Ang Parol ay sumusimbolo at nagpapaalala sa atin na
nalalapit na kapanganakan ng Mesias.Ito ang nagbibigay kulay sa pasko. Noong unang panahon,hindi pa nauuso ang parol at ang kapaskuhan ay hindi ipinagdiriwang.Ang mga tao ay hindi marunong magbigayan. Sa isang malayang bayan ay may batang mabait na nagngangalang Carol.Ulila siya at tanging ang lola ang nag-aalaga at kumukupkop sa kanya.Tumutulong si Carol sa mga gawaing bahay at siya ay masunuring bata.Pagtitinda ng kakanin ang ikinabubuhay nila.Madalas sumasama si Carol sa paglalako ng paninda at siya ang nagbibitbit ng mga dahong ginagamit na pangbalot ng kakanin.Simple ang buhay nilang mag-lola pero masaya si Carol dahil sapat na sa kanya na may isang taong nagmamalasakit sa kanya. Nagkasakit ng malubha at namatay ang lola ni Carol dahil hindi nadala sa ospital. Naiwan na mag-isa sa buhay si Carol at labis ang kanyang kalungkutan lalo na sa gabi kung saan madilim ang paligid.Pinilit ni Carol na mabuhay at ipinagpatuloy niya ang pagluluto ng mga kakanin upang mabuhay.Minsan ay may isang matandang maruming- marumi siyang nakasalubong at gutom na gutom.Naawa siya sa matanda kaya isinama niya ito sa bahay binihisan at pinakain.Talagang napakabait mong bata.Pinagpapala ang mga taong may ginintuang puso tulad mo wika ng matanda.Ngiti lamang ang iginanti ni
Carol.Bago ito umalis ay may ibinilin sa kanya kapag
ikaw ay nalulungkot sa gabi ay tumingala ka sa langit at mapapawi ang iyong lumbay.Masdan mo ang ganda ng kalangitan at sundan mo ang pinakamalaking tala at ituturo niya ang daan patungo sa Panginoon,ito ang tinuran ng matanda. Nang sumapit ang gabi ay muling nalungkot si Carol.Naalala niya ang sinabi ng matanda kaya tumingala siya sa langit at nakita ang tala. Sinundan niya ito at nakarating siya sa isang lugar kung saan ang mga angel ay nag-aawitan at may tatlong haring may dalang handog kay Hesu Kristo. Makalipas ang ilang araw ay nagbalik siya sa kanilang baryo at ipinamalita ang kanyang nasaksihan.Walang naniwala sa kanya. Kinabukasan lumikha siya ng isang hugis bituin na gawa sa siit ng kawayan.Binalutan niya ito ng palara na kulay dilaw at isinabit sa labas ng bahay.Nagtaka ang kanyang mga kapitbahay at nagtanong kung ano ang kahulugan.Ito ang bituin na nagturo sa akin kung saan isinilang ang Panginoong Hesu- Kristo. Ang ibig sabihin nito ay dapat tayong magmahalan at magbigayanmatapat na wika ni Carol.Nawala si Carol at hindi na muling nagbalik subalit naiwan ang hugis bituin na palamuting gawa niya. Mula noon gumawa na rin ng palamuting bituin ang mga kapitbahay.Ito ang nagpaalala sa kanila ng kagandahan ng Poong Maykapal.Doon nag-umpisa at nauso ang pagdiriwang ng kapaskuhan.Tuwing buwan ng Disyembre ay naghahanda ang lahat sa araw ng kapaskuhan.Ang mga tao ay nagmamahalan at nagbibigayan.Hindi nila
makakalimutang magsabit ng palamuting bituin na sa
katagalan ay tinawag nilang Parol bilang pag-alala sa isang batang mabait na si Carol.