You are on page 1of 10

Mga Pahayag

1. Ang dagli ay mga sitwasyong may mga nasasangkot na


tauhan ngunit walang aksyong umuunlad, gahol o kulang
ang banghay, at paglalarawan lamang.

1. FACT
2. Ang dagli ay isang salaysay na lantaran at walang timping
nangangaral, namumuna, nanunudyo o kaya’y
nagpapasaring.

2. FACT
3. Lumaganap ang dagli noong panahon ng himagsikan.

3. BLUFF
3. Ang dagli ay sumibol o lumaganap sa panahon ng mga
Amerikano. Nagsimula ito sa ating mga ninuno na kanilang
tinawag na kuwentong bitbit. Naging kakana naman ang
tawag dito noong panahon ng mga Kastila.

4. Ang dagli ay sketches kung tawagin sa Ingles.

4. FACT
5. Ang dagli ay tinatawag ding flash fiction o sudden fiction

5. BLUFF
5. Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng
dagli sa Pilipinas taong 1900s bago paman nagkaroon ng ang
flash fiction taong 1990.

6. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay ang nauusong estilo


ng maikling kuwento. Mga kuwentong pawang sitwasyon
lamang o plotless kung tawagin sa Ingles

6. FACT
7. Ang “Wag Lang Di Makaraos” na binubuo ng 100 dagli na
mga kuwentong Pasaway, Paaway, at Pamatay ay isang
aklat na inilathala ni Eros Atalia taong 2011.

7. FACT
8. Ayon kay Atalia, walang pamantayan kung gaano kahaba
ang isang dagli. Higit na kailangan ang pagkontrol ng mga
salita.

8. FACT
9. Limang(5) paraan sa pagbuo ng isang dagli ayon kay Atalia.
Una magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay,
tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding tagpo.
Ikalawa, magsimula lagi sa aksyon. Ikatlo, sikaping
magkaroon ng twist o punchline sa dulo. Magpakita ng
kuwento, huwag ikuwento ang kuwento. At ikalima,
gawing simple lang ang pamagat.
9. Limang(5) mungkahing paraan sa pagbuo ng isang dagli
ayon kay Atalia. Una magbigay tuon lamang sa isa: tauhan,
banghay, tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding
tagpo. Ikalawa, magsimula lagi sa aksyon. Ikatlo, sikaping
magkaroon ng twist o punchline sa dulo. Ikaapat, magpakita
ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento. At ikalima,
gawing double blade ang pamagat.

9. BLUFF
10. Karaniwan ding inaalay ang dagli sa isang babaeng
napupusuan o nagugustuhan.

10. FACT
11. Ginagamit din ang dagli upang maipahayag ng ating
mga ninuno ang kanilang mga damdaming makabayan at
kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.

11. FACT
12. Ang dagli sa kasalukuyan ay iba na ang tema hindi na ito
tulad ng dati na nangangaral at nanunuligsa itong bago ay
hindi lagi.

12. FACT
13. Nagmula rin ang dagli sa anyong pasingaw.

13. FACT
14. Ang dagli ay sumibol sa panahon ng mga Amerikano
upang tuligsain ang huwad na kalayaang ipinangako ng
mga ito.

14. FACT
15. Kinakailangang ang dagli ay maging matalinghaga upang
dagdagan ang kariktan nito.

15. Ang dagli ay isang uri ng salaysay na LANTARAN.

15. BLUFF
Mga Tanong sa Ulit-aral

1. Ano ang dagli?


2. Kailan lumaganap o sumibol ang dagli? -Panahon ng mga
Amerikano
3. Sapalagay mo bakit lumaganap o sumibol ang dagli sa
panahon ng mga Amerikano?
4. Ano sa wikang Ingles ang dagli? - sckeches
5. Sinong personalidad ang nagsabing nauna ang dagli kaysa
flash fiction o sudden fiction? – Dr. Reuel Molina Aguila
6. Ang Wag Lang Di Makaraos ay binunuo ng 100 dagling mga
kuwentong _______, _________, at _______. Ano ang mga
ito? - mga tema ito ng dagling nakapaloob sa
nabanggit na aklat. Tatlong P ------ Pasaway, Paaway, at
Pamatay
7. Sa anong taon at Sino ang naglathala ng aklat na “Wag Lang
Di Makaraos”? -Eros Atalia taong 2011.
8. Ayon kay Atalia, ano-ano ang mga paraan sa pagsulat ng
dagli? –
 Una magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay,
tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding
tagpo.
 Ikalawa, magsimula lagi sa aksyon.
 Ikatlo, sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo.
 Ikaapat, magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang
kuwento.
 At ikalima, gawing double blade ang pamagat.
9. Maliban sa panunuligsa, saan pa pwedeng gamitin ang
dagli? -Para sa babae o lalaking napupusuan
10. Anong mga tribu ang bumubuo sa mga isla ng Caribbean? -
Arawaks, Ciboney, at Caribs
11. Sino ang tauhan sa dagling “Ako Po’y Pitong Taong
Gulang” at saan nagmula ang dagling ito? - Amelia, at sa
isang isla sa Carbbean.
12. Ano ang buhay meron si Amelia?
13. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa dagling “Ako
Po’y Pitong Taong Gulang”? ipaliwanag kung bakit?
14. Anong damdamin ang iyong nadama pagkatapos mong
basahin ang dagling “Ako Po’y Pitong Taong Gulang”?
15. Ayon sa paraan ng pagbuo ng dagli ni Atalia, sa
kuuwentong “Ako Po’y Pitong Taong Gulang”, nagsimula
ba sa aksyon ang kuwento? Ipaliwanag.
16. Nagkaroon ba ng twist?
17. Naging Double Blade ba ang pamagat ng dagling “Ako Po’y
Pitong Taong Gulang”?
Paghahalaw

Para sa Kagalingan at Karapatan ng mga bata

ni Macky Macaspac

1. Katahimikan ang namayani sa bulwaggan matapos magsalita si


Melissa San Miguel sa mikropono. Garalgal ang tinig ng executive
director ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns at tila nagpipigil
ng hikbi. Inanunsiyo niya, sa harap ng pambansang kumperensiya
para sa karapatan at kagalingan ng mga bata, isang malagim na
pamamaslang sa isang bata sa Tarlac ang naganap pa lamang.

2. Isang 15- anyos na bata ang namatay, matapos magpaputok ng baril


ang mga pulis para gibain ang mga bahay ng maralita sa naturang
probinsya.

3. Nagluksa ang mga delegado ng nasabing kumperensiya. May ilan sa


300 delegado mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naiyak pa.
“Opisyal na itinatala ng Salinlahi ang ikasiyam na batang pinaslang
sa ilalim ng administrasyong Aquino,” malungkot na wika ni San
Miguel.

4. Ang kumperensiya’y inilunsad ng iba’t ibang grupong


tagpagtaguyod ng karapatan ng mga bata, sa pangunguna ng
Salinlahi, Children’s Rehabilitation Center(CRC) at Gabriela. Inilinsan
nila ito dahil mismo sa nakakaalarmang pardon ng pagkakabiktima
ng mga bata sa iba’t ibang proyekto’t patakaran ng gobyerno,
kabilang na ang kampanyang kontra-insurhensiya na Oplan
Bayanihan.

5. Nagluksa ang mga delegado sa balita ng pagpaslang kay John Cali


Lagrimas sa Tarlac dahi pamilyar ang istorya nito sa kanila
Para sa pagtataya:

1. Kailan lumaganap o sumibol ang dagli?


- Panahon ng mga Amerikano
2. Sapalagay mo bakit lumaganap o sumibol ang dagli sa panahon ng mga
Amerikano?
3. Ano sa wikang Ingles ang dagli?
- sckeches
4. Sinong personalidad ang nagsabing nauna ang dagli kaysa flash fiction o
sudden fiction?
– Dr. Reuel Molina Aguila
5. Ang “Wag Lang Di Makaraos ay binunuo ng ilang dagli?
- 100 mga dagli
6. Sa anong taon at Sino ang naglathala ng aklat na “Wag Lang Di
Makaraos”?
- Eros Atalia taong 2011.
7. Maliban sa panunuligsa, saan pa pwedeng gamitin ang dagli?
- Para sa babae o lalaking napupusuan o pagpaparinig ng
damdamin
8. Anong mga tribu ang bumubuo sa mga isla ng Caribbean?
- Arawaks, Ciboney, at Caribs
9. Sino ang tauhan sa dagling “Ako Po’y Pitong Taong Gulang” at saan
nagmula ang dagling ito?
- Amelia, at sa isang isla sa Carbbean.
10. Ano ang dagli?
- Ang dagli ay isang sitwasyon la mang walang pag-unlad ng
aksyon.

II. 11-15

Ibigay ang limang mungkahing paraan ni Eros Atalia sa pagbuo ng


isang dagli.
III. 16-20

Bumuo ng isang salaysay tungkol sa iba pang problemang


kinahaharap ng kabataan maliban sa child labor. Sikaping gumamit ng mga
salitang nagpapahayag ng damdamin at pangyayari. Pumili sa limang paksa:
bullying, maagang pag-aasawa, masasamang bisyo, generation gap, at problemang
pampamilya.

You might also like