You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Hulyo 18, 2019


DIAMOND 11:20 – 12:20
I. Layunin
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa
isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 F9WG-Ie-43 Naipapahayag ang sariling emosyon/damda-min sa iba’t ibang paraan at pahayag
 Natutukoy ang mga pangungusap na nagpapahayag ng emosyon o damdamin

II. Paksang Aralin

Panitikan: Mga Kababaihan ng Malaysia


Gramatika: IBA’T-IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN
Sanggunian: PLuma pahina 71-74
Kagamitan: Visual aids, Cellphone, TV, Anycast, Larawan
Integrasyon: Matematika pagkalkula ng puntos ng mga mag-aaral sa pangkatang Gawain. Agham bahagi ng
katawan ng tao na responsible sa emosyon ng tao Values Education pagpapahalaga sa mga kababaihan at
matatanda

III. Pamamaraan

A. Aktibiti
1. Panimulang Gawain
i. Pagbati
ii. Pagsasaayos ng upuan at pagpulot ng kalat
iii. Pagbabalik aral gamit ang app na decision roulette
2. Panimulang Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot.
a. Sambitla
b. Tiyak na damdamin
c. Nagpapahiwatig ng damdamin
d. Padamdam
1. Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
2. Yehey!
3. Manigas ka dyan.
4. Naiinis ako sa mga nangyayari sa kanya.
5. Natutuwa akong nakapasa kayong lahat
3. Pangganyak na Gawain (Pagpapakita ng larawan)

1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


2. Nararapat ba ang ganitong pagtrato sa mga matatanda? Bakit? Ano ang inyong naramdaman
matapos ninyong makita at masuri ang larawan?
3. Anong bahagi ng tao ang responsible sa ating mga emosyon o damdamin?
4. Mayroon na ba kayong hinuha hinggil sa paksa ng ating talakayan?
B. Analisis
1. Pagpapabasa ng maikling teksto.
2. Pagsagot ng gabay na tanong
a. Tungkol saan ang binasang teksto?
b. Ano ang masasabi ninyo sa kalagayan ng mga kababaihan sa Malaysia? Nakararanas din ba ang
mga Pilipina ng ganoong pagtrato?
c. Bigyang pansin ang mga pahayag na may kaugnayan sa binasang talata
 Galit ako sa ganyang paniniwala.
 Kumukulo ang dugo ko sa kanila.
Anong damdamin ang makikita sa mga pahayag? May pagkakaiba ba sila? Sa paanong
paraan sila nagkakaiba?

C. Abstraksyon
Malayang talakayan / Pagbibigay ng input ng guro

Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng


Emosyon o Damdamin

D. Aplikasyon (Pangkatang Gawain)


a. Pangkatang Gawain
1. Ang bawat pangkat ay aatasan ng isang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin at
kinakailangan nilang maipakita ang mga halimbawa ng pahayag na ito sa iba’t-ibang pamamaraan gaya ng
PICTURE TALK NA NAGDA-DUBSMASH, TALK SHOW, SHORT SKIT, AWIT, RAP AT IBA PA.
2. Maaari nilang isulat ang ibang pahayag kung kinakailangan.
3. Ang lahat ay bibigyan ng limang minuto para makapaghanda.
4. Sikaping masunod ang mga pamantayan na nasa ibaba.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
1. Nailalahad ng malinaw ang nilalaman ng pagtatanghal at nakagagamit ng
mga salitang nagpapahayag ng emosyon o damdamin.
2. Naayon sa paksa ang isinagawa
3. Naitatanghal ng maayos at may malakas na boses.
4. Nakapagtatanghal ang lahat ng miyembro
5. Feedbacking ng pangkat sa kapwa pangkat gamit ang feedback form kung saan nakalagay ang puntos at
ang kanilang puna

b. Pagsagot ng Pokus na Tanong


 Bakit mahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang paraan ng pagpapahayag ng
emosyon o damdamin? Paano ito makaaambag sa isang maayos at malinaw na komunikasyon?
c. Value Data Bank
 Natutunan mo itula mo.
Sa pamamagitan ng isang tula ay ilahad ang iyong natutunan hinggil sa araling ating tinalakay.
Maaaring gumamit ng malayang taludturan ngunit siguraduhing nabibigkas ng may aliw-iw.
E. Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin kung anong paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin ang sumusunod na
pangungusap.

A. SAMBITLA
B. PADAMDAM
C. PAGPAPAHAYAG NG TIYAK NA DAMDAMIN
D. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN SA HINDI TUWIRANG PARAAN

1. Wow!
2. Langit ang paligid kapag nakikita ko siya.
3. Nakalulungkot na ganun ang pagtrato sa mga kababaihan ng Malaysia.
4. Nakapanghihinayang na hindi maipakita ng mga babae sa Malaysia ang kanilang kakayahan.
5. Hindi ko kakayaning makitang sunud-sunuran sila!

INDEX OF MASTERY

Pangkat Blg. Ng mg. 5 4 3 2 1 %


Diamond
Topaz
Jade
Kunzite

IV. Takdang Aralin


Magsaliksik ng mga paraan kung paano maipakikita ang pagiging maayos na mamamayan ng Asya.

Inihanda ni:
KARLA ROXANNE M. LAGMAN
Guro sa Filipino 9

You might also like