You are on page 1of 22

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Diskursong Pasalaysay

Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Diskursong Pasalaysay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alona A. Tecson
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD,
Kenneth C. Salvador, Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD,
Everlyn S. Pascual, Jocelyn S. Pablo
Tagsuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Donna Lou R. Dela Cruz
Tagalapat: Alona A. Tecson
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan

Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telephone Number: (044)-486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta? Naging masaya ka ba sa mga naunang modyul na iyong


sinagutan? Handa ka na ba sa panibagong aralin? Magaling! Kung gayon ay
tutungo na tayo sa ating araling tiyak na magpapangiti at magpapalawak ng
kaisipan mo. Halika at lakbayin na natin ang kawili-wiling mga kuwentong
hango sa tunay na mga pangyayari sa buhay ng isang tao. Natitiyak kong
kagigiliwan mo ang bawat akdang iyong mababasa o mapapanood na
magpapalutang sa iyong pagkamalikhain.

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan mo sa


sumusunod:
1. naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa
Youtube (F10PD-IIIb-75);
2. naisusulat ang isang orihinal na komik istrip batay sa isang anekdota
(F10PU-IIIb-79); at
3. nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota (F10PU-IIIb-79).

Subukin

Binabati kita dahil ngayon ay nasa ikatlong modyul ka na. Bago ka


magpatuloy ay mayroon akong inihandang mga katanungan para sa iyo. Huwag
kang mangamba sapagkat alam kong kayang-kaya mo ito. Handa ka na ba?
Simulan mo na.

Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na pahayag at


katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na


paaralan sa Maynila. Anong panahon ang ipinakikita sa pahayag?
A. tapos na ang pasukan
B. simula na ng bakasyon
C. nasa kalagitnaan na ng pasukan
D. simula na ng pagbubukas ng klase

1
2. Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si
Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan
sa pagluwas ang anak na pag-aaralin sa Maynila. Anong damdamin ang
ipinakikita ng mag-asawang Irene at Simon sa pahayag?
A. malungkot C. nananabik
B. masaya D. ninenerbiyos

Para sa bilang 3-4

“Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong


akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo
ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
- Hango mula sa Akasya o Kalabasa

3. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag sa loob ng kahon?


A. Matagal magpatubo ng puno ng akasya.
B. Mag-aral na lamang si Iloy sa buong buhay niya.
C. Matagal mag-aral ng pagpapatubo ng magandang puno.
D. Mahabang panahon ang kailangang gugulin kung nais mong
maging maunlad at maalam sa buhay.

4. Kung ikaw si Mang Simon, alin sa sinabi ng punong-guro ang iyong


susundin?
A. Makapagpatubo ng tulad sa kalabasa upang higit na mabilis
matapos at anihin.
B. Hayaan lamang ang sariling kagustuhan at huwag pakinggan
ang sinasabi ng iba.
C. Maghintay ng matagal na panahon para sa mas mayabong at
malagong kaalaman.
D. Humanap ng ibang paaralang makapagbibigay ng isang
natatanging karunungan lamang.

5. Ito ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay,


pasulat man o pasalita.
A. anekdota C. pagsasalaysay
B. mitolohiya D. talambuhay

6. Sa pagpili ng paksa, dapat na ito ay likas na napapanahon, may


mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan,
naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa
mga tauhan at tagpuan. Ito ay tumutukoy sa .
A. kawilihan ng paksa C. kakayahang pansarili
B. sapat na kagamitan D. kilalanin ang mambabasa

2
7. Isa sa mapagkukunan ng paksa na sinasabing pinakamadali at
pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito
ay hango sa pangyayaring naranasan mismo ng nagsasalaysay.
A. napanood C. narinig sa iba
B. likhang-isip D. sariling karanasan

8. Bahagi ito ng komiks kung saan isinusulat ang maikling salaysay.


A. kuwadro C. kahon ng salaysay
B. lobo ng usapan D. pamagat ng kuwento

9. Sino ang sinasabing kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks?


A. Dr. Jose P. Rizal C. Roderic P. Urgelles
B. Virginia Hamilton D. Consolation P. Conde

10. Isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita, at larawan


na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento.
A. anekdota C. magasin
B. komiks D. mitolohiya

Aralin

3 Diskursong Pasalaysay

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging masayahin, kaya


naman ang ating paksa ay napapanahon upang pagaanin ang ating kalooban sa
panahong ito ng mga pagsubok.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa sa anekdota


at makapagbibigay ka ng sariling pananaw tungkol sa anekdotang iyong nabasa
o napanood sa youtube. Gayondin, masusubok ang iyong husay sa paggawa ng
komiks istrip batay sa isang anekdota.

Simulan mo na sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa nakaraang aralin


upang malaman ko kung may natutuhan ka tungkol dito.

3
Balikan

Natatandaan mo pa ba kung ano ang anekdota? Magaling! Ito ay isang


kuwento tungkol sa isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Layon nitong makapaghatid ng isang magandang karanasang
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan. Sa nakaraang modyul, isang anekdotang
nagmula sa Persia ang ating tinalakay.

Panuto: Gamit ang bulaklak sa ibaba, isulat sa mga talulot nito ang mga
damdaming nangibabaw sa anekdotang, Mullah Nassreddin. Maaari kang
magdagdag ng talulot kung kinakailangan. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Mullah
Nassreddin

Batid kong malinaw na sa iyo kung ano ang anekdota kaya naman
dumako na tayo sa isang kuwentong nakawiwili ring basahin. Handa ka na bang
maglakbay? Tara na!

4
Tuklasin

Binabati kita! Malapit ka na sa ating araling tatalakayin. Bago iyon ay


mayroon akong inihandang isang kuwentong tiyak na maiibigan mo. Handa ka
na bang mapangiti at matuto? Mabuti! Kung ganoon, simulan mo na ang iyong
paglalakbay at basahin ang kasunod na kawili-wiling kuwento.

Sa Bus Stop
Ni Alona A. Tecson

Ikaanim ng umaga habang ako


ay papunta sa paaralan, sumakay ako
sa bus. Matagal ang aking biyahe
dahil malayo ang bahay ko sa aming
paaralan at kasagsagan din ng trapik
sa mga oras na iyon. Humanap ako
ng bakanteng upuan, komportableng
naupo at nagbasa ng libro habang
nasa biyahe. Punuan ang bus sa
ganoong oras. Sa paghinto nito sa
pangalawang bus stop ay may isang
matandang babaeng sumakay kahit
puno na. Ako ay naawa sa matanda
kaya ibinigay ko ang aking upuan sa kaniya. Pero kahit ako ay nakatayo,
itinuloy ko pa rin ang pagbabasa ng libro.
Maya-maya pa ay biglang may kumalabit sa aking kamay na may hawak
na libro at aking nakita ang matandang nakangiti habang iniaabot ang isang
pirasong mani, kinuha ko iyon at nagpasalamat sa kaniya. Ibinaling kong muli
ang aking atensyon sa librong aking hawak-hawak at ako’y nagpatuloy sa aking
pagbabasa. Sa pangalawang pagkakataon ay kinalabit na naman ako ng
matanda para iabot ang isang kapirasong mani, at muli ko itong tinanggap at
nagpasalamat. Naisip ko, masarap din palang ngumuya ng mani habang
nagbabasa ng libro sa loob ng bus. Paulit-ulit ang paisa-isang abot ng mani sa
akin ng matanda. Ang nakapagtataka lamang ay wala naman akong nakikitang
supot ng mani na hawak niya, pero isinantabi ko na lamang ang isiping ito at
patuloy na nagbasa.

5
Siguro ay nasa isang dosenang mani na ang
nakakain ko nang umabot na sa bababaan ng
matanda ang bus. Itinigil ko ang aking pagbabasa
at nakita kong bago tumayo ang matanda ay
dumukot siya sa kaniyang… pero sa kaniyang
pagkapa ay hindi na mani ang dinukot niya.
Iniabot niya sa akin ang isang pakete ng chocolate
coated peanuts na walang laman.
“Iho, pakitapon naman ito sa basurahan at ubos na. Salamat at ‘di
nasayang ang mani. Wala akong pustiso ngayon kaya ang tsokolate lang ang
kinakain ko”, wika ng matanda, sabay tayo at naglakad pababa ng bus.

Ano ang iyong masasabi sa kuwentong ito? Ikaw ba ay natawa? Ikaw ba


ay may natutuhan? Ang kuwentong ito ay hango sa isang totoong
pangyayaring kapag iyong inisip na mangyayari sa iyo ay mapapatawa ka na
lang. Ngayon naman ay iyong sagutin ang mga katanungang may kinalaman
sa kuwentong iyong binasa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa hiwalay na papel.


1. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
2. Aling bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng pagiging matulungin ng
mga Pilipino? Bigyang patunay.
3. Ilarawan ang tagpuan ng mga pangyayari sa akda.
4. Kung ikaw ang binata sa kuwento, gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginawa para sa isang matandang babae? Ipaliwanag.
5. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang akdang pampanitikan?

Suriin

Ngayon naman ay nais kong panoorin mo ang isang kuwentong


pinamagatang, Akasya o Kalabasa na isinulat ni Consolation P. Conde. Ito ay
nakaaaliw at tiyak na kapupulutan mo ng aral. Maaari mo itong mapanood sa
youtube sa link na ito: https://youtu.be/BsH_-sHa4e4. Maaari mo rin itong
basahin. Nasa kasunod na pahina ang sipi ng kuwento.

6
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde

Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring


tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayondin ang
paghahanda at pagpupunyagi ng taong pinamumuhunanan ng puu-
puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may
mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y matutulad din
nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas
na paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si
Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa
pagluwas ang anak na pag-aaralin sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang
mag-ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad.
Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng ‘di
kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang
nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punong-guro ay kinawit sa
bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punong-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating-galang ng
mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punong-guro na agad
namang nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang
maipaglilingkod ko sa kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong
paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punong-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong
nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng hayskul, ano po?”
“Ngunit… ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na
lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging
karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”

7
“Aba, opo,” maagap na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang
gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng
isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon,
subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang
makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Dili ‘di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng
punong-guro. Gayondin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay
patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang
kunin niyang buo ang kurso sa hayskul at saka na siya kumarera. Higit
na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”

Naibigan mo ba ang iyong napanood o nabasa? Ano ang iyong masasabi sa


kuwentong ito? Magaling, isa nga itong anekdota. Natatandaan mo pa ba ang
anekdotang ating tinalakay sa nakaraang modyul? Mahusay! Kuwento nga itong
hango sa isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Layon nitong makapagpabatid ng isang magandang karanasang kapupulutan ng
aral na magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.

Karagdagang Kaalaman
Ang diskorsal ay ang sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na
palawakin ang kaniyang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon
ang salita, mas maunawaan ang salita, at maipahayag ang mas malalim na
kahulugan nito.
Ang pagsasalaysay naman ay isang diskursong naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari,
pasulat man o pasalita. Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag, at
tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang
uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat at epiko, at mga
kuwentong-bayan ng mga ninunong Pilipino maging sa ibang bansa man.
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga
ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.

8
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat na ito ay likas na napapanahon, may
mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan,
naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa
mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa
kahusayan, hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at
pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na
paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng
napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang Mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa
kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa
kaniyang mambabasa.

Mga Mapagkukunan ng Paksa


1. Sariling karanasan – pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – maaaring usapan ng mga tao tungkol sa
isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba
pa.
4. Likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyong
makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – ang mga panaginip o hangarin ng tao ay maaari
ding maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – mula sa anomang tekstong nabasa, kailangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.

Katangiang dapat Taglayin ng Pagsasalaysay


1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon.
2. Mahalaga ang paksa o diwa.
3. Maayos at ‘di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
9
4. May kaakit-akit na simula.
5. Kasiya-siyang wakas.

Mga Bahagi ng Pagsasalaysay


1. Simula
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kuwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan – ito ang kapana-panabik na bahagi ng isang kuwento.
4. Kakalasan – ito ang nagbibigay-linaw sa mga tanong na nagpanabik sa
mga mambabasa sa bahaging kasukdulan.
5. Wakas – kahihinatnan ng mga tunggalian sa kuwento. Dito rin
ipinahahayag ang mahalagang kaisipan o mensahe sa kuwento.

Opinyon - pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero


maaaring pasubalian ng iba. Ito ay batay sa paniniwala o kaalaman ng isang tao
tungkol sa isang ideya, isyu, paksa o kuwento na kaniyang nasuri. Ang
pagbibigay ng opinyon ay hindi nangangahulugang pagpapahayag ng isang
tamang solusyon o sagot sa isang bagay. Ito ay maaaring magkakatulad at
maaari ring magkakasalungat depende sa pagkakaunawa, paniniwala o
kaalaman hinggil sa isang isyu, paksa o kuwento.

Ang komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga


salita at larawan na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento. Sa Pilipinas,
sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks
na pinamagatan niyang, “Pagong at Matsing.”

Mga Bahagi ng Komiks


1. Kuwadro – naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)
2. Kahon ng salaysay – pinagsusulatan ng maikling salaysay
3. Pamagat ng kuwento
4. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento
5. Lobo ng usapan – pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may
iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.

10
Halimbawa ng Komik Istrip

Anyo ng Lobo ng Usapan

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Komik Istrip


1. Alamin ang sariling hilig o istilo.
2. Tukuyin ang pangunahing tauhan.
3. Tukuyin ang balangkas ng kuwento.
4. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kuwento.
5. Ayusin at pagandahin ang gawa.

11
Pagyamanin

Subukin naman natin ang iyong mga natutuhan. May mga gawain akong
inihanda para sa iyo upang lubos mong mahasa ang iyong kaalaman tungkol sa
ating aralin. Natitiyak kong kapag natapos mo ang mga gawaing ito ay ganap mo
nang mauunawaan ang anekdota at malilinang ang iyong pagkamalikhain sa
paggawa ng komik istrip. Handa ka na ba? Simulan mo na.

Gawain 1: Say Mo?


Panuto: Batay sa anekdotang, “Akasya o Kalabasa” na iyong napanood mula sa
Youtube o nabasa, magbigay ng sariling opinyon sa sumusunod na pahayag.
Itala ang iyong sagot sa hiwalay na papel. (Hinihikayat na ang guro na ang
gumawa ng paraan upang mapanood ng mga mag-aaral ang nasabing anekdota.)

Pahayag mula sa Akasya o Kalabasa Opinyon

1. Hindi maikakaila na kung malaki ang


puhunan ay maaaring tumubo rin
iyon nang malaki kaysa maliit ang
naturan.

2. Karaniwan nang sa may mataas na


pinag-aralan ay maamo ang
kapalaran.

3. Kung ang nais ninyo ay


makapagpatubo ng isang mayabong
na punong akasya, gugugol kayo ng
puu- puung taon, subalit ang
kakailanganin ninyo ay ilang buwan
lamang upang makapaghalaman
kayo ng isang kalabasa.

12
Gawain 2: Kuwentong Guhit
Panuto: Mula sa binasa at pinanood na anekdota, pumili ng
pinakamahalagang bahagi ng palitan ng usapan ng mga tauhan at sumulat ng
isang orihinal na komik istrip tungkol dito. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Komik Istrip

Mga 10 6 4
Kraytirya puntos puntos puntos

Larawan at Angkop na May ilang larawan Walang


pahayag na angkop ang at pahayag na kaugnayan
ginamit mga larawan at hindi gaanong ang larawan
pahayag na malinaw ang sa pahayag
ginamit. inihahatid na na ginamit.
interpretasyon.

Kaisipang Buo ang Medyo kulang ang Nakalilito ang


taglay ng kaisipan o diwa kaisipan o ang kaisipan o
komiks ng komiks at diwa ng komiks. ang diwa ng
nakaaaliw. komiks.

Gawain 3: Hayskul Life


Panuto: Mula sa natutuhan tungkol sa paggamit ng kahusayang gramatikal,
diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota,
mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay noong nagsisimula
ka pa lamang mag-aral sa hayskul. Isalaysay ang iyong naging karanasan batay
sa mga kraytiryang nakasulat sa ibaba. Isulat ito sa hiwalay na papel.

Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Sanaysay

Mga Kraytirya Puntos


Kahusayang gramatikal 5
Paggamit ng diskorsal at strategic sa pagsulat ng
5
orihinal na anekdota
Nakatutuwang basahin 5
Orihinalidad ng akda 5
Kabuuan 20

13
Isaisip

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng talata.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

karanasan pagpapahayag magkakaugnay


nakakawili nakakatuwa makakatotohanan

Ang anekdota ay kuwento ng isang (1) __________ at (2) __________


pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nitong makapaghatid ng isang
magandang karanasang kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang
karanasan o ang pangyayari ay (3) __________ .
Samantala, ang pagsasalaysay naman ay isang diskursong naglalatag ng
mga karanasang (4) __________. Pagkukuwento ito ng mga kawili- wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing itong pinakamasining,
pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng (5) __________ sapagkat dito nagsimula ang alamat,
epiko, at mga kuwentong bayan ng mga ninunong Pilipino maging sa ibang
bansa man.

Isagawa

Ngayon ay malapit ka na sa dulo ng iyong paglalakbay sa modyul na ito.


Binabati kita sa ipinamalas mong husay at tiyaga sa pagsagot sa mga gawaing
inihanda ko para sa iyo. Inaasahan kong hanggang sa dulo ng paglalakbay na
ito ay patuloy mong ipamamalas ang iyong angking husay sa pagsasalaysay at
pagkamalikhain sa paggawa ng komik istrip.

14
Karanasan mo, i-Share Mo!
Panuto: Sumulat ng isang karanasang hawig ang paksa sa binasa o napanood
na anekdotang, “Akasya o Kalabasa” at gawan ito ng komik istrip gamit ang
kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay.
Maaaring ito ay tungkol sa sarili o sa isang kakilala. Gawin ito sa hiwalay na
papel.

Rubrik sa Pagtataya ng Pagsulat ng Komik Istrip

Mga Pinakamahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


Kraytirya pa ng pagsasanay
(10) (8) (6)
(4)

Orihinalidad Nagpapakita ng Sariling gawa Kinopya .Naglahad lamang


ng mga pagkamalikhain subalit hindi lamang sa ng sariling
larawang sa pagkakaguhit gaanong internet o libro karanasan at
ginamit at may maiugnay sa ang mga walang binuo na
kaugnayan sa mga larawang komik istrip.
inilalahad. pangyayari sa ginamit.
akdang
isinulat.

Kahusayang Malinaw ang Hindi gaanong Hindi maayos Nakalilito at


gramatikal pagkakasunod- malinaw ang ang walang kaayusan
sunod. pagkakasunod pagkakasunod- ang
-sunod ng sunod ng pagkakasunod-
pagsasalaysay sunod
pagsasalaysay

Wastong Nakawiwili, Hindi gaanong Hindi gaanong Hindi


gamit ng nakatutuwang nakawiwili at nakawiwiling nakawiwiling
diskorsal at basahin, at bahagyang basahin. basahin.
strategic sa kapupulutan ng nakatatawa
paglalahad aral. para sa
mambabasa.

15
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat


sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ang akdang, “Akasya o Kalabasa” ay isang halimbawa ng anong uri ng
panitikan?
A. anekdota C. pagsasalaysay
B. mitolohiya D. sariling karanasan

2. “Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang


kapalaran.” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
A. Mag-aral nang mabuti.
B. Huwag tumigil sa pag-aaral.
C. Mas maganda ang kapalaran ng taong nag-aral nang matagal na
panahon.
D. May naghihintay na magandang kinabukasan sa taong
nakapagtapos ng pag-aaral.
Para sa bilang 3-4

Batay sa huling naging pahayag ni Mang Simon na, “A, mabuti na nga
ang kunin niyang buo ang kurso sa hayskul at saka na siya kumarera. Higit
na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”

3. Ang pahayag na nasa itaas ay nangangahulugang ?


A. Bubunuin ni Iloy ang mahabang panahon ng pag-aaral.
B. Nais ni Mang Simon na isali ang kaniyang anak na si Iloy sa
karera.
C. Pinili pa rin ni Mang Simon na maging katulad ng kalabasa ang
kaniyang anak.
D. Nais ipatapos ni Mang Simon kay Iloy ang pag-aaral sa hayskul
bago niya ito katulungin sa linang.

4. Anong aral ang makukuha mula sa pahayag na nasa itaas?


A. Maging masipag sa pag-aaral.
B. Kailangang maghanda para sa kinabukasan.
C. Tiyak ang magandang kinabukasan kung ikaw ay mag-aaral.
D. Kailangang magtiyaga sa pag-abot ng pangarap, higit na maganda
kung ito ay pinaghihirapan.
\

16
5. Ito ay tumutukoy sa isang diskursong naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay.
A. komiks C. pagsasalaysay
B. kuwadro D. sariling karanasan

6. Isa sa mga mapagkukunan ng paksa ay batay sa narinig o napakinggan


mula sa iba ngunit bilang manunulat, kinakailangang .
A. maging maagap sa lahat ng balita
B. kunin ang lahat ng narinig buhat sa iba
C. piliin ang mga impormasyong nais ilahad
D. tiyakin muna ang katotohanan nito bago isulat

7. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng maikling salaysay.


A. kuwadro C. kahon ng salaysay
B. lobo ng usapan D. pamagat ng kuwento

8. Ang thought bubble, whisper bubble, speech bubble, at scream bubble ay


mga halimbawa ng anong bahagi ng komiks?
A. kuwadro C. kahon ng salaysay
B. lobo ng usapan D. pamagat ng kuwento

9. Ang Pagong at Matsing na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ay isang


halimbawa ng __________.
A. anekdota C. kuwento
B. komiks D. pagsasalaysay

10. Ito ang bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan.


A. komiks C. kahon ng salaysay
B. lobo ng usapan D. sariling karanasan

17
Karagdagang Gawain

Binabati kita at narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito.


Nagagalak ako sa iyong ipinamalas na husay at pagkamalikhain sa pagsasagawa
ng bawat gawain.

Panuto: Iguhit sa hiwalay na papel ang sumusunod na lobo ng usapan at lagyan


ng simpleng palitan ng pahayag ng dalawang nag-uusap tungkol sa kanilang
naging karanasan ngayong panahon ng pandemya.

1. Thought Bubble
2. Broadcast/ Radio Bubble
3. Whisper Bubble
4. Speech Bubble
5. Scream bubble

18
19
Subukin Isaisip Tayahin
1. D 1. nakawiwili 1. A
2. C 2. nakatutuwa 2. D
3. D 3. makatotohanan 3. A
4. C 4. magkakaugnay 4. D
5. C 5. pagpapahayag 5. C
6. A 6. D
7. D 7. C
8. C 8. B
9. A 9. B
10. B 10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ambat, Vilma et.al. 2015. Filipino 10. Panitikang Pandaigdig 10, Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.

Cojas, Myla. 2018. Akasya o Kalabasa


https://www.youtube.com/watch?v=BsH_-sHa4e4&feature=youtu.be.
January 02, 2021

20

You might also like