You are on page 1of 6

PANGALAN:__________________________ PETSA:____________________

BAITANG:____________________________ ISKOR:____________________
Panuto: Basahin ng mabuti ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Ang Buwaya at ang Pabo

Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng
sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop ang magkalakas ng loob na siya’y lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang mag-asawa na. Pasigaw niyang
sinabi,
“Ibibigay ko ang lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”
Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makarinig na pabo ang dumaan sa kanyang harapan. Inulit na binanggit
ng pilyong buwaya ang kanyang kahilingan. Nakinig ng mabuti ang makiring pabo, at sinimulang suriin ang anyo ng buwaya.
Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasa akin lamang ang lahat ng mga perlas at
diyamante, ako ang magiging pinakamasayang asawa sa buong mundo.”

Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok ng
kasal nang buong pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang mapagkunwari.
Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang diyamante at ang magaspang na balat nito
ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya ang alok nitong pagpapakasal.
Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon ay hindi daw madumihan ng putik ang
maganda nitong plumahe. Sinunod naman ng mangmang na ibon ang kahilingan ng buwaya.
Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng sakim na buwaya ang kanyang bagong asawa.

Sanggunian:https://proudpinoy.ph/pabula/halimbawa-pabula-pilipinas-may-aral/
Kabuuang bilang ng mga salita: 267

1. Saan nakatira ang buwaya?


A. Ilog ng Pasig
B. Ilong ng Laguna
C. Ilog ng Bay
D. Ilog ng Makati
2. Sino ang nagsabi ng pahayag na ito?
“Ibibigay ko ang lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”
A. Buwaya
B. Pabo
C. Manok
D. Bibe

3. Sino-sino ang mga tauhan na gumaganap sa kwento?


A. Buwaya at Pabo
B. Buwaya at Unggoy
C. Pagong at Matsing
D. Alitaptap at Ibon

4. Ano ang layunin ng may-akda kung bakit niya naisulat ang pabula?
A. Layunin nitiong makapagpasaya sa mga mambabasa.
B. Layunin nitong matulungan ang mga mag-aaral na magkakaroon ng kusa na bumasa.
C.Layunin nitong nailalahad ang kahalagahan sa buhay ng binasang pabula.
D. Layunin nitong makagabay sa mga mag-aaral.

5. Bakit naisipan ni Pabo na pakasalan si Buwaya?


A. Dahil mayaman ang buwaya
B. Dahil gwapo ang buwaya
C. Dahil gusto rin ng buwaya ang pabo
D. Dahil mapag-aruga ang buwaya

6. Paano nakumbinse ni Buwaya na lumapit si Pabo sa kanya?


A. Dahil binigyan niya ito ng pagkain
B. Dahil siya ang unang lumapit sap abo
C. Dahil Sumigaw siya na ibibigay niya ng lahat sa kanyang mapapangasawa
D. Dahil inalok ni buwaya si pabo na magpakasal na silang dalawa
7. Ano ang damdamin na namamayani sa kuwento?
A. Masaya
B. Malungkot
C. Nagagalak
D. Nakakatakot

8. Sa pagbabasa mo nang kwentong si Buwaya at Pabo, ano ang aral na iyong makukuha
dito?
A. Huwag manloko sa kapwa
B. Huwag maakit sa panlabas na anyo lamang.
C. Magiging mapanuri at kilalaning maigi ang taong nais pakasalan.
D. Lahat ng nabanggit
Obra Maestra ni Rizal

Ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon ay isang biyayang ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal.
Ngunit, hindi naging madali ang mga napagdaanang pagsubok ng ating mga bayani upang maisakatuparan ang
ninanais na kalayaan. Isa si Dr. Jose Rizal sa nakipaglaban at nanindigan upang makamit ito. Kaya siya ay
tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado y
Alonso Realonda. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Kalamba, Laguna. Bata pa lamang siya ay
kakikitaan na siya ng angking katalinuhan. Mas nadagdagan pa ang kaniyang kaalaman nang nakapag-aral siya
sa ibang bansa ng Medisina at natuto ng iba’t ibang wika kaya siya rin ay naturingang dalubwika.

Sa Kabila ng tinatamasa niyang magandang buhay at angking talino taas noo niyang ipinagmamalaki
na siya ay Pilipino dahil kahit siya ang nag-aaral sa ibang bansa ay hindi siya nag bulag-bulagan sa mga
pangyayari sa Pilipinas sa kamay ng mga Kastila. Kaya upang maipakita ang kanyang pagmamahal sa inang
Bayan at sa mga kapwa Pilipino ay ginamit niya ang kanyang katalinuhan bilang sandata upang maisulat ang isa
sa kanyang Obra Maestra ang Noli Me Tangere.

Ang mga salitang “Noli Me Tangere” na nangangahulugang Huwag Mo Akong Salingin ay naglalahad ng
kalagayang panlipunan, pamumuhay, paniniwala, pag-asa, mga mithiin at kapighatian ng mga Pilipino noon.
Ito ang isa sa mga katha ni Rizal ay naging daan upang mamulat ang mga Pilipino sa mga dinaranas na pang-
aapi ng mga Kastila. Ngunit sa paglathala nito’y galit na galit ang mga Kastila kay Rizal. Una, ay Ipinatapon siya
sa Dapitan at makalipas ang mahigit apat na taon ay nilitis siya sa Hukumang Militar at nahatulang barilin sa
Bagumbayan o Luneta noong ika-30 ng Disyembre 1896.

Mga Tanong:

1. Sino ang may akda ng Noli Me Tangere?


A. Apolinario Mabini
B. Andres Bonifacio
C. Jose Rizal
D. Graciano Lopez Jaena
2. Saan ipinanganak ang ating pambansang bayani?
A. Bagumbayan
B. Dapitan
C. Kalamba Laguna
D. Lungsod ng Maynila
3. Kailan ipinanganak si Rizal?
A. Hunyo 19,1861
B. Hulyo 19, 1861
C. Disyembre 30, 1896
D. Enero, 30,1896
4. Ilang taon si Dr. Jose Rizal noon siya ay pumanaw?
A. 39
B. 38
C. 36
D. 35
5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga paksang inilahad sa nobela?
A. Pananakop ng mga dayuhang Amerikano
B. Kalagayang Panlipunan
C. Uri ng ating pamumuhay
D. Paniniwala
6. Ano ang kasing-kahulugan salitang may salungguhit sa kahon.

Si Rizal ay tinaguriang dalubwika.

A. Nakakapagsalita ng iba’t ibang wika.


B. Isang wika lamang ang alam.
C. Nakaiintindi ng wikang Kastila
D. Nakagagamit ng Wikang Filipino at Kastila

7. Bakit galit na galit ang mga Kastila kay Rizal?


A. Dahil siya ay mula sa mayamang pamilya
B. Dahil siya ay matalino
C. Dahil sa pag-uwi niya sa Pilipinas
D. Dahil sa paglathala ng Noli Me Tangere

8. Anong aral sa buhay ang maaari nating matutuhan sa takatang ito?


A. Upang makamit ang kalayaan ay kailangan gumamit ng dahas.
B. Magandang sumulat ng nobela tungkol sa Bayan.
C. Gamitin ang angking galin at katalinuhan para makatulong sa Bayan.
D. Mag-aral sa ibang bansa para tumalino.
Sagot:

1. C

2. C

3. A

4. D

5. A

6. A

7.D

8.C

You might also like