You are on page 1of 5

BIDASARI

Ang kaharian ng kembayat ay naligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga
pananim at maging sa buhay ng mga tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumating na ang ibong garuda ,
mabilis na nagsisitakbuhan ang mga tao upang magtago sa yungib. Takot na takot sila sapagkat ang ibong ito ay
kumakain ng tao.

Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi
ng ilog. At dala na rin ng malaking takot at pagkalito ay naiwan niya ang sanggol sa bangkang palutang-lutang sa ilog.

May nakapulot naman sa sanggol. Siya si Diyuhara isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Itinuring ni
Diyuhara na napakaespesyal ang sanggol sapagkat nabubuhay ito kapiling ng mga ginintuang isda. Pinangalanan nila
ang sanggol na Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pa itong gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng
kanyang nakilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, si Sultan Mongindra ay dalawang taon pa lamang na kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si
Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya ay
mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng: “Mahal na mahal ka sa akin” Hindi pa rin nasisisyahan ang magandang
asawa ng sultan. Kanyang itinanong na minsan sa sultan “Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na
maganda kaysa sa akin?” Ang naging tugon ng sultan ay “Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang
pinakamaganda sa lahat”. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang mas maganda sa kanya at ito ay makita ng
sultan.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.

Si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon ay pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang
mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito ay
ipinakukwintas kay Lila Sari at sa gabi ay ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si
Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya si Bidasari ay
nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya
nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, si Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito ay nakapinid ngunit
pinilit niya itong buksan. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Ngunit bumalik siya kinabukasan at
naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan, nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat ni
Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad na pinakasalan
si Bidasari. Si Bidasari ang naging reyna.

Ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay natahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang
supling. Ito ay si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng
sultan at sultana ng Kembayat.
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha ni Bidasara. Kinaibigan nito ni Sinapati at ibinalita sa kapatid niyang si Bidasari
na kamukhang-kamukha nito ni Sinapati.

Nang magkita sina Bidasari at Sinapati ay kapwa sila nanggilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-
magkamukha. Natunton ng sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang
kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.
WAKAS

You might also like