You are on page 1of 9

Aklat ulat tungkol sa nobelang:

”EL Filibusterismo”
ni:Dr. Jose P. Rizal

Ulat nina:
Alfamelyn Dumahin
Zyra Nicole Buyayo
Jassmin joy Biniahan
Julius Pahitong
Zaeri fred Melecio
Iysmael john Dogwe
Tagpuan:

*Ang tagpuan ng nobelang “EL Filibusterismo”


ay sa Maynila
Mga Pngunahing Tauhan sa nobelang
“EL Filibusterismo”

1.Simoun- isang mayamang mang-aalahas. Siyay misteryosong


nakasalaming may kulay sa gabi man o sa araw.
2.Basilio- ang anak ni sisang nakatapos ng medisina sa tulong ni
kapitan Tiago.
3.Isagani- ang pamangkin ni Padre Florentino na katipan ni
Paulita.
4.Placido Penitente- Ang pinakamatalinong mag-aaral na taga-
Tanauan,Batangas.Siyay nabigo sa kanyang inaasahang
Sistemang edukasyon sa Maynila.
5.Padre Salvi- Ang kura ng San Diegong pumalit kay Padre
Damaso.Siyay tinaguriang “moscamuerta” o patay na
Langaw.
6.Padre Cammora- Ang kura paroko ng kumbenta ng tiani ng
nagtangkang pagsamantalahan si Juli.
7.Padre Irene- Siya ang kapanalig ng kabataan sa paghingi ng
pahintulot na maipatayo ang Akademya ng wikang
Kastila.
8.Padre Florentino- Tiyuhin ni Isagani.
9.Padre Fernandez- Ang Dominikong paring may kakaibang ugali
Sa mga ibang kaparian.
10.Paulita Gomez- Ang pamangkin ni Donya Victorina at katipan ni
Isagani.
11.Juli- Bunsong anak ni kabesang Tales at katipan ni Basilio.
12.Donya Victorina- Asawa ni Don Tiburcio de Espadana at tiyahin
ni Paulita Gomez.Siyay nag-aasal Espanyola gayong
siya namay pilipinang-pilipina.
13.Kabesang Tales- Siya ang ama ni Juli,ang may-ari ng lupaing
Inangkin ng korporasyon ng mga prayle.Dahil dito’y
Siya’y sumasama sa tulisan.
14.Tandang Selo- Ang ama ni kabesang Tales at lolo ni Juli.
15.Don Costudio- ang kastilang opisyal ng pamahalaan na nagpapa-
Lagay na siya lamang ang nag-iisip sa Maynila.
Siya’y kilala sa tawag na “buena tinta”.
16.Senyor Pasta- Ang pinakasikat na mananangol na tagapayo ng
mga Prayle sa mga suliraning legal.
17.Ben Zayb- Isang mamahayag na kastila na hindi patas ang
pagsulat ng balita.
18.Quiroga- Ang Intsik na naghahangad na magkaroon ng
konsulado sa pilipinas.
19.Mr. Leeds- Isang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa
Perya.
20.Juanito Pelaez- Ang anak ng isang mayamang mangangalakal na
Pinakasalan ni Paulita Gomez.
21.Makaraig- Ang mayamang mag-aaral na nangunguna sa
pagnanais na makapagpatayo ng Akademya ng
wikang kastila.
22.Sandoval- Isang kastilang mag-aaral na nakiisa sa mga
Pilipinong mag-aaral na maitayo ang Akademya.
23.Hermana Penchang- Ang mayamang donya na nagpahiram ng
pagtubos kay Juli kapalit ng kanyang pangangatulong.
24.Hermana Bali- Ang tumulong kay Juli para makalaya si Basilio.
Banghay ng mga Pangyayari(Buod)

Ang nobela ay nagsimula sa paglalakbay ng isang bapor, ang


bapor tabo.Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si
Simoun,Isagani,at Basilio.Si Crisostomo Ibarra,ang bida sa “Noli
Me Tangere”,ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalat kayo bilang isang
mayamang alahero na nagngangalang Simoun.Taglay ang poot at
layong makapaghiganti at iligtas si Maria Claria sa
kumbento.Naglunsad si Simoun ng mga plano upang maging sanhi
ng himagsikan.

Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkutsaba sa iba’t-ibang


tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang
maghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Santa clara ngunit hindi natuloy ang
planong ito sapagkat namatay ng hapong iyon si Maria Clara .
Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataong si Simoun sa kasal ni
Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng
makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun ang
ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na
kasinlaki ng ulo ng tao . Lingid sa kaalaman ng lahat ,ang ilawang
ito ay nagtataglay ng granada na kapag itinaas upang paliwanagin
ay sasabog ito sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon,
hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni
Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan
sa ilog. Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang
kanyang mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino.
Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng Pari uminom siya
ng lason upang hindi mahuli ng mga gwardya sibil na buhay.
Nagwakas ang nobela ng ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun
sa dagat at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.
Aralin

Sa nobelang ito ni Dr. Jose P. Rizal.Naipapakita ang


mga pangyayaring naranasan ng mga pilipino noon sa
kamay ng mga kastila.Hindi naging madali para sa atin na
pagkatiwalaan ang mga pangyayaring ito sapagkat hindi pa
natin naranasan ang kanilang pinagdaanan noon.
Takot,hirap at pagtitiis ang dinanas ng mga pilipino. Dito
natin nakita ang kusang pagpatay sa mga pilipino kahit na
wala silang kasalanan. Dahil sa kawalan ng sapat na laban
silay naging alipin noon.Naipapakita rin dito ang naging
buhay ni Ibbara(Simoun) kung saan kailangan niyang
maghiganti para sa pagkamatay ng kanyang na si Maria
Clara,Elias,ang kanyang mga kaibigan, at ang amang si
Don Rafael na ang dahilan ng kanilang pagkamatay ay
dahil sa sobrang pagmamaltrato at pag-aalipin ng mga
kastila noon.
Mga Tunggalian at Solusyon
1.Si Basilio ay ulila wala siyang mga magulang ni kapatid,
Siya ay nagtungo sa Maynila at nakita niya si kapitan tiyago
at nakilala niya ito.siya ay sinundan ni Basilio at natanggap
na alilang walang bayad at nag-aaral sa San Juan de Letran.

2.Ang mutikang pagkamatay ng dalawang ikakasal na si


Juanito Pelaez at si Paulita Gomez at iba pang mga pana-
Uhin. Ngunit iniligtas sila ni isagani sa pamamagitan ng
Pagtapon ng lampara na maylamang bomba sa ilog.

3.Si Pracido Penitente at padre Mellon ay nag away dahil sa


panlalait ni Padre Mellon at upang hindi lalong lumala
Ay umiwas si pracido sa klase.Nagpatuloy sa pagseselmon
Si padre mellon upang hindi tularan si Pracido ng ibang
Mga mag-aaral.
4.Hindi pinatay ni Basilio si Simoun ng malaman niya ang
Ang tunay na katauhan nito.Dahil may utang na loob ito sa
Kanya.
5.Inangkin ng mga koorporasyon ng mga pari ang mga pari

Ang lupain ni Kabesamg Tales kaya siya umanib sa mga tulisan.

You might also like