You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas

CITY OF BOGO SCIENCE AND ARTS ACADEMY


St. Joseph, Cogon Bogo City, Cebu
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan:__________________________ Taon at Pangkat:__________________________ Iskor:________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusnod ang tiyak na paliwanag ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiyang Afrikano at
Persiano?
a. Pareho silang nagsasalaysay sa buhay ng mga diyos at diyosa at pagkakaiba ng kultura
b. Kapwa pumapaksa sa tradisyon ng bawat ang Afrika ay nakapokus sa araw- araw na pamumuhay
samantalang ang Persia ay pumapaksa sa isang kilalang nilalang na may supernatural na kakayahan
c. Pareho ng salaysay ang mga mito mula sa Afrika at Persia nagkakaiba lamang sa lengguwaheng ginagamit sa
pagkukuwento
d. Pareho ang paksa ng dalawang mitolohiya at walang pagkakaiba na naitala sa mga mitolohiyang mula Africa
at Persia
2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa ibaba ang makapagpapaliwanag na ang mito ay mula sa bansang Persia?
a. Mula sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may tumubong
isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman
b. Nagtagumpay siya sa pananakop sa trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad
(Hemedi) na kinilalang kauna- unahang namuno sa Islam.
c. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga
taong naninirahan sa kagubatan.
d. Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang
pamilya.
3. Ano ang unang dapat isaalang- alang sa pagsasaling- wika?
a. Marunong sa dalawang wikang pagsasalinan at pinagsalinan
b. Nauunawaan ang mensahe ng pahayag na isasalin
c. Huwag ilipat sa katumbas na salita
d. Maipaliwang ang katumbas na salita
4. Gamit ang kompyuter sa inyong eskwelahan, nagsaliksik ka ng mga katangian ng mga bansang Afrika at Persia.
Anong uri ng sanggunian ang iyong ginamit sa pagsasaliksik?
a. Direktang sanggunian b. primaryang sanggunian c. primaryang sanggunian d. lahat ng nabanggit
Para sa bilang 5- 6
“Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang
tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi
nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang
tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
5. Base sa istuktura, paksa at paraang ng pagkakasalaysay, anong uri ito ng akda?
a. tula b. maikling kuwento c. dula c. anekdota
6. Sa bahagi ng akdang binasa, ano ang motibo ng awtor na nais iparating sa mga mambabasa?
a. katapatan sa bayan c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
b. Pagpapahalaga sa kapwa d. mahusay na pakikitungo sa kapwa Kabataan
7. “Ipinapangako ko, inay, bukas luluhod ang mga tala.” Anong uri ng talinghaga ang ginamit sa pahayag?
a. Simbolismo b. denotatibo c. tayutay d. pagpapasidhi ng damdamin
8. Alin sa mga sumusunod na salita ang di maaraing gamitin sa pagpapasidhi ng salitang, kagalakan?
a. Kamahalan b. kasiyahan c. katuwaan d. kaligayahan
9. Ibigay ang katumbas na salita ng mga salitang Puso:katawan, Puno:___________________
a. kakahuyan b. karagatan c. kagubatan d. katauhan
10. “Kayo ang aking amo,” saad ng Pangulo. Ano uri ng pagpahayag ang ginamit sa pangungusap?
a. Matalinghaga b. simbolismo c. tuwiran d. di tuwiran
11. Ang mga sumusunod ay ang mga pamantayan na dapat sundin sa pagsasaling- wika. Maliban sa isa
a. Nagtataglay ang tagapagsalin ng sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
b. Kinakailangang magkaroon ang tagapagsalin ng sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wika
c. Nagtataglay ang tagapagsalin ng sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
d. Kinakailangang walang sapat na kaalaman ang tagapagsalin sa paksang isasalin
12. Paano nakatutulong ang iba’t ibang batis ng impormasyon upang mas makilala ang kultura ng bansang Africa at
Persia?
a. Nalilimitahan nito ang pagkilala sa natatanging kultura ng dalawang bansa
b. Napapaunlad ang kaalaman ukol sa kultura ng dalawang bansa mas madali at abot- kayang pamaraan
c. Napagbabawalan ang mga mag- aaral sa kaalaman sa direktang pagbiyahe sa lugar
d. Napatutunayan ang kahalagahan ng pananaliksik sa dalawang lugar
13. “Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa
pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.”
Anong damdamin ang namayani sa awtor ng akda?
a. nagagalit b. nasasaktan c. natatakot d. nasisiyahan
14. Ang sinisimbolo ng silid-aklatan ay_____________.
a. kasipagan b. karunungan c. kabaitan d. kahusayan
Para sa bilang 15- 19
“Maraming nilabag sa pagtatayo ng resorts sa paanan ng Chocolate Hills. Hindi lamang ang Department
of Environment and Natural Resources (DENR) ang dapat imbestigahan kundi pati na rin ang local government
na nagbigay ng permit para maipatayo ito. Malaki ang pananagutan ng DENR at LGUs.
Ito ay lantarang pagsira sa isang protected area na idineklara ng United Nations Educational, Scientific
and Cultural Organizations (UNESCO). Kapag hindi naipasara o napatigil ang operasyon ng resort, maaaring
bawiin ng UNESCO ang pagkakadeklara na ito bilang protected area. Kahiya- hiya ang bansa kapag nangyari ito.
Sirang- sira ang bansa sa tingin ng mga turista at dayuhan dahil sa pagkagahaman ng mga taong nagtayo ng
resort.”
15. Anong isyung panlipunan ang inilahad sa akda na maaaring makaapekto sa buong daigdig?
a. Paglabag sa mga batas na nangangalaga sa mga likas na yaman
b. Paglapastangan sa mga likas na buhay matatagpuan sa kalikasan
c. Paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot sa lipunan
d. Pagpasok ng mga bata sa trabaho sa murang edad
16. Bilang isang Kabataan, ikaw ba ay sang- ayon na ang hakbang ng pagpapatayo ng resort sa Chocolate Hills ay
pagsira ng likas na yaman?
a. Oo, dahil ang Chocolate Hills ay hindi lamang pagmamay- ari ng resort
b. Hindi, dahil ang resort ay makatutulong pa sa pagdayo ng maraming turista at dayuhan
c. Oo, dahil bilsang likas na yaman dapat ito ay inaalagan at malayo sa gawaing pantao na maaring makasira
nito
d. Hindi, dahil iyon lanjg naman ay makikita sa Bohol at di sa buong Pilipinas
17. “Kapag hindi naipasara o napatigil ang operasyon ng resort, maaaring bawiin ng UNESCO ang pagkakadeklara
na ito bilang protected area.”
Aling mga salita sa ibaba ang maaring ipalit sa nakasalungghit upang mas maiantas ang damdamin ng
nagsasalita?
a. naipuslit b. nadala c. napahinto d. nabulabog
18. Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa bilang 17?
a. talinghaga b. tuwiran c. di tuwiran d. simbolismo
19. Bilang isangv kabataan, anong magandang tradisyon, ang namayani sa awtor ng akda?
a. bayanihan b. pakikipagkaibigan c. pagmamahal sa pamilya d. pagmamalasakit sa likas na
yaman
20. Aling paraan ng pagsasalin na kung saan tinutumbasan lamang ng kasintunog ang mga banyagang salita?
a. Pagtutumbas b. paghihiram c. adapsyon d. pagsasaling- idyomatiko
21. Paano maaaring gamitin ang iba’t ibang batis ng impormasyon upang mas mapalalim ang pag- unawa sa bansang
Africa at Persia?
a. sa pagbasa ng mga aklat at referensya na mula sa mga manunulat ng Kanluran
b. sa pag- aaral lamang ng lokal na ekonomiya ng bansa
c. sa pagbase lamang sa opinyon ng mga banyagang manunulat
d. sa paggamit ng iba’t ibang kaparaanan upang makakuha ng impormasyon
22. Aling kahulugan ang mas maiuugnay sa pahayag na, “Ang kanyang ngiti ay isang sinag sa dilim ng gabi?”
a. Ang nigiti niya ay maaring maging patnubay sa madilim na gabi
b. Ang kanyang ngiti ay puno ng kasiyahan at kabutihan
c. Siya’y masayahin kahit sa madilim na panahon ng kanyang buhay
d. Siya’y mahilig magbukas ng ilaw kahit oras ng pagtulog
23. Naguguluhan ang binata kung susundin ang utos ng ama o gawin ang kanyang gusto. Alin sa mga salita ang
maaring gamitin upang pasidhiin ang salitang may salungguhit?
a. Nagdududa b. nahihirapan c. nalilito d. nag- aalala
24. “Hindi ninyo kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan.” At
muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng
mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo.”
Anong tradisyong Afrikano ang naipakita sa diyalogo?
a. pagbigkas ng bulong b. karahasan c. pagtatanim ng palay d. paggalang sa matatanda
25. Gusto mong makabuo ng isang masining na tula, paano mo isasalin ang pahayag na, “Like father like son,” sa
wikang Filipino?
a. Ang ama ay halintulad ng anak c. ang anak ay kahalintulad sa ama
b. Kung ano ang puno, siya ang bunga d. kung ano ang bunga, dahil sa ama
26. Paano mo isusulat ng tama ang wastong bibliyograpiya sa nagamit mong website na sanggunian?
a. Youtube Ph. “Difference Between Journal Article.” Last modified February 4, 2016.
b. “Difference Between Journal Article.” @ youtube.com.ph
c. Youtube.com/Difference Between Journal Article.ph
d. https.//youtube.com.ph/
27. Aling mga kasabihan ang maaring maiugnay sa kuwentong iyong susulat na may temang pagmamahal ng
magulang sa anak?
a. daig ng matalino ang malakas c. ang batang magalang, kayamanan ng magulang
b. ang kalinisan ay tanda ng kasipagan d. ang taong nagigipit sa patalim kumakapit
Para sa bilang 28- 30
“Tandaan, sa ating mga Kabataan, na ang pagbabasa ay ang pintuan patungo sa isang matiyaga at matatag
na kinabukasan.” – Bise- Presidente Sara Duterte
28. Alin sa mga sumusunod na pamaraan ang iyong gagamitin upang ipakita ang pagsang- ayon o di pagsang- ayon sa
pahayag?
a. pagsulat ng liham b. pagbigkas ng tula c. pagbigkas ng talumpati d. pakikipagtalo sa tao
29. Aling analohiya ng mga pangkat ng salita ang makapagpapaliwanag sa pangunahing ideya ng pangungusap?
a. kabataan:kinabukasan, matiyaga:pagbasa c. kabataan:Bise- Presidente,pagbasa:matatag kinabukasan
b. magandang kinabukasan:kabataan:tandaan d. kabataan:pagbasa,tandaan:kinabukasan
30. Alin sa mga sumusunod ang tiyak na katumbas ng pahayag sa di tuwirang paraan?
a. Ayon sa saad ni VP Sara ang pagbasa ang pag- asa ng mga kabataan
b. Saad ni Bise- Presidente Sara Duterte, dapat tandaan ng mga kabataan na ang pagbasa ay pintuan tungo sa
matiyaga at matatag na kinabukasan
c. “Ayon ni VP Sara Duterte, tandaan, sa ating mga kabataan, na ang pagbabasa ay ang pintuan patungo sa isang
matiyaga at matatag na kinabukasan.”
d. “Tandaan, sa ating mga Kabataan, na ang pagbabasa ay ang pintuan patungo sa isang matiyaga at matatag na
kinabukasan.” – Bise- Presidente Sara Duterte.
Para sa bilang 31-34
“Kaya naibigay ng hari ang kanyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kanyang
pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kanya.”
31. Anong pangyayari sa akda na makapagpapatunay na ito ay isang mitolohiyang mula sa Africa at Persia?
a. Tumatalakay ito sa buhay ng isang itinuturing na bayani ng partikular na lugar
b. Sariling anak ang pumatay sa bayaning bida
c. Natalo ang hari laban ng isang bayani
d. Ang hari ang nagdedesisyon sa kung ano ang dapat gawin
32. Kung ikaw si Liongo, anong damdamin ang iyong madarama sa ginawa ng sarili mong anak?
a. magugulat b. madududa c. malulungkot d. magagali
33. Alin sa sumusunod ang maaring motibo ng awtor sa naging wakas ng kuwento?
a. Upang ipakita na ang pamilya ang palaging nagtutulungan
b. Upang ipakita na ang anak ay balakid sa pangarap ng magulang
c. Upang ipakita na ang anak ang siyang ligaya ng anak
d. Upang ipakita na kahit sariling kadugo ay kayang magtaksil sa ama
34. Anong suliraning panlipunan ang ipinakita sa akda?
a. pagnanakaw b. pagpatay c. suliranin sab asura d. pagtaas ng mga bilihin
35. Ayon sa pangyayaring naisalaysay, alin sa sumusunod ang tradisyong kinamulatan ng Afrika at Persia?
a. Pagkakaroon ng anak na lalaki sa pamilya
b. Pagkakaroon ng hari tagapagmuno ng pangkat
c. Pag- aasawa ng isang mandirigma
d. Pagbibigay alay sa mga magulang mula sa anak
36. Alin sa sumusunod na hakdang ang una mong gagawin upang maging tama ang pag- aantas ng mga salita?
a. Pagsuri sa kahulugan ng salita c. pagtukoy sa gamit ng salita
b. Pagsasanay sa paggamit ng salita d. pag- unawa sa idyoma
37. Paano mo masusukat ang kalidad ng isang salin sa ibang wika batay sa orihinal na pahayag?
a. Base sa haba ng salin c. base sa diwa at mensahe ng salin
b. Base sa bilis ng salin d. base sa ginagamit na salita
38. Paano mo pangangatwiranan na ang paksang inilahad sa debate ay dapat paniwalaan?
a. Base sa dami ng mga pumapalakpak sa nagsasalita
b. Base sa karanasan at kahusayan ng nagsasalita
c. Base sa lakas ng boses ng nagpapahayag
d. Base sa lakas at tapang ng nagdedebate
39. Lahat ng mga salita sa ibaba ay tama ang pagkakatumbas. Alin ang naiiba?
a. lapis:magsulat::kutsilyo:maghiwa
b. aklat:may- akda::tula:makata
c. guro:paaralan::doctor:ospital
d. mainit:malamig::umaga::sandali
40. Sa anong mga sitwasyon pinakaepektibo ang paggamit ng tuwirang pahayag sa paglalahad ng mensahe?
a. Kapag ang tagapakinig gusto ang kabuuan at interpretasyon ng mensahe
b. Kapag ang nagsasalita ay may kumplikasong imahinasyon
c. Kapag ang nais mapukaw ang pag- iisip\
d. Kapag kalinawan at katiyakan ang pangunahing layunin sa paglalahad ng impormasyon

You might also like