You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN RADIO BROADCASTING SCRIPT GROUP 3

(POLIS)

1 TIME SLOT
2 Intro Music.. 00:00
3 Anchor Mula sa bulwagang pambalitaan, mga balitang pang
1&2 kasaysayan.
4 ANCHOR 1 Narito ang mga kaalamang nakalap sa labas ng
bansa.
5 ANCHOR 2 Ito ang isyung ating tututukan.
6 ANCHOR Hatid sa inyo ng R.P.P. radyong
1&2 pangtalakayang pangkasaysayan.
7 ANCHOR 1 Magandang hapon sa inyong lahat, ito po ang
inyong lingkod, Joshua Paor.
8 ANCHOR 2 At ako naman, si Nina Ella para maghatid ng
balitang siksik at sulit na sulit.
9 ANCHOR 1 Narito na mga kaalaman sa Polis ating aalamin.
10 MUSIC PLUG IN…….FADES
11 ANCHOR 2 Mga isyu at pangyayari ating tatalakayin.
12 MUSIC PLUG IN…….FADES
13 ANCHOR 1 POLIS, SAAN NGA BA NAGMULA?
14 MUSIC PLUG IN…….FADES
15 ANCHOR 2 ANO ANO NGA BA ANG MG A
KARAPATANG TINATAMASA NG MGA
LIHITIMONG MAMAMAYAN NG ISANG
LUNGSOD O ESTADO SA PANAHONG ITO?
16 MUSIC PLUG IN…….FADES
20 ANCHOR 1 BAKIT NGA BA MAHALAGA SA MGA
GRIYEGO ANG PAKIKIPAG KALAKALAN?
21 MUSIC PLUG IN…….FADES
22 ANCHOR 2 ANO ANO NGA BA ANG ACROPOLIS AT
METROPOLIS?
23 MUSIC PLUG IN……FADES
24 ANCHOR 1 Narito si Lara para sa balitang Polis. Lara, ano
nga ba ang polis?
25 REPORTER Ayon sa aking nakalap na kaalaman, ang polis ay
1 isang lungsod o lungsod estado. Orihinal itong
tumutukoy sa lungsod estado ng sinaunang
Gresya. Sa pagsisimula ng panahong Hellenic
umusbong ang mga lungsod estado sa Greece.
Dalawa sa mga nangungunang lungsod estado
ang Sparta at Athens. Nagtatag noon ang mga
griyego sa may burol at tuktok ng bundok bilang
pananggalang laban sa mga kaaway. Sa paligid ng
mga moog na ito, nabuo ang mga lungsod estado
na tinawag na polis ng mga griyego. Ako si Lara,
nagbabalita. Balik sainyo Ella.
26 ANCHOR 2 Maraming salamat Lara, narito naman si
Jessamine para sa panibagong balita.
27 REPORTER Kung ating babalikan ang kasaysayan, ang mga
2 karapatang tinatamasa ng lehitimong
mamamayan ng isang lungsod o estado ay ang
pagkakaoon ng bomoto, magkaroon ng ari-arian,
humawak mg posisyon sa pamahalaan at
ipagtanggol ang sarili sa mga korte katulad ng
tinatamasa natin ngayon ngunit, bilang kapalit,
sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at
tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa
panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa
ang paglago ng kalakalan. Ito si Jessamine,
nagbabalita para sa radyong pangtalakayang
pangkasaysayan.
28 ANCHOR 1 Salamat Jessamine, samantala narito naman si
Kimberly para sa karagdagang balita.
29 REPORTER Batay sa impormasyong aking nakalap, mula sa
3 pakikipag kalakalan sa ibat ibang panig ng daigdig
natututuhan ng mga griyego ang mga bagong
ideya at teknik. Mula sa Phoenician ay nakuha
nila ang ideya ng alpabeto na nagging bahagi
naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din
nila ang mga teknik ng Phoenician sa pag gawa ng
mas malalaki at mabibilis na barko. Habang sa
mga Sumerian naman, ay namana nila ang
sistemang panukat. Mula naman sa mga Lydian
ay natutuhan nila ang pag gamit ng sensilyo at
barya sa pakikipag laban. Kimberly, nag uulat
para sa radyong pangtalakayang pangkasaysayan.
30 ANCHOR 2 Maraming salamat Kimberly, magbabalik kami
pagkatapos ng isang patalastas.
31 INFOMERCIAL History trivia facts. Alam nyo ba mga kaibigan na
NEWS ang isa sa pinaka sikat na labanan sa buong
daigdig ay ang battle of the Thermopylae na
naganap noong 480 BCE. Sa labanan sa pagitan ng
Archemid Persian empire sa paghahari ni Xerxes I
at ang alansiya ng mga greek cities na
pinamunuan naman ni king Leonidas. Nangyari
ito dahil sa tangkang pag last stand ng mga
griyego laban sa pumapalapit na Persian kung
saan pumupwesto sila sa gitna ng dalawang
bundok at sa lakas ng 300 na Spartans at 100
athens ay sinubukan nilang pigilan ang pag sakop
ng mga Persian na may lakas na 10,000 katao. At
hanggang sa ngayon ay isa sa mga pinaka
tinatangkilik.
32 ANCHOR 1 Ang patalastas na ito ay hatid sa inyo ng
istasyong ito.
33 MUSIC PLUG IN……..FADES
34 ANCHOR 2 Nagbabalik ang R.P.P. radyong pangtalakayang
pangkasaysayan
35 ANCHOR 1 Time check, ang oras natin ngayon ay ganap na
alas tres ng hapon.
36 ANCHOR 1 Partner, naririnig moba ang tungkol sa mga
acropolis? Ano nga ba ang mga ito? Nina Ella
ichika mo!
37 REPORTER Ayon sa araling panlipunan kasaysayan ng
4 daigdig mudyul ng mag aaral sa ikawalong
baiting. Karamihan ng mga polis ay may
pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar
na tinatawag na acropolis o matataas na lungsod.
Sa panahon ng digmaan, ito ang nagging
takbuhan nga mga griyego para sa kanilang
proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang
matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito
ang nagging sentro ng politika at relihiyon ng mga
griyego. Ito si ella, chikadora.
38 ANCHOR 1 AHA! Salamat Ella.
39 ANCHOR 2 Partner, kung ang acropolis ay matataas na
lugar, ano naman ang tinatawag na metropolis?
40 REPORTER Sa aking pagkakaalam, batay sa araling
5 panlipunan kasaysayan ng daigdig modyul ng
mag aaral sa ika walong baitang, bagamat
napunta ang mga griyego at nanirahan sa
malalayong lugar, di nawala ang kanilang
ugnayan sa kanilang pinagmulang lungsod estado
na tinatawag na metropolis. Kasabay nito ang
mabilis na paglaki ng pupolasyon na naging
pangunahing dahilan naman kung bakit
nangibang lugar ang mga griyego. Ang iba ay
napadpad sa mga karagatang Mediterranean at
Iton.
41 ANCHOR 2 Salamat partner! At yan ang mga nakalap na
impormasyon sa araw na ito.
42 ANCHOR 1 Mga balitang rumaratsada walang kawala.
43 ANCHOR 2 Mga balitang kasaysayan narito sa aming
talakayan.
44 ANCHOR 1 Muli, ito ang inyong lingkod, Joshua Paor.
45 ANCHOR 2 At Nina ella, na nagsasabing
46 ANCHOR Sa asignaturang araling panlipunan bawat
1&2 kasaysayan ay ating ma pag aaralan.
47 ALL Ito ang R.P.P. radyong pangtalakayang
pangkasaysayan.
48
49
50
END
Inihanda ng: Group 3
Submitted to: Ma’am Dalisay Luay

Leader: Joshua Paor Anchor 1: Joshua Paor


Nina Ella Catubay Anchor 2: Nina ella Catubay
Lara Jane Samulde Reporter 1: Lara Jane Samulde
Jessamine Asher Javier Reporter 2: Jessamine Asher
Javier
Kimberly Falcunit Reporter 3: Kimberly Falcunit
Claire Ruado Technical: Claire Ruado

You might also like