You are on page 1of 6

MGA HUWARANG PILIPINO NOON AT

NGAYON
NOON
Lapu-lapu
Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban
sa mga mananakop na Kastila. Pinamumunuan ni Magallanes ang
unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa
kapuluan. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa
pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni Lapulapu at ng
kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si Magallanes sa
labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapulapu ng bansa.

Jose Rizal
Si Rizal ang pambansang bayani ng
Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang
sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang
kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila
sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa
bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa.
Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't
ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o
Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.
Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng
katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang matutong

bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga alpabeto at


dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina habang
tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.

Apolinario Mabini
Isang napakatalinong tao at may napakatibay
na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko
siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa
mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa
bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo
siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon
ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng
Himagsikan.

Emilio Aguinaldo
Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang
pangulo ng Unang Rebolusyonaryong Republika
ng Pilipinas. Sa kanyang tahanan unang itinaas
ang bandila ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
Ito ang araw nang ipinahayag niya ang kalayaan
ng Pilipinas mula sa Espaa.

Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng


Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan ng
mga Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga
Pilipinong lumaban sa mga Kastila sa
pamamagitan ng sandata o himagsikan. Gusto
nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa
Espaa.

NGAYON

"Isang Pinoy taxi driver ang nagsauli ng $300,000 o mahigit P13 milyong cash
na naiwan sa minamanehong sasakyan sa Las Vegas, Nevada, USA."
Isang Pinoy taxi driver ang nagsauli ng $300,000 o mahigit P13 milyong cash na naiwan
sa
minamanehong
sasakyan
sa
Las
Vegas,
Nevada,
USA.
Bumibiyahe sa Las Vegas si Gerardo Gamboa nang madiskubre sa likod ng kanyang
sasakyan ang isang bag at laking gulat niya nang makitang $300,000 cash ang laman
nito.
Kaagad tinawagan ni Gamboa ang pinapasukang kumpanya at kaagad naibalik sa
pasahero
ang
naiwang
pera.
Bunsod ng katapatan, nakilala si Gamboa sa Amerika at nakapanayam pa ng iba't ibang
media
organization.
Kwento ni Gamboa , kahit pa magpa-Pasko nang ito'y mangyari, hindi sumagi sa
kanyang
isip
na
kunin
ang
pera.
"Because it's not belong to me. First of all I'm not interested about those money and...
I'm not interested. And, i just wanna do the right thing," ani Gamboa sa isang panayam
sa
Reuters.

Paniwala

ni

Gamboa,

may

mas

malaking

sukli

ang

paggawa

ng

tama.

"It's about doing something good to the other people, so they can pick up a good
reputation. So even if you're driving a cab, I want these people to give you respect. Be a
decent
person,"
ani
Gamboa.
Binigyan naman ng $1,000 at pinarangalang "driver of the year" ng kanyang kumpanya
ang matapat na Pinoy taxi driver.

SAF 44

SAN PEDRO CALUNGSOD

FERDINAND MARCOS

PIA WURTZBACH

You might also like