You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur

FILIPINO 10
Ikatlong Markahan
Aralin 3.2
Maikling kwento sa East Africa
Aralin 3.5
A. PANITIKAN : ANG ALAGA( MAIKLING KUWENTO MULA
SA EAST AFRICA) NI BARBARA KIMENYE
ISINALIN SA FILIPINO NI MAGDALENA O.
JOCSON
B. GRAMATIKA: MGA SALITANG NAGLALAHAD NG
OPINYON

C. URI NG TEKSTO: NAGLALARAWAN


GAWAIN 1: Checklist
 Lagyan ng tsek ang patlang bago ang bilang na may
kaugnayan sa maikling kwento. :
___________1. naglalahad ng mahalagang kaisipan
___________2. maaring pormal at di pormal
___________3. banghay
___________4. wakas
___________5. simula
___________6.suliranin
___________7. tunggalian
___________8. kasukdulan
___________9.mga tauhan
Gawain 2: Anticipation Guide

Bago basahin ang akda, basahin ang mga


pangungusap sa ibaba at isulat sa unang
kolum kung sang-ayono di sang-ayon na
mababasa ang pahayag sa tatalakaying akda.
Sang-ayon o di-sang- Pahayag
ayon?
Hindi na naging interesado ang mga kasamahan ni
Kibuka sa kaniya.
Naiisip ni Kibuka na kasiya-siya ang kanyang buhay
kaya’t kailangan niyang magpatuloy sa pakikibaka.
Isang biik ang pasalubong ng paboritong apo ni Kibuka
sa kanya.
Sa una ay naisip ni Kibuka na ang biik ay alagaan.
Habang lumalaki ang baboy ay araming problemang
dumarating.
Sa naganap na aksidente, ang baboy na alaga ni Kibuka
lamang ang nakaligtas.
Sa huli ay naisip din ni Kibuka na makakatulog na siya ng
maayos.
Gawain 3: Sa iyong Palagay

1. Piliin sa kasunod na kahon ang sa iyong palagay ay mga salita o pahayag na


naglalahad ng opinyon.
ayon sa/kay … tunay na….
Kung ako ang tatanungin… batay sa/kay…
naniniwala akong maliban sa…
sa tingin ko… sa aking palagay…

2. Sa iyong palagay bakit kaya mahalagang maunawaan ang mga salitang ito?
Alam mo ba na…
Ang maikling kwento o maikling katha ay nililikha ng masining upang mabisang
maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay
ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. Taglay nito ang
pagkakaroon ng (1) isang kakintalan; (2) isang pangunahing tauhan may mahalagang
suliraning kailngang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi
ng buhay 4. may mahalgang tagpuan; (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na
agad sususndan ng wakas. Isa sa mga uri ng maikling kwento ay ang kwento ng
tauhan – ang binigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan.
Ang Alaga
Ni. Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena o. Jocson
Linangin: Pagbabasa sa maikling kuwento
Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit:
1. Ngayon, gugugulin niya ang kanyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi
ng ilog.
2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay
lamang sa alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.
4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya
hindi niya ito maipagbibili
5. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang
di- inaasahang pangyayari ang naganap
Gawain 5: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

 Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kanyang kalakasan at kahinaan
bilang tauhan.

2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga ng may
pagapapahalaga?

3. Ano ang suliraning nangingibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang


pangyayari sa lipunan.
4. Paano ka naaapektuhan ng akdang iyong nabasa?
5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan, at
pandaigdig.

Sarili
Kahalagahan ng akda Lipunan
sa….
Daigdig
Alam mo ba na…

Ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay


mahalagang maunawaan natin. Nais nitong ipahiwatig ang
ipinapahahayag ng ating kausap o ang mambabasa.
Mga Salitang Nagpapakilala sa Pagsasaad ng Opinyon
sa palagay ko…
pinahihiwatig sa kaniyang sinabi…
batay sa aking paniniwala…
sa tingin ko…
Pagsasanay 1:
Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag na naglalahad ng
opinyon batay sa ss. na sitwasyon

1. Pagkakaroon ng Senior High School


2. Pagtaas ng bilihin
3. Ekonomiya ng bansa
4. Krimen na nangyayari ng bansa
5. Pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot
Pagsasanay 3.

Suriin ang patalastas sa telebisyon tungkol sa isang


produktong tinatangkilik ng lipunan. Ilahad ang iyong
pananaw tungkol dito. Gamiton at sanlungguhitan ang
pahayag na naglalahad ng iyong opinyon.
Patalastas
 Ang patalastas ay maaring pasalita at pasulat. Ang pagsasahimpapawid ay
ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa sa
radyo at sa telebisyon. Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustihan
ng mga tao o kaya’y mga paligsahang pinababatid sa publiko.
 Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan, billboards,
poster at magasin. Nakalimbag dito ang nais ianunsyong mga gawain o
hanapbuhayna kailangan ng isang tao o kompanya; mga larawan o hitsura at
katangian ng produkto o kayay panawagan para sa ma nagnanais lumahok sa
paligsahan.
Maraming Salamat!

Ihihanda ni:

GNG. MARGIE R. TACAD


Naglaoan National High School

You might also like