: https://www.youtube.com/watch?v=2Vp4yRRh2g4
Pakikipagpalihan
3. Integrasyon ng ibang asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP)
4. Pokus ng pagpapahalaga Pagbibigay-halaga sa buhay at pagiging responsable
III. PAMAMARAAN
A. TUKLASIN
Panimulang Gawain Panalangin
Pagtsek ng Atendans
Pagpapaalala sa safety protocols
a. Balik-aral sa nakaraang Ano ang napag-aralan kahapon?
aralin at/o pagsisimula ng Ano ang maikling kuwento?
bagong aralin.
b. Paghahabi ng Layunin Paglalahad ng layunin ng talakayan.
c. Motibasyon/ Pag-uugnay ng 1. Pagtatanong “Ano ang isang ama para sa iyo?
mga halimbawa sa bagong 2. Panonood ng video clip (Ang Ama)
aralin bilang paglilinaw sa Source: https://www.youtube.com/watch?v=2Vp4yRRh2g4
bagong konsepto 3. Talasalitaan: Ibigay ang kahulugan ng salita sa kaisipang
nakapaloob batay sa mathematical code.
a. Nagpapangilo sa nerbiyos = 19 -15-2-181-14-7 11-1-2-1
(sobrang kaba)
b. Matigas ang loob = 13-1-20-1-16-1-14-7 (matapang)
c. Halinghing = 4-1-9-14-7 (daing)
d. Nagmumukmok = 14-1-7-9-9-19-1 (nag-iisa)

d. Pagtalakay sa bagong Pagsagot sa mga gabay na tanong.


konsepto at paglalahad ng 1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?
bagong kasanayan 2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
#1 3. Ano ang katangian ng amang nangibabaw sa kuwento?
4. Ano ang mga pangyayari sa kuwento na nakapagpapabago
sa di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay.
5. Paano ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa
kaniyang anak?
e. Pagtalakay sa bagong konsepto Pagsusuri ng bawat bahagi ng kuwento gamit ang fan-fact analyzer
at paglalahad ng bagong
kasanayan
#2

Ang
Ama

f. Pagtalakay sa bagong konsepto Pagsasagawa ng pangkatang Gawain at sila ay gagabayan ng mga


at paglalahad ng bagong pamantayan.
kasanayan
#3 Pangkat 1- Tulang naglalarawan sa isang Ama
Pangkat 2- Bumuo ng awit tungkol sa isang Ama
Pangkat 3 – Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng mabuting katangian
ng isang ama. Isalaysay o ipaliwanag sa klase.

Rubrik sa Pagtataya
Nilalaman o mensahe- 10
Presentasyon o Paglalahad-10
Kooperasyon ng Grupo- 5
Kabuoan 25

g. Paglinang sa Kabihasaan Ano ba ang katangian na dapat taglayin ng isang ama? Anong mga
(Tungo sa Formative katangian ng ama sa akda ang makatotohanan at hindi?
Assessment)
h. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Kung kayo ay magiging magulang, anong klaseng magulang ang gusto
araw-araw na Buhay niyong kalakihan ng inyong anak?
i. Paglalahat sa Aralin Ano ang mensaheng masasalamin mula sa akdang napakinggan?

j. Pagtataya ng Aralin TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI
naman kung kabaliktaran.
1. Nagpakita ng pagsisisi ang ama matapos mamatay ang kanyang
anak na si Mui-Mui.
2. Madals umuwing masaya ang ama galling sa trabaho.
3. Ang pananabik ng mga anak ay sa pagkain na paminsa-minsa’y
inuuwi ng ama-malaking supot ng mainit na pansit.
4. Si Mui-Mui ay batang sakitin at pahalingling na madalas
kainisan ng ama.
5. Ikinamatay ni Mui-Mui ang pananakit ng ama nito.
k. Karagdagang agwain para sa Basahin ang akdang “Nang Minsang Maligaw si Adrian” at sagutin ang
takdang-aralin at remidiation mga sumusunod na gawain.
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng kuwento?
2. Bakit kaya naisipang gawin iyon ni Adrian?
3. Makatarungan ba ang ginawa ni Adrian? Pangatwiranan.
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
sa remediation.
C. Gawaing Pan-remedyal
D. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
E. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
F. Alin sa mga estratehiyang panturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punongguro at superbisor?
H. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Sinuri ni:

AIVIE M. GANGE BERNIE G. LOQUINARIO


JHS Teacher I Head Teacher III

Binigyang-pansin ni:

MARILYN D. SORILLA
Principal II

You might also like