You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE


Rizal Street, San Jose, Occidental Mindoro
Website: www.omsc.edu.ph Email address: omsc_9747@yahoo.com
Tele/Fax: (043) 457-0376 CERTIFIED TO ISO 9001:2015
CERT. NO.: 50500779 QM15

Basic Education Laboratory

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


AY 2019-2020

Pangalan: _____________________________ Marka: _____________


Baitang/Pangkat: _____________________ Petsa: ______________

I. URING PAMILIAN: (65 Puntos)


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang letra ng angkop na kasagutan sa bawat
bilang.
_____1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin?
a. panlapi b. gramatika c. pagpapakahulugan d. pagsasaling-wika
_____2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
a. pangangatuwiran b. paglalarawan c. paglalahad d. pagsasalaysay
_____3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.
a. tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan
_____4. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa
pagsasalin?

“Love excuses everything believe all things, “Mapagpatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan ang
hopes all things, and endures all things”. lahat ng bagay, puno ng pag-asa sa mga bagay,
nakakaya ang lahat ng bagay.”

a. Basahin nang paulit-ulit. c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.


b. Ikumpara ang ginawang salin. d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang
kasangkot.

_____5. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.

“A negative mind will never give you a positive life”.

a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”


b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

Para sa bilang 6 at 7
“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa
sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako
dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng
nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang
dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal

_____6. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
Page 1 of 6
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag.
_____7. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

Para sa bilang 8 – 11
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng
sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di
pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga
tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at
pagkakaroon ng rasismo.
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

_____8. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay nangangahulugang ____.
a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi
_____9. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo
_____10. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang _________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
_____11. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang
matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng __.
a. paghihinuha b. paglalarawan c. panghihikayat d. pangangatuwiran
_____12. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?
a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
_____13. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?
a. maayos ang pagkakasalin
b. malaya at madaling maunawaan
c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at
ng ibang bansa.
_____14. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalang-alang?
a. muling isalin
b. magdagdag at magbawas ng salita
c. ihambing sa iba ang ginawang salin
d. rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Para sa bilang 15 – 16
Alanganing Dalaw
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan nang may isang
panauhing dumating. “Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan. Gayon na
lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag na sinabi, “Napakaalanganin naman ng oras ng
dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upang di mainip.” Matapos ang isang masaganang hapunan,
tinungo ni Lieblings ang kinaroroonan ng kaibigan. “Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero
laging eksaktong alas siyete ang aming hapunan.” “Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X,
“katunayan, iyan ang sinabi mo sa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong
Page 2 of 6
gabi.”
Halaw sa Little Book of Music Anecdote ni Helen Kauffman
_____15. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang kaniyang
hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay kaniyang nakagawian.
_____16. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?
a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.
_____17. Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng mga
sumusunod maliban sa isa.
a. Ethiopia sa Hilaga b. Tanzania sa Timog c. Uganda sa Kanluran d. Sudan sa
Silangan
_____18. Sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman.
a. Ahriman Mainyu b. Ahura Ohrmuzd c. Gayomard d. Jeh
_____19. Isinilang sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng
karangalan bilang mahusay na makata sa kanilang lugar.
a. Ahmad b. Liongo c. Toby d. Jeh
_____20. Paniniwala ng mga Persiano na pagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pandama.
a. matrilinear b. patrilinear c. Sufism d. rasismo
_____21. Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng tao na may layunin na
makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
a. sanaysay b. talumpati c. anekdota d. nobela
_____22. Ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa (Iran) na may taguring
alamat ng sining sa pagkukuwento.
a. Mullah Nassreddin b. Mulah Nasredin c. Mullahh Nasredin d. Mullah Nasrreddin
_____23. Isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay, pagkukuwento ito ng mga
kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. pangangatwiran d. paglalarawan
_____24. Mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala.
a. di-tuwirang pahayag b. tuwirang pahayag c. diskurso d. pagsasalaysay
_____25. Mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinig o
tagapagbasa.
a. di-tuwirang pahayag b. tuwirang pahayag c. diskurso d. pagsasalaysay
_____26. Uri ng pagsasalaysay na nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
a. maikling kuwento b. Nobela c. anekdota d. tala ng paglalakbay
_____27. Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
a. maikling kuwento b. Nobela c. anekdota d. tala ng paglalakbay
_____28. Nahahati sa mga kabanata; punong – puno ng masasalimuot na pangyayari.
a. maikling kuwento b. Nobela c. anekdota d. tala ng paglalakbay
_____29. Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari.
a. maikling kuwento b. Nobela c. anekdota d. tala ng paglalakbay
_____30. Tala ng buhay ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas.
a. talambuhay b. anekdota c. alamat d. kasaysayan
_____31. Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
a. talambuhay b. anekdota c. alamat d. kasaysayan
_____32. Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa.
a. talambuhay b. anekdota c. alamat d. kasaysayan
_____33. Maaring mapagkunan ng paksa na pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng
isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
a. napakinggan sa iba b. nabasa c. sariling karanasan d. napanood
Page 3 of 6
_____34. Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon at
iba pa.
a. napakinggan sa iba b. nabasa c. sariling karanasan d. napanood
_____35. Mga mapagkukunan ng paksa mula sa mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro at iba pa.
a. napakinggan sa iba b. nabasa c. sariling karanasan d. napanood
_____36. Mapagkukunan ng paksa mula sa anumang tekstong na kailangang ganap na nauunawaan ang mga
pangyayari.
a. napakinggan sa iba b. nabasa c. sariling karanasan d. napanood

Para sa bilang 37 – 40
Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa.
a. Kilalanin ang mambabasa c. sapat na kagamitan
b. Tiyak na panahon o pook d. kawilihan sa paksa
_____37. Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan
ng pinangyarihan.
_____38. Sumusulat ang tao hindi lamang sa kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para
sa kaniyang mambabasa.
_____39. Mga datos na pagkukunan ng pangyayari.
_____40. Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na
kasukdulan, naiibang tunggalian at may kalinawan at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
_____41. Ang sumusunod ay ang mga katangian ng pormal na sanaysay maliban sa isa.
a. nagbibigay ng impormasyon c. ang tono ay mapitagan
b. maingat na pinipili ang pananalita d. pakikipagkaibigan ang tono
_____42. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. Idyoma b. matatalinghagang pananalita c. simbolismo d. tayutay
_____43. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a. Pandamdamin b. Malaya c. blangko berso d. tradisyonal
_____44. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”, ano ang
ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. Nais b. mithi c. hangad d. pangarap
_____45. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. Itago b. ilibing c. kalimutan d. magpatawad
_____46. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matalinghagang pananalita ang
iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. Bukas-palad b. kapos-palad c. sawimpalad d. makapal ang palad
_____47. Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may- akda.
a. Kariktan b. tugma c. talinghaga d. sukat
_____48. Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
a. Kariktan b. tugma c. talinghaga d. sukat
_____49. Ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.
a. Kariktan b. tugma c. talinghaga d. sukat
_____50. Naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at
metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.
a. Matatalinghagang pahayag b. simbolismo c. kariktan d. tugma
_____51. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.
a. naimbitahan b. lumisan c. nalito d. napahiya
_____52. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin.
a. naimbitahan b. lumisan c. sayangin d. napahiya
_____53. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang homiliya.
a. naimbitahan b. lumisan c. nalito d. napahiya
_____54. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
Page 4 of 6
a. naimbitahan b. lumisan c. sayangin d. napahiya
_____55. Agad siyang lumisan matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.
a. naimbitahan b. umalis c. nalito d. napahiya
_____56. Nagsalin sa Filipino ng tula na mula sa Uganda na pinamagatang “Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay”.
a. Roderic P. Urgelles c. Roselyn T. Salum
b. Consolacion P. Conde d. Mary Grace A. Tabora
_____57. Nagsalin sa Filipino ng talumpati ni G. Nelson Mandela, ang bayani ng Africa.
a. Roderic P. Urgelles c. Roselyn T. Salum
b. Consolacion P. Conde d. Mary Grace A. Tabora
_____58. Nagsalin sa Filipino ng anekdota mula sa Persia/Iran na pinamagatang “Mullah Nassreddin”.
a. Roderic P. Urgelles c. Roselyn T. Salum
b. Consolacion P. Conde d. Mary Grace A. Tabora
_____59. Sumulat ng anekdota na pinamagatang “Akasya o Kalabasa”.
a. Roderic P. Urgelles c. Roselyn T. Salum
b. Consolacion P. Conde d. Mary Grace A. Tabora
_____60. Nagsalaysay ng mitolohiya na pinamagatang “Maaaring Lumipad ang Tao”.
a. Roderic P. Urgelles c. Roselyn T. Salum
b. Virginia Hamilton d. Mary Grace A. Tabora
_____61. Maikling Kuwento na pinamagatang “Ang Alaga” ni Barbara Kimenye ay isinalis sa Filipino ni?
a. Rafael Palma c. Magdalena O. Jocson
b. Alejandro G. Abadilla d. Ildefonso Santos
_____62. Uri ng Maikling Kuwento na binibigyang diin ay ng ugali o katangian ng tauhan.
a. Kuwento ng Kababalaghan c. Kuwento ng Tauhan
b. Kuwento ng Katatakutan d. Kuwentong Makabanghay
_____63. Ito ay maaaring pasalita o pasulat na pagsasahimpapawid upang ipakita ang produktong maaaring
magustuhan ng mga tao o kaya’y mga paligsahang ipinababatid sa publiko.
a. Talumpati c. Patalastas
b. Anekdota d. Balita
_____64. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang
pangyayari ang naganap.
a. Naghahalungkat c. Nagkakalkal
b. Nagtatampisaw d. Namamayani
_____65. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbili.
a. Namamayagpag c. Nangingibabaw
b. Naninimot d. Nananaid

II. PAGTUKOY: (10 Puntos)


Panuto: Tukuyin kung ng mga pahayag na ginamit ay tuwiran o di-tuwiran. Isulat sa patlang bago ang
bilang ang T kung tuwirang pahayag at DT kung di-tuwirang pahayag.

_____66. Dapat na pagtibayin ang kampanya laban sa droga sapagkat ito ang sanhi ng maraming krimen sa
bansa.
_____67. Sinabi ng miyembro ng organisasyon na dapat na pagtibayin ang kampanya laban sa droga
sapagkat ito ang sanhi ng maraming krimen sa bansa.
_____68. Naipanalo ni Manny Pacquiao ang kanyang laban kay Vargas.
_____69. Ayon kay Pedro magkakaroon daw ng buwanang pagsusulit sa susunod na buwan.
_____70. Ang mga nananalo ay isang nagmimithi na hindi nawawalan ng pag-asa.
_____71. Sinabi ni Nelson Mandela na ang mga nananalo ay isang nagmithi na hindi nawalan ng pag-asa.
_____72. Kapag ang mga tao ay determinado, sila’y may kakayahan na malampasan ang lahat.
_____73. Sinambit ni Nelson Mandela na kapag ang mga tao ay determinado, sila’y may kakayahan na
malampasan ang lahat.
_____74. Karamihan sa kapalpakan na nararanasan sa ating buhay ay ang mga taong hindi naiisip kung
gaano sila kalapit sa pagkamit ng kanilang kinakamtan noong sila’y bumigay na.
_____75. Ayon kay Confucius na ang ating buhay ay talangang simple, pero tayo ang siyang
nagpakomplikado rito.

Page 5 of 6
Inihanda ni:

MARY ANN G. FELIPE, EdD


Assistant Professor IV

Page 6 of 6

You might also like