You are on page 1of 8

WEEK Filipino 10

Ikatlong Markahan

2 Modyul 2:
Anekdota Persia/Iran

Layunin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod
na kaalaman at kakayahan:
1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota
(F10PN-IIIb-77);
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng
awtor, paraan ng pagsulat, at iba pa
(F10PB-IIIb-81); at
3. Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi
(F10PTIIIb-77).

Pagsasanay

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin at isulat
sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong


panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”?
A. pagkadismaya C. pagkasiya
B. pagkalito D. pagkatuwa
2. Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang sultan,
kaya winika ng sultan, “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad
siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Anong
damdamin ang nakapaloob sa pahayag ng sultan?
A. dalamhati C. lungkot
B. galit D. tuwa
3. Ano ang ipinahihiwatig sa ginawang pamamanata ng Mongheng Mohametano sa
disyerto?
A. malalim na pang-unawa

1
B. matinding pangangailangan
C. malakas na pangangatawan
D. masidhing pananampalataya
4. Anong katangian ni Mullah Nassreddin ang naibigan ng mga tao?
A. pinakamagaling na hari B. pinakamabuting komedyante
C. pinakamahusay sa pagkukuwento
D. pinakamahusay sa pagsulat ng kuwento
5. Tungkol saan ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
A. pananampalataya C. kuwento ng kaibigan
B. karanasan sa buhay D. paninindigan sa buhay
6. Ano ang dahilan kung bakit sa gitna ng disyerto namamanata ang Mongheng
Mohametano?
A. Nakalilibang ang lugar.
B. Payapa ang lugar upang magnilay.
C. Nakapagbibigay ng dagdag na dusa ang init ng buhangin.
D. Nakadaragdag sa sidhi ng pagninilay ang init ng sikat ng araw.
7. Batay sa anekdotang binasa, ano ang dulot sa tao ng pagpapatawa, ayon sa
paniniwala ng Sufis?
A. naghahatid ng suwerte sa mga tao
B. nagdudulot ng kasiyahan sa mga tao
C. nagpapayaman sa kaalaman ng mga tao
D. nagdadala ng ibayong pagpapala sa mga tao
8. Kapag nilagyan ng mga panlaping sa- at -in ang salitang-ugat na “sambit”, ano
ang magiging bagong kahulugan nito?
A. sasabihin C. sinasabi
B. sinabi D. sinasabihan
9. Ano ang kahulugan ng salitang, “naimbitahan”? Ito ay nagmula sa salitang-ugat
na “imbita”, na kinabitan ng mga panlaping na- at -han.
A. nagpaanyaya sa isang pagtitipon
B. naanyayahan sa isang pagtitipon
C. inaanyayahan sa isang pagtitipon
D. nagpapaanyaya sa isang pagtitipon
10. Ano ang kahulugan ng salitang, “pagsumikapan”? Ito ay nagmula sa
salitang-ugat na “sikap”, na kinabitan ng mga panlaping pag-, -um-, at -an.
A. magsikap upang magtagumpay
B. maglaan ng higit na oras upang umunlad
C. magtrabaho nang magtrabaho habang bata pa
D. makipagtulungan sa kapwa upang makamit ang pangarap

Aralin

2
2 Anekdota sa Persia/Iran

Tuklasin

Naghanda ako ng gawain upang magkaroon ka ng ideya bago tayo dumako sa


ating aralin. Kaya halika na at simulan na natin. Basahin ang karanasan ng isang
kabataang tulad mo sa panahon ng pandemya at gawin ang kasunod na gawain.

Astel, Sa’n ka Galing?


ni Abegail C. Joson

Mag-iisang taon na rin simula nang limitahan ang bilang ng maaaring lumabas
dahil sa COVID-19. Inip na inip na ako lalo na’t ang mga nag-aalaga sa akin ay istrikto.
Hindi ako kasama sa listahan ng pwedeng lumabas. Sila lang at bihira lang din naman
iyon, liban na lang kung trabaho ang pupuntahan. Isa pa’y wala raw silang ipantutubos
sa akin kapag nahuli ako ng pulis. ‘Yan ang palaging sambit nila, ngunit alam na alam
ko naman na mahuhuli lamang ako kapag hindi ako nagsuot ng facemask at faceshield
dahil ‘yan ang sabi ng kapitan namin, at saka labimpitong taong gulang na ako.
Sinusunod ko ang kanilang nais dahil ito naman ay para sa aking kabutihan.
Minsan sa kainipan ko ay naisipan kong yayain ang mga kaibigan kong lumabas,
siguro’y dala na rin ng pagkabagot nila kaya madali ko silang napapayag. Nang sumapit
na ang dilim nang araw na iyon at nakapaghapunan na kami, nagsara ako ng pintuan
ng kuwarto ko para isipin nilang ako ay tulog na at saka ako dumaan sa bintana at
marahang pumuslit sa babahagyang nakabukas na gate.
Sinundo ako ng isa sa mga kaibigan sa kantong malapit sa aming bahay at
nagpunta kami sa lugar na napag-usapan ng grupo. Nagkasiyahan kami at hindi
namalayang lumagpas na pala kami sa curfew. Swerte na rin at hindi kami
natiyempuhan ng mga rumorondang barangay tanod.
Alas-onse na ng gabi nang ako ay makabalik sa aming bahay. Marahan ang aking
mga naging kilos, inakyat ko ang noon ay sarado nang gate. Bago pa man tumahol si
Gringgo ay nakalapit na ako sa bintana ng aking kuwarto na iniwan kong hindi
nakakandado bago ako umalis. Dali-dali ‘kong tinalon ang bintana upang agad
makapasok at hindi mahuli ng aking tatay. “Tagumpay!”. Ang patawa-tawa kong sambit
nang biglang bumukas ang ilaw. Napasigaw pa ako sa takot nang malaman kong may
ibang tao sa kuwarto ko. Nanlumo ako nang makita ko ang bulto ng nakaunipormeng
lalaki na nakahawak pa sa switch ng ilaw. “Ay pulis!” Nahuli ako ng kuya ko. Natitiyak
ko na ang sermon pagkatapos ng agahan bukas. Hindi na ako uulit pagkatapos ng
sermon bukas.

Pag-unawa sa Binasa

3
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng akda.

1. Ano ang mahihinuha mong pangunahing kaisipan ng binasang akda?


2. Ibigay ang mga katangian ng tauhan sa akda.
3. Ilarawan ang tagpuan sa binasang akda.
4. Paano nagbago ang damdaming nakapaloob sa akda?

Suriin

Magaling! Pagbubunyi sa iyong kagalingan. Ngayon ay palawakin pa natin ang


iyong kaalaman sa pagbabasa at pagsusuri ng anekdota mula sa Persia/Iran.
Simulan natin sa pagkilala kay Mullah Nassreddin.
Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo at
tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento sa
Persia. Naniniwala ang Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan sa bawat
tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro siya sa
pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng kaisipan
at paniniwala na ‘di makasasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa mambabasa.
Iyong alamin kung paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang mga kauri
nito sa pamamagitan ng pagbasa sa akda.

Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin, na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND), ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong
naaalala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo
libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro
at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao
ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap
ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi, “Wala
akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay
umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita
kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay
sumagot sila ng “Oo.” Sumagot si Mullah Nassreddin, “Kung alam na pala ninyo ang
aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras”, at muli siyang
umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan
nilang muling anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli
siyang nagtanong, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa
kanilang isasagot, ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng
4
“Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin, “Ang kalahati ay alam ang
aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na ‘di alam ang aking
sasabihin,” at siya ay lumisan.

Narito naman ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala
dahil sa dalawang kadahilanan: Una, ang pagiging simple sa paggamit ng direktang
lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa pagsisimula ng
mga mag-aaral na Persiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng kasabihan at mga
kuwentong itinuturing na mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Sufis.
Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi ito ng
buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa oras,
pera o maging karangalan. Nakatuon ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwal sa
pamamagitan ng kanilang mga pandama.

Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa


Mula sa mga anekdota ni Saadi
Persia/Iran
Ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa


disyerto. Ang Sultan naman ay namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan
ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niyang hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang
Mongheng Mohametano habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at nagwika, “Ang
nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay
ng paggalang at kababaang-loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika, “Mongheng Mohametano! Ang Sultan
ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit ‘di mo siya binigyan ng kaukulang
paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa
kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha
ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”

Ano ang anekdota?

Ang anekdota ay isang kuwento ng nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa


buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasang
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay
nakakukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay

5
kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Narito ang ilang katangian ng anekdota.

a. May isang paksa itong tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa


pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng
kahulugan sa ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mambabasa. ‘Di dapat mag-iwan ng anomang bahid ng pag-
aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
Ang panlapi ay isang morpema o pantig na ikinakabit sa salitang-ugat upang
makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita.
Halimbawa:
Salita Salitang-ugat Panlapi
sandigan Sandig -an
kagandahan Ganda ka- at -han
pagsumikapan Sikap pag-, -um at -pan

Pagyamanin

Gawain 1: Suriin Mo!

Panuto: Suriin ang dalawang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan,
motibo ng awtor at paraan ng pagsulat. Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay
na papel at isulat dito ang iyong sagot.

Mullah Nassreddin Mongheng Mohametano

P aksa

Tauhan

Tagpuan

Layunin ng
may akda

Hatid na
aral

6
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan!

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita batay sa ginamit na panlapi at


gamitin ito sa pangungusap. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Salita Panlaping Kahulugan Pangungusap


Ginamit
1. nangimi
2. nagulumihanan
3. naibigan
4. naanyayahan
5. aksayahin

Isaisip

Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa mga nakaraang gawain at


pagsasanay! Batid kong marami ka nang natutuhan sa araling ating tinalakay at
kayang-kaya mo ring sagutin ang susunod pang gawain.

Punan Mo!

Panuto: Dugtungan mo ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan ng


pangungusap. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

1. Natutuhan ko sa modyul na ito na ang anekdota bilang akdang pampanitikan ay


___________________________________________________________________________________.
2. Sa araling panggramatika, ang mga panlapi ay ginagamit upang
___________________________________________________________________________________.

Isagawa
Natitiyak kong kayang-kaya mo nang gawin ang gawaing inihanda ko para sa iyo
upang lalo pang malinang ang iyong kasanayan.

Panuto: Ipabasa ang anekdotang “Astel, Sa’n ka Galing?” sa nakatatandang


kasama sa bahay o sa isang kakilala. Pagkatapos mong mapakinggan, magbigay ng mga
mahihinuhang damdamin ng sumulat na nakapaloob dito at suriin ito batay sa paksa,
tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat. Pumili ng limang salita sa akda
na ginamitan ng panlapi, ibigay ang kahulugan at gamitin ito sa pangungusap.
Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang iyong sagot.

7
Astel, San ka Galing?

Mahihinuhang Damdamin ng Sumulat

____________________________________________________________
____________________________________________________________

Pagsusuri sa Akda
I. Paksa
II. Tauhan
III. Tagpuan
IV. Motibo ng awtor
V. Paraan ng Pagsulat

Salita sa Akda na Ginamitan ng Panlapi

Mga Salita Kahulugan


1.
2.
3.
4.
5.

“Mag-aral ng mabuti para ang buhay ay bumuti”


-kuya Kim

You might also like