You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur

FILIPINO 9
Ikatlong Markahan
ARALIN 3.2:
ANG TALINGHAGA
TUNGKOL
SA MAY-ARI NG UBASAN
Parabula - Kanlurang Asya
Mateo 20: 1-16
Guhit Ko, Pakinggan Mo.
Gumuhit ng isang bagay na naging
mahalaga sa iyo dahil minsan ay
kinapulutan mo ito ng aral. Matapos itong
iguhit ay isalaysay mo sa klase ang mga
pangyayari kung bakit mo ito
pinahahalagahan.
Unahan Tayo
 Pangkatanggawain: Magpaligsahan sa pagsagot ang bawat
pangkat kung saan nabasa o narinig ang mga sumusunod na
pahayag.
 1. Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli.
 2. Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang,
sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay,
nawala, ngunit muling natagpuan.
Paglinang ng Talasalitaan:
 Ibigayang hinihinging kahulugan ng mga salitang
hango sa parabula:
Hango sa Parabula Literal na Kahulugan
Ubasan
Manggagawa
Usapang salaping pilak
Oras
Alam mo ba na..
 Parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na
nagsasaad ng dalawang. Ito ay makatotohanang pangyayaring
naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing
patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga
mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag.
Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat
nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at
espirituwal na pagkatao.
Antas ng iyong Pag-unawa:
 Saiyong palagay, saan nais ihambing ni Hesus
ang bawat isa? Bakit?
Binanggit sa Parabula Nais Paghambingan at
Patungkulan
ubasan
manggagawa
upang salaping pilak
Oras(ikasiyam,
ikalabindalawa, ikatlo,
ikalima)
Draw your Imagination
 Matapos kong mabasa ang Talinghaga ng Tungkol sa
May-ari ng Ubasan nalaman ko at natimo sa aking isipan
na ___________________________________________
 Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ng
___________________________________________
 Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali,
mula ngayon _______________________
Magsaliksik Ka…
Pangkatang Gawain: Magsaliksik kung
ano ang kauna-unahang parabula ang
inilimbag sa sumusunod na bansa sa
Kanlurang Asya. Maaaring kumuha ng
impormasyon sa aklat, pahayagan, magasin,
panayam o internet.
Alam mo ba na…
ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-
kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito? Ito
ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
- pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. Bola – pagbibiro (metaporikal)
- pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
a. pawis – lumalabas na tubig sa katawan (literal)
 pangungusap: Punasan mo na ang pawis mo sa likod para
hindi ka mapasma.
b. pawis – pinaghirapang gawin (metaporikal)
 Pangungusap: Alalahanin mo na ang pawis ko ang
ipinambayad ko sa tuition fee mo.
Ano ang ibig sabihin nito?
Suriinang mga salitang ginamit sa
dalawang parabula at isulat sa iyong
sagutang papel ang ibig ipakahulugan
nito.
Ano ang ibig sabihin nito?
Talinghaga sa Kahulugan Parabula ng Kahulugan
Mayari ng Banga
Ubasan
• Kaharian • Tagubilin
• Upa • Sisidlan
• Trabaho • Lumikha
• Bayaran • Nabibitak
• Ari-arian • Lumulubog
Ikonek Mo…
 Ihalintuladang mga bagay na nasa talaan sa iba pang
bagay. Bakit dito mo inihalintulad ang bagay na ito?

Bagay Katulad
Asin
Ulap
Tubig
Bulaklak
Buto ng gulay o prutas
Ilawan
Mag-isip-isip
Mula sa ibinigay mong pagtutulad,
bumuo ng mga pangungusap na
nagpapakita ng magkaibang
kahulugan.

You might also like