You are on page 1of 13

MANUEL S.

ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

MODYUL SA
FILIPINO 7
MGA AKDANG
PAMPANITIKAN SA
PILIPINAS

Ma’am Jeannette Ann R. Canuel


Guro sa Filipino

Pangalan:
Seksyon:
Modyul 1Q1

MGA AKDANG PAMPANITIKAN:


SALAMIN NG MINDANAO

Tema: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG MINDANAO

MGA ARALIN:
Natalo Rin si Pilandok
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
Ekpresyong Naghahayag ng Posibilidad
PANIMULA:

Maligayang Pagdating sa Unang Bahagi


ng Ikapitong Baitang!
Sa modyul 1 matutunghayan natin ang mga akdang pampanitikan ng Pilipinas mula sa
Mindanao gaya ng pabula, kwentong-bayan, alamat, epiko at iba pa. Inaasahan natin na ang
mga aralin sa modyul na ito ay tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan
ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas lalo na sa Mindanao.

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makakapagpamalas ng pag-


unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng bansa sa tulong ng teknolohiya at mga
estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim na pagkatuto.

Sa pagtalakay ng modyul, gagabayan ang mga mag-aaral upang matamo ang sumusunod na mga
layunin para sa araling ito:
1. Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginamit na
panlapi.
2. Nakikilala ang kasingkahulugan ng salita mula sa iba pang salita sa pangungusap.
3. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan o nabasa.
4. Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan mula sa binasang akda.
5. Nauunawaan ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula.
6. Natutukoy at naipaliliwanag ang mahalagang kaisipan sa binasang akda.
7. Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maari, baka, at iba pa)
SUBUKIN

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano ang


kaalaman mo sa aralin

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Paano sinasalamin sa epiko ang tradisyong Mindanao?


a. Patunay na ito na marahas ang mga mamamayan sa Mindanao.
b. Nakakatakot ang Mindanao dahil maraming halimaw na kumakain ng tao.
c. Ipinapakita nito ang kasanayan ng taga-Mindanao sa pakikidigma.
d. Noong unang panahon, pinamamahayan ng maraming halimaw ang Mindanao.

2. Anong elemento ng kuwento ang binibigyang-tuon sa talata sa ibaba?


Lumipas ang ilang buwan at lumala ang panghihina ng matandang ina hanggang sa tuluyan nang
magkasakit. Kaya’t dinagdagan pa niya ang kanyang pagsisikap para maipagamot ang mahal na ina. Ngunit
anumang sigasig niya’y di pa rin magkasya ang kanyang kita para sa pagpapagamot sa nanay.
a. Tauhan
b. Kasukdulan
c. Suliranin
d. Banghay

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang walang tiyak na paksa?


a. Nagpunta siya sa palasyo.
b. Uulan na naman?
c. Maraming tao ang umasa.
d. Ako ay mamamasyal.

4. Ano ang ipinapahiwatig sa ibaba ng nagpahayag?


“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli.
“Maaaring isa lamang siyang espiritu!”

a. Nasa panahon sila na may malalim na paniniwala ukol sa mga engkanto.


b. Nasa panahon sila na talamak ang pangangaliwa ng mga bana.
c. Nasa panahon sila na unti-unting lumalim ang inggitan.
d. Nasa panahon ito ng paglalaban ng paniniwala at pag-ibig.

5. Ano ang katangian ng ahas sa kanyang pahayag?


“Tinalo mo ako, kaibigan! Paanong nangyari iyon?” tanong ng ahas sa pagong.
a. Mapagduda
b. Mapagkumbaba
c. Mayabang
d. Mandarambong

6. Alin sa mga sumusunod na uri ng akdang pampanitikan ang maaaring ihalintulad sa kuwentong-bayan?
1) Alamat 2) Pabula 3) Maikling Kuwento 4) Sanaysay

a. 1,2
b. 2,3
c. 3,4
d. 1, 4

7. Sino ang sinasagisag ni Kurita sa kasalukuyang lipunan batay sa kanyang katangian sa ibaba?
Apat na halimaw ang doo’y nanalot. Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop pagka’t sa
pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.

a. Maramot na tao
b. Pulitikong gahaman
c. Isang taong tamad
d. Makasariling tao

8. Bakit kailangang pag-aralan ng mga Pilipino ang mga panitikan mula sa Mindanao kaugnay ng pag-unawa sa
mga Mindanaoan?
a. Dahil hindi ito ganap na natatalakay sa pag-aaral ng panitikan sa Pilipinas.
b. Nang mabatid nilang tama ang kanilang persepyon sa mga taga-Mindanao.
c. Sapagkat dumarami ang mga panitikang Mindanao na nalathala sa kasalukuyan.
d. Upang matutuhan nila ang ugat ng mga pag-uugali ng mga tao sa Mindanao.

9. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang buhay at kulturang Mindanao?


a. Mababatid nila ang epekto ng digmaan sa Mindanao.
b. Makilala nila ang magagandang tanawin sa Mindanao.
c. Masusuri nila ang pamamahala ng gobyerno sa Mindanao.
d. Mauunawaan nila ang mga kababayan sa Mindanao.

10. Paano sinasalamin ng panitikan ng Mindanao ang kahalagahan ng kababaihan?


a. Inilalahad nito ang uri ng pamumuhay mayroon noon ang mga taga-Mindanao.
b. Mababatid na nagiging biktima ng digmaan ang mga babae.
c. May papel na ginagampanan ang kababaihan sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao.
d. Hindi nabibigyang-tuon ang kababaihan dahil pulos lalaki ang namamagitan sa iba’t ibang usapin sa
Mindanao.

11. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang hindi totoo sa Mindanao?


a. Marami itong magagandang tanawin na maaaring pasyalan.
b. May iba’t ibang kultura ang mga mamamayan dito.
c. Pangkaraniwan ang digmaan sa lahat ng bahagi ng Mindanao.
d. Bunga ng mga pangyayari sa kasaysayan ang kasalukuyang Mindanao.

12. Paano nailahad sa mga akdang Mindanao na may pagkakasundo at pagkakaisa sa Mindanao?
a. Itinatampok sa mga akda ang kultura ng mga tribu.
b. Inilalahad ang magandang ugnayan ng mga tao sa akda.
c. Inilalarawan ang pangarap ng isang tao na magtagumpay.
d. May iba’t ibang paniniwala’t wika ang Mindanao.

13. Paano makikintal sa susunod na henerasyon ang kakintalan ng kultura at buhay ng mga Pilipino sa
Mindanao?
a. Isulat ang mga ito bilang pagdodokumento.
b. Ipasa ito bilang isang buhay na tradisyon.
c. Manaliksik ukol sa kakintalan ng lahi.
d. Pagbisita sa mga museo at cultural heritage sites.

14. Paano mo higit na mahihikayat na mamasyal sa Mindanao ang maraming tao nang mamalas nila ang
kagandahan at pag-unlad ng mga bayan sa Mindanao?
a. Bumuo ng mga sulating naglalarawan sa isang lungsod sa Mindanao.
b. Sumulat ng online travelouge na nagpapakita ng mga larawan ukol sa sariling karanasan sa pagbisita
sa Mindanao.
c. Ikuwento sa mga kaibigan ang magagandang tanawing napasyalan sa Mindanao.
d. Gumawa ng scrapbook ng mga larawan ng pagpasyal sa isang lungsod sa Mindanao.

15. Ikaw ay susulat ng iyong sariling akdang pampanitikan para sa isang online patimpalak sa pagsulat. Ano ang
dapat na isalang-alang mo upang maging matagumpay ang iyong pagsulat?
a. Dapat maging malikhain sa iyong pagsulat.
b. Magbasa ng ibang panitikan para maging huwaran.
c. Alamin ang mga panuntunan at pamantayan sa paghusga.
d. Isakatuparan ang pagiging malaya sa lahat ng pagkakataon.
NATALO RIN SI PILANDOK
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2017/01/natalo-rin-si-pilandok-pabula.html

“Maging maingat sa iyong pakikitungo sa mga taong tuso at manloloko upang maiwasang maging
biktima nito”

Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na panlilinlang


o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi siyang nananalo. Subalit
sa pagkakataong ito, bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang panloloko o panlilinlang kaya siya
naman ang natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa kanya? Isa kaya itong malaki at
makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya natalo ang Pilandok? Halina’t iyong
alamin.

Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na magpunta sa
paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na
gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang
darating na maaaring makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad na nagningning ang kanyang
mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng pilandok. “Sa wakas, dumating din
ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka
na dahil ikaw ngayon ang aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-
kita ng pilandok ang matutulis na ngipin at pangil na baboy-ramo.

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na
magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata. “Kawawa ka
naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila awang-awa nga sa
kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam mo, sa gutom mong iyan at
sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito.

“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng baboy-ramo.

“Ha! Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis na nag-iisip. “Tao,
tao ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa paghahanap ng isang taong tiyak na
makabubusog sa iyo.” Ang paniniyak nito.

“Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo.

“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot naman ng pilandok.

“Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at pinalalaki ang
kanyang dibdib.

“Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong tumakbo,
tiyak na kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng pilandok sa baboy-
ramo.

Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa kanyang matatamis
na pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan
mo, kapag hindi ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa
pilandok.

“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa ng pilandok sa
baboy-ramo.
Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon. Nakarinig sila
ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang isang batang lalaking
nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon. “Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban at kakainin ko
na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo.

“Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masisiyahan diyan,” ang
sagot ng pilandok.

“Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong ng
baboy-ramo.

“Doon, sa gawing hilaga,” ang sagot ng pilandok.

Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking nagtatanim.
Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston.

“Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi ako
matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo.

“Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog diyan. Tira-tirahan na lang iyan. Hindi
iyan nababagay sa isang matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi ng pilandok.

Galit na ang baboy-ramo. “Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na gutom na
ako! Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang kakainin ko!” ang gigil na sabi nito sa pilandok.

“Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,” ang sabi ng
pilandok sabay turo sa isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng gubat.

“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang kumain ng
isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,” ang nakangising sabi ng pilandok.

“Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa nabiglang
mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin itong nakabangon at
napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-ramo.
Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng matinding uhaw kaya’t
naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-inom. Tahimik na
umiinom ang pilandok nang bigla niyang maramdamang may sumunggab sa kanyang isang paa.
Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang makailang beses na niyang nalinlang. Alam niyang galit sa
kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi siyang pinipigilang umiinom sa batis.

Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang matalinong pilandok. “Hay naku,
kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng isang usa,”
ang tila nang-uuyam na sabi ng pilandok.

Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok kaya ngayon ay
natuto na siya. Baka isa na namang patibong ito ng pilandok.

Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang kagat-kagat mo. Heto
ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa isang binti. Biglang binitawan ng buwaya ang
kagat-kagat na paa ng pilandok. Akmang susunggaban na sana nito ang isang paang itinaas ng
pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya, naisahan na naman siya ng
matalinong pilandok

Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit ang suso ay
naisip ng pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Hinamon niya ang suso sa isang karera at
anong laking gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya niyang talunin ang
pilandok.

Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang kanyang pagiging tuso o
mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang araw na siya naman ang maaring pagdiskitahan
ng pilandok. Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at aakalain mong iisang
suso lang sila dahil sa kanilang parehong-parehong itsura.

Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang pilandok. Subalit
paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay anong laking gulat niya nang
magsalita ang suso. “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong nito. Gulat na gulat sa kung
paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na tumakbo uli ang pilandok hanggang
sa makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit ang dila sa pagod. Subalit, hayun at nauna na
naman ang suso na ipinagbubunyi na ng ibang mga hayop bilang nagwagi. Hindi makapaniwala ang
pilandok na natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang mabangis na baboy-ramo, natalo niya ang
malaki at mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang isang matalinong sultan subalit, heto,
siya naman ngayon ang natalo ng isang munting suso. Kinamayan niya ang suso at buong
pagpapakumbaba niyang sinabi,”Suso, kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap
kong tinalo mo ako.
Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa kong
panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop sa nakarinig kay Pilandok.
TUKLASIN:

Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, sanaysay,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA


https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-fables-mga-pabula-kaligirang-pangkasaysayan-ng-pabula_1145.html
Ang karaniwang pabula ay mga kuwento
na hayop ang gumaganap ngunit kumikilos Ang mga aral sa mga pabula ay naging
at nagsasalita na tulad ng tao. bahagi ng ating pang-araw-araw na
pakikipag-usap tulad ng Matalino man ang
 Madalas na inilalarawan dito ang matsing, Huwag bibilangin ang
dalawang hayop na may magkaibang ugali itlog, at Balat man ay malinamnam.
at nagwawakas ang kuwento na  Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang
nagwawagi ang may mabuting ugali at pangunahing gumaganap ay hayop..
nag-iiwan ng aral.
Ipinalalagay na nagsimula ang pabula kay
 Ang halimbawa ng pabulang ito ay Ang Aesop, isang aliping Griyego sa taong
Aso at ang Uwak, Ang Kuneho at Pagong, 400 B.C.  Siya ay pangit, tuso at matalino
at Ang Matalinong Pagong at Hangal na ngunit sa kanyang kahusayan sa
Matsing.  Ang pabula ay tumutukoy sa pagkukuwento ng pabula, siya’y pinalaya
pang-araw-araw na buhay sa daigdig at nagkaroon ng tungkulin.
(maliban sa pagsasalita ng mga hayop).

Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad


https://www.coursehero.com/file/54649595/Mga-salitang-naghahayag-ng-Posibilidadpptx/
https://www.youtube.com/watch?v=zFwVB7ad2ro
Ang tawag sa mga salita o pahayag na
posibleng magkatotoo subalit hindi tiyak,
masiguro o may mga agam-agam pa ang taong
nagsasalaysay.
Sa pakikipag-usap, maging sa pagsulat,
madalas ay nagpapahayag tayo ng mga
posibilidad. Posibilidad ang tawag sa mga
pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi
pa matiyak o masigurado o may pag-aagam-
agam pa tayo.

MGA HALIMBAWA:
1. Baka “Baka umulan mamaya.”
2. Pwede “Pwedeng 'di rin naman na umulan dahil maaraw.”
3. Maaari “Maaaring mali ang forecast.”
4. Siguro “Siguro may namumuong low pressure area.”
5. Malamang “Malamang na bagyo na dahil may mga kulog
at kidlat.”
6. Marahil “Marahil bagyo na talaga ang paparating.”
7. Tila “Tila hindi yata ako makakapasok mamaya kung uulan
nang malakas.”
8. Sa palagay “Sa palagay ko ay mas mabuting nasa loob ng
bahay.”
9. Posible “Posibleng magkansela na ng mga klase dahil sa
bagyo.”
10. May posibilidad “May posibilidad na magbrown out din
dahil sa bagyo.”

You might also like