You are on page 1of 2

Bidasari (Buod)

Labis na naligayahan ang sultan ng Kembayat nang malamang ang mahal na sultana ay
nagdadalantao. Ang lahat ay maligaya sa magandang balitang iyon nang biglang sumalakay ang
itinuturing na salot ng kaharian, ang higanteng ibong Garuda. Ang buong kaharian ay napilitang
umalis at nagtago sa namumuksang ibon. Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana at ang
Sultan at sa kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang Sultana sa tabi ng ilog. Bagama’t
halos madurog ang puso ng Sultana, napilitan silang iwan ang sanggol sa isang bangkang nasa
tabing-ilog dahil sa malaking takot nila sa ibong Garuda at saka sila nagpatuloy sa pagtatago.
Nang araw na iyon, namamasyal sa tabing-ilog si Diyuhara, ang pinakamayaman na
mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura kasama ang kanyang asawa nang nakarinig sila ng
iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing pagkaganda-ganda, dinala nila agad ito sa
bahay at binigyan ng apat na tagapag-alaga at higaang may kalupkop na tunay nag into. Bidasari
ang kanilang ibinigay na pangalan. Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong gumaganda.
Maligayang-maligaya siya sa piling ng kinagisnang magulang.
Basahin ang isang awit na hango sa Bidasari:

Pakinggan ang isang awit ko para sa isang hari


Na nagkaanak ng isang babae, tulad ng isang bulaklak,
Higit ang ganda sa isang istatwang ginto
Kamukha siya ni Mindondari at pinangalanang Bidasari.
…Habang ang magandang Bidasari ay lumalaki
Ang maganda niyang mukha’y lalong gumaganda,
Ang kanyang malasutlang kutis ay maputi
Ang madilaw at siya ang pinakamaganda,
Ang kanyang hikaw at pulseras ay nagbigay sa kanya
Ng pambihirang yamang nakatago sa isang salamin.
Walang katulad ang kanyang ganda
At ang kanyang mukha’y tulad ng isang nimpang makalangit.
Ang kanyang damit ay lubhang marami,
Kasindami ng prinsesa ng Java.
Walang pangalawang Bidasari sa ibabaw ng lupa.
Prinsesa siyang higit na maputi kaysa araw,
Tulad ng anghel kaysa sa isang makasalanan,
Walang babaing nasa lupa ang makatutulad niya,
Ang buhok niya’y tulad ng buwang isang araw ang gulang.
Siya’y anak ng isang singsing na gawa sa Peylon.
Wika ng mga lalaki; Ang mga mata ni Bidasari malamlam
May tamis ang ngiti, ang kutis ay tila luntiang tjempaka,
At ang magandang anyo’y tulad ng isang
Ginawang mahal na estatwa.
Ang mga pisngi niya’y tulad ng tuka ng isang ibon,
Nais naming malasin ang kanyang leeg.
Ang ilong niya’y tulad ng bukong jasmine.
Ang maganda niyang mukha ay tulad ng pula ng itlog.
Ang diwa niya ay kasimputi ng Kristal.
Ang buhok niya ay nakalugay.
Ang kanyang labi’y tulad ng isang kininis na kahon.
Ang suot niyang bulaklak ay nagpapaaliwalas sa kanyang anyo.
Ah, ang puso niya’y tulad ng kanyang mukha…

Ang binasang awit ay ginawa sa isang tuwirang pagsasalin.

Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon nang kasal kay Lila Sari ngunit
natatakot ang babae nab aka ang sinabi sa kanya ng Sultang siya ay mahal na mahal at hindi niya
nais na mapahiwalay ay hindi mangyayari. Natatakot si Lila na ang kanyang asawa ay makakita
ng isang higit na ganda kaysa kanya at siya ay iwanan. “Kung may Makita kang lalong maganda
kaysa sa akin, malimutan mo kaya ako?” At pabirong isinagot ng Sultan, “kung may lalong
maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat!” Kaya, kinabukasan, ang
Sultana ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang malaman kung may makikitang higit
na maganda kaysa sa kanya. At nakita ng mga batyaw si Bidasari.
Sa pagkukunwaring gagawing daman g Sultana, si Bidasari ay nadala sa palasyo at
ipinakulong ni Lila Sari. Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan nito sa tuwing umaalis ang
Sultan at doon ay sinasaktan at pinagsasabihan ng masasakit na salita hanggang sa hindi na
nakatiis si Bidasari. Sinabi ni Bidasari kay Lila Sari “kung ibig ninyo akong mamatay, kunin ninyo
ang isdang ginto sa hardin ng aking ama. Kapag araw, ito’y ikuwintas ninyo at sa gabi ay ibalik
ninyo sa tubig. Sa gayon, hindi malalaon at ako ay mamamatay.” Ipinakuha ni Lila Sari ang isda at
pinahintulutang mapabalik si Lila Sari sa kanyang magulang.
Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa araw, kapag ikinukuwintas ng Sultana ang isda, si
Bidasari ay nakaburol sa kanilang bahay at sa gabi lamang siya nabubuhay muli. Sa takot ni
Diyuhara nab aka tuluyang patayin ng Sultana si Bidasari, nagpatayo siya ng magandang palasyo
sa isang gubat na malayo sa Indrapura at doon itinirang mag-isa si Bidasari. Laging sarado ang
palasyo.
Palagay ang kalooban ni Sultana Lila Sari sa paniniwalang si Bidasari ay namatay. Ngunit,
isang araw, nang walang gaanong ginagawa ang kanyang asawng Sultan, naisipan niyang
mangaso sa gubat. Sa paghahanap niya ng usa, narrating niya ang palasyo ni Bidasari.
Saradong-sarado ang palasyo. Kaya lalong pinagnasaan niyang mapasok ito. Natagpuan niya
itong walang katao-tao. Pinasok niya ang lahat ng silid at sa wakas ay nakita niya ang kuwarto
kung saan nakaburol si Bidasari. Nagtaka siya. Ngunit hindi niya ginising si Bidasari. Kinabukasan
ay nagbalik siya’t naghintay hanggang sumapit ang gabi. Nabuhay na muli si Bidasari at lubhang
hinangaan ng Sultan ang kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang katotohanan. Galit nag alit ang
Sultan. Pinakasalan agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa tronong katabi niya samantalang si
Lila Sari ay naiwang nag-iisa sa kanyang palasyo.
Pagkaraan ng maraming taon, nagbalikan na sa Kembayat ang mga tao. Nagkaroon pa ng
isang anak ang mga tunay na magulang ni Bidasari- siya ay si Sinapati.
Isang araw dumating sa Kembayat ang isang anak na lalaki ni Diyuhara. Nagulat siya nang
makita niya si Sinapati na kamukhang-kamukha ng kinikilala niyang kapatid na si Bidasari kaya
kinaibigan niya si Sinapati at ibinalitang may kapatid siyang kamukhang-kamukha niya. Itinanong
ni Sinapati sa kanyang magulang kung may kapatid siyang nawawala. Nagpunta si Sinapati at ang
kanyang magulang sa Indrapura sa pagbabakasakaling si Bidasari ang anak na iniwan sa Bangka
ng kanyang magulang. Sa kanilang pagdating ay nagtaka ang lahat dahil magkamukhang-
magkamukha sina Bidasari at Sinapati. Sinabi ni Sinapati ang kanilang pakay at ipinagtapat
naman ni Diyuhara na nakuha nga niya sa bangka si Bidasari.
Nagkakilala ang magkapatid at ipinakilala si Sinapati sa Sultan Mogindra. Naging masaya
ang lahat sapagkat tunay na prinsesa pala si Bidasari.
SAGUTAN
1. Ano ang dahilan at nawalay ang sanggol sa piling ng tunay niyang magulang na sultan at
sultana ng Kembayat?
2. Sino ang nakakuha sa sanggol? Ilarawan kung paano nila inuring tunay na anak si Bidasari.
3. Kailan nagsimulang magbago ang magandang buhay ni Bidasari? Makatarungan ba ang
ginawang pagtrato ni Lila Sari kay Bidasari nang ito ay patirahin niya sa palasyo?
4. Ilarawan si Lila Sari. Anong negatibong pag-uugali ang naghari sa kanyang puso? Mayroon din
bang ganitong uri ng tao sa tunay na buhay? Patunayan.
5. Ano naming magandang pag-uugali ang iyong nakita sa katauhan ni Bidasari?
6. Isa sa mga negatibong pag-uugali ni Lila Sari ay ang kawalan nito ng tiwala sa sarili kung kaya
siya ay nainggit kay Bidasari. Sa iyong palagay, ano ang kadalasang nangyayari sa mga taong
may ganitong kahinaan? Bakit?
7. Naranasan mo na bang kainggitan ng ibang tao? Kung oo, ano ang ginagawa mo sa mga taong
naiinggit sa iyo?
8. Bakit hindi nakabubuti ang pagiging mainggitin? Paano ito makahahadlang sa pagtatagumpay?

You might also like