Isang araw ay naglalakbay si Mullah at ang kanyang anak.
Pinasakay niya ang kanyang anak sa buro habang siya ay naglalakad. Dinaanan nila ang ilang manlalakbay. “Masdan ninyo ang malakas na bata na nakasakay sa buro. Iyan ngayon ang kabataan! Walang paggalang sa matatanda. Siya pa ang nakasakay habang ang kawawang ama ay naglalakad.”
Tumimo sa bata ang narinig at siya ay hiyang-hiya. Kung kaya
hinimok niya ang kanyang ama na sumakay sa buro kapalit niya at siya na lamang ang naglakad.
Sa unahan ay may nadaanan naman silang isang pangkat. “Tingnan
ninyo ito! Isang maliit na bata ang pinaglalakad habang ang ama ay nakasakay sa buro,” pula nila. Sa pagkakataong ito, si Mullah at sumakay na rin sa buro kasama ang anak.
“Pagmasdan ninyo ang kawawang buro! Pasan-pasan nito ang
bigat ng dalawang tao.” Pagkarinig nito ay nagwika si Mullah, “Pinakamabuting gawin natin ay kapwa na lang maglakad upang wala nang magreklamo.”
Sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Muli, may mga
nakasalubong na naman sila. “Tingnan ninyo ang dalawang ito. Naglalakad sila sa ilalim ng mainit na araw samantalang maaaring naman silang sumakay sa buro.”
Sa kawalang pag-asa, pinasan ni Mullah ang buro sa kanyang
balikat at nagwika, “Tayo na, kapag hindi natin ito ginawa, imposibleng ang mga tao ay tumigil sa pagsasalita.”