You are on page 1of 47

10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Mitolohiya mula sa Africa

Kagawaran ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mitolohiya mula sa Africa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Diana Lyn S. Gelacio


Mga Editor: Miguela L. Heyasa
Renaden M. Secretaria
Geraldine B. Mediante
Genelyn J. Abatayo
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD

Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III
Direktor ng Rehiyon

Mga Katuwang ng Tagapangulo:


Victor G, De Gracia Jr., PhD, Ceso V Mala Epra B. Magnaong, Chief CLMD
Katuwang ng Direktor ng Rehiyon Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Bienvenido U. Tagolimot Jr., PhD, Chief EPS-ADM
Tagapamanihala, Sanagay ng Bukidnon Elbert R. Francisco, PhD, chief CID
Shambaeh A. Usman, PhD Rejynne L. Ruiz, LRMDS Manager
Katuwang ng Tagapamanihala, Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
Sangay ng Bukidnon Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolosco, Division Librarian II

Department of Education – Division of Bukidnon


Office Address: Fortich Street, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088-813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped. gov.ph
i
10

Filipino
Ikatlong Markahan–Modyul 1
Mitolohiya mula sa Africa

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at


sinuri ng mga edukador sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang
nasa larangan ng edukasyonna na mag e-mail ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna


at mungkahi.

ii
Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mitolohiya mula sa Africa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mitolohiya mula sa Africa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Para sa mga magulang

Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng


ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado
sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan. Inaasahan ang inyong pakikiisa,
pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-aaral upang mapatnubayan sila sa
mga gawaing itinalaga sa kanila.

iv
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Ang modyul na ito ay dinesinyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa iyo
na matutuhan ang Mitolohiya at ang mahahalagang elemento nito, “Maaaring Lumipad
ang Tao” mitong mula sa Nigeria na isinalaysay ni Virginia Hamilton at isinalin sa Filipino
ni Roderic P. Urgelles, Mga pamantayan sa Pagsasaling-wika, Debate at ang
Lingguhang Pagtataya.

Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang ibat-ibang sitwasyong


pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng talasalitaan
ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang aralin ay inihanay upang makasunod sa istandard
na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Ganoonpaman, ang pagkakasunod-sunod ng
iyong mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri ng aklat sanggunian na iyong
ginagamit

Ang modyul na ito ay nahahati sa mga aralin:


Panitikan:
 Aralin 1 – Mitolohiya mula sa Africa (Nigeria)
 Aralin 2 – Elemento ng Mitolohiya
 Aralin 3 – Debate

Kasanayang Panggramatika at Retorika:


 Aralin 4 – Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


 naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia;
(F10PN-IIIa-76)
 nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin ng
akda kilos at gawa ng tauhan at desisyon ng tauhan;(F10PB-IIIa-80)
 napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo; (F10PS-IIIa-78)
 naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensya nito sa sarili
at sa mga kamag-aral na kinapanayam;(F10PU-IIIa-78)
 nabibigyang-puna ang napanood na video clip;(F10PD-IIIa-74)
 nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika. (F10WG-III-
a-71)

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

TALAAN NG NILALAMAN

vi
Pahina
TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 – Ang Africa at Ang Persia
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 3
Tuklasin 3
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 7
Tayahin 8
Karagdagang Gawain 8
Aralin 2 - Ang Mitolohiya ng Nigeria
Alamin 9
Subukin 9
Balikan 10
Tuklasin 11
Suriin 13
Pagyamanin 14
Isaisip 15
Isagawa 15
Tayahin 16
Karagdagang Gawain 16

Aralin 3 – Debate/ Pagtatalo

vii
Alamin 17
Subukin 17
Balikan 18
Tuklasin 18
Suriin 19
Pagyamanin 20
Isaisip 21
Isagawa 21
Tayahin 22
Karagdagang Gawain 22
Aralin 4 – Pagsasaling Wika
Alamin 23
Subukin 23
Balikan 24
Tuklasin 25
Suriin 25
Pagyamanin 27
Isaisip 27
Isagawa 28
Tayahin 28
Karagdagang Gawain 29
Pangwakas na Pagtataya 30

Susi sa Pagwawasto 35
37
Sanggunian

viii
ix
Aralin
Ang Africa at Persia
1
Magandang Araw!
Sa araling ito ay pag-aaralan natin ang mga panitikan ng Africa at Persia.
Bilang pagsisimula ay aalamin natin ang ilang bagay tungkol sa mga lugar na ito.
Nais kong subukin ang iyong kaalaman hinggil sa ating aralin sa buong linggo.

Alamin

Kompetensing Lilinangin

 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya


ng Africa at Persia;(F10PN-IIIa-76)

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang kadalasang pinapaksa ng mitolohiyang Africa at Persia ay___
A. Supernatural na kapangyarihan B. Karaniwang pamumuhay
C. Kabayanihan D. Pag-ibig

2. Ang sumusunod ay ang mga tema ng mitolohiya maliban sa:


A. Magpaliwanag sa natural na pangyayari
B. Pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. Pagsakripisyo dahil sa pag-ibig
D. Mga paniniwalang panrelihiyon

3. Ang sumusunod ay ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika maliban sa;


A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
B. Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin
C. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
D. Sapat na kaalaman sa wikang Ingles

4. Ito ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas,


diwa at estilong nasa wikang isasalin.
A. Panghihiram ng wika B. Pagpapakahulugan
C. Pagsasaling wika D. Paglilipat
5. Ano ang pinakamalapit na salin ng salitang tagapagbantay sa Ingles?

1
A. Guardian B. Caretaker C. Watcher D. Sentinel

6. Anong kontinente ang pangalawa sa may pinakamalawak na lupain sa


buong mundo.
A . Asia B. Europa C. Africa D. Timog Amerika

7. Ang sistemang apartheid ay nagwakas nang manalo bilang pangulo ng


Africa si Nelson Mandela na kulay____.
A. kayumanggi B. puti C. itim D. balingkinitan

8. Ano ang bagong pangalan ng bansang Persia?


A. Saudi Arabia B. Kuwait C. Iraq D. Iran

9. Ito ay binubuo ng dalawang magkasalungat na panig na naglalahad ng


sariling paniniwala at paninindigan sa isang paksa.
A. Balagtasan B. Debate C. Talumpati D. Fliptap

10. Ano ang tawag sa pag-aaral ng mga pinagkukunan at pagpapaunlad ng


mga salita?
A. Ortograpiya B. Analohiya C. Etimolohiya D. Morpolohiya

11. Ano ang suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan ng akdang


“Maaaring Lumipad ang Tao”?
A. Ang pagtago ng kanilang tunay na anyo
B. Ang pagmamalupit ng mga bantay
C. Ang mabibigat na trabaho sa bukid
D. Ang pag-aalaga sa kanyang anak

12. Anong katangian ang ipinakita ng tauhan sa akdang mitolohiyang


“Maaaring Lumipad ang Tao”?
A. Matapang B. Mapagkumbaba C. Matulungin D. Matiisin

13. Anong uri ng debate ang nagbibigay pagkakataon sa bawat kalahok na


magsasalita ng isang beses lamang na maglahad ng kanyang patotoo at
pagpapabulaan?
A. Oxford B. Cambridge C. Pormal D. Di-pormal

14. Bakit mahalagang may modereytor o tagapamagitan sa isang debate?


A. Siya ang magbabantay sa haba ng oras ng magsasalita ang bawat isa.
B. Siya ang magbibigay hudyat na tapos na ang debate
C. Siya ang huhusga kung sino ang mahusay sa debate
D. Siya ang titiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang
ng bawat kalahok ang mga tuntunin ng debate.

15. Ang mga sumusunod ay ang mga katangian taglay ng isang mahusay na
debater maliban sa isa:
A. Malawak ang kaalaman sa isang paksa
B. Mahusay sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, tinig at tindig
C. Magaling maghabi ng mga argumento at proposisyon
D. Nadadala ang paninindigan sa panig ng oposisyon

2
Atin munang balikan
Balikan
ang ilang kaalaman
sa mga lugar na ito.

Ang panitikan ng Africa ay binubuo ng mga kuwento, dula, bugtong,


kasaysayan, mito, awit, at salawikain na maaaring ipakita sa pamamagitan ng
sulat o salita. Ang mitolohiya ng Africa ay may makabuluhang parte sa raw-araw
na pamumuhay ng mga Aprikano. Kadalasan, ang mga mito nila ay tumutukoy sa
mga universal na mga tema kagaya na lamang ng pinagmulan ng mundo at
kapalaran ng sangkatauhan pagkatapos ng kamatayan.
Ang panitikan naman ng Persia ay may impluwensya ng literatura ng
Ottoman Turkey, Muslim India at Turkic Cental Asia. Ang mitolohiya ng Persia ay
mga tradisyonal na kwento na tumutukoy sa mga kakaibang mga nilalang at
sumasalamin sa mga kaugalian ng lipunan kung saan nabibilang ang mga
Persiano.
Ang mitolohiya ng Persia at Africa ay binubuo ng iba’t ibang karakter na
mala-diyos at sumasalamin sa iba’t ibang kultura at paniniwala na nabuo sa mga
bayan na ito. Ang istilo at kultura ng literatura ng dalawang bansa ay nakapag-
ambag ng malaking pagbabago sa panitikan sa pamamagitan ng paglalahad ng
kanilang paniniwalang Sufism.

Tuklasin

Bago mo umpisahan ang pagbabasa at pagsusuri sa mitolohiya ng


Africa, mainam na magbalik-tanaw ka muna sa iyong natutunan sa mga
akdang mitolohiya.

Suriin nang mabuti ang larawan at sagutin ang sumusunod na mga


tanong.

1. Batay sa larawan, anong suliraning panlipunan ang umiiral dito?


2. Anong elemento ng mitolohiya ang binibigyang diin sa larawang ito?
Maglahad ng patunay sa iyong sagot.

3
Ang Persiya

Ang Persiya ay isang bansang sakop ng gitnang silangan. Hindi na ito


gaanong kilala sa kanyang katawagan sa kasalukuyan sapagkat ito ay pinalitan
na ng Iran noong 1935 bilang hudyat ng kanilang sariling pagkakakilanlan
matapos makalaya sa impluwensya ng Britanya at Russia.
Lalong nakilala ang Iran sa pangalang ito nang lusubin sila ng Allied
Forces noong 1941 at nang magkaroon ng nationalization ng Industriya ng langis
sa ilalim ng pamumuno ni Prime Minister Dr. Mohammad Mosaddeq.
Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binanggit kasama ng
Medo, at Mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong
Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangabayo. Ang pagsasabi ng
katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa
daigdig.

Sanggunian: “Persia or Iran” by Professor Ehsan Yarshater,


Published in Iranian Studies, Vol.XXII, No.1, 1989

Ang Africa

Ang Aprika (Africa) ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa


daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May
sukat na mga 30,244,050 kilometro kuwadrado na binubuo ng limampu’t apat na
bansa at ang teritoryo nito’y sumasakop sa anim na bahagdan ng kabuoang
lupain sa mundo. Ang populasyon nito na umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 na
15% ng kabuuang tao sa mundo. Maituturing na batang populasyon ang taglay
ng Africa dahil ang mahigit kalahati ng mga mamamayan dito’y nasa edad
dalawampu’t limang taon lang pababa. Ito ay dahil sa mabilis na pagdami ng
populasyon at mababang life expectancy rate o maagang pagkamatay ng mga
tao. Ito rin kasi ang itinuturing na pinakamahirap na kontinente sa buong mundo.
Mainit at tuyo ang klima na nagdudulot ng mahahabang tag-init na hindi
nakabubuti sa mga pananim. Matatagpuan dito ang pinakamalawak na disyerto
sa mundo, ang Sahara gayundin pinakamahabang ilog ng mundo, ang ilog Nile
na may habang 6,650 kilometro.
Ang Africa ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika.Ang
karamihan sa mga tao sa Africa ay itim. Gayunpama’y maraming dayuhang
nagmula sa Europa ang sumakop sa bansa rito kaya dumami na rin ang mga
puti. Marami ring ibang lahi ang nandayuhan dito tulad ng mga Asyano,
Amerikano, at iba pa kaya sa kasalukuyan, iba’t ibang lahi ang makikita rito.
Napakarami rin nilang wikang ginagamit na umaabot ng 2,000. Ang 25% ng mga
wikang ito’y sa Africa lang ginagamit. Laganap ang paggamit ng Arabic na
sinasalita ng 170 milyon katao, kasunod ang wikang Ingles na sinasalita naman
ng 230 milyong katao.
Sa pagdating ng mga mananakop, ang isa sa mga naging suliranin ng
mga bansang sinakop ng mga Puti tulad ng South Africa ay ang paglaganap ng
sistemang apartheid (kung saan inuri ng pamahalaan ang mga mamamayan
base sa kanilang kulay. Ang mga itim ay hindi basta pinayagang makisalamuha
sa mga puti. May mga lugar na para sa mga Puti lang at hindi puwedeng

4
puntahan ng mga Itim. May mga trabahong para lang sa mga Puti. Hindi
puwedeng magpakasal ang Puti at Itim. )
Nagbago lang ang lahat nang manalo bilang kauna-unahang Itim na pangulo ng
South Africa si Nelson Mandela pagkatapos ng napakahabang pakikipaglaban
nang payapa upang maibagsak ang apartheid. Ang kalakarang ito kasi ay hindi
lang lumaganap sa Africa kundi maging sa ibang bansa kung saan matatagpuan
din ang mga lahing Itim tulad ng sa Amerika.

Suriin

Nabatid mo na ang ilang impormasyon tungkol sa Africa at Persia.


Makikita dito ang malaking pagkakaiba ng dalawang lugar.

Itala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa gamit ang Venn


Diagram. (15 puntos)

Africa PagkakatuladPersia

Pagyamanin

Tama o Mali
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng tama kung ang pahayag ay wasto at sa
kahon ng mali naman kung ito ay mali.

Tama Mali
1. Ang Persia ay sakop ng Africa.
2. Ang Africa ay isang kontinente.
3. Ang mga tao sa Africa ay purong mga itim.
4. Ang Persia ang dating pangalan ng Iran.
5. Matagal na umiral sa South Africa ang sistemang apartheid
6. Sa Africa matatagpuan ang pinakamalawak na disyerto.
7. Mas marami ang matandang populasyon kaysa bata sa Africa.

5
8. Makikita ang iba’t ibang uri ng hayop sa Africa.
9. Malaking bahagi ng Persia ang may paniniwalang Islam
10. Mahihinuha sa panitikan ng Africa ang kahirapang
naranasan ng mga mamamayan.
11. Mainit at tuyo ang klima sa Africa kaya hindi mabubuti
ang mga pananim na lalong nagpahirap sa kanila.
12. Mataas ang tingin ng mga puti sa mga itim sa sistemang
Apartheid.
13. Naging kilala ang Iran sa produktong petrolyo.
14. Ang kakulangan sa tubig ay may malaking epekto sa
buhay ng mahigit 300 milyong Africans.
15. Sa Africa makikita ang pinakamaraming uri ng mga isda.
Pagkilala

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang pahayag ay may kaugnayan sa
paksa. (2 puntos bawat bilang)
1. Inilarawan ang kalagayan ng mga mamamayan sa kontinente ng
Africa.
2. Masasalamin sa mitolohiya ng isang bansa ang kultura nito.
3. Mahalagang alamin ang kasaysayan ng isang lugar kung saan
nagmula ang isang akdang pampanitikan.
4. Sa Africa matatagpuan ang pinakamahabang ilog sa buong
mundo na maiuugnay natin sa mga mito tulad ng Si Nyaminyami,
ang Diyos ng ilog Zambezi.
5. Karamihan sa mga taong naninirahan sa Iran ay may
paniniwalang Islam.
6. Isa sa may pinakamalaking pundo ng produktong langis ang Iran
sa buong mundo.
7. Ang mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia ay kadalasang
tumatalakay pananampalataya o paniniwalang Sufism.
8. Ang sistemang apartheid ay nagpapakita ng malaking
diskriminasyon sa pagitan ng mga puti at itim.
9. Masasalamin sa panitikan ang mga katangian, gawi at kilos ng
tao sa lipunang kanilang ginagalawan.
10.Mahalaga ang bawat bahagi ng isang akadang panitikan.

6
Isaisip
Magaling at ikaw ay
malapit ng matapos.
Pagbutihan mo pa.

Pagpapaliwanag
Panuto: May mga pangyayaring hinango mula sa dalawang lugar. Ibigay ang
iyong sariling reaksiyon/opinyon sa sumusunod na sitwasyon.

1. Ang Africa ay isa sa itinuturing na pinakamahirap na kontinente sa buong


mundo. Paano nagiging sanhi ang sistemang apartheid na umiiral dito?
________________________________________________________
_____________________________________________

2. Pinalitan ng Persia ang pangalan sa Iran. Bakit nila pinalitan ang kanilang
pangalan?
___________________________________________________________
________________________________________

3. Batay sa datos na ipinakita, mas marami ang mga bata kaysa mga
matatanda sa Africa. Bakit tinaguriang batang populasyon ang Africa?
___________________________________________________________
____________________________________________

4. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang panitikan sa mga bansa sa


Africa at sa Persia? ___________________________________________
______________________________________
5. Sa iyong palagay, paano mapapahalagahan ang mga gintong aral at
dagdag kaalamang matutunan mula sa mga bansang ito?
__________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Nalaman mo na ang mga kaalaman tungkol sa dalawang lugar (Africa at


Persia). Ipakita mo kung paano kalaki ang pagkakaiba ng dalawa.
(3 puntos bawat bilang)
Africa Persia
1.
2.
3.
4.

7
5.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat


ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

____________ 1. Ano ang pangalan ng pinakamahabang ilog sa buong mundo


na matatagpuan sa Africa?
____________ 2. Saan matatagpuan ang pinakamalawak na disyerto sa mundo?
____________ 3. Anong Sistema ng pamahalaan ang umiiral kung saan inuuri
ang tao base sa kanyang kulay.
____________ 4. Ang Persia ay kilala sa buong mundo sa anong yamang
mineral?
____________ 5. Kailan pinalitan ang pangalang Persia ng Iran?
____________ 6. Ano ang pangunahing wika na ginagamit ng mahigit 170
milyon na tao sa Africa?
____________ 7. Sino ang kauna-unahang itim na pangulo ng Africa na
dahilan ng pagwakas ng sistemang apartheid?
____________ 8. Sino ang namumuno sa Persia nang magkaroon ng
nationalization ng Industriya ng langis?
____________ 9. Sino-sino ang mga bansang sumakop sa Iran?
___________ 10. Ilang bansa ang nasasakupan ng kontinenteng Africa?
___________ 11. Ano ang pangunahing relihiyon ng Persia?
___________ 12. Ano ang capital ng bansang Iran?
___________ 13. Kung dinar ang pera sa Libya ng Africa, ano naman ang sa
Iran?
___________ 14. Ang tawag sa kanila sa kasaysayan ay Persian, ano naman sa
kasalukuyan?
___________ 15. Saan hango ang pangunahing wikang Africaans ng mga
Africans?

Karagdagang Gawain

Pagpapaliwanag
Panuto: Sa loob ng limang pangungusap, ipaliwanag ang iyong sagot. (15 pts.)
Paano naiiba ang akdang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Aralin
Mitolohiya ng Nigeria
2
Magandang Araw! Kumusta ang araw mo?
Ngayong araw na ito ay tatalakayin na natin ang isang
halimbawa ng
mitolohiya na mula sa isa sa bansang sakop ng Africa, ang
bansang Nigeria.

Alamin

Kompetensing Lilinangin

 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin


ng akda kilos at gawa ng tauhan desisyon ng tauhan;(F10PB-IIIa-80)
 Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensya nito
sa sarili at sa mga kamag-aral na kinapanayam;(F10PU-IIIa-78 )

Subukin

Suriin mabuti ang larawang ito.

Gabay na tanong:

1. Ilarawan ang kalagayan ng taong nasa larawan.

9
2. Bakit pasan-pasan ng ina ang kanyang anak habang nagtatrabaho?

3. Maiuugnay ba sa totoong buhay ang mga akdang pampanitikan ng


Nigeria?

Balikan Maiksing kaalaman


Ating balikan
Nang may matutuhan

Ang kuwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung


saan ang madalas na tinatalakay na mga kuwento ay mga diyos at diyosa at iba
pang makapangyarihang nilalang.
Kadalasan ito ay maiuugnay sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon o
bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit,
kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang,
mayroon pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga
modernong pag-aaral.
Ang mitolohiya ay parating mayroong mga gintong aral na ipinagkaloob sa
mga nakaririnid o nakababasa nito. Dagdag na rin ito sa kaalaman kung ano ang
tradisyon at kultura ng nasabing lugar ng mitolohiya dahil isinasalamin nito ang
kabuhayan noong ito ay isinulat.
Mga Elemento ng Mitolohiya:
 Tauhan. Mga diyos o diyosa, may taglay na kapangyarihan, makulay at
puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan.
 Banghay. Maayos na pagsunod-sunod ng mahahalagang pangyayari na
nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas, ipinakikita
rin dito ang ugnayan ng tao at ng diyos at diyosa.
 Tagpuan. Lugar at panahon kung saan naganap ang istorya. Salamin ng
sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito
umusbong. Naglalaman kung anong uri ng komunidad
mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng
kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran
sa kasalukuyan.
 Paksa/Tema. Ito ang pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao
at mga aral sa buhay. Ito rin ang mga paniniwalang
panrelihiyon, at katangian at kahinaan ng tauhan.

Tips sa Pagbabasa mula kay Mam Migs

S para sa Survey
 Ang una mong gawin ay buklatin muna ang mga pahina ng modyul upang malaman ang
nilalaman at ang haba nito.
R para sa Read
 Kung na-survey mo na ang buong nilalaman ay maaari mo nang umpisahan ang
pagbabasa.
 H para sa Highlight
 Kulayan mo gamit ng highlighter pen ang mga mahahalagang ideya o opinyon na iyong
nabasa.
R para sa Review

10
 Sa pagbabalik-aral, ituon mo na lang ang pagbabasa sa mga naka-highlight.

Ang pagbabasa ay mas pinabisa. Mabuhay ka!

Tuklasin Oops! Sundin ang


Tips ng pagbabasa

Basahin ang isang mitolohiya mula sa Nigeria upang malaman


kung masasalamin ba dito ang kanilang kultura. Bago mo
basahin ang akda ay basahin mo muna ang tips sa pagbabasa

Maaaring Lumipad ang Tao

Naisalaysay ni Virginia Hamilton


Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang


kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak. Inililihim nila ang
kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao
mula sa Africa na may maitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila
kung sino ang nakalilipad at ang hindi.
May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kanyang
tindig. Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah.
Makikitang may batang nakatali sa kanyang likod. Nanginginig siya kung mabigat
ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng
lupain.
Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw
siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan
na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo
ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal
sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa.
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang
bata ay tulog sa kanyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong
umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang
umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata.
“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata.
Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya
ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.
Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako
nang mabilis,” sabi niya pagdaka.

11
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, sunog na ng araw
ang kanyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. ‘Kaawaan mo kami,
kaawaan mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at
napaupo na lamang sa pilapil. “Tumayo ka, ikaw, maitim na bata” hiyaw ng
tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at
ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kanyang sugat ay
humalo sa putik, di siya makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kanya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”
“Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung
alam mo kung paano ka makaaalis.”
“Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan
ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas
ang isang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kanyang
paglipad na hawak-hawak nang mahigpit ang kanyang anak. Naramdaman niya
ang mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya ng Malaya na siya tulad
ng isang ibon, na animo’y balahibong umiilanlang sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw at sumisigaw. Samantalang si
Sarah, at ang kanyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad
siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong
nasa ibaba. Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi
makapaniwala, subalit nakita nila ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa
mainit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at
nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at muling naibulong sa
bata, nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin.
Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin
at muli siyang nakalipad.
Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa
nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kanyang kamay
“kumkumka yali, kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silang
nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may
makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako
sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig.
“Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay.
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.”
Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang
kanyang latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kanyang baril upang patayin
ang negrong si Toby.
Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo
kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming
nasa palayan.” At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako

12
sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa
palayan sa ilalim ng malupit na latigo.
“Buba… Yali… Buba… tambe…”
May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat,
matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay.
Nagsasalita habang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila
magkakahalo hindi pa sila umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay
na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na
mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon,
ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang
kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya
umiiyak, hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang
mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila.
“Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot
sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon
na makatakbo “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby,
“Kausapin mo sila ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang
nasaksihan.”Ito ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang
tagapagbantay ay hindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa
kanilang mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila
noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad
hanggang ngayon.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Suriin

Pagtukoy sa Elemento ng Mitolohiya

Sa mga nagdaang kabanata ay nakabasa ka rin ng ilang halimbawa ng iba


pang mitolohiya tulad ng mitolohiyang Romano at mitolohiya mula sa Iceland. Sa
pagsuri ng mga kaisipang nakapaloob dito maaaring gawing batayan ang
suliranin ng akda, kilos ng mga tauhan o pangunahing tauhan, at gawi ng mga
tauhan sa mitolohiya.
Mamamalas sa mitong “Maaaring Lumipad ang Tao” ang kaisipan o
konsepto ng pag-asa na makakawala ang mga kasalukuyang naghihirap sa
kamay ng pagdurusa sa kontinente ng Africa

13
Nagpapakita rin ito na ang mga tagagabay na magsasalba sa mga
naghihikahos ay kasama lamang nila sa kanilang piling at hinihintay lamang
silang maging isa muli.
Ipinapakita dito na kinakailangan ng lakas ng loob para malagpasan ang
mga pagsubok. Alam nila na kaya nilang lumipad ngunit hindi nila isinigaw ang
mga salitang may kapangyarihan sa takot na marinig sila ng tagapagbantay at
parusahan sila nito.
Ang akdang mitolohiya ay nagtataglay ng mga supernatural na pangyayari
na maaaring ituturing na makatotohanan o di makatotohanan. Ang naranasang
kahirapan at kalupitan ng mga tauhan ay isang katotohanang salamin ng buhay
ng mga tao sa Africa samantalang ang mga taong lumulipad dahil sa pagbigkas
ng mga makapangyarihang salita ay di makatotohanan.
Layunin ng akdang ito na ipaalam sa lahat ng tao na kilalanin mo muna
ang mga taong nakakasalamuha mo at huwag basta-bastang magtitiwala.

Pagyamanin

Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya sa pamamagitan ng


pagpili ng angkop na kasagutan at pagpapaliwanag ukol dito. (5 puntos. bawat
bilang)

1. Anong mga suliranin ang kinakaharap ng mga tauhan sa akda?


A. Ang kalupitan o pang-aapi ng mga nasa kapangyarihan.
B. Ang mabibigat at mahihirap na gawain sa bukid.
C. Ang pagbabagong anyo ng mga tauhan.
 Batay sa iyong napiling sagot, paano nakaapekto sa kanila ang suliraning
ito?
___________________________________________________________
______________________________________________
2.Paano masasalamin ang kilos o pag-uugali ng pangunahing tauhan sa akda
tungo sa suliraning kinaharap niya at ng iba pang tauhan?
A. Mapagmatiisin sa kabila ng mga dinaranas na kalupitan mula sa mga
tagapagbantay.
B. Hindi pinapansin ang mga masasakit na pangyayari sa kanyang
kapaligiran.
C. Naging matapang sa pagharap sa mga hamon sa buhay sa tamang
panahon.
 Ano ang resulta ng naging kilos o gawi ng pangunahing tauhan?
___________________________________________________________
_______________________________________________________.
3. Ano ang naging desisyon ng tauhan nang makitang nasa bingit na ng
alanganin ang kanyang kasamahan?
A. Nanikluhod para kaawaan at mabigyan ng pagkakataong mabuhay.
B. Ipinakita ang tunay na anyo upang maiwasan ang pagdating ng

14
kamatayan.
C. Ipinagpatuloy nila ang ginagawa sa kabila ng kalupitan sa mga
mahihinang mamamayan.
 Ano ang kinahantungan ng mga tauhan sa kanilang naging pasya?
Pangatwiranan.
___________________________________________________________
____________________________________________________.
4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayan sa pagbulgar ng tunay na
anyo ng ating mga tauhan?
A. Nakamit ang matagal nang inaasam na tunay na kalayaan.
B. Naging magaan na ang kanilang gawain at wala ng mga pagmamalupit.
C. Nagkahiwalay ang pamilya at nasira ang kanilang kabuhayan.
 Ano ang nadama nila sanhi ng pangyayaring ito sa kanilang buhay?
___________________________________________________________
__________________________________________________.
Aja! Hindi mo dapat
alalahanin ang kabagalan
mo basta’t hindi ka lang
susuko.
Isaisip

Gawain 1.2: Ihanay ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento ng


“Maaaring Lumipad ang Tao” gamit ang Story Ladder

Isagawa

Magbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya.


Itala sa tsart at lagyan ng tsek (√) ang kulom kung ito ay makatotohanan o di
makatotohanan at ipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolum.

Kaisipan MK DMK Paliwanag


Hal. Nakitang patay na √ Ang sobrang pagtatrabaho sa
nakahandusay sa mainit na bukid sa ilalim ng mainit na

15
palayan, isang batang lalaki na sikat ng araw ay
alipin nakamamatay.
1
2
3
4
5

Magaling!
Ipagpatuloy pa sa
susunod na gawain.
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel. (3 puntos bawat bilang)

1. Ano ang katangian ng pangunahing tauhan ang dapat pamarisan?


2. Makatwiran ba ang naging desisyon ng pangunahing tauhan sa akda?
Patunayan.
3. Bakit mahalagang pag-isipan nang mabuti ng tao ang mga desisyon niya
sa buhay?
4. Paano nakatutulong sa tao ang kanyang mga suliraning napagdaanan?
5. Masasalamin ba sa mitolohiyang ito ang kultura ng bansang Nigeria? Patunayan.

Karagdagang Gawain

Sa iyong lubos na pagkaunawa sa araling ito, ikaw ay inaasahang


makasusulat ng pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensya nito sa sarili
at sa mga kamag-aral na kinapanayam.

Panuto: Makipag-ugnayan sa isa sa iyong kamag-aral, maaaring via


online or SMS. Makipanayam sa kanya kung ano ang impluwensya
sa kanya ng akdang binasa.
Impluwensya sa
Paksa Impluwensya sa Sarili
kamag-aral

Maaaring Lumipad

16
ang Tao

Isang pagpupugay sa iyong kagalingan sa araw


na ito. Napagtagumayan mo na naman ang ating
mga gawain ng buong husay.

Aralin
Debate/Pagtatalo
3
Magandang Araw! Kumusta ang araw mo? Kahapon
ay isinagawa natin ang pagsusuri sa akdang mitolohiya ng
Nigeria. Nawa’y sapat ang iyong natutuhan sa araling iyon.
Ngayong araw na ito ay tatalakayin na naman natin ang isa
pang anyo ng panitikan-ang Debate o pagtatalo.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
1. nabibigyang-puna ang napanood na video clip;(F10PD-IIIa-74)
2. napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo; (F10PS-IIIa-78)

Subukin

Sa pagsisimula ng araling ito, nais kung sagutan mo ito.

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang pagkakaiba ng debate sa talumpati, sanaysay at balagtasan?


A. Ito ay naglalahad ng mga pananaw, opinyon at saloobin hinggil sa
paksa at binibigkas sa harap ng madla
B. Ito ay mga nakasulat na mga pananaw, opinyon at saloobin hinggil
sa paksa
C. Ito ay gumagamit ng mga piling malalalim na salita sa paglalahad
ng sariling paninindigan hinggil sa paksa sa paraang patula

17
D. Ito ay naglalahad ng mga patotoo at sariling paninindigan hinggil sa
paksang pinagtatalunan.

2. Mahalaga ang papel na ginagampanan niya sapagkat siya ang


tumitiyak sa ganda ng daloy ng debate.
A. Timekeeper B. Oposisyon
C. Moderator D. Proposisyon

3. Taglay ng isang debater ang katangiang ito kung siya ay magaling sa


pagsalo at pagsagot sa mga argumento.
A. Nilalaman B. Estilo
C. Estratehiya D. Proposisyon

4. Sa anong panig ng debate ang isang kalahok na sumasang-ayon?


A. Patotoo B. Pagpapabulaan
C. Oposisyon D. Proposisyon

5. Ano ang pinakamahalaga sa pagdedebate?


A. Tindig at porma B. Lakas ng boses
C. Pag-agaw sa panahon ng nagsasalita D. Sapat na kaalamn sa
paksa

Balikan

Kahapon ay pinag-usapan natin ang isang mitolohiya na mula sa


Nigeria. Sa akdang ito nababatid mo ang kulturang taglay ng isang bansa.
Nararanasan nila ang kahirapan at pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan.

Tanong:

Sang-ayon ka ba sa naging desisyon ng tauhan na labanan ang pang-aapi ng


mga nasa kapangyarihan? Patunayan ang sagot.

Sa pagbibigay ng mag-aaral ng kanyang sagot at paglalahad ng


patunay ay mahihitang marunong siyang ipaglaban ang kanyang sagot
o mga paniniwala hinggil sa isang paksa/bagay.

Tuklasin Ngayong araw ay


panoorin mo ang
isang video.

Panoorin ang isang video clip hinggil sa isang debate.

18
Link: https://www.youtube.com/watch?v=oo3Fa4L75Rc
(oras: 16.30-33.23 ng video)
Gabay na Tanong:

1. Ano -ano ang napupuna mo sa video?


2. Paano nila inilalahad ang kanilang mga paninindigan?
3. Makikita ba sa mga nagsasalita ang kahandaan sa paksa?
4. Sa kaninong panig ka mas higit na humanga? Bakit
5. Ano-ano ang natutuhan mo sa paraan nila ng pangangatwiran?

Suriin

Narito ang ilang kaalamang dapat alamin sa araling ito. Basahin at


unawaing mabuti ang hinggil sa Debate.

Debate- ang pangangatwiran ng dalawang koponan mula sa magkasalungat na


panig tungkol sa makabuluhang paksang napagkaisahang pagtalunan sa tiyak na
oras at lugar na pangyayarihan. Ito ay hindi isang pag-aaway sapagkat ito’y
pagpapaliwanag lamang ng mga katwiran ng bawat panig na maaaring gawing
pasulat o pasalita.

Mga Kasapi sa Debate

1. Proposisyon o panig ng sumasang-ayon


2. Oposisyon o panig ng sumasalungat
3. Moderator o tagapamagitan upang maging maayos ang daloy ng debate
4. Time keeper o tagabantay sa oras na inilalaan sa bawat panig sa paglalahad
ng patotoo at pagpapabulaan o rebuttal
5. Hurado ang magpapasyo kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat.
Mga Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mahusay na Debater
Paksa o nilalaman
-Kailangan niya ng sapat na panahon upang mapaghandaan ang
malawakang pagbabasa, pananaliksik, at pangangalap ng datos at
ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa
katotohanan ng kaniyang ipinapahayag.
Estilo
-Kailangang mahusay ang isang debater sa pagsasalita, sa pagpili ng
tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga
pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Kasama na dito ang
linaw at lakas ng boses, husay ng tindig at tiwala sa sarili.
19
Estratehiya
-Ang husay sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento at kung paano niya
maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon ay makikita dito. Ang
pagkakaisa ng pangkat lalo na sa depensa ng pagpapatotoo at
pagpapabulaan ay kailangang matibay at nagkaisa.
Mga Uri o Format ng Debate
Maraming uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga
mag-aaral ay ang mga debateng may uri o format na Oxford at Cambridge.
Sa Debating Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng
minsan, maliban na lamang sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging
mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang
pagpapabulaan sa huli. Sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay
magkasama na niyang inilahad ang kanyang patotoo (constructive remark) at
pagpapabulaan (rebuttal).
Sa Debating Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig
upang magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo (constructive
remark) at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan (rebuttal).
May iba pang uri ng debate kagaya ng Mock Trail, Impromptu Debate,
Turncoat Debate at iba pa.
Ang mock trail ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay
nagpapanggap na nga manananggol o mga attorney sa isang paglilitis.
Ang impromptu debate ay binibigay ang paksa sa mga kalahok 15 minuto
bago magsisimula ang debate. Pagkatapos, magsasalita sa loob ng limang
minute ang bawat isa sa bawat panig ng salitan hanggang matapos ang lahat.
Ang turncoat debate ay ginagawa ng isang tao lamang. Ilalahad niya ang
kanyang proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa
oposisyon ng dalawang minuto.
Susubukin natin ngayon
ang iyong pag-unawa sa
ating aralin. Ayusin sa
Pagyamanin pagsagot!

Pagtatapat-tapat: Hanapin sa Hanay B ang katumbas ng mga pahayag sa


Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Uri ng debate kung saan ang kalahok ay A. Debate
dalawang beses titindig upang magsalita.
2. Uri ng debate kung saan ang kalahok ay B. Estilo
isang beses lamang titindig.

20
3. Paglalahad ng opinyon ng dalawang C. Oposisyon
magkasalungat na panig
4. Ang kalahok na ito ay nasa panig ng di-sang- D. Oxford
ayon
5. Taglay niya ang katangiang di natitinag at E. Cambridge
may tiwala sa sarili.
6. Mga paninindigang ibinabato ng kalahok sa F. Argumento
kabilang panig.
7. Ito ang dapat paghandaan ng debater para G. Debater
makapagbigay ng bigat at patunay sa
katotohanang kanyang ipinapahayag.
8. Tagapagbantay sa iginugugol na panahon sa H. Time keeper
bawat debater.
9. Pamamaraan ng pangkat na ipakita ang tibay I. Paksa
ng kanilang paninindigan.
10. Ang taong naglalahad ng pangangatwiran sa J. Estratehiya
isang paksa o pinagtatalunan.

Isaisip

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

_________1. Ito ay naglalahad ng mga patotoo at sariling paninindigan hinggil


sa paksang pinagtatalunan.
_________ 2. Mahalagang hindi naiimpluwensiyahan ng iba ang kanyang
hatol.
_________ 3. Ang linaw ng tinig at tikas ng tindig ay bahagi ng katangiang ito.
_________ 4. Ang mga ito ang ginagamit ng mga mag-aaral na format ng
debate.
_________ 5. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang taong
mahusay makipagdebate?

Sa bahaging ito ay nais kong


tanungin mo ang iyong sarili kung
paano ka naimpluwensyahan ng
ating aralin ngayon.
Isagawa

Isulat ang pagsusuri ng akdang binasa (mitolohiya) sa naging


impluwensya nito sa sarili at sa mga kamag-aral na kinapanayam. (15 pts.)

21
Kaisipan Impluwensya sa Sarili Impluwensya sa Kamag-aral
1
2
3
4
5

Tayahin

Pagpupuno sa patlang: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo


ang kaisipan. Piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

A. Rebuttal B. Moderator C. Debater D. Kaalaman


E. Pagsasalita F. Sumasalungat G. Hurado H. Patunay
I. Time keeper J. Pangangatwiran K. Sumasang-ayon L. isang
M. Mock Trail N. Impromptu Debate O. Turncoat Debate

Ang debate ay isang paglalahad ng (1.) _____________ sa pagitang ng


dalawang panig. Ang panig ng (2.) ___________ at ng (3.) ____________.
Nagiging maayos ang daloy ng pagpapalitan ng ideya ng dalawang panig dahil
sa (4.) _________ na siyang tagapamagitan at ng (5.) _________ na
nagbabantay sa oras ng pagsasalita ng bawat kalahok. Mahalaga rin ang papel
ng (6.) __________ na siyang magpapasya kung aling panig ang higit na
nakapanghikayat.
Sa pagdedebate, napakahalagang taglay ng (7.) __________ ang
malawak na (8.) _________________ upang maipagtanggol ang kanyang
patotoo sa paglalahad ng mabibigat na (9.) _____________. Kailangang
mahusay ang isang debater sa (10.) _________ kasama na dito ang lakas at
linaw ng boses.
Sa uri ng debateng Cambridge, ilalahad niya sa unang pagtayo ang
kanyang patotoo. Ang kanyang (11.) _________________ naman ay ilalahad sa
kanyang ikalawang pagtayo. Ang debateng Oxford ay (12.) ______ beses
lamang tatayo ang bawat kalahok. Ilan pang uri ng debate ay ang (13,) _______
na parang attorney, (14.) ________________ na ginagawa ng isang tao lamang
at (15.) ________ binibigay ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago
magsisimula ang debate.

22
Karagdagang Gawain

Upang masukat ang iyong kakayahan sa paksang debate, ikaw ay


inaasahang pakapaglalahad ng iyong sariling mga patotoo hinggil sa isang
paksa. (Nasa guro ang pagbibigay ng paksa)

Paksa Mga Patotoo Mga Rebuttal

Pinupuri kita sa iyong ipinakitang sigasig sa ating mga gawain


sa araling ito. Mataas ba ang iyong nakuhang marka?
Magaling….. Isang malaking
para sa iyo.

Aralin
Ang Pagsasaling-wika
4
Magandang Araw! Ngayong araw na ito ay tatalakayin
natin ang integrasyon ng wika.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
1. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
(F10WG-III-a-71)

23
Subukin

Sa pagsisimula ng araling ito, nais kung sagutan mo ito.

Panuto: Basahing at unawaing mabuti ang mga pahayag. Kunin ang pinakadiwa
nito at isalin sa wikang Ingles ang Filipino at sa Filipino ang Ingles.
1. Palayan _____________________
2.Kapangyarihan ______________________
3. Kaawaan mo kami. ______________________
4. Magkakahawak-kamay ______________________
5. Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat. _____________________
6. A noble job. _____________________
7. Excuse me _____________________
8. May I borrow your book? _____________________
9. Silence please. _____________________
10. Clean your own mess. ______________________

Balika
n

Sa kasalukutan ay humaling na humaling ang mga Pilipino sa mga


Korean na pelikula. Alam natin na hindi naman lahat nakakaunawa sa wika nila.
Sa kabila ng paggamit ng Koreanong wika ay nakakatulong nang malaki ang
mga subtitle na nakalagay sa ibaba nito.

Subukang sabihin sa iba’t ibang wika ang “ I Love You”.

Halimbawa: German: Ich liebe Dich

1. French : Heto na naman at


muli pa nating
2. Japanese : subukin ang iyong
galing.
3. Korean :

4. Portuguese :

24
5. Filipino :

Tuklasin

Panoorin ang isang video clip hinggil sa isang pagsasaling-wika.


Link:
https://m.youtube.com/watch?
v=ookGZv-0q7k&t=50s

Gabay na Tanong:

1. Malinaw ba kung ano ang pagsasaling wika?

2. Ano-anong pamantayan ang ginamit sa pagsasaling-wika?

Sa mga nakapanood sa video, nawa’y maliwanag


na sa inyo kung ano ang pagsasaling wika. Sa mga
hindi nakapanood, huwag kayong mag-alala dahil
nasa sunod na bahagi ang detalyadong
pagpapaliwanag kung ano ang pagsasaling-wika.
Tara na at sabay nating suriin.

Suriin

Pagsasaling Wika
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang
isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita ng bumubuo rito.
(Santiago, 2003)

25
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang


kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa
diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ang mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalaawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin
ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais
ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong
pagkakabuo,at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang
kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at
kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang
lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang
manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay
may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling
bias at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at
ng ibang bansa.

Gabay sa Pagsasaling-Wika

Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang


diwa nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak
na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang
kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng
pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin


at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,
pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isasalin
nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng
tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin
ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay kalituhan. Bigyang-pansin din
ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa
pagsasalin.

26
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.
5. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin.
6. Isaaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan.

Pagyamanin

Para masukat ang iyong pagkaunawa sa pagsasaling-wika, narito


ang paunang pagtataya.

Panuto: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob


ng panaklong. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Noong unang(1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon) ang kalangitan at


ang kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit
at Tubigan. Sila ay may kani-kaniyang (2.) Covered (palaruan,
nasasakupan, palayan). Si langit ay diyosa ng (3.) Galaxy (kalawakan,
lupain, kalangitan) at si (4.) Pond (Kalikasan, Katubigan, Tubigan)
naman ay diyosa ng katubigan. Sina langit at Tubig ay (5.) Married (nag-
iibigan, nagpakasal, magkababata) at ang naging anak nila ay apat, tatlo
ang lalaki at isa ang babae. Si Dagat ay (6.) Chic (makisig,
mayabang,mabait) malakas na lalaki at ang katawan mulato. Si Aldaw ay
(7.) Cheerful (masayahin masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay
ginto. Si Bulan ay isang (8.) Weak (maginoong, mahinang, mainam)
lalaki na ang katawan ay tanso. Si Bitoon ang (9.) Only (tanging,
maraming,grupo) babae na maganda ang katawan at kulay (10.) Silver
(pilak, ginto tanso)
Heto na naman…
Dito natin ngayon
malalaman ang
Isaisi lawak ng iyong
p bikabularyo.

A. Isalin sa Ingles ang sumusunod na salita.


1. Tagapagbantay _________________________
2. Misteryo _________________________
3. Nagpagulong-gulong _________________________
4. Mahika _________________________
5. Kumikinang _________________________
6. Paglalakbay _________________________

27
7. Narinig _________________________
8. Pansamantala _________________________
9. Pagkakataon _________________________
10. Kalayaan _________________________

B. Ngayon naman ang mga natutuhan mong pamantayan sa pagsasalin ng


sumusunod na mga “magic words” mula wikang Ingles patungong wikang
Filipino.
1. Thank you very much. __________________________
2. I’m sorry. __________________________
3. You’re welcome. __________________________
4. Please, open the door. __________________________
5. Good morning! __________________________

Isagawa

Isalin sa wikang Filipino ang sumusunod na pangungusap:


1. “Their fruit shalt thou destroy from the earth and their seed from among
the children of men”. -Psalms
________________________________________________________
_________________________________________.
2. In the days of King Solomon, three thousand years ago. There lived in
Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom.
-The Queen of Ethiopia (Literature of Africa)
________________________________________________________
____________________________________________________.
3. “One only dies once and if one does not die well a good opportunity is
lost and will not present itself again.” -Jose P. Rizal
________________________________________________________
____________________________.

Anak, madali lang ito.


Kapag kaya mo itong
pangarapin, kaya mo
Tayahin
itong gawin.

Pagsasaling-wika: Isalin sa wikang Ingles ang talatang nasa ibaba. (15 pts.)

Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang


si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy,

28
sa mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng
tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa
unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinuman
ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila
ito.

Karagdagang Gawain

Para sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang makabubuo ng


sariling reflection pad. Dito itatala ng mag-aaral ang kaniyang mga
natutuhan sa bawat aralin. Gawing kaaya-aya at lapatan ng
pagkamalikhain ang refleftion pad.

Reflection Pad 1_________________________________________________


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________

Iba na talaga kapag taglay mo ang kakayahan


sa pagsasalita ng iba’t ibang wika. Masisiyahan
ka sa panonood ng mga Korean Nobela.

Mga Dapat Tandaan Sa Modyul na Ito


 Ang mitolohiya ng Persia at Africa ay binubuo ng iba’t ibang karakter na
mala-diyos at sumasalamin sa iba’t ibang kultura at paniniwala na nabuo
sa mga bayan na ito. Ang istilo at kultura ng literatura ng dalawang bansa
ay nakapag-ambag ng malaking pagbabago sa panitikan sa pamamagitan
ng paglalahad ng kanilang paniniwalang Sufism
 Ang kuwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung
saan ang madalas na tinatalakay na mga kuwento ay mga diyos at diyosa
at iba pang makapangyarihang nilalang
 Debating Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan,
maliban na lamang sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging
mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng
kanyang pagpapabulaan sa huli.

29
 Debating Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig
upang magsalita.
 Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang
isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita ng bumubuo rito.
(Santiago, 2003)

Aralin Lingguhang Pangwakas na


5 Gawain
Magandang Araw!
Ngayong huling araw ng linggo ay tatayahin natin ang iyong
Alamin
natutuhan sa buong Modyul na ito. Mula sa unang aralin hanggang
sa ikaapat na aralin na mga gawain, susubukin natin kung
masasagutan mo ang mga katanungan ayon sa ating mga
PANGWAKAS
kasanayang NA PAGTATAYA
pampagkatuto.

I- Pagkilala : Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Anong akdang pampanitikan ang kadalasang pumapaksa sa mga
supernatural na kapangyarihan?
A. Maikling Kuwento B. Mitolohiya
C. Anekdota D. Nobela

2. Ang sumusunod ay ang mga tema ng mitolohiya maliban sa:


A. Magpaliwanag sa natural na pangyayari
B. Pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. Pagsakripisyo dahil sa pag-ibig
D. Mga paniniwalang panrelihiyon

3. Ang sumusunod ay ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika maliban


sa;
A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
B. Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin
C. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
D. Sapat na kaalaman sa wikang Ingles

4. Ito ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas

30
na diwa at estilong nasa wikang isasalin.
A. Panlapi B. Gramatika C. Pakahulugan D. Pagsasaling-wika

5. Bakit higit na malawak ang lupaing nasasakupan ng Africa kung


ihahambing sa Persia?
A. Dahil ang Persia ay isang kontinente
B. Dahil ang Africa ay isang bansa
C. Dahil malawak ang disyerto sa Persia
D. Dahil ang Africa ay isang Kontinente

6. Sino ang kauna-unahang itim na pangulo sa South Africa na nagwakas ng


malaking diskriminasyon sa pagitan ng mga itim at puti?
A. Barac Obama B. Nelson Mandela
C. Mohammad Mosaddeq D. John Simpson

7. Hindi pwedeng magpakasal ang mga puti sa mga itim. Anong kalagayang
panlipunan ang mahihinuha dito?
A. Pagmamalupit B. Pagpapabaya
C. Diskriminasyon D. Pang-iinsulto

8. Bakit pinalitan ang Persia ng pangalang Iran?


A. Ito ang kanyang kahulugan sa wikang Persian
B. Palatandaan na nagwakas na ang kolonyalismo ng Britanya at Russia
C. Sumisimbolo sa sariling pagkakakilanlan ng Persia
D. Lahat ng nabanggit
9. Kung ang debate ay binubuo ng dalawang magkasalungat na panig na
naglalahad ng sariling paniniwala at paninindigan sa isang paksa, paano ito
naiiba sa balagtasan at fliptop?
A. Sa pamantayan ng paghahatol
B. Sa pamamagitan ng paglalahad ng opinyon
C. Sa paraan ng pagbigkas ng mga patotoo at rebuttal
D. Sa proseso ng labanan

10. Paano nagkakatulad ang mga mito mula sa iba’t ibang panig ng daigdig?
A. Sa pamamagitan ng pananalita ng isang lugar.
B. Pareho ang lugar na pinangyarihan
C. Nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan ang mga tauhan
D. Pareho ang katangiang taglay ng mga tauhaan.

11. Ano ang suliranin kinakaharap ng pangunahing tauhan ng akdang


“Maaaring
Lumipad ang Tao”?
A. Ang pagtago ng kanilang tunay na anyo
B. Ang pagmamalupit ng mga taong nasa kapangyarihan
C. Ang mabibigat na trabaho sa bukid
D. Ang pag-aalaga sa kanyang anak

12. Anong katangian ang ipinakita ng tauhan sa akdang mitolohiyang


“Maaaring Lumipad ang Tao”?

31
A. Matapang B. Mapagkumbaba C. Matulungin D. Malupit

13. Anong uri ng debate ang nagbibigay pagkakataon sa bawat kalahok na


magsasalita ng dalawang beses?
A. Oxford B. Cambridge C. Pormal D. Di-pormal

14. Bakit mahalagang may moderator o tagapamagitan sa isang debate?


A. May magbabantay sa haba ng oras ng magsasalita ang bawat isa.
B. Siya ang magbibigay hudyat na tapos na ang debate
C. Siya ang huhusga kung sino ang mahusay sa debate
D. Siya ang titiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at
igagalang ng bawat kalahok ang mga tuntunin ng debate.

15. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na


isaalang-alang?
A. muling isalin
B. magdagdag at magbawas ng salita
C. ihambing sa iba ang ginawang salin
D. rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

16. Ano ang pinakamahabang ilog sa buong mundo na matatagpuan sa Africa?


A. Chang Jiang River B. Mississippi Missouri-Red Rock
C. Amazon River D. Nile River
17. Saan matatagpuan ang pinakamainit at pinakamalawak na disyerto sa
mundo?
A. Sahara sa Northern Africa
B. Great Victoria Desrt sa Australia
C. Arabian Desert sa Arabia
D. Syrian Desert sa Syria
18. Anong Sistema ng pamahalaan ang umiiral kung saan inuuri ang tao
base sa kanyang kulay?
A. Dikratorial B. Totalitaryan C. Apartheid D. Islamic
19. Anong yamang mineral kilala ang Persia o Iran?
A. Ginto B. Aspalto C. Apog D. Petrolyo
20. Ano ang pangunahing wika na ginagamit ng mahigit 170 milyon na tao sa
Africa?
A. Ingles B. Tsawana C. Arabic D. Congo
Para sa blg. 21-25: Piliin ang pinakamalapit at tiyak na kahulugan ng
pangungusap.

32
21. Sleep tight.
A. Matulog nang mahigpit B. Matulog nang mahimbing
C. Matulog nang mabuti D. Matulog nang matagal
22. Fall in line.
A. Nabusog sa linya B. Mahulog sa linya
C. Hulog sa linya D. Pumila nang maayos
23. Sing softly
A. Umawit nang malambot B. Kumanta nang malambot
C. Umawit nang mahina D. Wala sa nabanggit
24. Eat properly
A. Kumain nang mabuti B. Kumain ng marami
C. Kumain nang maayos D. Pagbutihan ang pagkain
25. Take a bath
A. Maligo B. Kumuha ng paliguan
C. Kuhain ang banyo D. Kuha ng ligo
II -Pagsasaling-wika: Gamit ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika,
Hanapin sa Hanay B ang katumbas na salin ng salitang nasa Hanay A.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Flowering a. noun
2. Distance b. pamumulaklak
3. Bureau c. grammar
4. Balarila d. kawanihan
5. Pangngalan e. agwat

III – Paglalapat : Itala sa bawat hanay ang wastong sagot sa pagsusuri sa


kaisipang nakapaloob sa mitolohiyang tinalakay. (2pts. bawat sagot)
Mga Pagsusuri “Maaaring Lumipad ang Tao”
Tema 1.
Layunin 2.
Suliranin 3.
Kilos o gawi ng tauhan 4.

33
Mga Desisyon 5.
Makatotohanan 6.
Di-makatotohanan 7.

IV – Paghahambing: Subukin mo ngayong ikompara ang napapansin mong


pagkakaiba at pagkakatulad ng binasa mong mitolohiya ng Africa sa iba pang
mitolohiyang nabasa mo na batay sa mga elemento nito. Gawing gabay ang mga
nasa talahanayan sa ibaba. (10 puntos)

Maaaring Lumipad ang


Elemento (Pamagat ng Isa Pang
Tao
Mitolohiyang Nabasa Mo)
Pagkakaiba

Mga Tauhan Pagkakapareho

Pagkakaiba

Tagpuan
Pagkakapareho

Pagkakaiba

Paksa at Mensahe
Pagkakapareho

Pagkakaiba

Aral na Taglay

Pagkakapareho

34
Susi sa Pagwawasto

35
36
Sanggunian

Ambat, Vilma C. et.al. Panitikang Pandaigdig Filipino 10 modyul para sa mag-


aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.,2015

Marasigan, Emily V at Del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma 10.


Quezon City:Phoenix Publishing House, Inc.,2015

Link:https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Africa

https://m.youtube.com

https://brainly.ph/question/1042209

https://brainly.ph/question/465991

https://www.google.com/search?

37

You might also like