You are on page 1of 4

GRAMATIKA AT RETORIKA: Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon o Pagtutol sa

Pagbibigay ng puna o Panunuring Pampanitikan

Ang pagbabasa at panonood ay bahagi na ng buhay ng isang indibidwal.


Nalilibang ka sa pagbabasa ng anumang akda o pananonood ng mga palabas o
pelikula na nagtataglay ng makatotohanang pangyayari sa buhay. Upang
masabing naunawaan mo ito, ang pagbibigay-puna o panunuri ay kailangan.

Sa panunuri ng maikling kuwento, dapat suriin ang mga elementong taglay nito:
tauhan, tagpuan, tunggalian, simbolo, pahiwatig, magandang kaisipan o
pahayag at maging ang paraan ng pagsisimula at pagwawakas.

Sa nobela, karaniwan na inaalam ang mga katangiang pampanitikang


napapalopb sa akda tulad ng elemento ng maikling kuwento. Sa pagsusuri ay
inaalam din ang aspetong panlipunan, pampolitikal, pangkabuhayan at
pangkultural na nakapaloob sa nobela at paggamit ng angkop na teoryang
gagamitin sa pagsusuri. Ang pagsususri ay kaugnay ng pagiging interaktibo ng
tao, ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksyon hinggil sa kanyang
naranasan, nakita o napanood, narinig o nabasa. Dapat isaisip na ang pagsusuri
o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content), Kahalagahan (importance), at
ang estilo ng awtor o may-akda (author’s writing style).

Samantala sa pagsusuri ay mahalaga rin na matutuhan natin ang mga teoryang


ginamit sa akda. Para malaman natin ang sistematikong pag-aaral ng panitikan
at ang kagandahang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino o ano mang bagay at
lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag
din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao
ay nasisilaw sa ginhawang maibibigay ng kayamanan. Natanggap ng isang
tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya
ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong
makasisira rin sa tao.

 Panunuri at Suring Basa

Ang pagbasa ay may malaking ambag sa pangangalap ng kaalaman hinggil sa


mga konsepto at kabatiran sa ibat-ibang bagay na dapat matutuhan. May layon
sa pagbasa ang anomang akda o teksto. Nagiging makahulugan ang pagbasa
kung pahahalagahan ito tulad ng pagsusuri sa kabuuan ng isang akda.
Ang panunuri ay isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang
likhang sining. Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi ito’y
isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao—ang kanyang anyo, ugali, kilos,
paraan ng pagsasalita at maging ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang
kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya.

Ang suring-basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda


tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, o iba pang uri ng panitikan.

Ang pagsusuri o rebyu ay pag-alam sa nilalaman, kahalagahan at ang estilo ng


awtor o may-akda. Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas
ng isang suring-basa tulad ng sumusunod.

I. Pamagat, may-akda, genre


II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang ginamit (Naturalismo, Eksistensiyalismo,Realismo at iba pa)

Ang buod ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang


pangungusap. Samantala, ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan
ang binasa. Ang bisa sa damdamin naman ay kung ano ang nadama at paano
napukaw ang emosyon ng mambabasa. Ang bisa sa isip ay kung paano
naimpluwensiyahan ang pag-iisip ng mambabasa.

Ang mensahe ay kung ano ang gustong sabihin ng teksto sa mambabasa. Ang
teoryang ginamit ay ang kahalagahan ng panitikan sa lipunan lalo na kung ang
teksto ay nasusulat sa isang mahalagang panahon ng kasaysayan.

 Mga Teoryang Pampanitikan


Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang
mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Mayroong ibat-ibang teorya para sa pag-
aaral na ito. Katotohanan at kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit
sino o ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad.
Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigay ng
kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang
tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad
ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao. Ang teoryang
pampanitikan ay nakatutulong din upang maging mabisa ang iyong pagsusuri
sa akdang binasa at mas lalawak pa ang iyong pag-unawa sa akdang iyong
binasa hinggil sa lipunan, moralidad, kahirapan, katiwalian, gobyerno at iba pa.

Uri ng Teoryang Pampanitikan

1. Moralistiko
— Sumusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit, pinahahalagahan
ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda.
2. Sosyolohikal
— Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang
panitikan.
3. Sikolohikal
— Makikita ang takbo ng isip ng may-akda; antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at
kamalayan ng may-akda.
4. Formalismo
— Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo, kabisaan ng
pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga
bahagi at teknik ng pagkakabuo ng akda.
5. Imahismo
— Umusbong noong 1900. Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa
larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda ng mga salitang kapag
binanggit sa akda ay nag-iiwan nang malinaw at tiyak na larawan sa isipan
ng mambabasa.
6. Humanismo
— Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o
katangian ng tao sa maraming bagay.
7. Marxismo
— Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat
na puwersa; malakas at mahina, mayaman at mahirap, kapangyarihan at
naaapi.
8. Arkepto/Arkitaypal
— Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda at
nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang
binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang
pinakamensahe ng akda.
9. Feminismo
— Maaaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng
mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga
imahen ng mga babae sa akda. Layon nitong labanan ang anomang
deskriminasyon, exploitation, at operasyon sa kababaihan gaya nina Lualhati
Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo.
10. Eksistensyalismo
— Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala,
kilos at gawi ng tauhan. Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa
kanyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay
hindi maikahon sa lipunan.
11. Klasisismo
— Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri na ang layon ay katotohanan,
kabutihan at kagandahan. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo,
magkakasunod-sunod at may hangganan ang teoryang ito.
12. Romantisismo
— Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon,
pagtakas mula sa realidad o katotohanan. Nagpapakita din ito ng
pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na
nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di- tuwiran, maaring di
kapani-paniwala o sa paraang nakatatawa ngunit kung ito'y titingnan nang
mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan.
13. Realismo
— Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay
na buhay na ang pinapaksa ay ang kalagayang nangyayari sa lipunan tulad
ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at deskriminasyon. Madalas din itong
nakapokus sa lipunan at gobyerno.

You might also like